Chapter 18

1764 Words
Chapter 18 Halos mapaupo sa sahig si Teressa sa pangingilong makita ang pugot na ulo ni Dominic. Nilagay nalang ni George sa malaking Box ang ulo nito at saka inilibing sa may bakanteng lote sa may kanto ng street nila. Dinala parehas ni Teressa ang dalawa niyang anak sa banyo para paliguan. Walang malay ang dalawang mag kapatid habang pinaliliguan sila ng magulang nila. "Jusko! ano ba itong nangyayari?" bulong ni Teressa. Puro agos ng dugo ni dominic ang nag kalat sa banyo nila. Punong puno kasi ng dugo ang mga katawan ng mga anak nila. Abalang-abala naman si George sa pag lampaso ng mga yapak at tulo ng dugo sa lapag ng bahay nila. Laking pasakit ang dinulot ni Eri at Emi sa pamilya nila George. Pagkatapos paliguan ni Teressa ang mga anak niya ay dinala nila ni George sa kwarto ang mga ito para ihiga na sa mga kanya-kanya nilang kama. Alam kasi nilang pagod ang mga katawan nito dahil sa pag gamit nila Eri at Emi. "Teressa dito ka muna at may aasikasuhin lang ako." Paalam ni George. "Gabi na ah! Bukas nayan George." "Sandali lang ako. " Tumungo muna sa palengke si George para bumili ng buhay na manok. Swerte lang nito dahil may isang buhay pa siyang naabutan. huling manok na yun na tinda nung matandang lalaki. "P-pwede bang mag tanong?" Sambit ni George sa matandang lalaking pinag bilihan niya ng manok. "Ano ba yun?" "Saan po ba may malapit ditong puno ng balete?" "May alam akong ganyan sa lugar namin." "Saan po bang lugar iyun?" "Pupunta kaba dun? Kung gusto mo sumabay kana sa truck na dala ako, tutal ay papauwi narin naman ako." "Naku Sige po. Maraming salamat naman at sinuwerte ako sainyo." Masayang sambit ni George. "Bago ‘yan. P-pwede ba kitang sampalin?" Sambit nung matandang lalaki kay George na siyang kinagat niya. "H-ha? bakit ho?" " Wala ka kasing ulo kanina nung papalapit sa akin." Nangimbal ang mukha ni George na tila natakot sa sinabi ng matanda. "Naku po, sige po. Sampalin nyo ako kagad! Malakas man o mahina yang sampal nayan ay tatanggapin ko masalba lang ang buhay ko." Nagmamadaling sabi ni George. Hindi narin nag patumpik-tumpik pa ang matandang lalaki at sinampal na nga niya si George. "Maraming salamat po." Sambit ni George na tila ba'y utang na nito ang buhay sa matandang lalaki. Nagluluto si Teressa sa kusina ng biglang makaramdam siya ng takot na para bang may nakatingin sa likuran niya. Imbis na matakot ay dinala nalang niya sa kanta ang lahat. "La! la! lala! lala la la---" Napatigil siya sa pag kanta ng maramdaman niyang parang may kumaluskos sa kayang likuran. "Ahhh!!!!" Napasigaw at napaupo sa sahig si Teressa ng makita niya ang anim na lalaking duguan. Sa sobrang takot ni Teressa ay napatakip ito ng mukha. Habang nasa biyahe sina George, hindi mapigilan nung matandang lalaki ang hindi mag tanong sa kanya. "Ano ba ang pakay mo sa puno ng balete nayun? Alam mo bang isang puno yun na nakakatakot. Sabi sabi nga ng ilan ay sari-saring lamang lupa ang nakatira dun." "Para kasi sa mga anak ko to. Pumunta kami sa albularyo ng asawa ko dahil sinasapian ng masasamang espirito ang mg anak ko. Igagawa kami nung babaeng albularyo ng panangga sa mga kaluluwang iyun. Abula-bula silandak ang tawag dun. Kwintas na may telang pula na laglagyan daw ng pangil ng paniki, laway ng taong nauulol at ugat ng puno ng balete. Dadasalan niya ng limang araw. at pag okay na ang lahat ay pwede na naming isuot iyun sa mga anak namin. At dahil sa Abula-bula silandak nayun ay kahit ano pang gawin ng mga kaluluwag yun ay hindi na sila makakapasok pang muli sa katawan ng mga anak ko." "Saang albularyo bayan? Alam mo kasi. May mga anak akong babae na tila ba sinasapian ng mga espirito din. Iba kasi kinikilos nila at parang kung minsan ay hindi nila kami kilala. Subukan ko din kayang ipagamot iyun sa mang aalbularyo." "Naku po! dalin nyo rin sila kay lola Ursula. Magaling po siyang albularyo. Diyan lang ang bahay nila sa may Matitic Ibayo Sa tapat ng bahay ni ka Toyang. Mag tanong-tanong nalang po kayo at kilalang kilala naman siya dun." "Sige, dadalin ko sila bukas dun. Maraming salamat at nasabi mo saakin yan." "Ako nga po dapat magpa-salamat dahil nasalba nyo buhay ko sa pagsampal nyo at natulungan nyo pa po akong makarating sa puno ng balete." "Speaking of puno ng balete. Ayan na siya oh. Paano? hindi na kita masasamahan pa at may mga gagawin pa ako sa bahay.Mag iingat kana lang." "Maraming maraming salamat po." Pag baba ni George sa sasakyan nayun ay tila ba napaka bigat na agad ng pakiramdam niya. Tila ba'y maraming mata agad ang nakatingin sa kanya. Nang makalayo na ang sasakyan nang matandang lalaki. Dumilim na sa buong paligid dahil ilaw lang pala ng sasakyan nung matandang lalaki ang nag papaliwanag sa buong paligid. Nilabas ni George ang maliit nitong flashlight na dala niya. Medyo gubat kasi ang napuntahan niya. Napatingin si George sa malaking puno ng balete. Ang laki at nakakatakot itong tignan. Umihip bigla ang malamig na hangin kaya naman nag mistulang parang nasa horror movie ang sitwasyon ngayon ni George. Marahan siyang nag lalakad papalapit sa puno ng balete. Naalala niya kasi ang sinabi ng matandang albularyo na wag siyang padalos dalos at baka mabulabog ang mga nakatira roon. Nang makalapit siya doon. Nakaramdam siya ng tila ba'y merong kumalibot sa kanyang likod. Pag tingin niya ay wala namang tao o kung sino doon. Hindi nalang niya pinasin yun, dahil mas iniisip niya ang dalawa nitong anak na ililigtas nila. "Makikiraan po, tabi-tabi po." Malambing na sambit ni George nang ilapag niya sa harap ng punong balete ang hawak niyang buhay na manok. "A-alay ko po sainyo ‘yan. Makikihingi po kasi ako ng isang kapiranggot na ugat ng tirahan nyo." sambit ulit ni George habang todo ang tingin niya sa buong paligid ng balete. Inilabas na rin niya ang gunting na dala niya para kumuha na ng ugat. Humanap siya ng maliit na ugat na pwede niyang gupitin ng marahan. Nang makahanap siya ay muli na naman siyang nag salita para mag paalam ulit sa mga nilalang na nakatira doon. "Nakakita na po ako. Gugupitin ko na po siya para kunin." Pag sambit ni George nun ay ginupit na niya ang isang maliit na ugat ng puno ng balete. "M-maraming salamat po. Aalis na po ako para dalin ang ugat na kinuha ko sa inyo. Sorry po sa abala." Tumalikod na si George at naglakad paalis. Kaya lang nagulat nalang siya ng biglang may pumulupot na ugat sa may paa niya at hinila siya nun. "AAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" Napasigaw si George dahil nabuwal siya sa panghihila nun. Sumalpok ang ulo niya sa malaking bato na nasa gilid ng puno ng balete. kaya naman nawalan siya ng malay. Pag tanggal ng takip sa mukha ni Teressa ay biglang nawala ang anim ng lalaking duguan. Napadasal tuloy si Teressa ng wala sa oras. "Mama?" Nawala ang takot sa mukha ni Teressa ng makita niya ang dalawa niyang anak na nakatayo sa harap niya. Agad niyang nilapitan ang mga iyun at niyakap. "Mabuti naman at gising na kayo." "B-bakit po tila takot na takot kayo kanina ng makita namin kayong parang nag dadasal." tanong ni Erika. "Ah, eh ,kasi.. May anim na duguan na lalaki akong nakita kanina dito na nakatingin saakin habang nag luluto ako." "S-saan po? D-dito? Hala! Nakakatakot naman po. " Sambit ni Emily. Napatingin si Teressa sa mga anak niya. Mukhang ang mga tunay na anak niya na ang kasama niya ngayon kasi ganung-ganung kung umasta at mag salita sina Erika at Emily. Napahigpit tuloy ng yakap si Teressa sa sobrang saya na nadarama. "Ma, nagugutom na po akosobra! Para pong isang taon akong hindi kumain. Sobrang takam na takam na akong kumain. Lalo pa't adobong manok ang naamoy kong niluluto nyo ngayon." sambit ni Erika. "Ako din, nagugutom narin ako." Sambit ni Emily. "S-sige kumain na kayo at luto naman na ang kanin at ulam." Namiss ni Teressa na ipaghanda ng pag kain ang mga anak niya. Ngayon niya lang ulit nagawa ito simula ng puro kababalaghan ang nangyayari sa kanila. Nagising si George na nasa isang gubat na napakakinang na siya. Nagulat siya pag kamulat ng mata kaya naman napatayo siya bigla. Nilibot niya ang tingin niya sa buong paligid na sobrang makinang na tila nasa isang kakaibang lugar siya. "N-saan ako?" Litong tanong niya. Nag simula na siyang mag lakad. At muli na naman siyang magulat na sa bawat natatapakan niya ay nagiging tuyot kaagad yung damo. "Nanaginip ba ako?" Kinurot pa ni George ang sarili pero ala ding nangyari at nandun parin siya sa kakaibang lugar nayun. Maya-maya ay nakatanaw siya ng isang kakaibang bahay na parang Chocolate na may mga candy pa sa ding-ding. Naintriga si George kaya naman lumapit siya doon para makita narin yun sa malapitan. Biglang bumukas ang pinto ng bahay pag lapit niya dun. Umalingasaw ang amoy fried chicken at litson sa paligid pag bukas nung pinto. Bigla tuloy nakaramdam ng gutom si George kaya naman pumasok na rin siya doon. Nagulat at namangha si George na makita niya ang mga nakalutang na sari-saring pagkain doon. Pero isang kakaibang nakalutang ang sa kanya'y na pa tutok. Kasama sa mga pag kain nayun ang nakalutang na ugat ng puno ng balete na kinuha niya sa puno. "Sige kumuka lang ng kahit anong gusto mo at malaya mo yang makakain." Nagulat si George sa malaking boses na tila halimaw na nag salita. Napatingin siya sa may gilid niya ng makakita siya ng isang kalahating tao at kahating kabayo. Napaatras at napaupo sa sahig si George ng makita niya ang Tikbalang sa loob ng bahay nayun. Lalo ng nangimbal ang loob ni George ng isa-isa ng lumabas ang mga lamang lupa sa loob ng bahay nayun. May White lady, Tik-tik, Aswang, Manananggal, Duwende at kung ano-ano pang nakakatakot na itsura ang mga nandun na kasama ni George. Ngayong lang sa buong buhay ni George nangyari ang ganoong kakaibang pangyayari. Halos maluwa na ang mata niya sa sobrang titig sa mga nakakatakot na nilalang, na kasama niya sa bahay nayun. "Ano ito? Bakit puro halimaw ang nakikita ko? Panaginip bato!? Sana naman magising na ako sa bangungot kong ito." Sa isip-isip ni George. Sinubukangniyang ipikit ang mga mata niya, nagbabaka sakaling magising na siya. Pero ganun parin. Nandun parin siya sa bahay na Chocolate nayun, kasama ang mga lamang lupa nayun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD