Chapter 11
"Eh, bakit nga ba kami napunta doon? ano po bang nangyari?" Pangungulit ni Erika.
"Ang huli kong naalala. Sinapian ng masamang espirito itong si Ate Erika. Lumutang panga siya sa taas at... at ano paba? At ayu, bigla kang nahulog dun sa basement sa bahay natin. At bigla bigla narin akong nahulog dun at wala na. Wala na akong maalala." Kwento ni Emily.
"Oh sige na nga. Tutal kinukulit nyo na ako sa marami nyong tanong.Sige sasagutin ko na kayo. Oo, sinapian kayo parehas ng masamang espirito. Isang araw ‘yun nag lagi sa katawan nyo. Ginagamit nila ang katawan nyo para makapag higanti sa mga taong gumawa ng kasalan sa kanila. Kaya ‘yang mga kwintas nyo ay wag na wag nyong tatanggalin sa katawan n’yo. ‘Yan ang pangontra para hindi na muling makapasok ang mga kaluluwang ‘yun sa katawan nyo."
"Ano?! S-sinapin kami? Hala! Nakakatakot naman!" Nakangiwing sabi ni Erika.
"Tumaas bigla ang mga balahibo ko!" Sambit naman ni Emily.
"Kaya nga dapat na maging ma-ingat kayo sa kwintas na ‘yan. Wag na wag nyo ‘yang iwawala kung ayaw nyong sapian ulit kayo." Paalala ni Teressa sa mga anak niya.
Lumabas si George ng bahay. Nag madali siyang bumalik sa bahay ni Dominic para sabihin ang natuklasan.
Habang tumatakbo siya ay bigla nalang siyang hinarang ng isang matandang babae.
"H-hoy sandali!" Pampipigil sa kanya nung matanda.
"B-bakit po?" Tanong ni George.
Nagulat si George ng sampalin siya nito." B-bakit nyo po ako sinampal lola?!" Sigaw pa niya sa matanda.
"Pasensya kana. Nakita ko kasi na wala kang ulo pag labas mo ng bahay n’yo." Sagot nung lola na nagpataas ng balahibo kay George.
"W-wala po akong ulo?! P-paano namang mawawalan ako ng ulo eh, ito ngat nakakabit panga saakin." Gulat na tanong ni George sabay kapa sa buong ulo niya.
"Wala ka talagang ulo nung nakita kita. Ang alam ko kapag daw nakakita ng ganun ay agad daw sampalin. May ibig sabihin kasi ‘yun na nag papahiwatig na mamamatay ka. Kaya naman sinampal kita para makontra ‘yun." Paliwanag nung matanda kay George.
“Dahil sinampal nyo na po ako, hindi na po ba ako mamamatay?" Takot na takot na tanong ni George sa matanda.
"S-siguro, Ewan. Pero mag ingat ka nalang. Wag ka ng munang maglalabas ng bahay ngayon at baka maaksidente or may mangyari pa sayo na masama."
Napayakap si George sa matandang babae. "Maraming salamat po. Pakiramdam ay ko kahit papaano eh, natulungan nyo po ako. Sige ho, Babalik nalang po muna ako sa bahay namin at hindi na muna ako lalabas ng bahay."
Agad na bumalik si George sa bago nilang bahay. Sinunod niya ang sinabi ng matanda.
"Wala naman sigurong mawawala kung susundin ko yung sinabi niya." Bulong niyang sabi habang papasok siya sa loob ng bahay nila.
"Pero paano kapag dumating na sina teressa? Kasama niya siguro yung mga anak ko na sinapian ng mga pamangkin ni Dominic. Kailangan kong maialis ang mga kaluluwa nila sa katawan ng mga anak ko. Hindi ako pwedeng mag pa senti-senti kung kasama ko sa bahay naito ang mga papatay saakin."
"Dito na tayo titira. Ito na ang bago nating bahay." Nakaturo si Teressa sa bahay na nasaharapan nila.
"D-dito na tayo titira? Wow! Salamat naman po at lumipat na tayo." Masayang sabi ni Erika.
"Siguro naman ay hindi na tayo masusundan pa dito ng mga kaluluwang yun." Sambit naman ni Emily.
"Sige na pumasok na tayo sa loob at baka kanina pa nag aantay ang Papa nyo." Pag aaya ni Teressa.
Pag pasok nila sa loob ng bahay ay bigla-bigla nalang umatake si George. Bigla niyang sinakal ang dalawa niyang kamay ang mga leeg ng anak niya.
"GEORGE!!" Pang sasaway ni Teressa sa asawa niya. Pilit na tinatanggal ni Teressa ang kamay ng asawa sa mga leeg ng mga anak niya.
"LUMAYAS KAYO SA KATAWAN NG MGA ANAK KO, ERI AT EMI!"
*Ehek! ehek!*
Halos mamula-mula na ang mga mukha ni Erika at Emily sa higpit ng pagkakasakal ni George.
"ANO BANG ERI AT EMI. NABABALIW KA NABA GEORGE?! TANGGALIN MO NGA YANG KAMAY MO SA MGA LEEG NG ANAK NATIN!" halos mag sisigaw na si Teressa.
"P-papa *ehek ehek* H-hindi na k-kami makahinga..." Hirap ng magsalita si Erika dahil sa pag kakasakal ni George.
"T-tama na po p-papa *ehek ehek*" Pati si Emily hirap nadin.
"HINDI NA SILA SINASAPIAN GEORGE! WALA NA SA KATAWAN NILA ANG MGA KAKALUWANG YUN. MGA ANAK NA TALAGA NATIN YAN!" Sigaw ulit ni Teressa.
Dun nahimas-masan si George kaya tinanggal na niya ang pag sakal sa mga anak niya.
Halos mapaupo ang dalawang mag kapatid pag katapos silang sakalin ni George.
Mayamaya ay nadinig nilang naiyak bigla si Emily. Niyakap ni Teressa ang dalawang anak niya para i comport.
"George naman! Halos mapatay mo na mga anak natin ah! Bakit ba bigla bigla ka nalang nananakal?" Tanong ni Teressa.
"Sigurado kabang wala ng sapi yang mga anak natin?" hindi parin naniniwala si George.
"Oo, nabigyan na sila ng pangontra nung matandang albularyo. kaya nga may suot na silang kwintas ng may telang pula. May dasal daw yang nung matanda mang aalbularyo. Kapag suot daw yan ng mga anak natin ay hindi na muling makakapasok yung mga kaluluwang yun sa mga anak natin." Paliwanag ni Teressa kay George.
Lumapit bigla si George sa mga anak nito at niyakap narin niya ang mga anak niya.
"P-patawarin nyo ako mga anak ko... Naninigurado lang si papa n’yo. Nadala na kasi ako sa nangyari sa dati nating bahay." Malambing na sabi ni George sa mga anak nito.
"Papa kala ko papatayin mo na talaga kami. Natakot na ako kanina sa itsura mo dahil sobrang gigil na gigil ka sa pag kaka sakal saamin." Mangiyak- ngiyak na sabi ni Erika.
"S-sorry talaga mga anak!. May natuklasan kasi ako. Sinabi saakin ni Dominic kung sino yung nag mumulto sa bahay nayun?"
"S-sino daw George?" Tanong ni Teressa.
"Sigurado akong mga babae ‘yun. Dalawang babae na mahaba ang buhok. Nagpakita na sila sakin nung una palang natin lipat sa bahay nayun. Dalawang babae ang dumungaw sa bintanan nun. Alam kong hindi ako namamalikmata nun dahil matagal na silang nag pakita saakin." Sabi ni Emily na tila ang seryo-seryoso niya sa pag sasalita.
“Tama si Emily. Dalawang babaeng bata nga ang namatay dun. Si Eri at Emi. Mga pamangkin sila ni Dominic." Sambit ni George.
"Ano daw kinamatay nung mga batang ‘yun at hindi matahimik ang kaluluwa nila?" Tanong ni Teressa.
"Ah, H-hindi ko alam. Hindi sinabi ni Dominic saakin." Pag sisinungalin ni George.
"Siguro pinatay sila!" Galit na sabi ni Emily.
"P-paano mo naman nasabi yan anak?" Gulat na tanong ni George.
"Kasi po nung mag pakita sila saakin ay may laslas ang mga leeg nito. Hindi naman siguro nila gagawin sa sarili nila na wakwakin ang mga leeg nila? Kaya sure ko pinatay sila."
"Naalala ko narin. Nung naliligo ako nun, nag pakita din saakin yung isang babaeng may hiwa ang leeg. Nagpakita siya saakin kaya nahimatay bigla ako sa banyo nun." Kwento ni Erika.
"Kung ganun, sino naman kaya ang pumatay sa kanila? Posible kayang si dominic yun?" Hinala ni Teressa.
"H-hindi ko alam. Wala akong alam sa nang yari sa kanila. Basta ako labas ako sa ginawa nila." Toreteng sabi ni George.
"A-anong ibig mong sabihin George?" Litong tanong ni Teressa.
"W-wala. Ah.. Ah eh ano kasi. H-hindi ko talaga alam kung pinatay nga sila or namatay dahil sa sakit. Wala akong idea, kaya wag na nating isipin kung paano sila namatay. Mabuti pa Teressa mag luto ka ng pananghalian natin at nagugutom na ako." Sambit ni George saka ito nahiga sa sofa.
"Mabuti pa nga at nakakaramdin nadin ako ng gutom" Tumuloy sa kusina si Teressa para mag luto na.
"Kawawa naman pala sila kung pinatay nga sila." Nakasimangot na sabi ni Erika.
"Talaga! Ang bata pa kaya nila tapos papatayin lang! Walang awa yung pumatay kay Eri at Emi. Ang brutal!" Sambit ni Emily.
"TAMA NA!" Sigaw bigla ni George. "Tama na ang pag uusap sa mga patay nayun. Tumugil na kayo at baka gambalain pa nila tayo dito." Duktong pa niyang sabi sa mga anak niya.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Bigla-bigla nalang nag sisigaw si Teressa sa may kusina.
Agad-agad namang tumakbo sina George at ang mga anak niya papunta sa kanya.