Agad na pumasok si Teressa sa loob nang kwarto nang anak niya. Sinundan siya nang asawa niyang si George na haplit sa kakasisip sa ice candy.
"S-saan napunta ang anak nating si Emily? Kani-kanina lang ay nakita ko siyang natutulog dito sa kama niya ah?!" litong tanong ni teressa. sinilip silip pa nito ang buong silid nang anak niya. maski sa bintana ay sinilip din niya ito ngunit hindi niya makita ang kahit na ang anino ng anak niya.
"Ano kaba? Hindi pa naman natutulog ang anak natin ah! Nandoon nga siya sa kwarto ni Erika. Nag momovie marathon sila." Sambit ni George sa asawa niya.
"Ano?! Nakapagtataka naman! Kanina lang ay nakita ko siyang nakahiga dito!" napakamot nalang nang ulo si teressa. Pumunta ito sa kwarto nang anak nilang si Erika para kumpirmahin kung nandun nga si Emily. Pag bukas nito sa pinto nang kwarto ni Erika ay Nagulat si teressa nang makita niyang tutok na tutok ang dalawang anak sa pinanunuod nito.
"See! Sabi ko sayo eh," sAmbit ni George.
Napatingin nalang ang dalawang anak sa biglang pag sulpot ng mga magulang nila sa kwarto ni Erika.
"B-bakit po?" Pagtatanong ni Erika. Lutang ang magulang nito kaya hindi ito makasagot sa anak.
"Hello! I said bakit po? Bakit kayo biglang napatungo sa kwarto ko?." Pang uulit na tanong nito.
Nahimasmasan bigla si teressa. "Wala. Pumunta ako dito para sabihin sainyong matulog na kayo at may pasok pa kayo bukas." sambit ni teressa na tila ba ala parin ito sa kanyang sarili.
Kinabukasan, Mag isa na naiwan si Teressa sa kanilang bahay. Pumasok na sa school ang dalawa nitong anak at pumasok narin sa work ang asawa niya.
Pawis na pawis na naglilinis si Teressa sa kanilang bahay nang biglang may dumalaw na isang lalaki sa bahay nila.
"Tao po!?" Sigaw nung lalaki sa may gate nang bahay nila. Nilapag ni Teressa ang hawak na walis sa may upuan at tumungo ito palabas ng bahay.
"Sino po sila?" Bungad na sabi ni Teressa.
"Ah magandang umaga ho. Ako po si Dominic, ‘yung dating may ari nang bahay naito. May nais lang po akong sabihin." Sambit nito.
"Ah ganun po ba? Sige tuloy ho kayo." Pinag buksan nang gate ni Teressa itong si Dominic.
Agad-agad naman tumuloy si Dominic sa loob nang bahay. Sinara muna ni teressa ang gate bago ito tumuloy sa loob. Kaya lang nagulat si Teressa nang biglang maging kulay violet ang ilang mga red na rosas doon.
"K-kelan pa nag ka violet na rosas dito?" Pagtatanong niya sa sarili. hindi na niya ito pinansin at mas pinag tuunan niya nang pansin ang lalaking bisita niya.
Hinainan ni Teressa nang juice at cake ang lalaking bisita.
"Mag miryenda po muna kayo." binaba ni Teressa sa may maliit na mesa ang cake at juice.
"Naku, salamat." maikling sagot ni Dominic. lilingon lingon si Dominic sa bawat sulok ng bahay na tila ba may hinahanap ito at mukhang takot na takot pa.
"M-may problema po ba?" Tanong ni Teressa sa kanya.
"W-wala naman. B-bakit mo naman natanong?" SAmbit ni Dominic.
"Eh kasi para bang.... takot na takot kayo at hindi ka mapakali." Nakangising sambit ni Teressa. biglang natawa si Dominic.
"’Wag mo akong pansinin. Ganto kasi talaga ako."
"Ganun po ba, eh ano nga pala yung sadya mo?" tanong ni teressa.
"Nakalimutan ko kasing sabihin sa asawa mo ito. Pero teka, nakapunta naba kayo sa basement nang bahay naito?" Tanong ni Dominic.
"May basement itong bahay nato?" Gulat na tanong ni teressa.
"Hindi n’yo pala alam. Oo meron nga. Actually, pinasara ko talaga ‘yun. Pinapakuan ko ‘yun nang maraming pako para hindi nyo na magamit pa. Kasi madapok na yung mga kahoy doon at sobra madaming barusa." sambit niya kay teressa.
"Ganun ba? Sayang gusto ko pa naman nang may basement ang bahay. Pero baka pwedeng magamit pa namin ‘yun? Palitan nalang namin nang mga bagong kahoy." Pagpupumilit ni Teressa.
"Naku, ‘Wag na ho. ‘Wag nyo pong bubuksan ‘yun. Saka malaki po magagastos n’yo kapag pinagawa n’yo ‘yun." Sambit ni Dominic kay teressa.
Mayamaya ay nagulat nalang silang dalawa ng biglang may lumutang na plato at biglang bumagsak ‘yun sa lapag. Agad iyong nabasag.
Napalaki nang mata sina Teressa at Dominic.
Mayamaya ay may isa ulit na lumutang na plato at sa pangalawang pag kakataon ay bigla itong tumungo sa kinalalagyan ni dominic at bigla bigla itong bumagsak sa paanan nito.
Napasigaw si Dominic sa sobrang sakit na dinanas nang kanyang paa. Nag dugo kasi iyun.
Napasigaw narin si teressa sa nakita nito kaya naman napaupo ito sa may gilid.
Iika-ikang nagtatakbo palabas nang bahay si Dominic. Agad namang tinawagan ni Teressa ang Asawa sa office nito.
"G-george?? " bungad niyang sabi.
"Oh teressa? bakit tila takot na takot ang tono nang pananalita mo?" sagot ni George sa kabilang linya.
"George! Umuwi ka na ngayo, tulungan mo ako dito!" takot na takot na sabi ni teressa sa asawa niya.
"B-bakit?! Anong nangyari?" Sambit ni George.
Hindi na siya nakadinig pa nang sagot mula sa asawa nito. isang pagbagsak nalang ang huling nadinig niya.
"HELLO TERESSA! TERESSA SUMAGOT KA!!" nag papanic na sambit ni George.
Pag uwi ni George sa bahay nila ay nagulat nalang siya nang madatnan niyang puro basag na plato ang mga lapag. Sa may gilid naman nang bahay nila ay natagpuan niya ang walang malay-tao na si teressa.
Agad agad nya itong binuhat papunta sa mahabang sofa nila at inihiga niya si Teressa doon.
"TERESSA?! TERESSA?! GUMISING KA!" tinapik tapik ni George ang asawa niya.
Maya-maya ay nagulat nalang ito nang biglang bumukas ang mata nang asawa niya.
"TERESSA?!"
Biglang bumangon sa pag kakahiga si Teressa. Laking gulat nalang ni George na bigla siyang sampalin nang asawa niya.
"S-sino ka? Maniac ka siguro noh?!" Sambit ni teressa at lumayo pa ito sa kanya.
Bigla biglang tumungo ang asawa nito sa may garden. Nag dilig ito nang mga rosas doon. Agad naman din n’yang sinundan ang asawa niya.
"Ano bang nangyayari sayo Teressa?" Sambit ni george.
Habang nag didilig nang mga rosas ang asawa nito ay sumasayaw sayaw pa ito na tila ba nag mistulang bata.
Bigla itong humarap kay George na nanlilisik pa ang mga mata.
"Nakita mo ba ang kapatid ko? " Sambit nito.
"Ha?! Teressa wala kang kapatid. Mag isa kalang anak nang mama mo, anong bang nangyayari sayo?!" Lumapit si George sa asawa niya at hinawakan nito ang balikat ni teressa. "TERESSA ANO BANG NANGYAYARI SAYO?" tanong niya ulit.
"Ilabas mo si Emi! Ilabas mo ang kapatid ko!" Pag sisisgaw ni teressa.
Bigla bigla nalang sinampal ni george ang asawa niya kaya naman bigla itong nabuwal at nawalan ulit nang malay-tao.
"S-sorry Teressa! Hindi ko sinasadya." Binuhat niya ulit ito patungo sa malaking sofa nila. Halos maiyak-iyak na si george sa nangyayari sa asawa niya.
Mayamaya ay muli na itong nag ka malay.
"T-teressa?" Gulat na sambit ni George.
"G-george?!" Agad na hinagkan ni teressa ang asawa nito nang makita niya ito.
Nag aabang na si Erika sa labas nang room ni Emily sa school nito. Mas nauna kasi ang uwian nila. Tuwing uuwian nila ay laging nag sasabay ito. Nakasanayan na nila iyon.
Wala pang ilang minuto ay pinalabas narin sila Emily.
"Matagal kabang nag antay diyan Ate?" Bungad naTanong ni Emily sa kapatid nito.
"Di naman," sambit ni Erika.
"Lets go!"
Habang nag aabang nang jeep ang mag kapatid ay haplit sila nang kakanguya nang mais na binili nila sa may labas ng school.
Maya-maya pay Isang madungis na matanda ang lumapit sa kanila.
‘Mga ineng! Pwede bang makihingi nang kinakain nyo." Sambit nang matanda at nakalahad pa ito. Madungis na madungis ang matanda at ang payat payat pa nito.
Naawa naman si Erika kaya tumalikod ito panandali. Bumili ulit siya nang isang bagong mais at inaabot niya ‘yun sa matanda.
"Naku maraming salamat sayo Ineng. Napaka buti naman nang kalooban mo," mangiyak ngiyak na sambit nang matanda.
"Walang anuman po, Lola," nakangiting sambit ni Erika.
Inabutan naman ni Emily nang tubig ang matanda kaya naman lubos lubos na ang pasasalamat nito sa mag kapatid.
Paalis na sana yung matanda nang bigla itong bumalik sa mag kapatid. Hinawakan niya bigla ang dalawang kamay nila Erika at Emily. Nang hawakan niya ito ay napalaki nalang ang mata nang matanda.
"Mga ineng, may basement ba sa bahay niyo?" Tanong nang matanda.
"W-wala po ata! Bakit po?" litong tanong ni Erika.
"Mag ingat kayo. Isang basement ang mag papahamak sainyong dalawa," seryosong sambit nang matanda sa kanila.
"S-sige po lola, mag iingat po kami," Nakangising sambit ni Erika sa matanda.
Pag talikod nang matanda sa kanila ay agad na nag usap ang dalawang mag kapatid.
"Ano bang sinasabi ni lola? Mukhang may problema din yun sa pag iisip gaya nung matandang nadunggol natin kahapon." Sambit ni Emily.
"Ang bad mo Emily. Tara na nga! Ayan na ‘yung jeep." sambit ni Erika.
"Sigurado ka? Lumutang talaga yung mga plato?" tanong ni George sa asawa nito.
"Oo nga. Hindi ako pwedeng mag ka mali sa nakita ko.Siigurado akong dumudugo ang mga paa ni Dominic. Siya ‘yung natamaan nang isang plato. At mismo pati siya ay napatakbo sa sobrang takot." Kwento ni Teressa sa asawa niya.
"Ano naman ang ginawa niya dito?"
"Sinabi niyang ‘wag daw tayong pupunta sa basement nang bahay nato, nakalimutan daw kasi niyang sabihin sayo ‘yun.."
"May basement dito?"
"Oo, nagulat nga rin ako kanina e, pero wala na akong pakelam sa basement na’yun! Hindi talaga mawala ang kaba sa dibdib ko nang biglang lumutang yung plato kanina. Natatakot ako George! May multo sa bahay na’to! Umalis na tayo! Ayoko na dito!