Chapter 7
"Saan naman kaya pupunta yung anak mong ‘yun?"
"George, napapansin mo ba yung napansin ko kanina?"
"Ang alin?"
"Yung paglalakad at pag kilos ni Erika. Hindi siya ‘yun. Hindi natin anak ‘yung nakausap natin kanina."
"Teressa naman! Babalik na naman ba tayo sa mga kwentong katatakutan na yan?"
"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"
"Ano ‘yun? Si Emily ‘yun ah!"
Agad na tumakbo papalabas sina George at Teressa.
Nakita nilang nakaupo sa lupaan si Emily na takot na takot na nakatingin sa taas ng bahay nila.
"Anak, bakit?" Tanong ni Teressa.
"M-ma! Tumingin ka sa t-taas." Nakaturong sabi ni Emily.
Tumingin na kapwa ang mag asawa sa tinuturo ni Emily.
Nagkatingin nalang si Teressa at George na tila litong lito sa sinasabi ng anak niya.
"Ano yun? W-wala naman kaming nakikitang kakaiba ah?" Gulong gulong tanong ni Teressa sa anak niya.
Bigla-bigla nalang nag tatakbo si Emily papalabas ng gate nila at dun aksidenteng nadunggol ito ng tricycle.
~splaaaaassssssssssshhddgrgg...~
"ANAK??!!!!!!!!!!"
"Mabuti nalang at galos lang ang natamo mo Emily."
"Pero Mama at Papa, maniwala po kayo, may isang babae akong nakita kanina sa may taas ng bintana natin. Mahaba ang buhok niya at punong puno ng dugo ang katawan niya. Pag kakaalam ko pa nga'y meron siyang las-las sa leeg niya."
"Anak namamalik-mata kalang! Wala ng multo sa bahay natin dahil binindisyunan nayun ni father." Sambit ni George.
"Bakit ba ayaw nyong maniwala!? Mag papasagasa ba ako sa tricycle kung nag sisinungaling ako? Baliw ba akong magtatatakbo nalang ng walang dahilan? Papa, pakinggan mo naman kami kung minsan. Mag kakasakit kami sa puso kapag tinuloy mo pa yang pag bibingi-bingihan mo saamin."
"George, sa tingin ko tama ang anak mo. Hindi nga siguro sapat ang bendisyon na ginawa ni Father. Isa pa, nag aalala din ako kay Erika. Alam kong hindi siya yung kumokontrol sa katawan niya. Sinasapian siya kaya ganun ang galaw at pananalita niya sa atin kanina. Kailangan natin siyang mahanap kaagad at baka kung ano na ang mangyari sa kanya."
"Bahala kayo! Basta ako, hindi ako naniniwala sa mga multo-multo na yan," Walang ganang sabi ni George.
Dahil galos lang ang natamo ni Emily ay agad din siyang inuwi sa bahay.
Papasok na sana sila sa kanilang bahay ng may biglang may lumapit sa kanila na isang ale.
"Hello? K-kayo ba ang mga bagong lipat dito? Tanong nung ale sa kanila.
"Oho, Bakit po?" Sagot ni Teressa.
"Naku! Nais ko lang kayong paalalahan na mag iingat kayo. May isa kasi ulit na namatay dun sa may kanto. Lalaki, may hiwa ang leeg. Hindi nga alam kung sino at ano ang pumapatay. Delikado na tuloy mag lakad-lakad sa street nato lalo na kung gabi. Kaya naman ang paalala ko sainyo ay sa gabi ay palagi nyong ikakandado yang Pintuaan nyo para hindi kayo mabiktima." Kwento nung Ale.
"N-ngayon lang po ba nangyayari itong mga patayan nayan sa street na ito?" Tanong ni George.
"Oo, ngayon lang nangyari ito dito. Nauna si Dan na namatay nung nakaraang araw lang. Tapos ngayon katanghalian nama'y si Cocoy naman," sagot nung ale.
"Teka, parang mga kilala ko yung mga binanggit mong mga pangalan. Dan Correa at Cocoy sarmiento ba ang mga tunay nilang mga pangalan?" Tanong ni George.
"Ay Oo, sila nga ‘yun. Kilala mo pala sila. " sambit nung ale.
"Jusko. sila yung mga namatay? Mga kumpare ko yun ah! Teka ale, Wala paba silang alam kung sino gumawa nun sa kanila." Tanong ulit ni George.
"Wala eh, kasi mahilig mag sugal yung mga ‘yun. Baka may mga utang na hindi nababayaran kaya pinatay sila. Ikaw, kumpari mo pala sila. Mag ingat ka at baka mapahamak karin."
"Naku ale wag naman hu kayong manakot. Sige po, pasok na po kami. Salamat nalang po sa balita n’yo."
"Oh sige. tutuloy narin ako." Sagot nung ale.
"Oh, Wala na naman yung mga violet na Rosas. Puro red na ulit ang nandito." Sambit ni Emily.
"Alam mo anak, napansin ko rin ‘yan. Nakita ko narin noon yan, na naging violet nga yung mga pulang rosas na yan."
"Umaandar na naman kayo sa mga kahibangan nyo." Sambit bigla ni George.
Pag kapasok na pagkapasok nila sa loob. Ay Isang walang malay na Erika na punong-puno ng dugo ang unang bumungad sa kanila.
"Jusko po, Erika?!!" Agad-agad na nilapitan ni Teressa ang anak niya at inihiga niya ‘yun sa binti niya.
"Ano ‘yan? Bakit puro dugo ka naman siya?" Nandidiring sabi ni Emily sa kapatid niya.
"Ano ba itong nangyayari sainyo? Puro kababalaghan nayang nangyayari! Nagpapadala kasi kayo sa takot kaya palagi kayong napag kakatuwaan ng mga lamang lupa nayan!" Sambit ni George.
Maya-maya ay biglang lumutang yung flower vase na nakalagay sa maliit na table at tumungo iyun sa ulunan ni George at saka iyun bumagsak.
Nabasag yun sa ulo ni George kaya naman nawalan ito ng malay.
"GEORGEEEEEE!!!!!!!!!!!"
"PAPAAAAAA!!!!"
Ibinaba samandali ni Teressa sa lapag si Erika at saka siya lumapit sa walang malay niyang asawa.
"George?! Asawa ko! Gumising ka!" Tapik-tapik niya ang asawa niya. duguan na din ang ulo ni George kaya naman nag papanic na siya.
"Mama. Paano nangyari ‘yun? Paanong lumutang yung vase na’yun? Nakakatakot! Ayoko na dito!" Nangangatog na sabi ni Emily.
Mayamaya ay biglang tumayo si Erika at bigla-bigla siyang lumutang pataas.
Biglang humangin ng malakas sa loob ng bahay nila na tila bumabagyo.
"Panginoon ko, tulungan n’yo po kami." Sigaw ni Teressa. Nakakapit lang si Emily kay Teressa dahil sa sobrang takot.
Nag pakita na ng mukha si Erika. Nag iba bigla ang itsura ng kanyang mukha. Walang puti ang mata nito at puro itim lang. Ang mga ngipin naman nito'y kulay uling sa sobrang kaitiman at ang leeg naman niya'y may hiwang malaki na tila ba'y winak-wak ng kutsilyo.
"INIISA-ISA KO NA SILA. HUMANDA SILA! HINDING HINDI MATATAHIMIK ANG AMING KALULUWA HANGGA'T HINDI KAMI NAKAKAGANTI!" Sabi ni Erika na tila ba'y dimonyo ang boses nito.
"Jusko! Anak ko! Anong nangyari sayo?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Teressa.
"Bakit nag kaganyan ang itsura ni Ate? Nakakatakot! Mama umalis na tayo dito!" Takot na takot na sabi ni Emily na para bang gustong gusto na niyang tumakbo papalabas ng bahay.
Naramdaman nalang ni Emily na tila may mainit na tubig na umagos sa kinauupuan niya sa may sahig.
Naihi na pala sa takot ang nanay niyang si Teressa.
"SINO KA? BAKIT MO KAMI GINUGULO?" Nag lakas loob na si Emily na kausapin ang kapatid niyang si Erika.
Hindi sumagot si Erika at lumutang lang ito papunta sa may kusina.
Sinundan lang ito nina Teressa at Emily. Lalong Patindi na ng patindi ang lakas ng hangin kaya naman halos mag si liparan na lahat ng gamit nila Teressa.
"Saan mo dadalin ang katawan ng anak ko?!" Sigaw ni TEressa.
Biglang umangat ang isang malaking kahoy sa may lapag ng kusina at dun bigla nalang bumagsak ang katawan ni Erika.
"Ate?!!!"
"Anak?!!"
Hindi na nakasagot si Erika at mayamaya pa'y bigla na itong lumagapak sa sahig ng basement at doon nawala narin siya ng malay-tao. Kasabay nun ay nawala narin ang malakas na hangin.
Bigla-bigla namang nalag-lag si emily sa may basement na tila ba'y may tumulak sa kanya.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!............"
"EMILY??!!!!!!!!!!"
Tumilapon ng malakas si Teressa papunta sa asawa niyang walang malay-tao.
Bigla bigla nalang sumara yung daanan ng basement kung saan nalaglag ang dalawang mag kapatid, Kaya naman halos tila mabaliw na si Teressa sa mga nangyayaring kababalaghan sa bahay na’yun at sa kanyang pamilya. Halos humagulgol nalang sa pag iyak si Teressa dahil hindi niya alam kung sino ang uunahin niyang iligtas.