Consequences 008

1661 Words
Flint’s POV: “Nak bakit parang puyat na puyat ka riyan?” I snapped out of my trance and turned to look at mom who was looking at me worriedly. I gave her a smile and shook my head. “Pagod lang ‘to, ma. Don’t worry I’ll be fine.” I said and continued chopping the carrots. She sighed and made me look at her. “You’re not. Sabi ko naman sa iyo eh, magpahinga ka nalang sana. It’s your day off pa naman.” She said as she stared deep into my eyes, trying to read every emotion she can see. “It’s okay mama. And isa pa, hindi ako totally naka day off, ma. It’s just that my boss wanted to stay inside their home lang, pero kung maisipan niyang lumabas edi pupuntahan ko siya.” Paliwanag ko. It’s been what? 2 weeks since I started working for the Santos. It was actually easy compared to what I’ve had in mind. Madalang talaga siyang pumunta kung saan-saan unless kailangan or inutos ng boss niya. Madalas ay nasa sasakyan niya lang ako, nag-iintay kung anong oras siya mag-out. I never went inside their building, kaya hindi ko pa rin nam-meet ang boss niya. Malalaman ko nalang kasi na wala na siya sa building kapag tumawag siya. Nung una at makalawang beses niyang gawin iyon ay nab-bother ako, pero he explained naman na his boss has his own bodyguards, plus again, I can’t be seen with him. So I let that go. 2 weeks na rin akong nagtitiis sa pangap-peste ng kapatid niyang si Elias. Sa tuwing makikita ako nito ay kung ano-anong ginagawa niya just to start up a conversation between us. Minsan naman kapag wala itong magawa ay lowkey niya akong lalandiin hanggang sa sasawayin nanaman siya ng kaniyang kapatid. Kung hindi lang dahil sa mas matured na features ni Elias ay iisipin mong si Edrix ang mas matanda sa kanilang dalawa. Akmang magsasalita pa sana si mama pero nakarinig siya ng boses kaya lumabas muna siya sa kusina. Mabilis kong tinapos ang hinihiwa kong sahog at hinalo iyon sa niluluto kong cream soup. Nilagay ko iyon sa mahinang apoy at lumabas ng kusina para mag-asikaso ng costumers. “Hi po. May order na po ba kayo? Andito po yung list ng ulam namin. Take-out po ba or dito niyo po kakainin?” Sunod-sunod na tanong ko pagkalapit ko sa isa sa mga costumers. Tinuro ko ang listahan ng mga ulam nakapaskil sa itaas bago ibinalik ang tingin ko sakaniya. Kusang nangunot ang noo ko nang makilala kung sino iyon. “Ikaw? What are you doing here? Kung plano mo nanaman guluhin ang mama ko—“ “Chill, lady. I’m here to eat.” Baliwalang sagot nito bago ibinaling saakin ang kaniyang tingin. Siya nga yung lalaking andito nung nakaraan, yung kasama nung may bitbit na briefcase. Naka casual lang siya at malayong-malayo sa lalaking nakita ko nang nakaraan. Pero ang mukha niya, hindi nagbago. Kung makatingin ay para paring nanghuhusga, and his face is void of any emotions. “You’re here…to eat? That’s…it?” Dahan-dahang tanong ko. Tumango lang siya at saglit na tumingin sa menu bago tumingin muli saakin. “I think I’ll try your special giniling. And can I have some soup too?” Order niya. Saglit ko pa siyang tiningnan nang maigi bago dahan-dahang tumango. I gave him a cup and a pitcher before going inside the kitchen to get some soup. Mabilis ang naging kilos ko kaya wala pang 5 minutes ay kumakain na siya. “Who are you?” Hindi ko napigilang itanong. Napatigil siya sa pagnguya at saglit na tumingin sa gilid. Ginaya ko siya at nahagip ng mata ko si mama na busy makapag-usap sa isa rin sa aming mga costumers. “I should be asking you that.” I raised my eyebrow at him, confused. He wasn’t looking at me anymore. He’s focused on separating the meat from the other ingredients of the giniling. “Who are you?” “G*go ka ba?” Hindi napigilang bulalas ko. Mahina siyang natawa pero nanatiling focused sa ginagawa niya. “No offense, pero ikaw ang bagong salta rito. It’s not everyday we see you around here. So I should get the answer first. Kayo ang randomly nagpapakita rito, nanggugulo at nang-aabala.” “Well we don’t mean no harm. I apologize for what our men did, but they tried to interfere with us.” He explained. “Interfere? Malamang may plano kayong mang-kidnap eh!” Inis na saad ko at sinamaan siya ng tingin. Doon lang siya napatigil at nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang matalas kong tingin. “Kidnap? Oh, no. We would never, ever do that. While others might do it before you even realize.” He says. Lalong nangunot ang noo ko. “Curious? Ask you mother.” “Who are you?” Ulit ko sa tanong ko kanina. He sighed and leaned back to his chair while staring at me. He crossed his arms in fornt of chest before speaking. “Carlos. Carlos Gonzales.” He said his name with an accent. An accent I’m very familiar with. Spanish. “You Spanish?” I asked. He nodded and gave me a slight smile. “Yes. My papa’s side. Now, your turn. Who are you?” Tiningnan ko siya nang maigi bago sumagot. “Flint Haven.” Maikling sagot ko. Tumango-tango siya at nagpatuloy sa pagkain. “Haven. Isn’t that your mother’s maiden name?” He asked. Tumango lang ako at hindi nagsalita. He took my silence as an answer so he spoke again. “Where’s your father?” “Hindi ko alam. Sana nilamon na ng Bermuda triangle.” Seryosong sagot ko at muling tumingin kay mama. I watched her laugh and talk lively with her kumares. “Hindi ko nakilala tatay ko. Pero isa lang ang masasabi ko. I’m glad we’re out of his reach. I was young, but not young enough to not realize that my mother isn’t happy and safe ‘round him no more.” “What happened?” He asked. I looked at him and raised an eyebrow. Feeling close lang? “I don’t talk ‘bout my life with some stranger, Mr.” Seryosong sagot ko at tumayo. “Leave immediately once you’re done. Don’t show your face here, or come near my ma ever again.” With that I turned my back on him and walked inside the kitchen. Nadaanan ko si mama na ngumiti lang saakin at pinagpatuloy ang pakikipag-kwentuhan. Saktong pagpasok ko ng kusina ay nag-ring ang cellphone ko. “Yes, Edrix?” I said as soon as I hit the answer button. “I’m going out, I need to go somewhere. Are you free?” “You seriously asking me that?” Natatawang tanong ko. Nang hindi makarinig ng sagot sa kabilang linya ay tumikhim ako at muling nagsalita. “Be there in 20.” “Make it 10. Andiyan na sa labas ng karinderya niyo ang sundo mo.” Magtatanong pa sana ako kaso binabaan na niya ako ng tawag. ‘Eto may pagka-bastos din talaga eh.’ Sabi ko sa aking isip. Binitbit ko lang yung backpack ko kung saan nakalagay ang extra uniform ko pati na rin ang mangilan-ngilan kong gamit at lumabas. “Oh, aalis ka?” Tanong ni mama. She was about to give me some fare money but I declined. “Opo ma. Tumawag boss ko. Dito lang po kayo ah? Ibibilin kita kela Tio. Tawagan niyo agad ako kapag kailangan niyo ako.” Bilin ko at dere-deretsong lumabas. Lumingon pa ako sa dulong table at nakitang wala na ron si Carlos. Nakahinga naman ako nang maluwag doon dahil mukhang hindi naman siya nakita or nagpakita kay mama. “Hey, Langit! I don’t got all day!” Agad na nagpantig ang tenga ko nang marinig ang boses na ‘yon. Really? He’s my sundo? Well what the heck! “What the f*ck are you doing here? And how did you know I’m here?” Sunod-sunod na tanong ko habang naglalakad palapit sa kotse niya. Akmang bubuksan ko ang pintuan sa backseat pero tinulak niya iyon pasara at binuksan ang passenger seat. Tinaasan ko siya ng kilay pero tinaasan niya lang din ako. “I’m not your driver. Diyan ka sumakay.” Aniya at nginuso ang bakanteng upuan. I glared at him at marahas na bumuntong hininga bago sumakay. Sinara niya iyon at umikot para sumakay sa driver’s seat. “T*ng*na mo saan ako rito magbibihis? B*bo.” Yamot na bulong ko at sinamaan siya ng tingin nang ngumisi lang siya. “Edi riyan. I won’t look.” Tumatawang sagot niya at tinakpan ang gilid ng mukha niya gamit ang kaniyang palad. Gustong-gusto ko na siyang sapakin nung nakaraan pa pero baka masisante ako ng ama nila kapag nalamang may bangas ang panganay niya nang dahil sa bodyguard ng bunso nila. “P*tang*na mo talaga kahit kalian, Elias.” Gigil na saad ko. Binuksan ko ang bag ko at nilabas doon ang itim na longsleeves ko. “Isang lingon mo lang sinisiguro ko sayong hindi mo na magagalaw uli ang leeg mo.” “As if I’d see something.” Nang-aasar na sagot niya. Hindi ko nalang iyon pinansin at nilusot ang braso ko paloob sa manggas. Mabuti nalang at oversized ito kaya hindi ako nahirapang gumalaw kahit nasa loob ng tshirt ang parehong braso ko. Nang mabuksan na ang lahat ng butones ng longsleeves ko ay tuluyan ko nang tinanggal ang pang-itaas ko at agad na sinuot ang longsleeves. It was a good decision that I decided to wear a sports bra and a black sando underneath that shirt. Napalingon ako kay Elias nang marahas siyang nagbuga ng hininga at makailang ulit na lumunok. Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang alam ko na kung bakit. “I didn’t know you got curves, lady. What else are you hiding underneath?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD