Chapter 17
Lalong naging mabangis ang nakakadiring mukha ni Eri. Ngumisi pa ito bago niya ginawa ang ika-apat na hakbang kay Dominic.
Bigla-bigla niyang tinapyas ang dalawa nitong tenga kaya naman halos itodo na ni Dominic ang kanyang pag sigaw.
"Napakasakit! Put*ng in*!" Halos ang sagwa ng tignan ang mukha ni dominic dahil sa wala na ang dalawa nitong tenga. Rumagasa sa dalawa niyang pisngi ang nag kalat na dugo galing sa tinapyas niyang tenga.
Mayamaya ay sumiryeso ng tingin si Dominic na tila ba'y hindi na ito nasasaktan sa mga ginagawa nila Eri at emi.
"Maling mali ang ginawa nyo sa kapatid nyo! " Sigaw bigla ni Dominic. Nalito bigla si Eri sa sinambit nito.
"Kapatid?!! Anong pinag sasasabi mong kapatid?!" Litong tanong ni Eri.
Tumingin si Dominic sa patay na katawan ni Alvin.
"P-pinatay nyo ang nag iisa nyong nakakatandang kapatid! Ang tinuring mong ninong ay siyang kapatid mo Eri! Pinatay nyo ang kapatid nyo! Ang tanga-tanga nyo!!!" Sigaw ni Dominic.
"Kasinungalingan! Wag kang gumawa ng kwento dahil kami lang ni Emi ang anak ng Mommy at daddy namin!." Sagot ni Eri.
"Bago nyo ako tuluyang patayin. Hayaan nyong i kwento ko sainyo ang mga kasalanan na nagawa ko sa pamilya nyo. Nung ipinanganak si alvin ng mga magulang nyo ay ninakaw ko siya sa ospital. Gusto kong wala silang maging anak dahil ayoko ng meron akong makakahati sa kayamanan nila. Pinag benta ko siya sa ibang pamilya ng hindi mag ka anak. Kaya lang sadyang makakati ang mga ari ng mga magulang nyo at muli na naman silang gumawa at nag silang na naman sila ng sanggol. At dalawa pa iyun. Kayo nayun Eri at Emi. Nung baby pa kayo ay gustong-gusto ko na kayong patayin dahil mga hadlang kayo sa kayamanang inaasam ko. At yung aksidenteng nangyari sa mga magulang nyo. Ako rin ang may pakana nun. Nilagyan ko ng bomba ang sasakyang gamit nila. At nang mawala sila sa landas ko. Yun na nga. Sinunod ko na kayo. At akalaing mong may ganitong pangyayari pala sa mundong ito. Na ang patay ay muling nag balik at pinag hihigantihan na ako ngayon. Sadyang ang mundo ay punong-puno ng kababalaghan. Nag kalat ang mga dimonyo, mga tikbalang, halimaw at mga kaluluwang ligaw at mga chanak na kagaya nyo!"
"WALANGYA KA! NAPAKA DIMONYO MO TALAGA!" nanggagalaiti sa galit si Eri kaya naman biglang humangin ng pag ka lakas-lakas sa kwartong yun. Halos maluha si Eri sa mga kinuwento ni Dominic. kaya naman lahat ng gamit sa kwartong yun ay nag si lutangan at tumilapon lahat kay Dominic. Naluluha naman si Emi habang nakatitig sa patay na katawan ng kapatid niyang si Alvin.
"Sanay na ako sa mga sakit na ginagawa nyo!. Manhid na ang buo kong katawan. Bakit ba kasi pinatay nyo siya? Wala naman siyang ginagawa sainyo! Tanga tanga nyo kasi. Pinatay nyo ang kapatid nyo! Mga tanga!" Halos nakuha pa nitong manura kahit duguan at mahina na ang katawan niya.
"Nadamay siya ng dahil sayo Dominic. Napaka dimonyo mo talagang tao! Naisip ko kasing lahat ng ka tropa mo ay walangyang katulad mo kaya pati siya ay naisip ko ding patayin."
"Wala na! Pinatay nyo na siya!" Hindi parin tumitigil sa panunura si Dominic.
Hindi na nag padala sa sura si Eri. Ngumisi na siya at tumingin ng matalim kay Dominic. "ITO NA ANG ORAS PARA IKAW NAMAN ANG MAG PAALAM. SIGE DOMINIC, LIBUTIN MO NA ANG TINGIN MO SA BUONG PALIGID AT ITO NA ANG HULING ARAW MO!"
Sinipa na ni Eri ang bangkong pinag tutungtungan ni Dominic.
"W-wag!!!"
Nalaglag si Dominic na nakasabit ang leeg. Nagyuyuyugyog siya habang nakalambintin ang leeg niya. Siguradong hirap na ito sa pag-hinga dahil sobrang higpit ng pagkakatali roon ni Eri.
Halos ilang segundo lang ang tinagal nito at maya-maya pa'y naging kulat violet na ang mukha ni Dominic at bigla nalang itong naihi sa kanyang pantalon. Nakatirik ang mata nito ng malagutan siya ng hininga.
"Ako na bahala dito. Diyan ka nalang sa labas at baka kung mapaano kapa kapag sumama kapa sa loob."
"Mag-iingat ka, George."
Tumuloy na sa loob ng Kweba si George para manghuli ng paniki. Ilang sandali lang ang tinagal nito sa loob at lumabas na kaagad siya ng kweba na may hawak na itong paniki.
"Naku mabuti naman at nakahuli kana." Masayang sambit ni Teressa.
"Oo nga. Akala ko aabutin tayo ng dilim dito. Tara na. Sa ospital naman tayo." Sambit ni George.
Halos limang ospital ang pinuntahan ng mag asawa pero bigo itong nakahanap ng taong nauulol sanhi ng kagat ng aso.
"Ipag pabukas na natin ang paghahanap at medyo napapagod na ako." Nakangiwing sambit ni Teressa.
"Sige, pero last na. Nandito na tayo sa huling ospital na pupuntahan natin. Sayang naman kung aatras pa tayo."
"S-sige. Sana naman meron na dito."
Pag pasok nila sa loob ng ospital ay agad silang nag tanong sa isang doctor na nakasalubong nila.
"D-doc! sandali lang po. M-may tao po ba ditong nauulol?" Bungad na tanong ni George.
"Taong nauulol dahil nakagat ng aso? M-meron ata. Bakit?" litong tanong ng doctor.
"Yes salamat naman!" Nakangiting sambit ni Teressa.
"D-doc? Maari nyo po bang sabihin saakin kung nasang room yung taong nauulol nayun? kailangang kailangan lang kasi namin eh." Sambit ni George na medyo nag mamakaawa pa.
"Eh bakit ba kasi? Anong gagawin nyo sa kanya? Delikado ang pag lapit sa kanya dahil baka makagat or matalsikan kayo ng laway nun. Mauulol din kayo."
"Para po kasi ito sa buhay ng dalawa naming anak. Wag po kayong mag alala at mag iingat naman po kami sa kanya."
"Mag mask kayo kapag pumasok kayo sa room ng babaeng nauulol nayun. Nandun siya sa room ng katabi ng morgue dito sa ospital. "
"Sige po doc. Maraming salamat po."
Agad na silang tumungo sa room ng babaeng nauulol nayun. May nakita silang mga umiiyak habang nakatanaw sa bintana nung room nayun. Kung hindi sila nag kakamali ay mukang sila ang pamilya ng babaeng nauulol.
"Ilang oras nalang ang itatagal ng anak ko at mamatay na siya!"
"kawawa naman si Ate Duday! Bakit kasi hindi kaagad siya nag patingin!"
"Wala na tayong magagawa. Tanggapin nalang natin na mawawala na siya sa buhay natin."
Lumapit sina George at Teressa sa pamilya nung babaeng nauulol.
"E-excuse me po. K-kayo po ba ang pamilya nang babaeng yan?" Bungad na tanong ni George sa matandang babae na umiiyak.
"Oo, bakit?" Mangiyak-ngiyak nitong sagot.
"Maari po ba akong pumasok diyan para makakuha ng konting laway niya?"
Nagulat ang matanda sa sinabi ni George. "B-bakit naman?! Naku delikado ang gagawin mo. Naghihingalo na kasi ang anak ko. Kaya nga nakatali na siya kasi malala na ang lagay nito. Wag ka ng pumasok at baka kung ano pa ang manyari sayo"
Tumingin si George sa babae. nakahiga ito na nakatali ang paa't kamay.Nag wawala ito at puro laway na ang bunga-nga. Naawang tignan ni George ang sinapit ng babae. Halos kasi parang baliw na ito sa sobrang pag wawala sa kama niya na kung ano-ano pa ang sinisigaw.
"Sige na po. Kailangang kailangan lang po kasi namin. Mag iingat naman po ako eh." Pamimilit ni George.
"I-ikaw ang bahala. Basta mag iingat ka nalang." Sambit nung matandang babae.
Kumuha muna si George ng test tube na pag lalagyan niya ng laway ng babaeng ulol. Nag mask narin siya para ma sure na safe na safe siya.
"Mag iingat ka George" sambit ni Teressa. Nag nod lang sa kanya si George.
Marahan na pumasok sa loob si George.
"Wrrrrruaaaaaaaahhh! Wruaaaaaaahh!" Halos patuloy lang sa pag wawala ang babae.
Biglang tinubuan ng takot na si George habang papalapit ito sa babaeng nauulol. Hindi niya kasi alam ang gagawin kung paano niya isasahod sa test tube niyang hawak ang laway ng babae, kung ganyang palag ng palag at sobrang likot nito. Isa pa, sigaw pa ito ng sigaw at may chance pa na makagat siya nito.
Kaya lang, maya-maya ay bigla-bigla nalang natahimik yung babae na parang tumirik na ang mata nito. Mukang nalagutan na nang hininga yung babae kaya naman dali-daling lumapit si George at kumuha ng konting laway sa babaeng iyun.
Nag hahagul-gol na sa pag iyak ang mga pamilya ng babae ng makita nilang wala ng buhay ang babaeng nakagat ng aso.
Hindi na sila nakapag pasalamat sa pamilyang nung babae dahil abalang-abala na ito sa pag iyak.
Pag uwi nila George at Teressa sa bahay nila ay mga yapak at tulo ng dugo ang bumungad sa kanila.
Nag katinginan nalang ang mag asawa.
"Tandaan mo yung sinabi ng babaeng mang aalbularyo, George. Wag tayong mag papahalata na may alam tayo." Bulong na sabi ni Teressa kay George.
"Oo, teressa."
Sinundan nila ang mga yapak ng dugo at umabot iyun hanggang sa kwarto ng mga anak nila.
Pag bukas nila ng pinto ng kwarto nila ay nagulat sila ng makita nilang duguan at walang malay ang dalawa nitong anak at sa kamay ni Erika'y hawak-hawak nito ang pugot na ulo ni Dominic.
Halos mag kanda suka-suka si George at teressa sa kanilang nakita.