Chapter 5

1813 Words
Hindi makaalis sa bahay na’yun si George dahil malaking pera ang nilabas nito para mabili lang ang bahay na’yun. "Pero Teressa, malaki na ang pinundar ko sa bahay na’to. Hindi na tayo pwedeng lumipat pa dahil wala na akong pera na mailalabas pa." "So, ano? Hihintayin mo nalang ba na mag kasakit ako sa puso dito sa bahay naito bago tayo umalis? George, natatakot na ako. Parang awa mo na umalis na tayo dito." Hinagkan ni George ang asawa niya. Halata kasi kay Teressa ang pagkatakot dahil hanggang ngayon ay nangangatog parin ito. "Mag iisip ako ng paraan. Kung may multo man dito, tatawag tayo ng isang taong magpapaalis sa kanila." Bumaklas sa pag kakayakap si Teressa. "Tama yang naisip mo George!" Nakangiting sambit ni Teressa sa asawa niya. "Hi! Ma, Hi! pa,” Bati ni Erika. “Oh! Bakit tila may masamang nangyari?" Sambit naman ni Emily sa mga magulang nito. "Oo nga! B-Bakit ka umiiyak Mama?" Tanong ni Erika. "Wala. Hindi nyo na dapat pang malaman at baka kung ano pa ang isipin nyo." Sagot ni George sa mga anak niya. "P-pero dapat lang na malaman nila at baka mapahamak pa sila. Pero teka, Emily? Totoo bang may nakita kang dalawang babae na kadungaw sa bintana nung unang lipat natin dito?" "B-bakit nyo po yan tinatanong ma?" Biglang nag iba ang mukha ni Emily na tila ba natatakot na. "Sumagot ka anak. Totoo bang may nakita ka?" Pang uulit na tanong ni Teressa. "Opo. Totoo po. Pero bakit nyo pa po inuungkat? Di’ba sabi nyo namamalik mata lang ako. Bakit nyo po natanong?" "Oo nga po Ma. May masama po bang nangyari? May nagpakita ba or nanakot sainyo dito?" Tanong naman ni Erika. "Oo," maikling sagot ni Teressa. Kapwang nag si lakihan ang mata nila Erika at Emily. "Hala! Natatakot na ako!" "A-ako din. Sainyo po kami tatabing matulog mamaya. Ayokong mag isang matulog sa kwarto ko. Natatakot po ako!." Nakangiwing sambit ni Emily. "A-ako din. Ayokong matulog mag isa." "Tumigil na kayo! Hindi kayo dapat matakot kung may multo man dito. Bukas na bukas, tatawag tayo ng mag papataboy sa kanila kaya wag na kayong mag alala. Pag sapit ng gabi ay mag kakatabi ng natulog ang pamilya ni George sa kwarto nila ni Teressa. Malaki naman ang kama nila kaya naman kasyang kasya sila doon. "Wag kalimutang mag dasal bago matulog," sambit ni Teressa sa mga anak niya. "Opo Ma." Kapwang sagot ng magkapatid na emily at erika. *12pm ng gabi* "Erikaaa...? Erikaa..? Erika..?" Nagising bigla si Erika na madinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan. Malamig ang boses na’yun at parang may echo na galing sa ilalim ng lupa. Tumayo bigla si Erika. Tinignan niya ang buong paligid pero ala namang tao. Tinignan din niya sina Emily, George at Teressa pero tulog din ang mga ito. Kinaumagahan, bumangon si teressa para umuhi. Ngunit pagtiingin niya sa isa niyang anak ay napasigaw nalang ito bigla. "AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!" Biglang nagising si George, Emily at Erika sa lakas ng sigaw nito. "B-bakit Teressa?!" Tanong ni George na gulat na gulat na napabangon sa kama. Hindi makapag salita si Teressa. Nakatitig lang ito ng tingin sa anak niyang si Erika. Nagulat nalang din si George nang mapa tingin din siya kay Erika. "B-bakit kung makatingin kayo ay parang nakakita kayo ng mutlo?" Sambit ni Erika. Napatingin nalang din bigla si Emily sa Ate niya at ganun din ang binigay na reaksyon nito sa kapatid niya. "A-ate!? B-bakit puro dugo ang buong damit mo?" Puting puti pa naman din ang sayang suot na pantulog ni Erika kaya naman kitang kita ang mga dugo doon. "Ha?" Litong sabi ni Erika. Tinignan nalang niya ang sarili niya at doon napasigaw nalang din siya. "AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!! Ano ito?!!!" "Anak?! Bakit puro dugo ka?" Tanong ni George sa anak niya. "H-hindi ko po alam," Sagot ni Erika. Agad agad siyang tumungo sa ina niya at bigla-bigla siyang yumakap dun. "Ma! Bakit puro dugo ako? Bakit ako nag kaganito?" Takot na takot niyang tanong sa Ina niya. "Anong kababalaghan ba ang nagyayari dito sa bahay na ito? George, sinabi ko sayo umalis na tayo dito. Masyado na tayong ginagambala ng mga kakaibang nilalang na nandito. Hindi ko narin pa kakayanin kung mas lumala pa ang susunod na mangyayari," Sambit ni Teressa habang todo yakap siya sa anak niyang takot na takot. Lumapit nadin si Emily sa Ama niya at yumakap narin. "Natatakot narin po ako Papa. Tama po si Mama, umalis na po tayo dito. Nakakatakot na po dito." Pagbaba nila sa kanilang sala ay nagulat nalang sila ng makita nilang puro yapak na dugo ang nag kalat doon. "Ate saan kaba nag punta kagabi at puro dugo ang nag kalat dito? " Tanong ni Emily sa kapatid niya na diring diri sa mga nag kalat na dugo sa sahig. "Hindi ko alam. Hindi ko alam ang mga ‘yan! Ang alam ko lang ay natulog na ako at wala na akong matandaan pang ibang nangyari bukod dun." Sagot ni Erika. "Wait. Hindi kaya, sinaniban ka kagabi ng masamang ispirito at ginamit yang katawan mo para gumawa ng masama?" Sambit ni naman ni George. "Tulad ng nangyari saakin kahapon. ‘Diba sabi mo George na nag iba ang pang aasta ko, na sabi mo ay tila naging bata ako at tinatanong ko kung nakita mo ba si Emi na kapatid ko? Tama! May sumapi nga sa anak natin kagabi kaya nag kaganyan siya. Hindi na ito tama George! Kailangan na natin na taong makakatulong saatin para maitaboy na yang mga kaluluwang ligaw na yan." Hindi na nakapasok sa school ang dalawang mag kapatid pati narin si George. May hang over pa kasi sila sa mga nangyayari. "Nakagayak naba kayo?" Tanong ni Teressa sa mga anak niya. "Opo, Mama." "Tara na," Aya ni George. Nag tungo sa simabahan ang pamilya ni George para mag dasal. Tatawag narin kasi sila ng pari para mabindisyunan ang bahay nilang punong puno ng kababalaghan. Habang nag lalakad ang buong pamilya ni George patungo sa simbahan ay nadinig nilang may mga nag uusap na mga ale. "Alam mo bang namatay kagabi si Dan." "Balita ko nga. Pero bakit nga ba namatay ‘yun eh, wala naman siyang sakit?" "Namatay dahil may pumatay. Puro saksak nga daw ang buong katawan. Ayun ngat naliligo sa dugo ang buong bahay nila eh." "Pinatay? S-sino nama gumagawa nun?" "Yun ang hindi ko alam." Nagkatinginan nalang sila Geoorge at mga anak niya sa kanilang nadinig. "Grabe naman! Sino naman kaya yung pumatay dun sa lalaki? Nakakatakot naman pala dito sa lugar na nilipatan natin." Sambit ni Erika. "Oo nga ate. Nakakatakot! Mabuti pa sa dati nating tinitirahan tahimik at walang gulo," Sabi ni emily na nalulungkot ang mukha habang nag lalakad. Pag karating ng mag anak sa simabahan ay agad-agad silang nag dasal. Pag katapos mag dasal ay kinausap na nila ang pari para paanyayahan ito sa bahay nila. "Father, tulungan n’yo po kaming itaboy ang masasamang ispirito na nakatira sa bahay namin." Nagmamakaawang sabi ni Teressa sa pari. "Wag kayong mag alala, tutulungan ko kayo. Hinding-hindi kayo pababayaan ng panginoon kaya wag na wag nyong kakalimutan na kausapin siya," sambit ni father kay Teressa. Aga-agad naman din silang nag tungo sa bahay nila na kasama na ang Pari. Pag dating doon ay sinimulan na ng pari ang isasagawang pangtaboy sa masasamang ispirito. "Sa ngalan ng panginoon, Lumayas kayong mga ligaw na ispirito dito! Tigilan nyo na ang mag anak na nakatira dito. Tumuloy na kayo sa tahanan kung saan nababagay kayo. Bukas ang langit para sainyo kaya wag kayong matakot na pumasok doon." Habang nag sasalita si father ay winiwisikan niya ng holy water ang buong paligid ng bahay. Buong bahay ay binindinsyunan ni Father. Kaya naman lumakas-lakas narin ang loob nila Teressa. "Marami pong salamat father. Tanggapin nyo po itong maliit na pera na ito para sa pondo ng simbahan." Aabot na ni Teressa sa pari ang emvelope nang bigla siyang tanggihan nito. "Naku hindi ako tumatanggap ng kahit ano mang pera galing sa aking tinutulungan. Ginagawa ko ito para makatulong sa kapwa ko. Hindi ko rin ito ginagawa para maging hanapbuhay." "Alam ko po Father. Pero, Sige na po father tanggapin nyo na po ito. Pang dagdag din po ito sa pag papagawa sa tahanan ng panginoon." "Naku, kung sa tahanan naman pala yan ng simbahan eh, hindi narin kita tatanggaihan. Pag palain sana kayo ng panginoon. Teressa, George at kayong mga bata. Sanay ay wag n’yong kakalimutan na kausapin palagi ang ating panginoon. Wag ring kalimutan dumalaw tuwing linggo sa tahanan ng panginoon. Hinding-hindi niya tayo pababayaan kaya manalig lang tayo palagi sa kanya." "Opo, father. Tatandaan po namin ‘yan. Maraming salamat po ulit." sambit parehas ni George at Teressa. Pag kaalis ng pari ay agad agad silang nag usap-usap. "Wag na kayong matakot at ala na sila. Wala ng mang gugulo satin, kaya naman sa inyong sariling kwarto na kayo matutulog ngayong gabi." Sambit ni George. "Pero pa, natatakot parin ako." Nakangiwing sabi ni Emily. "Ako din po..." Sambit ni Erika. Tinignan lang sila ng masama ni George. "Wala na nga yung mga ‘yun kaya wag na kayong matakot!" Pang sisigaw ni George sa mga anak niya. "George! Hindi mo kailangan sigawan ang mga anak mo?" Sambit ni teressa. "Eh, kasi naman! kaya hindi tayo tigilan niyang mga ispirito na yan eh, nag papatakot kasi kayo! Napakaduduwag nyo! Alam nyo, kayo lang naman kasi gumagawa ng ikatatakot nyo eh!. At saka nabindisyunan na ito ng pari kaya bakit matatakot pa kayo Sumasakit ang ulo ko sainyo!" Tuloy tuloy na sabi ni George sabay tuloy sa kwarto niya at natulog na lang. "Ma? Ba’t ganun si Papa?" Tanong ni Emily sa ina niya. "Nakakatakot po siya. Ngayon niya lang kami nasigawan ng ganun. Nakakagulat po." Sambit ni Erika. "Intindihin n’yo nalang ang papa n’yo at baka masama lang pakiramdam niya." Niyakap nalang ni Teressa ang mga anak niya. "Ma? Matanong ko lang, may basement po ba dito sa bahay natin?" Tanong ni Erika. "Oo anak, meron nga. Bakit mo natanong?" Nagkatingin nalang sina Erika at Emily sa sinagot ng Mama nila. "Eh kasi, kahapon po ay may matandang lumapit saamin at hinawakan ang kamay namin. Sabi po niya saamin ni Emily na isang basement po daw ang mag papahamak saaming dalawa. Kaya lang mukhang baliw po yung matanda kaya hindi nalang namin pinansinin yung sinabi niya. Pero ngayong nalaman kong may basement dito, parang medyo kinalibutan ako at parang gusto kong maniwala sa sinabi ng matandang yun." Sambit ni Erika. Agad namang sumabat si Emily. "Ay patay! Dapat pinabindisyunan din natin kay father yung basement!. Baka dun nagtatago yung masasamang espirito nayun! Lagot ate! Baka mag katotoo na nga yung sinabi ni lola kahapon saatin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD