"WHAT are you doing here?! And how the hell did you get here?" Lumilitid ang ugat nito sa leeg. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ako o aalis. "A-a-ah... Hehe... Pangga, maghugas ka muna bago ko sagutin ang tanong mo at paki-flush na rin muna ng bowl--" "Damn! You'll be the death of me!" Na-realized niya sigurong nakahubad kaya dali-dali siyang umupo muli sa bowl. Hindi siya magkandaugaga sa pagtakip ng kanyang sarili. Bakit pa niya tinatatakpan? Ilang beses ko na yatang nakita 'yan. "Get out!" Katakot! "Grabe ka naman, Pangga. Ayaw mo bang i-cheer kita? Tsaka, kanina pa kaya kita pinapanood--" "Aalis ka ba o sisipain kita palabas?! Hindi na ako natutuwa!" banta niya na may kasamang matalim na tingin. Sana pala hindi na lang muna ako nagpakita. "Ito naman. Bakit ang init ng ulo mo s