Chapter 12
"Teressa Bakit?!" Bungad na tanong ni George pag punta nito sa may kusina.
"M-may malaking gagamba! Ayun! Bilis patayin mo George!" Natatakot na sabi ni Teressa.
"Akala ko naman kung ano na?" Sambit ni George at agad niyang pinag aapakan yung gagamba.
"Mama kung makasigaw naman kayo kala ko nakakakita na naman kayo ng multo!" Nakangising sabi ni Erika.
"Oo nga. Natakot na naman tuloy ako." Sabi ni Emily sabay inom ng tubig.
"Eh kasi naman, takot talaga ako sa mga gagamba."
"Nga pala,may tig isa ba ulit kaming kwarto ni Emily dito Mama?" Tanong ni Erika.
"Ay tungkol diyan. Pinag sama na namin kayo sa iisang kwarto para hindi na kayo natatakot."
"Yes! Buti naman at mag kakasama na ulit kami ni Ate. Hindi na ako matatakot mag isa sa kwarto." Masayang sabi ni Emily na nag tatatalon pa.
"Okay narin saakin dahil medyo naduduwag na ako sa mga kinuwento mo saamin kanina mommy. Ayoko nang masapian nun. Nakakatakot isipin. Saka baka mamaya hindi na nila ibalik ang mga katawan namin."
Habang nag luluto ng tinolang manok si Teressa ay nakalimutan niyang bumili ng patis kanina sa palengke kaya naman inutusan niya si George para bumili nun.
"George?"
"Uhm" Sagot nito mula sa sala.
"Paki bili naman ako ng patis. Nakalimutan ko kasing bumili kanina sa palengke eh."
"A-ayoko. Ayokong lumabas at baka kung mapaano ako."
"Ha?! Bakit naman?"
"Basta ayoko! Ang mga anak mo nalang ang utusan mo."
"George naman! hindi pa kabisado ng mga anak natin ang lugar na ito. Ikaw na ang bumili."
Lumapit na si George kay teressa.
"Teressa. Hindi nga pwede. Nakitaan ako kanina nung matanda na wala akong ulo. Nagulat pa nga ako ng sampalin niya ako eh. Saka sabi pa niya mabuti pa raw na wag muna akong mag lalabas ng bahay at baka kung mapaano ako. Kwento pa niya na kapag daw walang ulo ay nag papahiwatig ito na mamatay yung taong yun. Kaya ayokong lumabas. Natatakot ako." Nag mistulang parang bata si George sa inasta niya sa asawa niya.
"George naman! Nag papaniwala ka sa mga ganung ka sabi-sabi, hindi totoo yun. Baka baliw lang yung nakausap mong matanda." Nakangising sambit ni Teressa habang todo ito sa pag hahalo sa niluluto niyang tinola.
"Wow ang ganda ng kwarto natin Ate. Maliit pero, okay lang. Ayoko na kasi sa malaking kwarto. Mukang nakakatakot pag ganung kalaki. Ngayon mas mapapasarap na ako sa pag tulog dahil alam kong wala ng manggugulo saatin." Sambit ni Emily.
~Dugshhhhhh..~
Biglang sumara ng malakas yung pinto ng kwarto nila Erika, kaya naman nag katingin ang dalawang mag kapatid.
"Hala! W-wala namang hangin pero bakit sumara ng malakas yung pinto?" nakangiwing tanong ni Erika.
"H-hindi kaya sinundan parin nila tayo dito?!" Takot na tanong ni Emily.
"Sampalin kita diyan Emily. Wag ka ngang mag salita ng ganyan!."
Maya-maya ay bigla nalang may lumabas na letrang "T" Sa may ding-ding ng kwarto nila. Kulay dugo ang letra "T" na lumabas dun kaya naman nagulat nalang bigla ang dalawang mag kapatid.
"A-anong yung lumabas na letrang T na yan? Bakit parang dugo pa ata yung kulay niyan?" Takot na tanong ni Emily. Lumapit na siya sa ate niyang si Erika dahil natakot siya sa lumabas ng letrang yun
"My god! Ano yan. Ay E-emily tignan mo!, May lumabas na ulit na kasunod na mga letra." Tinuro ni Erika ang ding ding kung saan lumalabas yung mga letra.
T-u-l-u-n-g-a-n n-y-o k-a-m-i
"T-tulungan nyo kami? Hala! AHHHHHHHHHHH! Nandito nga ulit sila!" sigaw na sabi ni Emily.
Tumakbo na ang dalawang mag kapatid para lumabas. Kaya lang bigla nalang hindi nila mabuksan ang pinto. Mahigpit ang pag kakasara nito at hindi rin dinig sa labas ang pag sigaw nila.
"Ate ayaw! Ayaw talaga bumukas nung pinto ahhhh!!!! natatakot na ako!" Natataranta na si Emily.
"My god! Bakit ngayon pa ayaw bumukas niyan?!" Inis na sabi ni Erika.
Maya-maya ay biglang humangin ng malakas sa loob ng kwarto nila.
"AAAHHH... Bakit humahangin sa kwarto natin. Ate ayoko na! natatakot na ako! Ate!!!" Nagsisigaw na si Emily.
Napatingin nalang si Emily sa walang imik niyang ate. Nakatitig lang ito sa may likuran niya na tila ba'y nakakita ng multo.
"Hoy ate?! Ano kaba?! Bakit wala ka manlang reaksyon diyan? Hindi kaba natatakot?"
"E-emily. Nandito nga s-sila." Biglang tumuro si Erika sa likod ng kapatid niya.
Dahan-dahan na lumingon si Emily patungo sa kanyang likod.
"AAAHH! Multo!!!" Nag sisigaw na silang dalawa. Tumakbo ulit sila patungo sa kanilang kama.
"Tulungan nyo kami."
"Lumayas kayo sa kwarto namin! Tigilan nyo na kami!" Nakangiwing sabi ni Erika.
"Parang awa nyo na. Tulungan nyo kami."
Malamig at may echo ang mga salita nung mga kaluluwa nina Eri at Emi.
"S-sino ba kayo? Bakit kayo humihingi ng tulong saamin?" Tanong ni Emily.
"Ako Si Eri at siya naman si Emi. Pinatay kami kaya gusto naming humihingi ng katarungan. Gusto naming mag higanti sa mga taong bumaboy saamin."
"A-ano naman magagawa namin. P-paano namin kayo matutulungan?" Tanong ni Emily.
Dahil hindi napilit ni Teressa ang asawa niya. Siya nalang ang lumabas para bumili ng patis. Tinuro nalang ni George kay teressa kung saan may malapit na tindahan.
"Napaka weird talaga ng asawa ko. Nagpapaniwala sa mga ganun eh hindi naman totoo yun." bulong na sabi ni Teressa habang nag lalakad patungo sa tindahan.
Nang makabili ito ng patis ay agad naman din siyang bumalik sa bahay nila.
"H-hello Job. Oo si George nga ito."
["Oh bat napatawag ka?"] Sagot ni job sa kabilang linya.
"Pare alam mo bang patay na sina Dan, Cocoy at Rhanie?"
["Pare naman, masamang biro yan!"] hindi naniwala si job at tinatawanan niya lang ang sinabi ni George.
"Tae pare hindi ako nag loloko. Patay na talaga sila. At pinapaalalahan na kita na mag ingat ka."
["Pare tinatakot mo ba ako? Pero seryoso? Patay naba talaga sila?"] Ayaw parin maniwala ni Job.
"Nagiging wirdo ka na talaga George. Pati yang si kumpareng job dinadamay mo sa kalokohan mo." Sabat ni Teressa. Nadidinig niya kasi ang pag uusap nila dahil naka loudspeaker ang phone ni Job.
"Job Kilala mo ba si Eri at emi, yung pamangkin ni dominic?" Tanong ni George kay job na medyo napapatingin pato kay teressa. Baka kasi manghinala si Teressa sa babanggitin ni George.
["Y-yung inano n------"] hindi na pinatapos ni George ang pag sasalita ni Job at sumabat na agad siya. Baka kasi madinig ito ni Teressa.
"Oo. yun nga. Wag ka ng mag banggit pa ng nakaraan. Job patay na sila."
Maya-maya ay hindi na kumibo si Job. Nadinig nalang bigla ni George na kumalampag ng malakas ang pinto ni Job.
["S-sino kayo?Teka E-emily at E-erika? A-ano ginagawa nyo dito?"] Sambit ni Job sa kabilang linya.
Nagulat si George sa nadinig niya kaya napatayo siya.
"Job anong sabi mo? Anong Erika at emily?!"
["B-bakit may kutsilyo kayong dala? Bitawan nyo nga yan at baka makadisgrasya kayo!"] halata na sa pananalita ni job ang pag katakot sa biglang sumulpot na Erika at emily sa bahay niya.
"Job ano bang sinasabi mo diyan? Pinag titiripan mo ba ako.?!" Si George naman ngayon ang hindi makapaniwala.
Maya-maya nadinig nalang ni George sa phone niya na sumigaw ng malakas si Job at biglang may kumalabog sa sahig na tila ba natumba na si Job. Medyo gumaralgal pa yung phone na tila nahulog din sa lapag. kaya naman nag alala na si George.
"Job! Job! Anong nangyayari diyan? Sumagot ka?!" Halos mag sisigaw na si George sa phone niya.
"Ano ba yan George. Bat ba kung makasigaw ka ay parang may nangyayaring masama?.
"Bwisit! Ang mga anak natin? Asan sila teressa?!"
"Nasa kwarto nila bakit?!"
Tumakbo bigla si George patungo sa kwarto nila. Sinundan naman siya kaagad ni Teressa.
Pag pasok nila sa kwarto ng mga anak nila ay nagulat nalang sila ng makita nilang wala doon ang dalawang nilang anak. Isa pa,nakita nalang nila na may dalawang kwintas na may telang pula ang naiwan sa kama.
"SH*T! SINAPIAN NA NAMAN ANG MGA ANAK NATIN TERESSA!"