Chapter 14

1202 Words
Chapter 14 Hindi alam ni George kung ano ang gagawin niya. Napapaluha nalang siya habang nag lalakad papunta sa kahit saan. Sinabi kasi ni Teressa na layuan muna siya ni George dahil gusto muna nitong mapag isa. Maya-maya ay nagulat nalang siya ng makita niyang tumatakbo papalapit sa kanya ang dalawa nitong anak. "Erika!? Emily?! Saan kayo galing? Kayo ba yan or sinasapian parin kayo?" Bungad na tanong ni George sa mga anak niya. "Kami ito papa. Halika ka po papa. si Mama nag las-las po!" "Ano?!!" Gulat na tanong ni George. "Tara na po sa bahay at marami ng dugo ang nawawala kay Mama!" Agad-agad na sumunod si George sa dawalang nitong anak. Kaya lang habang tumatakbo sila. Nagkaroon ng isang munting tanong si George sa kanyang isipan. "Mga anak ko nga ba itong sinusundan ko?" Bulong niyang tanong sa isip niya. Bigla naman siyang napahawak sa nakabukol sa bulsa niya. "Alam ko na ngayon. Alam ko na kung sino talaga itong mga sinusundan ko." bulong ulit niyang sabi sa isip niya. "Bilisan natin mga anak at baka mapaano na ang mama nyo!" Sambit ni George habang todo sila sa pag takbo. Pag ka uwi nila sa bahay nila ay agad naman ng umaksyon si George. “Nasaan siya?!" Gulat na tanong ni George. Biglang ngumisi nang parang baliw sina Emily at Erika. "Ang tanga mo George!" Hindi na nagulat si George sa bumungad na salita sa kanya. "Mas tanga kayo!" Sagot ni George. Bigla niyang sinikmuraan sina Erika at Emily kaya naman nabuwal sila parehas. Agad na dinukot ni George ang dalawang kwintas na bigay ng mang aalbularyo at saka niya sinuot sa dalawa. Doon bigla nalang nawalan ng malay ang dalawang bata. "Akala nyo maasihan nyo ako Eri at Emi!?" Nakangising sambit ni George na tila ba ang saya saya nito dahil nag tagumpay siya. Biglang humangin ng malakas sa loob ng bahay. Halos tila may bagyo na signal ng 4 sa lakas ng hangin. "AKALA MO BA AY NANALO KANA?!" Nag pakita sa kanya si Eri. Humahangin-hangin ang buhok nito at parang demonyo pa ang boses. Halos masuka-suka si George ng makita niya ang nakakadiring mukha ni Erika na tila inaagnas at punong puno pa ng uod. "Hanggang kelan nyo ito gagawin Eri?" Humawak sa may ding-ding si George dahil patindi na ng patindi ang lakas ng hangin. Si Erika at Emily ay halos liparin narin kaya naman pagulong-gulong ang mga walang malay nitong katawan sa sahig. "HANGGAN'T NAG DADAMOT KAYO!" Sagot ni Erika na tila ba punong puno ito ng galit sa puso niya. "Anong nag dadamot? Hindi kita maintindihan Eri." "DIBA'T AYAW NYONG SUMASAPI KAMI SA MGA ANAK MO. HAYAAN MONG GAMITIN NAMIN ANG KATAWAN NG MGA ANAK MO PARA MAKAPAG HIGANTI KAMI SA TITO NAMING WALANG AWANG PUMATAY SAAMIN!" "Ayoko! hindi pwede at baka mapahamak pa ang mga katawan nila dahil sa mga kagagawan nyo." "AAahhh!" Dumagundong ang malakas na sigaw ni Eri sa loob ng bahay kaya naman halos mabingi si George sa sobrang lakas nun. "Parang awa mo na. Pahiram kami ng katawan ng mga anak mo. Para matahimik na din ang mga kaluluwa namin. Gusto lang naman naming humingi na katarungan sa ginawa saamin ng tito namin." Sambit ni Emi na siyang malumanay mag salita. Kahit ganun pa man. Nakakadiri din ang itsura nito dahil halos luwa ang mata nito sa kadahilanang pag las-las siguro sa leeg niya. Kaya naman parang naawa ng konti dito si George. "AT PAG PINAHIRAM NYO ULIT SAAMIN ANG KATAWAN NG MGA ANAK MO AY LIGTAS KA NA SA MGA PAGHIHIGANTIHAN NAMIN. HINDI KA NA NAMIN GAGALAWIN GEORGE." Sambit ni Eri. "T-totoo ba yang sinabi mo?" "OO GEORGE! KAYA PAHIRAMIN MO NA KAMI PARA MATAHIMIK NA ANG AMING MGA KALULUWA." "P-pero kaibigan ko parin si Dominic. Kaibigan ko ang papatayin nyo!" "ITO PA ANG SASABIHIN KO SAYO GEORGE. HINDING HINDI KAYO MATATAHIMIK SA ORAS NA PAG RAMUTAN MO KAMI. BUONG BUHAY KAMING SUSUNOD SAINYO KAHIT SAAN KAYO MAPAPAD! HINDING-HINDI KO KAYO TITIGILAN. KAYA MAMILI KA. PAPATAYIN NAMIN SI DOMINIC? O MABUBUHAY SIYA PERO HABANG BUHAY KAYONG MAG DUDUSA DAHIL ARAW-ARAW, MINU-MINUTO AT SEGU-SEGUNDO NAMIN KAYONG GUGULUHIN NG PAMILYA MO. MAMILI KA GEORGE!" Halos mapakamot sa ulo si George. Hindi niya lubos maisip na isang buhay ang kapalit para mamuhay na sila ng masagana ng kanyang pamilya. Isang buhay ang mawawala para sa katahimikan nila. Buhay ng isang matalik niyang kaibigan. "Ano kayang ingay ang nadidinig ko sa may ibaba ng bahay namin? "Tanong ni Teressa sarili niya. Halos dumadagungdong kasi at parang nililindol ang bahay nito sa sobrang lakas ng hangin. Maya-maya ay nadinig niyang may tumatawag sa kanya. "TERESSA!?" "G-george?! George nandito ako sa kwarto natin...." Sigaw ni Teressa. Biglang bumukas ang pinto at sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni George. "Patawarin mo na ako Teressa. Mahal na mahal kita at hinding hindi ko na uulitin ‘yun." Sambit ni George. Naramdaman ni Teressa na parang may tubig na dumadaloy sa likuran niya. Luha na galing kay George. "Patawarin mo rin ako George kung naging matigas ako. Kanina alam mo, ala-lang alala ako sayo dahil ikaw na daw yung isusunod nila Eri at Emi. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita George. P-pero teka nga muna. Paano ka nakaligtas sa kanila? Hindi kaba nila nakita?" Bumaklas sa pag kakayakap si George at sumiryoso ito ng tingin kay Teressa. "Teressa malapit na tayong matahimik. Ligtas narin ako." "A-anong ibig mong sabihin George?!" Litong tanong ni Teressa. "Hindi na tayo guguluhin nila Eri at Emi." Nakangiting sagot ni George kay Teressa. "Bakit? Nakausap mo ba sila? Nag makaawa kaba sa kanila? Ano bang ginawa mo?" Sunod-sunod na tanong ni Teressa. "Teka nga muna. Tanggalin ko nga muna yang mga tali mo at baka nahihirapan ka na diyan." "Habang tina-tanggal mo yan, sagutin mo ako, bakit mo nasabing ligtas kana at hindi na tayo guguluhin nung Eri at Emi nayun?" "Huling hiram na nila sa katawan ng mga anak natin. Pumunta na sila sa bahay ni Dominic para patayin na siya. At dun matatahimik na sila dahil yun lang naman daw ang gusto nilang mangyari. ang makaganti sa taong pumatay sa kanila." "P-pinayagan mo silang hiramin ang katawan ng anak natin para patayin ang si Dominic?!" "Oo, Teressa." "My God George! ‘Yan ang isang desisyon na pag sisisihan mo George!" Galit na sabi ni Teressa. “B-bakit? ‘Yun nga ang naisip ko para matigil na ang lahat ng kababalaghang nangyayari sa atin." "Pero mali ang ginawa mo George! Lalo mo lang pinalala ang mga sitwasyon! Alam mo bang kapag pumayag kang ipaubaya sa kanila ang katawan ng mga anak natin ay may posibleng hindi na nila ibabalik ang katawan ng anak natin. Sa pag payag mong yun ay mawawala ang bisa ng kwintas na dinasalan ng albularyo. Ang pag payag ng isang Ina or ama sa pag hiram ng kaluluwag ligaw sa katawan ng mga anak nila ang pinaka nakakatakot daw na mangyari. Dahil dun, hindi na makakabalik ang mga kaluluwa ng mga anak natin at si Eri At Emi na ang kokontrol sa katawan ng mga anak natin. Maling-mali ang ginawa mo George! MALI!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD