TSL 5: Deposit

1509 Words
 "LOOK what you've done!" bulyaw niya. Napatingin na rin sa'min ang ibang mga customers. "Ang unfair mo naman, Pangga. Kasalanan ko ba kung magugulatin ka. Kalalaki mong tao ang nerbiyoso mo." Parang naging laser beam naman ang kanyang mga mata kaya napaatras ako. "s**t! You are really getting into my nerves!" Bulyaw niya na ikinasinghap ng mga tao sa paligid. "Talaga, Pangga? Sa nerves mo na?! Yeheks!!! Konting na lang, I will get into your heart!" Excited kong sagot. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya ah. Sa nerves na raw, eh. Bigla niya namang hinaklit ang aking braso kaya nagningning ang aking mga mata. Shet! Feeling ko naka-high voltage kaming dalawa. "Listen, woman." Madiing sabi niya at tinitigan ako sa mata. Napalunok ako. Ang bango ng hininga niya! Parang snow bear na kendi! "I don't want to see your face anymore, understood?" Napatango ako. Ang guwapo talaga ng asawa ko. Paano kaya siya ginawa ng mommy at daddy niya na naging ganito kaperpekto ang kanyang itsura? Mainam siguro kung itatanong ko sa mga future biyenan ko kung anong sikreto nila. Tama--- "Waaah! Pangga! Wait!" Hindi ko namalayang tumalikod na pala siya at tinahak ang exit ng coffee shop. "PANGGA!!!" malakas na sigaw ko at sinundan siya ngunit hindi ko na siya naabutan dahil mabilis itong sumakay sa kanyang sasakyan. "I don't want to see your face anymore, understood?" Bakit ngayon lang rumehistro sa utak ko ang kanyang sinabi? Crap! "Gold Reign Mijares!" Natigilan ako nang marinig ko ang buo kong pangalan. Si Tita Yvonne. "You have a lot of explaining to do." Patay. *** "TEKA, bakit puro Filipiniana dress ang kinukuha mo, Gold? Aanhin mo ba ang mga 'yan?" takang tanong ni Ate Nisyel. Isinama ko kasi muna siya rito sa mall para hindi siya mabored sa kahihintay kay Kuya na kasalukuyang may appointment sa Norweigan investor ng negosyo namin. "Kailangan ate eh, para pansinin na ako ni Pangga" sagot ko habang sinisipat ng tingin ang isang mint green na modern Filipiniana gown. "Sinong Pangga?" Natigilan naman ako nang nagtanong siya ulit. Naalala ko tuloy si Pangga. Nami-miss ko na siya. Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa kanyang condo. Hindi niya rin dala ang kanyang sasakyan. "Si Pangga... siya ang destiny ko." "Ano?!" di-makapaniwalang saad niya. "Oo ate. Wait lang ah, isusukat ko lang ang mga to." Pumasok ako sa fitting room para isukat ang nakuha kong green na gown. Sumunod naman si Ate Nisyel. Kailangan ko kasing dagdagan ang Filipiniana gown ko dahil ibinigay niya ito sa dating secretary ni Kuya Skeet. "What do you think ate?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bumili kaya tayo ng artificial na balat tsaka lagyan natin ng foam ang katawan mo" suhestyon niya na ikinakunot ng aking noo. "Bakit ate?" "Para Imelda Marcos talaga ang dating mo." Aniya. Napasimangot na lang ako. Ang tino niyang kausap, promise! "Ito kasi ang gusto ni Pangga eh, dalagang Pilipina daw." "Ang choosy naman pala ng destiny mo. Teka... hindi kaya reincarnation yun ni Marcos?!" I rolled my eyes. Kung hindi lang talaga buntis ang hipag kong 'to, ididribol ko siya dahil mukha siyang bola. "Ate naman, eh! Basta kailangan kong bumili ng iba't ibang Filipiniana dress," determinadong saad ko. Tumango naman siya at tinulungan ulit ako sa pagpili. Sa huli ay pitong Filipiniana dress ang binili ko. Bumili rin kami ng mga alahas para i-match sa mga binili kong damit. Binilhan ko na rin ng maternity dress si Ate Nisyel. "Ihahatid ko lang muna ang mga to sa sasakyan Ma'am, mauna na kayong kumain," ani kuya Nito. Bitbit nito ang aming mga pinamili. "Sige kuya, sa restaurant na lang kami maghihintay. Sabay na lang tayo kakain" paalam ko at hinawakan si Ate sa braso. Pumasok kami sa isang seafood restaurant. Maraming customer sa loob pagpasok namin. Masarap kasi ang luto nila dito. Spacious din sa loob at may fountain sa gitna. "Dito tayo ate." Umupo kami sa pang-apatang upuan at hinintay ang waiter na papalapit. Pagkatapos naming umorder at habang naghihintay ay pareho kaming tahimik na nagmamasid sa paligid. Nagulat ako nang bigla na lang tumayo ang hipag ko sa kanyang kinatatayuan na nakatiim-bagang. "Ate what's wrong?" Ngunit parang wala siyang naririnig. Diri-diretso siyang naglakad patungo sa isang puwesto at nagulat na lang ako nang makita si Kuya Skeet na nakikipagkamayan sa isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang anak ng investor namin. Mabilis kong sinundan si Ate Nisyel dahil parang manununtok. "Ate, sandali!" Ngunit huli na ako dahil naitulak na niya ang babae kaya natumba ito sa sahig. Patay! Gulat na napatingin si Kuya. Naningkit naman ang mga mata ni Ate at masamang-masamang nakatingin sa babae na nakalupagi sa sahig. "What's wrong with you?" Sigaw ng babae. "Huwag mo akong ma-english english! Nasa Pinas ka! Ang kapal ng pagmumukha mong hawakan ang asawa ko! Mukha ka namang tipaklong na nagkatawang tao!" Aniya. Pft! "What? What are you talking about?!" kunot-noong tanong ng babae na nakalupiga sa sahig. "Ah gusto mo ba english? Okay... I said you're face is too thick! You look like a snail... ah hindi pala... you look like a pig!" Hindi ko na napigilan ang pagbungisngis. Ang cute talaga ni ate magalit. Tiningnan ako nang masama ni Kuya kaya nanahimik ako. "Ate tama na." Hinawakan ko siya sa braso at pinatayo naman ni Kuya ang babae. "Kita mo na ang ipinagpalit ng kuya mo sa'kin? Ang panget panget. Mukha siyang biik!" "Ate, hindi siya babae ni kuya, anak yan ng business partner ni kuya na taga Norway," mahinahong wika ko. Bigla naman itong natigilan at napatutop ng bibig. Pft! "Pasensya na kuya. Ako na ang bahala kay ate." Nagpasalamat na lang ako na hindi na umangal si ate nang inakay ko siya palabas ng restaurant. Dumiretso na lang kami sa bahay nila kasama ang driver na si Kuya Nito. Hindi na rin kami nakakain dahil sa eskandalo. "Waah! Gold patay ako mamaya kay Dee! Hindi ko naman alam na yun pala ang ka-appointment niya eh!" ngawa nito pagdating sa bahay nila. "Ikaw kasi ate, eh. Sugod ka lang nang sugod. Haay..." Buti pa ako marunong maghanap ng timing para suyuin si Pangga. Nabuntong hininga ako at pareho kaming natigilang nang magring ang cellphone ko. "Yes, Dad?" "Kasama mo ba ang ate mo?" "Ah opo, opo. Kasama ko siya ngayon, andito sa bahay nila kuya." "Good. Samahan mo muna siya, your brother is trying to fix the mess she created. The investor backed out from the contract. Hindi ko nagustuhan ang nangyari." "What?! Okay, okay... relax, Dad. Sige po, ako nang bahala sa kanya." "Alright. Call your brother if anything comes up, Princess." "Okay, Dad. I love you. Bye..." "Si daddy Stan ba 'yon?"alalang tanong niya. "Oo, ate. Nalaman na nila agad ang nangyari. Galit na galit daw ang ka-business partner nila kuya nang malaman nito ang nangyari sa anak niya. Siguro nagsumbong kaagad ang babaeng yun, balak daw nilang magfile ng kaso laban sa'yo pero pinakiusapan ni kuya kaya ang nangyari eh-- nagback out sila sa kontrata. Sayang nga eh, ten million pa naman ang investment no'n sa kompanya." "E-eh... galit ba si Dee sa'kin?" "Hindi ko alam ate, eh. Hindi ka naman siguro matitiis ni kuya." Hayy... Minsan talaga nakakaasar 'tong kabaliwan ni ate pero hindi ko naman siya matitiis. *** SIMPLENG GOLD Filipiniana gown lang ang isinuot ko ngayon. Ang sabi ng spy na inupahan ko mula sa M&C Detective, nasa London daw si Pangga at ngayon ang kanyang balik. May driver din siyang sumundo sa kanya sa airport. Walang alam si Pangga na magkatabi lang ang unit namin. Masyado yata siyang busy kaya hindi niya nari-realize. Alam ko na rin ang code sa pinto niya. Lahat yata alam ko na sa kanya. Ako pa ba! Pumasok ako sa loob ng banyo niya. Siguradong dito siya didiretso pagdating niya. Tiningnan ko ang cellphone ko kung malapit na siya. Napangisi ako nang makumpirmang nasa parking lot na ng condominium ang kanyang sasakyan. Lalong lumapad ang ngiti ko nang makitang pumasok na siya ng unit. I want to surprise him para matanggal ang kanyang pagod. Natatakpan ng shower curtain ang puwesto ko kaya hindi niya agad ako nakita. Nanlaki ang eyeballs ko nang umupo siya sa toilet bowl. Hala! Magdedeposito yata siya! Tinakpan ko na lang ang aking ilong para hindi ko maamoy ang kanyang pinapasabog. Umalingawngaw sa loob ng banyo ang kanyang ingay. "Hmmmm." Nahihirapan yatang umire si Pangga. Ano ba kasing kinain niya sa biyahe? "Hmmmm." Tumutulo na ang butil-butil ng kanyang pawis nang tingnan ko siya. Hindi niya pa rin napapansin ang presensya ko. Sabagay. Paano niya ako mapapansin eh busy siya sa paglabas ng kanyang sama ng loob. Lalong lumakas ang kanyang ungol kaya hindi ko na rin napigilang mapaungol. Mas madali sigurong lumabas kung sasabayan ko siya. "Hmmm/Hmmmm," sabay naming ungol. Bigla naman siyang tumahimik kaya sumilip ako sa shower curtain. "Welcome back, Pangga!!!" Nakangiting bati ko at kumaway-kaway. Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang napatayo. "Ikaw?!!!" Woah! Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw niya. -GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD