Chapter 16
Nakaamoy si Eri na tila ba may taong papunta sa bahay ni Dominic.
Pinasakan niya ng isang damak-mak ng papel ang bunga-nga ni Dominic para hindi ito mag-ingay.
Lumabas samandali si Eri ng kwarto para tignan kung sino ba ang darating.
Maya-maya'y nama'y biglang may kumatok at mukhang madadamay pa ito sa kanyang paghihigantihan. Kung baga sa dota ay Mukang makaka double kill siya ngayon.
Nagulat si Alvin ng makita niyang isang duguan na babae ang bumungad sa kanya.
"What the f*ck! E-erika? A-anong ginagawa mo sa bahay ni Dominic? at b-bakit duguan ka?!." Bungad na tanong ni Alvin kay Erika. Kilala siya nito dahil tulad ni Job ay inaanak din niya ito sa kumpil.
"Ah, eh may pinag eexperimentuhan lang kami ng kapatid ko." Sagot ni Erika.
"Dito sa bahay ni dominic? Bakit dito pa? At teka, nasaan ba si dominic? Nandiyan ba siya sa loob?"
"Opo. Pumasok po kayo. Nasa kwarto niya po siya, nag papahinga. Pagod kasi at kagagaling lang niya sa trabaho."
"Trabaho? Nag tatrabaho ba yun? Eh pag kakaalam ko eh hindi yun nag t-trabaho dahil tamad yun at mayaman na siya, dahil napunta sa kanya ang kayamanan ng mga pamangkin niyang namatay. Anyway, inaanak gumala ka sa bahay namin bukas or mamaya. Bibigyan kita ng maraming chocolate." Hindi maalis ang pag kalito sa isip ni Alvin. Tinubuan din siya ng konting kaba sa mga kinikilos ni Erika kaya naman naisipan nalang niyang suyuin ito.
Galing si Alvin sa bansang America kaya naman sabik na sabik itong makita ang matanda niyang kaibigan na si Dominic. Halos kasi 25 years old lang itong si Alvin.
"Eh sabi niya galing daw siya sa trabaho eh! bakit ba nangingielam kayo Ninong!?" tinaasan ng boses ni Erika si Alvin na siyang pinag taka nito. Pag kakaalam niya kasi sa inaanak niya eh pag kabait-bait nito at hindi marunong sumagot at mag taas ng boses sa kanya. Kung baga ang buong pagkakakilala niya rito ay isang itong batang mahin-hin.
"T-teka! E-erika ikaw ba yan? P-parang may iba sayo?! Nag abroad lang ako ng isang Taon nag bago kana kaagad!" Nalilito na si Alvin.
"Lumalaki na po kasi ako kaya medyo nag babago na. Anyway, tara na nga po sa kwarto ni Tit-- kuya dominic. Ihatid ko na po kayo at baka maligaw kayo dito sa sobrang laki ng bahay niya."
"S-sige inaanak." Maikling sagot ni Alvin.
"ABULA-BULA SILANDAK? a-ano po yun?" Nalilitong tanong ni Teressa sa matandag mang aalbularyo.
"Isang makapangyarihang kwintas parin yun, na aking dadasalanan ng isang linggo. May mga pinag halo-halong sangkap ang ilalagay sa loob ng pulang tela. Kailangan nyo akong ikuwa ng mga kailangan ko para maisagawa ko agad-agad iyun. Paalala lang. Wag kayong mag papahalata na alam nyo na hindi talaga sila ang mga anak nyo. Iparamdam nyo sa kanila na parang mga tunay na anak nyo talaga sila para hindi sila mag duda. Mag tiis muna kayo ng isang linggo hanggat diko natatapos ang orasyon sa pangontrang gagawin ko. At sinisigurado kong pag naisagawa ko na yun ay saka tayo aatake sa kanila. Hinding hindi na sila makakapasok sa katawan ng mga anak nyo kapag naisuot nila ang kwintas na Abula-bula silandak."
"A-ano po ba mga kailangan? Sabihin nyo po para maikuha na po namin kayo agad-agad." Nag mamadaling sambit ni Teressa.
"Medyo mahirap ang mga ipapakuha ko sa inyo. Una, kailangan nyo nang pangil ng paniki. Pangalawa, Laway ng isang taong nauulol, yung taong nakagat ng aso kaya na ulol. Pangatlo, Ugat ng puno ng balete. Magtabi-tabi po kayo sa punong pag kukuwanan nyo ng ugat. Madalas kasi sa mga puno ng balete ay may mga naninirahang lamang lupa or mga masasamang espiritong ligaw. Hindi naman sila mabubulabog kung padalos-dalos kayo sa pag kuha. Marahan kayong gumupit ng ugat doon at mag aalay kayo ng isang buhay na manok para siguradong walang susunod na masamang elemento sainyo."
"Sige po. Gagawin namin lahat ng sinabi nyo. Asahan nyo pong bukas ay kompleto na naming maibibigay sainyo ang mga sangkap sa abula-bula silandak nayun." Sambit ni Teressa.
"Sige,Mag-iingat kayo." Maikling sagot nito.
"Sige po, pumasok na kayo. Andyan si Kuya dominic sa loob." Nakangiting sambit ni Erika kay Alvin.
Tumango lang ito sa kanya at tuluyan na siyang pumasok sa loob.
"Suprise!!!!!!!!!!!" Sigaw bigla ni Erika.
Halos mangimbal ang itsura ng mukha ni Alvin ng makita niyang nakatali at puro dugo si Dominic.
"What the.......??" Sambit nito na masuka-suka pa. Tatakbo na sana palabas si Alvin kaya lang biglang sumarado ng pag kalakas-lakas ang pintuan.
"AKALA MO MAKAKATAKAS KA! HINDI KA NA PWEDENG UMALIS DAHIL ISASAMA NARIN KITA SA AKING PAPATAYIN. LAHAT NG KAIBIGAN NITONG DIMONYONG SI DOMINIC NATO AY AKING IDADAMAY. MALAS MO NALANG AT PUMUNTA KAPA DITO!" Balik sa anyong Eri ang mukha ni Erika.
Halos malukot ang mukha ni Alvin ng makita niya ang mukha ni Eri..
"E-eri?!!!" Gulat na sambit nito ng makita niya ang inaagnas na mukha ni Eri. Kakilala niya rin si Eri dahil minsa'y nakakasama ito ni Dominic tuwing may handaan kina Alvin.
Maya-maya ay lumabas narin si Emi.
"ORAS NA PARA MAG PAALAM KANA!" Matalim na tinignan ni Eri si Alvin. Sa tingin nayun ay biglang lumutang itong si Alvin na sa pag lutang nayun ay tila ba may sumasakal sa leeg nito.
"M-maawa ka saakin Eri! W-wag mo akong p-patayin?!" Hirap na sa pag sasalita si Alvin dahil patindi na ng patindi ang pag kakasakal nito sa pamamagitan lang ng tingin ni Eri.
"Tomogol ko Ori. Pog sososohan mo yong gogowin mo!" Hirap mag salita si Dominic dahil sa may pasak ang bunganga nito. Sigaw siya ng Sigaw pero hindi siya pinansin ni Eri.
Sa pamamagitan ng pag tingin ng matalim ni Eri ay itinilapon niya sa may gawing kanan ang katawan ni Alvin.
"NGAYON NA EMI!" Sambit ni Eri na tila may inuutos ito sa kapatid niya.
Ibinuwal bigla ni Emi ang malaking aparador sa gawi ni Alvin.
Napalaki nalang ng mata si Alvin at napahiyaw ng makita niyang pabuwal na sa kanya ang malaking aparador.
"WOOOOOOGGGGGGGGGGGG!!!!" Sigaw ni Dominic.
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!" napasigaw nalang ng sandaling iyun si Alvin.
Kitang-kita ni Dominic kung paano namatay si Alvin. Halos mangilo siya ng makita niya ang ulo nitong napisa dahil sa pag kakaipit ng aparador sa kanya. Halos umagos doon ang maraming dugo at nag kalat rin ang butil butil na sumabog na utak ni Alvin.
Naibuga na ni dominic ang papel na nilagay sa kanya kanina ni Eri kaya naman nakapag salita narin ito.
"Wala kayong Awa! Mga dimondyo kayo!" Galit na sabi ni Dominic habang maiyak-iyak ito sa sinapit ng kaibigan.
Nangiti bigla si Eri. "BAKIT? ANG GINAWA MO BANG PAG PATAY SAAMIN AY HINDI KADIMONYUHAN?! AKALA MO KUNG SINONG ANGHEL KA KUNG MAKAPAG SALITA DIYAN!"
"TULONG!!!!!!!!!!!! TULONG............. TULUNGAN NYO KO!!!!!!!!!!" Sumigaw bigla si Dominic. Hindi parin siya nawawalan ng pag asa na baka sakaling may makadinig sa kanya at tulungan siya.
"KAHIT MAG DAMAG KANG SUMIGAW DIYAN AY ALANG MAKAKADINIG SAYO. MADINIG MAN NILA IKAW. IDADAMAY KO LANG DIN SILA. ITUTULAD KO SILA DITO." tinuro niya ang pisak na ulo ni Alvin. "DONT WORRY DOMINIC! MABUBUHAY KA PA NAMAN NG MATAGAL DAHIL PAHIHIRAPAN MUNA KITA BAGO KA MALAGUTAN NG HININGA. GUSTO KONG MATINDING PAG HIHIRAP ANG MARANASAN MO BAGO KA MAMATAY!"
"Sa gagawin mong ‘yan. Hindi ka makakapasok sa langit!" Palaban parin na sumasagot si Dominic.
"Bakit sa tingin mo sa langit ka mapupunta. SAMA-SAMA TAYO SA IMPYERNO! SIGE NA EMI, GAWIN MO NA ANG IKATLONG HAKBANG!" ngumisi bigla si Eri. Mukhang isa na naman itong mag papaluha sa sakit kay Dominic.
Nag simula na namang pumalag si Dominic ng makita niyang papalapit na ulit si Emi sa kanya. May hawak itong isang bote. Bote ng asido.
"W-wag! WAG! A-asido yan! W-wag mong ibubuhos saakin yan aahhh!!! Maawa ka!"
Winak-wak ni Emi ang suot ng damit ni Dominic. Nang matanggal ang pang taas na saplot ni Dominic. Binuksan na ni Emi ang takip ng bote niyang hawak at dali-dali iyung ibinuhos sa katawan nito.
Halos mangisay sa sakit si Dominic. Umuusok usok pa ang balat nito na natalsikan ng asido. Halos mamula mula ang balat na naging isang sariwang sugat na tila longganisa.
"Ahhhh!! Ang sakit! Gago kayo! Mga walangya!" Sigaw ng sigaw si Dominic. Nalapnos ang buong katawan nito kaya naman hanggang ngayon ay nangingisay parin ito sa sobrang sakit. Halos pawisan, duguan at nang hihina narin siya dahil sa pang t-torture ng mag kapatid.
"KAYA MO PABA? MUKANG HINDI KANA TATAGAL AH!? PERO SIGE TULOY-TULOY NA NATIN ITO." lumapit si eri sa kanya sa pamamagitan ng pag lutang sa ere.
Nag labas ito ng kampit.
Ngumisi pa si Eri kay dominic bago niya ginawa ang ika-apat na hakbang.