Chapter 19

1918 Words
Chapter 19 Mag damag na nag aabang sa may pintuan si Teressa. Kanina pa siya hindi mapakali sa asawa niyang hindi pa umuuwi ng bahay. "S-saan po ba siya ng punta Mama?" Tanong ni Erika na todo tingin sa magulang niyang nag aabang sa pintuan. "Ewan ko ba diyan sa papa mo! Kinakabahan na tuloy ako! Baka kung ano ng nangyari dun ah?" "Ngayon lang kayo nag kaganyan kay papa ah! Mukang love na love nyo na po talaga siya." Nakuha pang manukso ni Emi. "Alam nyo kasi mga anak, nakitaan ang papa nyo na wala siyang ulo. Ibig sabihin nun ay may chance na mamatay siya. Natatakot ako. Baka kung ano ang nang nayari sa kanya! Ayokong mawala ang papa nyo sa buhay ko." Seryoso parin ang mukha ni Teressa habang nag aabang sa pintuan ng bahay nila. Napatigil sa pag wawalis si Emily. ."P-paano nangyaring walang ulo si papa, Mama?! Nakatatakot naman yun! At saka naalala ko ang panaginip ko. Napupunta daw ako dun sa ibang katawan at kasama kita lagi Ate. Sa katawan pa nga ng babaeng edad 30 tayo napupunta eh. Tapos yung tatay natin sa panaginip ko ay lalaking matanda. " "Omg! Ganyan din ang panaginip ko Emily. Nasa katawan din ako ng edad 30 na babae at ang tatay ko din ay lalaking matanda. Kala nga nila nababaliw na tayo dahil kung ano-ano daw pinag sasasabi natin. Pero nakakapag taka naman na parehas pa tayo ng panaginip. "Sige, kumuha kalang ng kahit anong gusto mong pag kain dito. Wag kang matakot saamin. Mababait naman kami." Sambit ng isang tik-tik kay George na medyo ngumingisi-ngisi pa. Hindi makatayo sa sobrang pag ka ngatog si George. Maya-maya ay bigla nalang lumatag sa lamesa ang mga pagkain na naka lutang. Maayos na maayos na itong nakahain sa lamesa na kapag tinignan mo ay mukhang napaka sarap ng mga ito. Sa isang iglap. Nag laho narin ang lahat ng mga lamang lupa sa loob ng bahay nayun. Naiwang mag isa sa loob si George kasama ang lahat ng masasarap na pagkain. Tumayo karak-karaka si George. Nilibot niya ang tingin sa buong paligid ng makita niyang ala na ang mga nakakatakot na lamang lupa. "Hindi kaya nasa loob ako ng puno ng balete?" Tanong ni George sa isip niya. Kahit sobrang gutom na gutom na si George ay hindi niya makuhang kumain sa sobrang pag ka lito kung saang banda ba siya ng mundo naroon. Nasa panaginip ba o nasa kabilang buhay na siya? Sari-saring tanong ang umiikot sa isip niya. Hindi pinapansin ni Teressa ang mga pinag sasabi ng mga anak niya. Naka tutok lang ang atensyon niya sa wala pa niyang asawa. Kaya lang napalingon nalang bigla si Teressa ng makarinig siya sa likuran niya ng biglang may kumalabog. Nagulat siya ng makita niya ang dawalang anak na walang malay. Tuloy takbo si Teressa sa mga anak niya. "Erika?! Emily?" Paglapit ni Teressa sa mga anak niya ay biglang namatay ang ilaw. Ilang segundo lang ang tinigal nun at nag bukas rin ang ‘yun. Kasabay ng pag bukas ng ilaw ay biglang lumitaw ang Anim na lalaking duguan . Apat na lalaking may laslas ang leeg, Isang lalaking pisak ang mukha at labas pa ang ilang butil ng utak, at isang lalaking pugot ang ulo. "AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!" Napasigaw si Teressa sa sobrang takot. "Mag iingat ka sa mga ‘yan!" "Mag iingat ka sa mga yan!" "Mag iingat ka sa mga yan!" "Mag iingat ka sa mga yan!" "Mag iingat ka sa mga yan!" "Mag iingat ka sa mga yan!" Paulit-ulit na sambit ng anim na lalaki habang nakaturo ito sa dalawang niyang anak na walang malay. "U-umalis kayo... Maawa kayo saakin.... Tigilan nyo ako!!!!" Sambit ni Teressa habang nakapigit. Nang madinig ni Teressa na biglang tumahimik ang buong paligid ay dumilat narin siya. Nawala na ang anim na lalaking nakakatakot. Sumagip naman agad-agad sa isip niya yung mga sinabi ng mga kaluluwang yun na "Mag iingat ka sa mga ‘yan!" na habang sinasabi yun ay nakaturo ang mga yun sa dalawa niyang anak. "kung hindi ako nag kakamali. Ang anim na lalaking yun ay ang mga kumpare ni George. Ang anim na lalaking pinatay nila Eri at Emi. Binabalaan narin nila ako sa mga anak ko. Mukang kailangang-kailangan na nga ng mga anak ko ang Abula-bula silandak nayun. Mukang pinapahiwatig ng mga kumapare ni George na nasa panganib kami." Sambit ni Teressa sa isip niya. Nanunuot sa ilong ni George ang masasarap na amoy ng mga pagkain na nadoon kaya naman halos matakam-takam si George sa mga pag kaing naka handa doon. "Nasaan ba ako?!!" Sa sobrang inis ni George ay napasigaw na siya. "WAG KANG MAG ESKANDALO DITO!" biglang lumitaw ang isang lalaking kulay red ang buong katawan at may dalawa itong sungay sa ulo. Kung titignan mo ay muka itong si satanas. Nagulat si George kaya naman medyo napasigaw ito. "AHhhhhhhhhhhh...." "Sabi ng wag kang mag eskandalo dito eh! Bawal dito ang maingay. Lahat ng nakatira dito ay tahimik lang at hindi nag iingay. Kayong mga taga lupa talaga ay saksakan ng ingay. Mga salot talaga kayo!" Galit na sambit nung lamang lupang kulay pula. "Sabihin mo, nasaan ako?" Nag lakas loob na si George na makipag usap sa lamang lupa nayun. "Nasa loob ka ng tahanan namin. Sa loob ng puno ng balete na kung tawagin namin ay "Abu!" " "A-abu? Abu ang tawag sa lugar nato?" "Oo, Hindi lang ikaw ang kauna-unahang taong nakapasok dito. Marami na. Meron kaunting mga taong nakakabalik sa mundo nyo at karamihan namay hindi na. Dito na sila titira at habang buhay na namin silang alipin. Kaya ikaw. Kapag umabot ang isag araw na hindi kapa nakakalabas dito ay habang buhay ka ng makukulong dito." "Parang awa mo na. Tulungan mo naman akong makabalik sa mundo namin." "Lahat kaming mga lamang lupa ay walang awa kaya wag kang humingi na tulong saakin. Nasasaiyo kung paano ka makakalabas. Mag isip ka." Sa sandaling iyun ay nag laho na parang bula ang lalaking kulay pula. "Sh*t! Paano ako makakalabas dito?! Anong gagawin ko? Saan ba ang pinto palabas dito? Ano bang susi para makalabas dito sa abu na ito?" Napatingin si George sa kuminang na ugat ng punong balete na nakahain din sa lamesa. Hindi alam ni George kung anong pumasok sa isip niya at bigla niya yung dinampot sa lamesa. Pag ka hawak na pag kahawak niya sa ugat ng puno ng balete nayun ay bigla-biglang umiikot ang paningin ni George na tila ba'y nilalamon siya ng isang ipo-ipong papunta sa itaas. Kinabukasan, nagising nalang bigla si Ka ponyong ng bigla-bigla na namang mag wala ang dalawa niyang anak na si Merry at Melly. Agad siyang nag tatakbo sa kwarto ng mga ito. Pag punta nya dun ay nakita niyang mag kayakap ang dalawang anak na tila takot na takot na nakatingin sa paligid. "B-bakit andito na naman tayo Emily?" Sambit ni Erika sa kapatid niyang si Emily "Oo nga Ate. Lagi nalang tayong nag kikita sa parehas nating panaginip. Andito na naman tayo sa bahay nato kasama itong matandang lalaki." Sambit ni Emily.. "Ano na naman bang mga pinag sasabi nyo mga anak? Saka Ano yung nadinig kong Emily, Merry?" Litong tanong ni Ponyong sa mga anak niya. "Anong Merry? Sino pong merry? Erika at Emily po pangalan namin. Andito na naman ba kami sa mga katawan ng 30 anyos na mga babeng to. Bakit ba nangyayari ito? Bakit kami napupunta dito." Tanong ni Erika. "Oo nga ate. Kagabi lang kausap natin si mama eh." Sambit ni Emily. "Teka nga. Sampalin mo nga ako Emily para magising na ako." Utos ni Erika sa kapatid. Agad namang ginagawa ni Emily ang utos nito. Pag ka sampal niya sa ate niya ay wala din namang nangyari. "Tsk! Mukhang kailangang kailangan ko na talaga kayong dalin sa mang aalbularyo. Sinasapian na naman kayo ng mga ligaw na espirito." Sambit ni Ponyong sa mga anak niya. "T-teka. Ano po bang lugar ito?" Tanong ni Erika kay ka ponyong. "Merry diyan lang kayo sa kwarto nyo. Wag na kayong mag lalabas muna at baka kung ano pang mangyari sainyo." Sagot ni ponyong dito. "P-pero gusto na po naming umuwi saamin. Hindi po namin kayo kilala. Siguradong hinahanap na kami ng mama namin." Sagot ni Erika. "Tuwing umaga lagi nalang ganyan ang mga sinasabi nyo. Uuwi na kayo. Asan ba kami? Ano bang lugar ito? Hinahanap na kami ng mama at papa namin. NAKAKASAWA NA! HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO SAINYO! PAG UMAGA PALAGI NALANG KAYONG GANYAN NA TILA SINASAPIAN. TUWING UMAGA MAY MGA AMNESIA KAYO. PAG GABI NAMA'Y AYOS KAYO. MUKANG PATI AKO MABABALIW NARIN NG DAHIL SAINYO!." Hindi na nakasagot si Erika sa sinabi ni ka Ponyong. Gulong gulo siya sa mga sinasabi nito. Dahil sa hindi dumating ng bahay si George ay mas minabuti nalang ni Teressa na tabihan sa pag tulog ang dalawa nitong anak. Nang magising siya ng bandang ala sais ay si George agad ang nasa isip nito. Agad-agad siyang bumangon at tumungo sa kwarto nila ni George. tinignan niya kung nakauwi ba kagabi si George. Pag pasok niya sa kwarto nila ni George ay bigla nalang siyang nanlumo ng hindi niya nakita ang asawa niya. "Jusko, George! Nasaan ka naba? San kaba nag punta?" Medyo naluluha na si Teressa. Pag sapit ng ala syete ng umaga ay sabay ng nagising ang dalawa nitong anak na si Erika at Emily. "Goodmorning mommy Este, mama pala." Sambit ni Erika kay Teressa ng makita niyang lukot na lukot ang mukha nitong nag aabang sa pintuan. "Kasama ko ang mga mapapanganib na kaluluwa sa bahay nato." Sambit ni Teressa sa isip niya. Alam niyang hindi ang mga anak niya ang kasama niya ngayon. Hindi nalang siya nag papalahata. Sinunod nalang niya ang sinabi ni Lola ursula. "Kumain na kayo. Nagluto ako ng fried rice at hotdog." Sagot ni Teressa. "Mama. Pwede bang turuan mo ako minsan mag luto. Gustong gusto kasi namin ni Ate na mag tayo ng restaurant pag laki namin." Sambit ni Emily. Sa pag sasalita lang at sa pag asta nila ay alam na alam ni Teressa na hindi ito ang mga tunay niyang mga anak. "Sure! tuturuan kita emi...ly." Walang ganang sagot ni Teressa. Matamlay na matamlay si Teressa na wala sa tabi niya ang mga mahal niya sa buhay. Tila ba pakiramdam niya ay nag iisa nalang siya sa buhay niya na tila iniwanan na siya ng mga ito. "Bago pa kayo tuluyang mabiliw diyan sa loob nga kwarto nyo. Mabuti pa'y samahan nyo nalang akong mag tinda sa palengke." Sambit ni ponyong sa mga anak niya. Kesa sa maburo sa kwarto ay minabuti nalang din nila Erika at Emily na sumama kay ka Ponyong. Patungo na sila papunta sa palengke ng matanaw ni Ponyong na may isang lalaking nakahandusay sa tapat ng punong balete na pinag babaan niya kay George. Inihinto samandali ni Ponyong ang sasakyan at pumunta siya sa may tapat ng puno. "Sandali lang mga anak. Mukang may lalaking nakahandusay doon. Titignan ko lang." Sambit ni Ponyong sa mga anak niya. "Sama narin po kami." Sagot ng dalawa. Kilalang pinaka kinatatakutang puno ang Balete kaya naman bago tuluyang lumapit si Ponyong ay nagpasintabi muna ito. "Makikiraan mo, tabi tabi po." "Pakikiraan po, tabi-tabi po" Sambit din nila Erika at Emily. "Teka ito yung lalaking dinala ko dito kagabi ah!" Sambit ni Ponyong ng makita niyang walang malay si George. "P-PAPA?!" sabay na sambit nila Erika at Emily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD