"MISS, KUKUNIN ko'to lahat. Paki-assist naman ako sa counter. Thank you," wika ko sa saleslady. Dalawang dosena ang pinili kong Filipiniana gown na iba't ibang disenyo at kulay.
"This way, Ma'am, please..." Tumango ako at sinundan ang saleslady sa counter para makapagbayad.
Pansin kong nagkakatinginan ang cashier at ang isa pang saleslady na parang natatawa at nagbubulungan kaya pareho ko silang tiningnan nang masama.
Mga tsismosang butiki!
"Ikaw!" duro ko sa saleslady. "At ikaw!" duro ko sa cashier." Gusto n'yo bang dukutin ko ang mga eyeballs n'yo at ibenta sa kanto? Ano?!"
Pareho naman silang natahimik at itinuon ang atensyon sa trabaho. Hay naku! Ang dami talaga ng pakialamera sa mundo! Paki ba nila sa trip ko sa buhay?!
"C-cash po ba kayo, Ma'am?" ani ng cashier. Takot din pala. Kung makatingin kanina akala mo kung sino. Porke ba bumibili ako ng Filipiniana, old-fashioned na ako?
"No."
"C-credit card po?" aniya ulit.
"No."
"A-a-ah...E-e-eh..." I smirked when she stuttered. Ibinagsak ko ang isang debit card sa kanyang harapan.
"Marunong na ako ng vowels, Miss. Hindi mo na ako kailangang turuan." Ngumiti ako. Napayuko naman siya. Loser.
Simple lang naman ang buhay, eh. Mayaman ka man o mahirap, panget ka man o maganda, pandak ka man o matangkad, shunga ka man o tanga, pare-pareho tayong lahat na humihinga. Pareho tayong lahat na kumakain ng kanin at umiinom ng tubig. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ang dami pa ring mahilig mangialam ng trip ng iba. Akala ko ba democratic country ang Pilipinas. This is what I want! Inaano ko ba sila?!
Isang irap muna ang ibinigay ko sa kanila bago lumabas ng mall. Kung gugustuhin ko lang ay puwede ko silang sisantihin. Hindi yata sila informed na anak ako ng may-ari ng mall na 'yon. Sabagay, hindi nga naman ako mahilig ipangalandakan sa iba na anak-mayaman ako. Mommy always remind me to stay simple and humble.
Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang dalawa kong kamay. Bakit ko ba ini-istress ang sarili ko sa kanila? Tsk!
Nag-taxi lang ako pabalik ng condo. Wala kasi akong sariling sasakyan dahil hindi naman ako marunong magdrive. Ilang beses na nga ako nag-enroll sa driving lessons pero hindi ko talaga makuha. Ang sabi naman ni daddy mabuti nga na hindi ako marunong magdrive para ligtas ako. Baka daw kasi maaksidente pa ako. Tss.
Isang silk na gray Filipiniana dress ang pinili kong isinuot. May kasama rin itong shawl na ipinatong ko sa aking balikat. Ipinusod ko na parang ensaymada ang aking buhok para magmukha akong pormal sa paningin ni pangga.
Bakit ba hindi ko agad naisip na probinsyano pala si pangga? Obviously, kakaiba ang taste niya sa mga babae. Kahit ilang linggo ko palang siya nakilala, I can feel the spark. Ramdam na ramdam ko na siya na talaga. Ang sabi kasi ni daddy bumilis ang t***k ng puso niya noong una niyang makita si mommy. Hindi naman ako istupida pagdating sa pag-ibig, 'no. Nasaksihan ko kung gaano kabaliw si daddy kay mommy at ganoon din si kuya Skeet kay ate Nisyel.
Nasa lahi na yata naming mga Mijares ang pagiging baliw sa pag-ibig. At gagawin ko ang lahat para magkatuluyan kami ni pangga.
Muli kong tiningnan sa salamin ang aking repleksyon at nang makontento na ako ay kinuha ko ang pamaypay na abuhin din ang kulay at may burda. Perfect! Mukha na talaga akong Maria Clara. Tingnan lang natin kung hindi malalaglag ang panga ni Pangga pag makita niya ako!
Sumulyap muna ako sa monitor ng CCTV camera sa unit ni Pangga. Natigilan ako nang makitang naliligo siya.
I admit noong una ay naiilang ako pero nang muli ko siyang nakita kahapon ay parang biglang nawala ang awkward feeling. Gano'n talaga siguro pag may nararamdaman ka sa isang tao. Kaya mo siyang tingnan na hindi ka maiilang. Iyon bang tanggap na tanggap mo ang lahat-lahat sa kanya pati ang pisikal niyang anyo.
Hinintay ko munang matapos ang kanyang pagligo bago ko naisipang lumabas sa sariling unit at kumatok sa kanya. Pagkatapos ng limang katok ay bumukas ang pinto at siyempre nakahanda na agad ako sa ibubungad ko sa kanya. Mukhang aalis na siya.
"Good morning, Pangga!" Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad at namaypay.
"What the-!" Nanlaki ang kanyang magagandang mga mata at sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ano? Nagustuhan mo ba ang ayos ko, Pangga?" tanong ko. Namewang ito at napahilamos ng kanyang mukha.
"Stop calling me pangga, will you?! What do you want, woman?!" Madiing tanong nito. Hindi niya ba nagustuhan?
"Ang sungit mo naman, Pangga. Hindi mo man lang ba ako papapasukin muna?"
"Look, Miss... You are wasting my time. Marami pa akong gagawin at ayaw kong magahol ang oras ko nang dahil lang sa'yo. What.do.you.want?" Aniya.
"Aakyat ng ligaw. Hindi ba obvious, Pangga?"
"WHAT?" gulat na saad nito.
"Hay... Alam mo, Pangga, dapat marunong ka ring magbigay ng oras sa love life mo. Huwag puro trabaho. Ikaw rin, tatanda ka na hindi na-enjoy ang lahat ng biyaya sa atin. Gusto mo bang magpagulong-gulong ng drum sa langit?"
Namula ang kanyang mukha at tiningnan ako ng masama.
"What are you talking about?"
"Ay! Hindi mo ba alam ang kasabihang iyon, Pangga? Kaya raw kumukulog sa tuwing umuulan ay dahil lahat daw ng mga namatay na matandang binata at dalaga ay nagpapagulong ng drum."
"Argh!" Tiningan niya ako na parang hindi makapaniwala.
"I'm not interested with you, Miss. Kaya puwede ba, umalis ka na?" nagtitimping untag nito. Grabe! Hindi raw siya interesado sa'kin? Seriously?!
"Ang sakit mo namang magsalita, Pangga. Pero carry lang. Alam kong may gusto ka rin sa'kin, hindi mo pa lang nari-realize."
"Hindi ka ba talaga titigil?" aniya.
"Giving up is never an option, Pangga. Hindi kita susukuan kahit alam kong tanga ka. Tanga sa pag-ibig kasi fifteen days na tayong magkakilala pero hindi mo pa rin alam na may gusto ka sa'kin." Nakangiting sagot ko. Lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha at parang gusto na akong suntukin at ipatapon sa Jupiter.
"Kung ako sa'yo aalis ka na ngayon bago pa magdilim ang paningin ko. Takas ka ba sa mental, ha? Stop pissing me off! Aakyat ka ng ligaw? Seriously?! I don't even know you! Umalis ka na!" nanggagalaiting saad nito at isinarado ang pinto.
"Pakipot ka talaga kahit kailan! Tse! Anong gusto mo haharanahin pa kita?" sigaw ko kahit hindi na niya ako naririnig. Akala niya aalis ako rito? Never!
Baka nga gusto niyang haranahin ko pa siya?
Napangisi ako. Buti na lang palagi kong dinadala ang gitara ko. Pumasok muna ako sa unit ko at kinuha ito. Nagdala din ako ng stool para may maupuan ako.
Ipapakita ko sa kanya ang Maria Clara na nanghaharana! Sinimulan kong tugtugin ang latest na kantang Roses.
Kailan kaya mari-realize ni Pangga na mahal niya ako?
Kailan niya kaya ako sasagutin?
Nakahanda akong suyuin siya sa kahit anong paraan na alam at kaya ko.
Iniisip ko na lang na nakasalalay ang future namin ni Pangga rito. Hindi puwedeng hayaan na lamang siyang makawala. Bakit ba kasi ang slow niya?
"Didn't I tell you to leave me alone?!"
Bigla akong napatayo sa sobrang lakas ng bulyaw ni Pangga. Bumukas pala ulit ang pinto nang hindi ko namamalayan.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka makipag-date sa'kin! Bleh!" Bumelat ako at niyakap ang gitara ko.
"Get lost!"
Pabalang nitong isinara ang pinto at umalis.
Akala niya yata makakatakas siya sa'kin. Mabuti na lang pinalagyan ko ng tracking device ang kanyang sasakyan kaya malalaman ko ang lahat ng pupuntahan niya.
Nakita kong pumasok siya sa coffee shop na pagmamay-ari ng kaibigan ni daddy na si Tito Caleb kaya mabilis ko siyang sinundan pero dumiretso ako sa kitchen instead sa puwesto niya.
"Anak? Napadalaw ka, at teka... Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Tita Yvonne pagkapasok ko. Good thing, nandito siya. Siya ang asawa ni Tito Caleb.
"Tita, mamaya na ako mag-i-explain. Kailangan ko ng uniform ng waitress ngayon na."
"Ha? Bakit?-"
"Tita, please? Mamaya na, promise!" Itinaas ko ang aking kanang kamay at nagpuppy eyes. Napabuntong hininga naman siya. Tita Yvonne is my Mom's bestfriend at close na close din kami.
"Okay. Kumuha ka do'n sa office." Aniya. Mabilis naman akong dumiretso sa office at nagbihis saka lumabas.
"Sa table 11 ba 'yan? Ako na!" nakangiting wika ko sa waiter. Kilala na rin ako ng karamihan sa kanila kasi palagi kong dinadalaw si Tita Yvonne dito.
"Sigurado po kayo, Ma'am Gold?" nag-aalangang tanong nito.
"Oo naman. Trust me. Boyfriend ko kasi ang customer na 'yan at gusto ko siyang sorpresahin." Nagulat naman ito at pagkuwa'y ngumiti.
"Kaya pala. Sige po."
Abot tenga ang ngisi ko habang inaabot ang order ni Pangga na coffee breve. Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang table. Mukhang may appointment siyang hinihintay. Bahagya siyang nakayuko at parang may binabasang papeles sa isang brown na folder.
Hindi muna ako nagsalita at ipinatong ko sa mesa ang kanyang kape.
"Thank you." Aniya at kinuha ito saka dire-diretsong uminom bago nag-angat ng tingin.
"Hi, Pangga!" bati ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Nanlaki ang kanyang mga mata at naibuga ang mainit na kape. Kasunod no'n ay pagdagundong ng kanyang boses.
"Damn! Ikaw na naman?!"
-GREATFAIRY