Chapter 3

1670 Words
Nadatnan nilang nakahandusay sa lapag ang walang malay-tao na katawan ni Erika. "Anak? Gising!" Tulirong sabi ni George habang kandong kandong ang walang malay niyang anak. "Dalin na kaya natin siya sa Ospital." nag aalalang wika ni Teressa. Mayamaya pa'y nag kamalay rin si Erika. "Ate?!" Sambit ni Emily sa kapatid niya. Papungay-pungay ang mata ni Erika habang inuupo siya ni George. Nang maging malinaw ang paningin ni Erika ay biglang nag iba ang timpla nito. "N-nasan ‘yung babeng duguan? Ikaw! ikaw ‘yun Emily! Nasa katawan mo siya!" Nag wawala si Erika habang turo turo niya si Emily. "A-anong sinasabi mo Ate?" litong tanong ni Emily. "Anak Erika, ayos kalang ba?" Tanong ni Teressa sa anak niya. "Kitang kita kong nag iba ang mukha ni Emily kanina. Duguan siya at may uod ang kanyang ilong. Sinakal pa nga ako niyan kanina eh!" Pagmamatigas na sabi ni Erika. Bakas na bakas sa mukha ni Erika ang pag katakot. Nanginginig parin ang mga kamay nito at paa. Bigla namang niyakap ni George ang kanyang anak. "Erika napagod kalang siguro. Halika kana sa baba at kakain na tayo. Panaginip mo lang siguro ang lahat." "Ano ba itong mga batang ‘to! Mga nagtatakutan! kaninang umaga si emily nakakita nang dalawang babaeng mahaba ang buhok na nakadungaw sa bintana, ngayon itong si Erika na naman. Ay naku! tigil tigilan nyo kasi ang kakapanuod nyo nang mga horror movie nang hindi kayo natatakot." sambit ni Teressa. Habang akbay akbay ni George si Erika pababa nang hagdan ay hindi maalis ang mata ni Erika sa kapatid niyang si Emily. "Ate naman! 'wag mo nga akong tignan nang ganyan." Inis na sabi ni Emily sa kapatid niya. "Tama na Erika! Tumigil na kayo!" Pang sisigaw ni George sa mga anak niya. Bigla namang nahismamasan itong Erika kaya naman dumirestyo na ang tingin nito pababa sa hagdan. Pag sapit nang hapon ay umalis muna ng bahay ang mag asawang si George at Teressa para tumungo sa palengke. Tanging ang mag kapatid lang na Erika at emi ang naiwan sa bahay. kapwang nakaupo ang mag kapatid sa dining room. Inutusan kasi silang mag punas nang mga basong ipang didisplay nang mama teressa nila sa aparador. "Emily, mag ingat ka at baka makabasag ka diyan." Sambit ni Erika sa kapatid niya. "Opo, ate." Nakangisi nitong sagot sa kapatid niya. Bigla namang napatitig si Emily sa kapatid niya. "Oh bakit ka nakatitig?" Tanong ni Erika sa kanya. "Eh kasi, nakakagulat talaga yung nangyari kanina. Tapos ‘yung mga sinasabi mo ay natakot ako. Totoo ba ‘yun? Parang ayoko na tuloy matulog sa kwarto ko." Nakangiwing sabi ni Emily. "Kalimutan mo na’yun. Baka nga panaginip ko lang ‘yun. Napagod rin kasi ako kanina sa pag bubuhat ng mga gamit, kaya baka nag collapse nga lang ako sa kwarto mo," paliwanag ni Erika sa kapatid niya. "Paano kasi, pati ata yung mga gamit ko sa kwarto ko inayos mo. Salamat ah! Ang ganda ganda nang pag kakaayos mo." Nakangising sabi ni Emily sa kapatid niya. Napalaki nalang nang mata si Erika sa mga sinabi ni Emily. Wala kasing itong natatandaan na inayos nito ang mga gamit nang kapatid niya. "H-hindi ako ang nag ayos nang kwarto mo," pagtatanggi ni Erika. Napatingin nalang bigla si emily sa kapatid niya. "Eh sino nag ayos nun?" Litong tanong ni Emily. "E-ewan ko?" Naka kunot noong sabi Erika sa kapatid niya. Mayamaya ay bigla nalang silang nakarinig nang pag bukas ng gripo na tila ba nanggagaling sa may kusina nang bahay nila. Panandalian nilang binitawan ang mga hawak nilang babasagin na baso at tumungo sila sa kusina. Nakita nilang bukas yung gripo sa may lababo nila. Kapwa silang nag katinginan. " S-sino nag bukas niyan?" nakangiwing tanong ni Emily sa kapatid niya. "Aba malay ko! Parehas kaya tayong nasa dining room kanina." Sagot ni Erika sa kapatid niya. "Alam mo Ate, konting konti nalang malapit na akong matakot sa bahay nato," nakunot noong sabi ni Emily. "Baka naman naiwan lang bukas ni mama kanina ‘yan." Sambit ni Erika. Lumapit siya sa may lababo at saka niya pinatay ang gripo. kakatalikod palang ni Erika ngunit, muli na namang nag bukas ang gripo kaya napalaki nalang ang mga mata nila Erika at Emily. "AHHHHHHH!!!!" kapwa silang nag sisisigaw at tumakbo papalabas nang bahay. Paglabas nila nang bahay ay nagulat nalang sila nang maging kulay violet lahat nang pulang rosas sa garden. "Ate tignan mo yung mga bulaklak!" Sambit ni emily habang nakaturo ito sa mga bulalak. "Hala! Bakit nagiging kulay violet ‘yan?" Nakangiwing sabi ni Erika. Lalo nang nag tatakbo palabas nang gate ang dalawang mag kapatid. Sa sobra bilis nag pag kakatakbo nila ay nagulat nalang sila nang makabangga sila nang matandang babae. kapwa silang tatlong nakahandusay sa lupaan. "Aray ko naman mga ineng!" nakangiwing sabi nang matandang nabunggo nila. Agad agad din naman nilang itinayo ang matanda. "Sorry po, lola." Nakayukong sambit ni Erika sa matanda. "K-kayo ba ang bagong nakatira diyan?" Tanong nang matanda sa kanila habang hinihimas himas nito ang balakang. Sumakit siguro sa pag kakabagsak niya kanina sa lapag. "Opo, lola." maikling sagot ni Erika. Si Emily naman, speechless lang sa mga nangyayari. "Eh bakit ba kung makatakbo kayo eh, tila nakakita kayo nang multo?" Tanong ulit nang matanda sa kanila. "Kasi po nahihiwagaan napo kami sa bahay na ‘yan!" hingal na hingal na sabi ni Erika. kinuwento nila sa matanda ang mga naganap sa bahay naiyun. "Hindi sa tinatakot ko kayo mga ineng. Pero lahat ata nang tumira diyan ay hindi nag tatagal. Bukod kasi sa gumagalaw ang mga gamit diyan ay nag papakita nga din daw yung sinasabi nilang pinatay na mag kapatid na babae." kwento nang matanda sa kanila. Lalo nang nag taasan ang mga balahibo nang mag kapatid sa kwento nang matanda. "So, hindi nga ako namamalik mata kaninang umaga?" Nakangiwing sambit ni Emily. "At hindi rin panaginip yung babaeng duguan ang mukha na sumakal saakin?" sambit ni Erika. "Pero isa lang ang masasabi ko sainyo mga ineng. Wag na wag nyong titignan sa mata yung mga multong ‘yun kapag nagpakita man sainyo ang mga ito." Sambit nang matanda. "B-bakit naman po?" litong tanong ni Erika. "kapag kasi tumingin kayo sa mga mata nila ay maaaring makuha nito ang mga katawang lupa niyo at sila na ang mag cocontrol nito. at kapag lumaon ay---" Napatigil bigla ang matanda at biglang napayuko. Maya maya ay bigla bigla itong nag sasayaw at nag tatakbo na. Napakunot noo nalang ang dalawang magkapatid sa inasal nang matanda. Mayamaya ay isang ale naman ang lumapit sa kanila. "Bakit nyo kinakausap yung matandang baliw na’yun?" Sambit nung ale sa dalawang mag kapatid. "B-baliw po ba yung matandang ‘yun?" Tanong ni Erika sa ale. "Oo. Minsan kasi malumanay ito magsalita at mukang matino. Pero kapag lumipas ang ilang segundo ay nag iiba naman ang timpla nito. Para bang may bipolar siya." Kwento nang ale sa kanila. "Naku, Ate Erika, hindi naman pala totoo yung sinasabi nung matanda ‘yun. Baliw pala." sambit ni Emily sa ate niya. "Mauna na ako sainyo at baka masunog ang sinaeng ko." Sambit sa kanila nung ale saka tuluyang umalis. Naisipan nilang bumalik nalang sa loob ng bahay nila. Pag pasok nila sa may gate ay nakita nilang bumalik na sa kulay pula ang violet na rosas kanina. "Ate, pula na ulit yung mga rosas na nakatanim." Sambit ni Emily. "Oo nga noh!" Pumasok na ulit sa loob nang bahay ang dalawang mag kapatid at saka tinuloy ang pag pupunas nang mga baso. "Ate,yung gripo patayin na kaya natin. Baka mag bayad tayo nang malaki kapag nagtuloy tuloy pa yun." Sambit ni Emily sa kapatid. Dahan dahan silang tumungo sa kusina para patayin yung gripo. pag kapatay nila ay hindi muna sila umalis. Tinitigan pa nila yung gripo kung mag bubukas ba ito muli. Laking tuwa naman ng mag kapatid na hindi na ito muling nag bukas. "Ayos na siya!" Nakangising sambit ni Erika. Bumalik na ulit sila sa dining room kung saan nag pupunas sila nang mga basong maaalikabok. "Maniniwala na sana ako kanina sa matanda, yun pala baliw pala. Pero mukhang ang seryoso niyang mag kwento kanina noh?" Sambit ni Emily sa ate niya. "Tumataas na nga yung balahibo ko kanina habang nag k-kwento siya, eh." sambit ni Erika. Maya maya pa ay dumating na sina George at Teressa. May mga dala dala itong mga bagong kagamitan na binili ata sa palengke. "Oh hindi pa kayo tapos?" bungad na sabi ni Teressa. "Hindi pa. Nakakatakot po kasi yung gripo kanina. Bigla bigla po kasing nag bubukas." Sagot ni Erika sa magulang niya. "Ayan na naman kayo! Sinabi nang wag kayong nag tatakutan. Oh ito, binili namin kayo nang tag isang salamin, Ilagay n’yo sa kwarto nyo." Sambit ni George sa mga anak saka inabot ang mga salamin. "Oh sige, I-akyat nyo na yang mga salamin nyo. I-ayos nyo narin ang mga gamit nyong pang school at may pasok na kayo bukas." Sambit ni teressa sa mga anak niya. kinagabihan, papasok na sana si Teressa sa kanilang kwarto ni George ng mapahinto ito ng makita niyang nakaawang ang pinto nang kwarto ni Emily. Lumapit siya doon. Aktong isasara na dapat ni teressa ang pinto nang kwarto nang anak niya nang napatigil ito nang matanaw niyang may babaeng nakasayang puti na nakadagan sa ibabaw nang natutulog niyang anak na si Emily. Maya-maya ay nagulat at napatili si Teressa ng may humawak na malamig na kamay sa likuran niya. "AHHH!!" "Oh, anong nangyayari sa’yo?" Napapikit si teressa nang oras nayun. Pag lingon niya sa likuran niya ay nakita niya ang asawa niyang si George na may hawak na ice candy. "Pambihira ka naman George! Papatayin mo ba ako sa takot?" Sambit nito sa asawa niya. Muling lumingon si teressa sa kwarto nang anak niya. Pero lalo siyang nagulat nang makita niyang wala na ang ang nakahiga niyang anak sa kama at babaeng nakadagan sa ibabaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD