Chapter 6

1204 Words
Chapter 6 "Goodmorning Anak. Kamusta ang tulog mo? Okay naman ba? Wala naman bang nang gulo ng kung ano sayo? Nasaan si Emily? Hindi paba gising ‘yun?" Sunod-sunod na tanong ni Teressa sa anak niyang si Erika. "Gisingin mo na anak ang kapatid mo at baka ma-late kayo sa school." Utos ni George sa anak niya. "Opo, Papa." Walang ganang sagot ni Erika. Kagigising lang kasi niya kaya medyo matamlay pa siya. Pag-akyat ni Erika sa taas ng bahay nila ay agad itong tumungo sa kwarto ng kapatid niya. Pag kapasok na pagkapasok niya sa kwarto ni Emily ay nagulat nalang siya sa inaasta ng kapatid niya. Tulog ito pero pumapalag palag ito habang nakahawak sa sarili niyang leeg na tila sinasakal niya ang sarili niya. "Tulungan nyo ako!" Sigaw ni Emily habang natutulog. Agad-agad na lumapit si Erika kay emily at agad niyang iyong ginising. "Emily! Gumising ka,binabangungot ka..." Sinampal niya ang kapatid upang magising ito. Pag kamulat na pag kamulat ni Emily ay napaluha ito at biglang yumakap sa kapatid niya. Pag baba ng dalawang mag kapatid sa baba ay agad namang kinuwento ni Emily ang kanyang napanaginipan. "Nakapatong saakin yung lalaki na tila ba ginagahasa ako. Tapos may bigla siyang nilabas na kampit at ginilitan niya ako sa leeg. Buti nalang at agad akong nagising ni Ate Erika. Takot na takot ako. Kala ko nga totoong nangyayari na eh. Kaya naman ng makita ko si Ate erika kanina ay napaluha at napayakap na ako sa kanya.” "Huwag kang mag alala anak, panaginip lang ‘yun." Sambit ni Teressa sa anak niya. "Oh, sige kumain na kayo at baka ma-late pa kayo sa school nyo." Duktong pa niyang sabi sabay hain ng niluto niyang sinangag sa mga plato ng anak niya. Habang kumakain ang lahat ay bigla nalang napatitig si George sa dalawa niyang anak. "S-sorry sa nangyari kahapon mga anak. Hindi ko sinasadyang masigawan ko kayo. Masakit lang ulo ko nun kaya nagawa ko yun. Pasensya na kayo." "Okay lang po papa." Sagot ni Erika. Tumayo pa ito at yumakap sa kanyang ama. Gumaya narin si Emily sa Ate niya kaya naman napangiti nalang si George. "Mauna na akong maligo, Emily." Sigaw ni Erika. "Oh sige, Ate." Sigaw ding sagot ni Emily. Nasa taas kasi siya. Binuksan na ni Erika ang shower sa loob ng banyo nila. Kinikilig kilig pa ito habang unti-unti siyang nababasa. Malamig rin kasi yung tubig dahil umaga palang kaya naman halos napapatalon na si Erika sa sobrang ginaw. Maya-maya ay napatili nalang si Erika ng unting-unting maging dugo ang mga tubig na lumalabas sa shower. "AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Napasigaw siya at naupo sa banyo. Tinakpan nalang ni Erika ang mukha niya at napapigit sa sobrang takot. "ANAK?!! ANAK?! ANONG NANGYAYARI SAYO DIYAN?! BUKSAN MO ANG PINTO!" Sigaw ni George sa labas. "Anak, bakit? Anong nangyayari sayo diyan? Buksan mo ito?!!" Sambit din ni Teressa habang todo siya sa pag kalampag sa pinto ng banyo. Pag bukas ng mata ni Erika. Nagulat nalang siya ng biglang mawala ang mga dugo at muling naging tubig ang lumalabas sa shower. Pagtayo niya ay bigla nalang siyang nakaramdam na tila ba pinaghihiwalay yung katawan niya at kaluluwa. Kaya naman, unting-unti nang nawalan ng malay si Erika sa loob ng banyo nila. "Anak, Okay ka paba diyan? Sumagot ka!" Nag aalalang sabi ni Teressa. "Ate Sumagot ka! Papa, Mama, Puwersahin nalang kaya natin buksan yung pinto. Ayaw sumagot ni ate eh! Baka nahimatay na’yun!" halos nagpapanic nadin si emily sa kalagayan ng kapatid niya. Maya-maya ay bigla ng bumukas ang pinto. Seryosong mukha ang pinakita ni Erika na tila bay walang nangyari. "Anak? Okay kalang?" Bungad na tanong ni Teressa sa anak niya. "I'm okay! Bakit ba kayo nandiyan sa daanan? Padaan nga at baka ma-late ako sa pupuntahan ko." "Anak bakit tila parang walang nangyari at okay na okay kana? Ano bang nangyari kanina sa loob at nag titili ka?" Tanong ni teressa habang nakasunod siya sa anak niyang si Erika. "Wala. Nakakita lang ako ng ipis kaya napatili ako. Ano okay na ba!? Ang daming tanong nakakairita!" "Hindi ko gusto yang pananalita mo sa Mama mo Erika!" Galit na sabi ni George sa anak niya. "Ano bang nangyayari sa’yo Ate at nag ka ganyan ka?" Sambit ni Emily. Nagtataka kasi ito sa inaasta ng kapatid niya. Hindi nalang pinansin ni Erika ang mga sinasabi ng pamilya niya. tumuloy nalang ito kaagad sa kwarto niya at nag bihis. Habang nakagayak na si Emily at inaantay nalang si Erika sa pag baba ay hindi nila maiwasan na pag usapan ang kaninang inasta ni Erika kay teressa. "Bakit ganun ‘yang anak mo? Kelan pa siya natuto na sumagot nang ganun sayo teressa?" Inis na tanong ni George sa asawa niya. "N-ngayon lang. Ewan ko ba, nagulat nga din ako eh!" "Baka naman may tampo si Ate kay Mama." Sambit ni Emily habang todo siya sa pag suklay ng buhok. "Tampo? Bakit naman siya mag tatampo saakin eh, binibigay ko naman kung ano ang hilingin niya." "Eh bakit ganun ‘yun? Bakit kung makasagot sayo kanina yun ay parang wala siyang galang sayo at tinataasan kapa ng boses?" Mayamaya ay bumaba narin si Erika. "Oh, bakit hindi ka naka uniform?" Tanong ni Teressa kay Erika. "Hindi ako papasok ngayon. May mahalaga akong pupuntahan." Walang gana niyang sagot kay teressa. "Wala kabang balak mangupo sa mama mo? Ano bang problema mo at nag kakaganyan ka!?" tumayo na si George at hinarap ang anak niya. "Pwede ba! Wala akong ganang makipag-usap sa mga lalaki." Nakailing na sabi ni Erika. "Aba! Sumosobra ka na ah!" Sinampal ni George ang anak niya kaya naman napatumba ito sa sahig. "George!" Pang-aawat ni teressa. Bigla naman lumapit si Emily sa kapatid niya at saka niya ito tinayo. "Ate Bakit kaba nag kakaganyan?" "Hindi dapat natin pinag kakatiwalaan ang mga lalaki. Mga lalaking mga salot! Yang mga lalaking yan ang papatay saatin kaya mag ingat tayo!" Sambit ni Erika at bigla-bigla na itong nag tatakbo papunta sa labas. "Ano ba yung pinag sasasabi ng anak mo teressa? Nababaliw naba yun!?" Sobra na ang pag ka inis ni George sa anak niya. "Siguro dapat natin siyang kausapin at Baka may tinatago yung sama ng loob saatin. Mabuti pa Emily, pumasok ka na at baka ma-late kapa. Hayaan na muna natin ang Ate mo." "Okay po. Sige mauna napo ako." "Ingat ka anak," Parehas na sambit ni george at teressa sa anak niya. Pag labas ni Emily sa bahay nila ay napansin nalang niya bigla na kalahati sa mga pulang bulaklak ay naging kulay violet. "Ang gara talaga ng mga bulaklak dito sa garden na ito." bulong niyang sabi at saka niya pinag hahawakan yung mga bulaklak. "Psst!" "Psst!" "Psst!" Napalingon kung saan si Emily sa nadinig niyang bumabaswit sa kanya. "Sino ka? Mag pakita ka." Sambit niya habang todo parin sa pag hanap sa bumabaswit. "Pssst!" "Psst!" "Psst!" "Asan kaba? Pinagtitripan mo ba ako?" Asar na sabi ni Emily. "Andito ako sa taas ng bahay nyo." Malamig yung boses at parang may echo na nakakatakot pakinggan. Lumingon si Emily sa may bintana sa taas ng bahay nila at doon, bigla nalang siyang napaupo sa nakita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD