Pawis na pawis si George sa pag bubuhat ng kanilang mga gamit.
"Handa na ba ang lahat? Wala na ba tayong nakalimutan na gamit?" Tanong ni George habang buhat buhat nito ang malaking salamin para isakay sa truck.
"Erika at Emily? Okay naba lahat nang gamit n’yo?" tanong ni teressa sa mga anak niya. Busy ang lahat sa pag bubuhat nang mga gamit nila. Tulong tulong ang buong pamilya nila George para sa kanilang paglipat bahay.
"Yes ma! nasa truck na nga po lahat eh." Sagot ni Erika habang bitbit naman nila ni Emily ang maliit na mesa.
"Ate Erika sa wakas magkaka-solo narin tayo nang kwarto. Pero mamimiss kitang makatabi sa pag tulog." Malambing na sabi ni emily sa ate niya. Nag katinginan at nag kangitian ang dalawang magkapatid. Hindi maikakailang sweet silang magkapatid.
"Eh, di kung gusto m minsan saakin ka tumabi." Nakangising sagot ni Erika sa kapatid niya.
"Talaga ate?" Masayang sabi ni emily.
"Oo naman."
"Oh sige na, sumakay na kayong lahat sa sasakyan at aalis na tayo." Sigaw ni george.
Umarkila si George nang malaking truck para gamitin sa pag hahakot nang gamit nila.
Habang nakasakay ang lahat sa sasakyan ay dumungaw ang mag kapatid na Erika at Emily sa may bintana para tanawin ang bahay na iiwanan nila.
"Mamimiss ko yang bahay natin." Sambit ni Erika. Medyo nalukot ang mukha nito na tila ba nalulungkot sa pag alis sa nakalakihan nilang bahay.
"Oo nga. Ang dami nating memories diyan." Sambit naman ni Emily.
Umabot nang dalawang oras ang biyahe nila bago sila nakarating sa bago nilang tirahan.
Nakatulog ang dalawang mag kapatid sa haba nang kanilang nilakbay.
"Mga anak, Gising na! Nandito na tayo sa bago nating bahay," sambit ni Teressa sa mga anak niya habang niyuyuyog pa nito ang dalawa para sila ay magising. Mayamaya pa ay nagising na din ang dalawa. Papungay-pungay pa si Erika habang si Emily naman ay nahihikab pa. Nang tuluyan nang magising ang dalawa ay agad agad itong nag si babaan sa sasakyan.
"Wow! Ang laki at ang ganda nang bago nating bahay!" Masayang sambit ni Erika.
Napatingin naman si Emily sa may itaas. Bigla siyang napatitig doon at kinilabutan ng makita niyang biglang may dumungaw na dalawang babae na mahaba ang buhok sa bintana. Napasigat at napatakip ng mukha si Emily.
"Okay ka lang anak?" Tanong agad ni teressa.
"M-may nakita po akong dumungaw na dalawang babae na mahaba ang buhok doon!" Nanginginig na tinuro ni Emily ang bintana kung saan dumungaw ang dalawang babae. Nakatakip parin ang mukha ni Emily habang nakaturo sa bintana. Napakunot noo nalang si Erika at Teressa sa sinabi ni Emily.
"Anak baka naman inaatok kapa. Huwag mo ngang takutin ang sarili mo." Sambit ni teressa at tumuloy na ito sa loob nang bahay.
"Halika ka na nga sa loob Emily. Guni-guni mo lang siguro ‘yun." Inakbayan siya ni Erika at saka sila tumuloy sa loob nang bahay.
Isa-isa nang binuhat papasok ni George ang mga gamit nila. Inuna niya ang mga gamit pang kusina para makapag luto na si teressa nang pang tanghalian nila.
Nakamove-on narin si Emily sa nakita niya kanina. Inisip niyang guni-guni niya nga lang ‘yun na baka dala lang ng bagong gising siya.
Panay ang pag de-decorate ng mag kapatid sa kani-kanilang bagong kwarto.
Habang nagkakabit si Erika ng mga picture frame sa ding-ding ay bigla bigla nalang siyang nakaramdam nang panlalamig kahit tirik na tirik naman ang araw at walang kahangin hangin sa kwarto niya. Napatingin tuloy siya sa kanyang paligid. Bigla tuloy niyang naisip ang sinabi kanina ni Emily na dalawang babae na nakita nit.
Hindi narin niya pinansin iyun at tinuloy nalang niya ang pag kakabit sa ding-ding nang frame ng mga picture niya.
Mayamaya ay biglang nalaglag ang basong may lamang tubig sa may table ni Erika.
Nagulat ito at napatingin sa nabasag na baso sa may lapag niya.
"ANAK! OKAY KALANG DIYAN?!" Sigaw ni teressa sa may baba. Nadinig din siguro niya yung nabasag na baso.
"YES PO MA!" Sagot ni Erika nang pasigaw din.
"Paano ito nalalag gayong pinaka gitna gitna ko pa itong nilagay sa table kanina? Hindi naman lumindol o umuga yung lamesa kaya’t panong nalaglag ito?" litong lito si Erika sa pangyayari sa basong nabasag.
Winalis nalang niya yung mga bubog para hindi siya masugatan. Matapos noon ay papalabas na sana siya sa kwarto niya para itapon yung nabasag na baso. Ngunit napatigil nalang siya sa pag lalakad nang mapadungaw ito sa katapat na kwarto niya. kwarto ‘yun nang kapatid niyang si Emily. Nakita ni Erika ang isang babaeng nakatanaw sa ginagawa nang kapatid niyang si Emily. Duguan ‘yun at nakasaya ito na puti. kinuskos ni Erika ang kanyang mga mata. Pag dilat niya ay wala na ang babae.
Napailing nalang si Erika. "Siguro nagugutom na ako kaya kung ano ano nalang ang nakikita ko." Sambit ni Erika sa sarili niya.
Pag baba ni erika ay agad agad niyang tinapon sa basurahan yung nabasag na baso.
"Ano bang nangyari at may nadinig akong nabasag na kung ano sa itaas?" sambit ni george sa anak niyang si Erika.
"Ah, wala po. baso lang po ‘yun, bigla pong nalaglag eh." sagot niya.
"Erika anak, tawagin mo na nga ang kapatid mo sa itaas. kumain na muna tayo bago natin ituloy ang mga gawain natin," Utos ni Teressa sa anak niyang si Erika.
Tuloy akyat naman si Erika patungo sa kwarto nang kapatid niya. Doon nakita niyang maayos na maayos na ang mga kagamitan nang kapatid niya. laking gulat lang ni Erika na sobrang ganda at malinis na malinis ang pag kakaayos ni Emily sa mga gamit niya. Noon kasi ay burara itong kapatid niyang si emily. Hindi ito sanay mag aayos nang mga gamit nila. Pahalang halang lang ang mga gamit nito at nakakalat kaya naman si Erika nalang ang tanging nag aayos noon palagi. kaya laking gulat niya ngayon nang makita niyang maayos ang bagong kwarto ni Emily.
"WOW! kelan ka pa natutong mag ayos nang kwarto? ang galing mo naman Emily, ang ganda ganda nang pag kakaayos mo ah!"
Hindi sumasagot si Emily. Nakatalikod siya na nakaupo sa may kama niya. Nakaharap si Emily sa may bintana nang kwarto niya.
"Tulungan mo ako!"
Nagulat si Erika nang mag iba ang boses nang kapatid niyang si Emily.
"Anong tulungan eh, tapos ka nanga at ang ganda ganda pa nang pag kakaayos mo. Saka bakit tila iba ang boses mo? Ayos ka lang ba?"
"Limang lalaki," Sambit ni Emily. Napakunot noo si Erika sa sinabi nang kapatid niya.
"Anong limang lalaki?" Litong tanong ni Erika. Hindi parin humaharap si Emily sa kanya. Senting senting ito sa pag kaka upo sa kama.
"Limang lalaki ang bumaboy saakin!" Unting unting tumataas ang boses nang kapatid niya kaya naman nagtataka na si Erika. Isa pa, kung ano- ano narin ang mga sinasabi nito.
"Ano bang pinag sasasabi mo diyan?" Lumakad si Erika paharap sa kapatid niya. Nakita niyang nakaharang ang buong buhok nito sa buong mukha niya. Hinawi ni Erika ang buong buhok nang kapatid niya sa harap at doon laking gulat niya nang makita niyang ibang mukha ang lumantad sa mukha nang kapatid niya. Puro dugo ang mukha nito at inuuod pa ang ilong.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!" Napasigaw at napaatras si Erika at napa-upo sa sahig.
Tumayo ‘yung babaeng duguan ang mukha at saka sinakal si Erika.