Chapter 10

1258 Words
Chapter 10 "DOMINIC!?! DOMINIC LUMABAS KA DIYAN!" Halos magiba na ang pinto ng bahay ni Dominic sa lakas ng pag kalambog ni George doon. "Pareng George!? Bakit ba nag iiskandalo ka diyan?! Halos magiba mo na yung pinto ko ah!" Inis na sabi ni Dominic. May babae agad na nakatapis ng tuwalya ang sa kanya'y sumunod. "Dominic naman! Bakit hindi mo manlang sinabi saakin na may namatay doon sa bahay na pinagbenta mo saakin?! Gago pare, hindi kami makapamuhay ng maayos dun dahil ginugulo kami ng mga kaluluwa ng mga pamangkin mo. Oo dominic, alam kong mga pamangkin mo ang namatay dun. Nasabi na saakin ni abby. Pero bakit hindi mo manlang sinabi saakin. Tuwang tuwa pa naman akong mura lang ang binayad ko sayo, pero may multo naman pala. Ayun, sinasapian pa tuloy ng mga kaluluwa ng pamangkin mo ang mga anak ko. Itong sugat sa ulo ko kagagawin din ng mga ‘yun. Gago pare, ibalik mo na yung pera saakin at lumipat na kami sa ibang bahay." Tuloy tuloy at galit na galit na wika ni George. "S-sorry pare. Oh sige, ibabalik ko nalang sayo ang pera mo. Pasensya kana kung hindi ko nasabi sayo. Kasi naman kailangan ko lang ng pera nung time nayun kaya napilitan akong ibenta sayo." "Mabuti naman at mababalik mo kaagad ang pera ko. Akala ko mag tatalo pa tayo ng matagal eh." "Pumasok ka muna sa loob pareng george." Pang aaya ni dominic. Agad namang pumasok si George sa loob ng bahay. Maasenso na ngayon si dominic dahil magandang maganda na ang bahay nito. Kaya naman sari-saring babae ang nadadala nito lagi sa bahay niya. "Nga pala, alam mo na bang patay na sina Dan, Cocoy at Rhanie?" "P-patay na?!" Gulat na gulat si Dominic. "K-kelan? At Bakit sila namatay?" Dukto pa nitong tanong. "Nito nito lang. Sunod-sunod silang namatay. Si Rhanie kagabi lang. Hindi pa nga nalilibing si Pareng Cocoy nasundan kaagad ni Rhanie kagabi. At ang sabi-sabi pa ay Pinatay daw sila. Hindi nga nila malaman kung tao ba o multo ang gumagawa nun eh." "F*ck! Iniisa-isa na ata tayo nang mga ‘yun!" Biglang sabi ni Dominic. "A-anong ibig mong sabihin.?" "Donna, tumaas ka muna sa kwarto at may pag uusapan lang kami ni George," Sabi ni Dominic sa babaeng kasama niya sa bahay. "George. Mukhang gumaganti na yung dalawang pamangkin ko." "S-si Eri at si Emi?" "Oo, George." "Bakit naman sila gaganti? Ano ba kinamatay nila? Wag mong sabihing pinatay mo sila?" "Pare nung time na pinagalaw ko sainyong lima si Eri. Nung araw na yun ay pinatay ko na sila para makuha ko na ang mga kayamanan nila." "P-pinatay mo sila?! P*tang*na! Dominic Gago ka! Bakit mo ginawa yun? Pinang bayad mo na nga sila para sa utang mo saamin tapos pinatay mo pa sila?!" "Pare pinag sisisihan ko naman yun eh, Pero hindi ko nga din alam kung bakit ko yun nagawa." Nakasimangot na sabi ni Dominic. "Matakot na tayong tatlo nila Job. Isa na saatin ang isusunod nila." Duktong pa nitong sabi. "H-hindi ako kasali Dominic. Hindi ko naman tinuloy na galawin si Eri. Hindi kaya ng puso ko na gahasain siya. Pero ang pagkakamali ko lang ay pinudpod ko siya ng halik noon. Pero hindi ko tinuloy na galawin siya. Puro halik lang ‘yun." Sambit ni George. "Kahit na George. Tinikman mo rin yung pamangkin ko kaya sabit ka narin dito. Kung ako sayo maghanda-handa ka nalang din. Tawagan mo na si Job para masabihan narin natin. Hindi Natin alam kung kelan sila aatake. Maling mali talaga yung ginawa natin sa kanila. Lalo na yung pag patay na ginawa ko. Pero George, tanggap ko na mamamatay din ako. Hindi sila titigil na matunton ako dahil ako ang may pinaka karumaldumal na may ginawa sa kanila." "Mabuti naman at pinag sisisihan mo ang ginawa mo. Pero sabi nga nila, nasa huli ang pag sisisi. Basta pare mag ingat ka nalang din. Ako na bahalang mag text ng paalala kay job. Sige, mauna na ako at inaasikaso ko pa yung bagong bahay na titirahan namin." Halos puro mga kakaibang bagay ang nakikita ni Teressa sa loob ng bahay nung matandag mang aalbularyo. Pinasok din nila sa loob ang dalawang anak niya na walang malay. "A-ale, A-ano po bayung sasabihin mo saakin?" Tanong ni Teressa. "Misis, may masasamang espirito ang sa mga anak mo'y sumasapi. Malalakas ito. Punong-puno ng galit at puot sa puso nila. Ginagamit nila ang katawan ng mga anak mo para makapag higanti sa mga taong gumawa sa kanilang ng kasalanan." "Sinasabi ko na nga ba eh!. Kaya pala iba ang kinikilos at pag uugali ng mga anak ko." "Kailangan nila ng pang kontra para hindi na muling pumasok sa katawan ng mga anak mo ang masasamang espirito nayun." "A-ano po bang klaseng pangontra yan?" "Yang sinuot ko sa kanila kanina. Kwintas na may telang kulay pula. May dasal ko yan at may mga kakaibang dahon sa pulang tela ang nakalagay dun. Yan ang makakatulong upang hindi sila makapasok sa katawan ng mga anak mo." "Kaya pala nahimatay na sila kaagad kanina. Naku, maraming maraming salamat po. Magkano po ba ang bayad dun?" Tumingin yung matandang ale sa hawak ni teressa na patay na manok. "Hindi ako tumatanggap ng bayad misis. Ang mga nag papagamot dito ay nag aalay lang ng kahit anong pagkain. Pwede narin siguro yang hawak mong manok." "I-ito po ba?. Sige po sayo napo ito. bibili nalang ulit ako sa palengke." Iniabot ni Teressa ang hawak niyang manok sa matandang babae. Maya-maya ay nag kamalay na ulit ang dalawang dalagita.Papungay-pungay pa ang mga ito at nagulat nalang sila sa mga nakita nila sa paligid. "N-nasaan ako? Ano ito? Bakit ako nandito?" Bungad na tanong ni Erika. "Mama bakit nandito tayo? Ano po bang nangyari?" Tanong naman ni Emily. "Sa bahay ko na ipapaliwanag ang lahat sainyo. At saka nga pala. Iyang mga kwintas na suot nyo ay wag na wag nyong tatanggalin sa katawan nyo." "B-bakit po mama?" Tanong ni Emily. "Sa bahay ko na sasabihin. Ah ale, maraming salamat po sa tulong nyo. Mauna na po kami." "Sige. Mag ingat kayo." Maikling sagot nung matanda. Tuluyan nang umalis sina teressa sa bahay ng mang aalbularyo. Habang nag lalakad ang mag iina ay hindi maiwasan nila emily at Erika ang hindi mag tanong. "Gagong Dominic nayun! Pinatay pala niya yung dalawang bata. Kung ako man, hindi rin ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti. " Bulong ni George habang nag lalakad ito ng nakayuko sa daan. Tuliro ito sa mga natuklasan niya. Sumakay na sa jeep si George para makauwi siya ng mabilis sa bago nilang tinutuluyan. Pag kauwi niya sa bago nilang bahay ay maayos na ang lahat. Yung mga lalaking binayaran narin niya ang nag ayos ng mga gamit nila. Naupo samandali si George sa may sofa nila. Bigla-bigla namang pumasok sa isip niya kung paano ba nagagawang pumatay nung mga kaluluwa ng pamangkin ni Dominic. "Paano nga kaya sila pumapatay?Ano kaya ang gamit nila at bakit walang nakakakita sa kanila? Hmm! Sa bagay multo nga pala sila kaya wala talagang makakakita sa kanila. Pero, bakit kaya ang mga anak ko pa ang sinasapian nila? Ano kaya ang pakay nila sa mga anak ko?” Samandaling natahimik si George ng maisip niya si Erika. “Alam ko na ngayon! Kaya pala puro dugo palagi si Erika pag nakikita naming walang malay ay dahil ang katawan ng anak ko ang ginagamit nila para mapatay ang mga barkada ko. Sh*t! Delikado ako sa mga anak ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD