Chapter 9

1184 Words
Chapter 9 Umabot ng benteng segundo ang pag titig ni Erika at Emily sa kanilang Ama na si George. "Mabuti naman at gising na kayo mga anak." Niyakap kaagad ni Teressa ang kanyang mga anak. Habang nakayakap ito sa kanilang ina ay nakatitig parin ito ng masama kay George. "B-bakit ganyan kayo makatitig saakin?" Hindi na nakapag pigil si George at nag tanong na ito. Halata sa mukha ni George na medyo natatakot na siya sa mga inaasta ng mga anak niya. "Oo nga. Bakit ba masama ang tingin nyo sa Papa nyo?" Tanong din ni Teressa. Maya-maya ay bigla ng nag iba ang timpla ng mukha ng mag kapatid. Ngumiti ito bigla at saka lumapit kay George sabay yakap sa kanya. Medyo umilag pa si George sa pag lapit sa kanya ng mga anak niya. Kala kasi nito ay kung ano na ang gagawin ng mga anak niya sa kanya. "Masyado nyo naman atang namiss ang Papa nyo." Nakangiting sabi ni Teressa. "T-tama na mga anak at nasasakal na ako sa mga yakap nyo." Naka-iling na sabi ni George. Sobra kasing higpit ng yakap ng mga anak niya na tila ba'y iniipit nila ito para hindi na makahinga. Hindi na nakapag pigil si George at naitulak na niya ang kanyang mga anak. "Ano ba?! Nasasakal na sabi ako eh!" Nakasigaw niyang sabi. Tumilapon ang dalawang mag kapatid sa kama. Buti nalang at malambot ang pinag bagsakan nila. "G-george! Bakit mo naman sila tinulak?!" Galit na sabi ni Teressa sabay yakap sa dalawang anak. "B-bakit ka ganyan papa?" Nakasimangot na sabi ni Erika. "Oo nga. Namiss kalang namin kaya ka namin niyakap." Sambit naman ni Emi. Nawiwirduhan si George sa mga anak niya. Para bang may nararamdamang siyang kakaiba sa mga ito. "Namiss? Bakit eh araw-araw naman tayo nag kikita-kita sa bahay ah! Saka ba’t ba parang gusto nyo na akong sakalin kung makayakap kayo? Teka! Kayo ba talaga ang nga anak ko?" Tanong ni George. Tumawa si Erika, emily pati narin si Teressa. "Papa! Ano ba yang pinag sasabi nyo? S-syempre kami to! Hindi n’yo ba kami nakikilala? Ay oo nga pala, nabagsakan nga po pala kayo ng flower vase sa ulo. Nawalan kaba ng konting ala-ala? " Sambit ni Emily. "Ano nga ba yang sinasabi mo George. Napatawa mo tuloy ako dun ah!" Naghahalakhak na sabi ni Teressa habang nakahawak ito sa tiyan. "Eh kasi, parang kakaiba kinikilos n’yo eh. Sorry mga anak. Naninigurado lang ako. Baka kasi, sinasapian na naman kayo eh." "Hay naku George, mukhang na-epektuhan nga ng pag lalag ng flowers vase yang utak mo." Tawa parin ng tawa si Teressa. "Anyway, mga anak. Baka bukas na tayo lalabas ng ospital. Dito muna tayo mag palibas ng gabi at baka kung ano na naman mangyari saatin dun sa bahay nayun kung dun na naman tayo tutuloy. Bukas nalang kami hahanap ng Papa n’yo ng bago nating matutuluyan." *12:30 am* Naalimpungatan sa pag kakatulog si George kaya naman tumayo ito samandali. Nagulat nalang siya bigla ng wala si Erika sa kanyang higaan. Tanging si Emily at Teressa lang ang nakita niyang natutulog dun. Agad niyang ginising si Teressa. "Teressa! Teressa! Asan si Erika? Saan nag punta ‘yun?" "H-ha? S-san naman pupunta yun?" Papungay-pungay na sagot ni Teressa pag bangon nito. "Ayan oh, wala siya sa higaan niya." nakaturong sabi ni George. Nang tuluyan nang maging maliwanag ang paningin ni Teressa ay nag panic narin ito. "H-hindi kaya ginamit na naman ng masamang kaluluwa ang katawan ng anak natin?!" Nag aalalang sabi ni George. "P-pero, kung ginagamit ng masamang espiritio na’yun ang katawan ng anak natin. Ano naman kaya ang ginagawa niya at ginagamit pa niya ang katawan ng anak natin?" Gulong gulong tanong ni Teressa. "Hindi ko rin alam Teressa. Sandali at mag tatanong ako sa labas sa mga nurse na nakaduty dito ngayong gabi kung nakita ba nilang lumabas ang anak natin." "Sige sige. Mag-iingat ka." Pag labas ni George sa kwartong ‘yun ay nagulat nalang siya bigla ng bumulaga sa harap niya ang anak niyang punong-puno ulit ng dugo. Bigla itong nawalan ng malay at nabuwal sa harap ni George kaya naman nasalo niya ito bigla. Inihiga kaagad ni George ang anak sa kama. "Jusko! Ano ba itong nangyayari sa anak natin? Bakit hanggang dito sa ospital ay ginagambala tayo ng masasamang nilalang na sumasapi sa anak natin. George, may naisip ako. Ano kaya kung ipa albularyo natin ang anak natin." "Isakay na yan ng isakay sa truck. Ayusin nyo mabuti yung mga gamit at baka may mabasag kapag umandar na yung sasakyan. I check nyong mabuti." Utos ni George sa mga lalaking binayaran niyang mag hahakot ng gamit nila. Mag isa lang kasi siyang umasikaso dito dahil dinala ni Teressa si Erika sa albularyo. Habang todo sila sa pag hahakot. Bigla naman dumating si Abby na hingal na hingal sa pag takbo. "G-george?!!" Sigaw nitong tawag kay George. "Oh Abby! Bakit hingal na hingal ka?" "George namatay kagabi si Rhanie!" "WHAT?! Si Rhanie naman?!" "Ganun din ang nangyaring pag ka matay niya. May laslas rin ang leeg. May kutob ako na iisa lang ang pumatay kay Dan, sa asawa ko at kay Rhanie." "Putcha naman! sino bang dimonyo ang gumagawa nito at napaka brutal niya!?" "Hindi pa nalilibing ang asawa ko pero may sumunod na kaagad." "Abby, kinakabahan na ako. Puro mga kumpare ko na ang pinapatay." "Bakit may masama ba kayong ginawa at iniisa isa ng patayin mga kumapare mo?" "Ah eh, W-wala naman akong natatandaan na gumawa kami ng kalokohan. Puro sugal lang kami nun. pero wala naman kaming nakakaaway or nakakabangga." "Ganun ba. Oh sige, mag iingat ka nalang. Mauna na ako at binalitaan lang naman kita." "Oh, sige salamat abby. Punta nalang ako sa libing ni kumapareng Cocoy." "A-ayokong pumasok diyan mama!" Pilit na bumabaklas si Erika sa pang hihila ni teressa sa kanya. "Erika! wag ka ng makulit. Kailangan kitang ipatingin sa albularyo ng makahingi tayo ng pangotra kung paano ka matitigilan ng masamang espirito na sumasapi sayo." "Wala naman na Mama! Okay na ako." Pag pupumilit ni Erika. "Umuwi na nga tayo Mama. Mukha nga namang Magaling na si Ate. Wag na tayong mag aksaya ng panahon dito!" Inis na sabi ni Emily. "Bakit ba nag kaka ganyan ang mga ugali nyo?! Bakit naging matitigas ang mga ulo nyo?!" "Eh ikaw nga mama ang matigas ang ulo eh. Sabi ng wala na akong problema, pero ito't pinipilit nyo akong ipasok diyan sa albularyo na ‘yan." Sambit ni erika. Maya-maya ay may isang matanda ang biglang lumapit kina erika at emily. Bigla niyang sinuutan ng kwintas na may pulang tela sina Erika at Emily. Nabuwal bigla ang mag kapatid. Kapwa silang nawalan ng malay kaya naman labis ang pag ka gulat ni Teressa. "Mga anak ko?!" Nag aalalang sambit ni Teressa. "Ikaw ba ang magulang nila?" Tanong ng matanda kay teressa. "O-oho. A-ano po ba yung ginawa nyo sa mga anak ko at nawalang sila bigla ng malay?" "Mag usap tayo. Isa akong albularyo. May mahalaga akong sasabihin sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD