Chapter 15

1678 Words
Chapter 15 Hindi alam kung ano ang gagawin ni Dominic. Di niya aakalaing pwedeng mag hinganti ang isang kaluluwa. Lakad ito ng lakad sa loob ng bahay niya. Nag iisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Umalis naba ng bansa or sumuko nalang sa mga pulis. Sa bawat isang kaluskos ng kahit anong gumalaw sa bahay niya ay agad siyang tinutubuan ng kaba. Iniisip niya kasi na baka andito na sa bahay niya ang kaluluwa ng dalawang batang pinatay niya. Maya-maya ay may biglang kumatok sa bahay niya. Nangangatog si Dominic habang papunta ito sa pintuan. Bumungad sa labas ng bahay niya ang dalawang anak ni George. Si Erika at Emily. "O-oh kayo pala. A-anong ginagawa nyo dito?" Bungad na tanong ni Dominic. "Andyan po ba si papa?" Tanong ni Erika. "Ah eh wala siya dito eh. Pero kanina nandito siya. Bakit hindi pa siya umuuwi?" "H-hindi pa eh. Uhm, tito dominic este kuya Dominic? P-pwede bang maki inom ng tubig. Nauhaw po kasi kami sa kakalakad papunta dito." "Oh sige, Halika kayo, pumasok kayo sa loob." Aya ni Dominic sa dalawang bata. Tumuloy si Dominic sa kusina nila para ikuha ng tubig ang dalawang bata. Pag balik niya ay nagulat nalang siya ng wala na ang mga ito. "Nasaan na sila? Erika? Emily? Asan kayo? Ito na ang tubig nyo oh!" Sigaw ni Dominic. Inisip niya na baka kasi pumunta sa taas ang dalawang bata. Kaya lang nagulat nalang siya ng biglang may mag salita sa likuran niya. "ANDITO KAMI SA LIKOD MO TITO DOMINIC!" Dahan-dahan na tumingin sa likuran si dominic. Laking gulat niya ng makita niya ang dalawa nitong pamangkin. Bigla-biglang hinampas ng dospordos ni Eri si Dominic sa kanyang ulo, kaya naman nabuwal ito at nawalan ng malay. "Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin yan Teressa?!" Sambit ni George. "Hindi ko na binaggit dahil alam kong ligtas na ang mga anak natin dahil may pangotra na sila. Pero inaamin kong kasalanan ko din dahil hindi ko sinabi sayo. Nagkampante ako na hindi na mapapahamak ang anak natin dahil okay na sila. Pero hindi ko aakalaing mas lala pa ang sitwasyon ngayon." "Pero teka Teressa. Wag muna tayong mag isip ng kung ano. Maayos naman na nag paalam sina Eri at Emi saakin kanina. May kasunduan kami kaya mukang tutupad naman sila sa pinangako nila saakin. Basta raw mapatay nila si Dominic ay isasauli na agad nila ang mga katawan ng anak natin saatin. Pag katapos nun ay matatahimik na raw sila at hinding-hindi na tayo guguluhin." "George mga ligaw na kaluluwa na sila. Hindi natin alam kung kampon ba sila ng diyos o ni Satanas. Hindi natin alam kung tama paba sila mag isip. Galit sa puso ang namumuo sa mga batang yun kaya padalos-dalos sila sa mga desisyon nila. George, hindi tayo safe kapag hindi na nila maibalik ang katawan ng mga anak natin. Ang masama pa dun ay baka magustuhan or matakam sila sa katawan ng mga anak natin at hindi na nga nila yun ibalik. At dahil sa kagustuhan nilang kunin ang mga katawan ng mga anak natin, syempre alam nilang hahadlang tayo sa kanila kaya naman may chance na pati tayo ay patayin narin nila para mapa sa kanila lang ang nga katawan nila." "Ibig bang sabihin ay p-pwede silang mabuhay muli sa pamamagitan ng mga katawan nang anak natin?" "Oo. Kaya yang hawak mong kwintas nayan ay wala ng epek! Tinanggal mo ang epekto niya sa pamamagitan ng pang sang-ayon mo sa kanila. Kailangan nating bumalik sa albularyo para mag tanong kung ano ang pwede nating gawin. Delikado tayo George!" Nagising nalang si Dominic na puro tali na ang katawan. May tali siya sa dalawang kamay, sa dalawang paa at sa kayang leeg. Nakatayo siya sa may isang bangko at nakasandal sa isang ding-ding. kung baga ay parang nakapako ito sa isang krus. Malabo pa ang kanyang paningin ng magising ito. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh............." Agad-agad na sumigaw si Dominic ng maramdaman niyang tinanggal ang isang kuko nito sa paa. Sumurumpit tuloy ang dugo sa paa niya. "Put*ng In*! Ang sakit!" Halos nangingisay si Dominic sa sobrang sakit na nararamdaman niya. "Sige mag likot kapa! Tignan lang natin kung mabuhay kapa kapag nabuwal ka diyan sa bangkong kinatatayuan mo." Sambit ni Eri habang hawak hawak nito ang kukong tinanggal niya sa paa ni Dominic. Napatingin si dominic sa bandang ibaba. Nakita niyang kapag natanggal nga siya sa bangko nayun ay mabibigti nga siya roon. "M-maawa kayo... pakawalan nyo na ako... Hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko sainyo eh!..." Nag mamakaawang sabi ni dominic. Unting-unting lumabas ang panget na mukha ni Eri at Emi. Lumabas din pati ang mga sugat at hiwa nila sa leeg. Naging mabangis ang itsura ni Eri sa mga sinabi ni Dominic. "TIGNAN MO ITONG ITSURA NAMIN!? YAN ANG GINAWA MO SAAMIN! KARUMAL-DUMAL ITONG GINAWA MO! WALA KANG AWA NUNG PINATAY MO KAMI. HINDI KAPA NAKUNTENTO AT GINAMIT MO PA KAMING PAMBAYAD NG UTANG SA MGA KAIBIGAN MO. PERO WAG KANG MAG ALALA. PATAY NA LAHAT SILA. PINATAY KO NA. PERO YANG SABI MONG PAKAWALAN KA NAMIN ANG ISANG NAKAKAGIGIL NA NAPAKINGGAN KO MULA SAYO. AKALA MO BA'Y GANUN GANUN KA NALANG NAMIN PAKAKAWALAN? ITO ANG TANDAAN MO! SINISIGURADO KONG HINDI KANA SISIKATAN NG ARAW BUKAS!." Naihi sa takot si Dominic. Hindi narin niya napigilang maiyak. Alam niya sa sarili niyang hindi na siya bubuhayin ng mga ito. Ngayon naramdaman niya kung ano ang nararamdaman nila Eri at emi nung pinatay niya ang mga ito noon. Siya naman ngayon ang makakaranas ng karumal-dumal. "Patayin nyo na ako." biglang sabi ni Dominic. "KALMA! SYEMPRE PAHIHIRAPAN KA MUNA NAMIN. SWERTE KA NGA DAHIL ESPESYAL ANG PAG PATAY NA GAGAWIN NAMIN SAYO. SIGE EMI, GAWIN MO NA ANG UNANG HAKBANG." lumapit si Emi kay dominic. Binuhusan niya ng isang garapong higad si Dominic sa loob ng brief nito. Kung bibilingan yun ay mahigit 80 piraso na higad ang nandun. "Ahh!! Maawa kayo saakin!" Sigaw ni Dominic. Unti-unti ng sisi gapang ang mga higat nayun sa maselang bahagi ng katawan ni Dominic kaya Siguradong hapdi at kati ang mararamdaman niya sa pag dikit ng mga higad nayun sa kanyang batuta. Maya-maya ay tumalab ng ang kati kay dominic. gumegewang-gewang siya para matanggal ang ibang higad sa loob ng brief niya. "AT NGAYON, ANG IKALAWANG HAKBANG NAMAN." Sambit ni Eri. Siya naman ang lumapit kay Dominic. "A-ano naman ang gagawin mo?" Nanginginig at Takot na tanong ni dominic habang todo parin ito sa pag wagaway sa sarili sa sobrang kating nadarama niya. Nag smirk ang nakakatakot na mukha ni Eri. Inabutan ni Emi si Eri ng isang malaking palakol. "Ahh!! A-anong gagawin mo? Bakit may palakol ka?!" Natatakot na talaga si Dominic. Bigla-biglang Tinaga ni eri ang lahat ng daliri ni dominic sa paa. Halos malaglag ang mga pira-pirasong daliri nito sa lapag. Sumurampit ulit ang mga dugo sa paa nito na nagmistulang isang fountain. Halos makagat nalang ni Dominic ang dila nito sa sobrang sakit na dinanas. Hindi na niya ulit mapigiling umiyak. Nag hahagul-gol itong nag sisisigaw ng tulong. "Tulungan nyo ako! tulungan nyo ako! ahhhh.." Agad-agad ulit na tinaga ni Eri ang kabilang bahagi ng paa niya. Nag laglagan ulit ang mga pira-pirasong daliri nito sa sahig. Halos puro tulo na ng dugo ni Dominic ang tumitilansik sa buong paligid ng kwartong pinag dalahan sa kanya. Wala na ni isang daliri ang naitira sa paa ni Dominic. Bigla nalang din nag dugo ang dila nito, dahil sa pag kagat niya sa sobrang kirot na naramdaman niya sa pag palakol sa mga daliri niya sa paa. Pag dating ni Teressa at George sa bahay nung albularyo ay samandali silang naupo dahil may tatlong tao pang nakapila na mag papagamot sa matanda. Karamihan sa ginagamot ng matanda ay binigbigyan nito ng kwintas or kahit telang pula na nilalagyan nito ng dahon sa loob nun. Maya-maya ay isang babae nalang ang natitira. Pag katapos nun ay sila narin ang sumunod. "A-anong maipaglilingkod ko sainyo?" Bungad na tanong sa kanila ng matanda. "A-ako po ito lola. Si Teressa po, yung babaeng may anak ng dalawang babae na sinasapian." Sagot ni Teressa. "Oh ikaw pala. Anong problema? Wag mong sabihing sinapian na naman sila?!" Sagot ng matanda na nanlaki pa bigla ang mata. "G-ganun nga po lola. At ang masama po dun ay Pumayag po ang asawa ko na sumanib iyun sa mga anak ko. Nakipag kasunduan siya sa mga kaluluwang yun. Kaya alam ko pong ala ng bisa ang kwintas na bigay nyo." "Naku po! Delikado ang buhay ng mga anak nyo! Oo, wala na ngang bisa ang kwintas na bigay ko sainyo. Nawala ang epekto nun dahil sa asawa mong mapangahas. Hindi ko alam kung ano pa ang pangontra na maiibigay ko sa kanila. Kapag kasi pumayag na ang Ina or ama sa mga kagustuhan sumapi dun ay mahirap na itong kalabanin. Mas malakas ang epekto ng isang pag sang-ayon ng ina or ama. Kasi pumayag na kayo. Kaya ano mang oras ay p-pwede na silang pumasok sa katawan ng anak nyo. May permiso na kasi sila sa magulang ng sasapian nila. Na kapag kabisado na nila ang pag pasok or pag kontrol sa mga katawang yun ay posibleng hindi na nila ito ibalik sa mga may tunay nitong may ari. Gagawa at gagawa sila ng paraan para maagaw ang katawan ng mga anak nyo dahil alam na nila ang bawat pag galamay sa mga katawan nun." "A-ano po ang p-pwedeng pangontra pa na pwede nyong gawin? Tulungan nyo po kami." Pag mamakaawang sambit ni George. "Meron akong alam na isang malakas na pangontra na pwede nating gawin para makontra ulit ang pag sanib ng mga kaluluwang yun sa mga anak nyo." Sagot ng matanda. "A-ano po yun? Bigyan mo kami nun para makontra ulit namin ang pag sanib nun sa mga katawan ng mga anak namin. Ayokong mapasa kanila ang mga katawan ng anak namin. Natatakot po akong baka kami ay patayin narin ng mga kaluluwang yun." Sambit ni George. "Kailangan nyo ng ABULA-BULA SILANDAK." "ABULA-BULA SILANDAK? a-ano po yun?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD