CHAPTER TWO

984 Words
Kasalukuyan kaming nasa Mall ngayon. Si Nazam at yung jowa niya e naghaharutan di kalayuan dito samen. Ako naman? Eto kasabay lumakad 'tong mapa na to. Ewan ko pero ang korni korni nya. Kanina pa siya nag jojoke pero di ako natatawa. He's so weird pero basta weird siya hahahaha. "Anong tawag sa maliit na aso?" Ayan nag tanong na naman siya. "Ano?" "Edi kapiraso! Hahahahaha" natigilan ako at hindi ko na napigilan yung tawa ko. HAHAHAHAHA! Yan na yung pinaka korning joke na narinig ko hahahahaha! "HAHAHAHAHA! kapiraso HAHAHAHA!" "Ayan. Buti naman tumawa kana sa joke ko hahaha" sambit nya. "Pinagbigyan lang kita nakakaawa kana e" sagot ko. "Ay ang daya naman. Kala ko e tunay na yon" naka pout nyang sabi. "Guys? San nyo gustong kumain?" Pag tatanong ni Nazam. "Kahit saan. Basta masarap" sambit ko. "Lahat naman sayo masarap e. Namilian ka pa" Natatawang sabi ni Nazam. Osige! Ilantad mo pa -.- Kala mo naman talaga hindi rin siya ganon mygaddd Nazam! After serving our foods, may mga ilang katanungan rin yung namuo sa usapan namin. May ilang tawanan at harutan naren hahahaha "By the way, I'm Calix." Inabot niya sakin yung kamay niya. Nag dadalawang isip akong tanggapin yon pero nahihiya naman ako para sa kanya na hindi abutin yon kase yung mata ng dalawa nakatingin sakin. "Caeprien" inabot ko yung kamay ko saka sinabi yung pangalan ko. "Sounds like good . What a beautiful name" ngiting ngiti niyang sabi. Ang dami niyang alam -.- "Ehemmm. I smell something mm?" Matuksong sambit ni Nazam habang kinakampay yung dalawang daliri niya. Napa-facepalm nalang ako tapos dineretso na yung pag kain ko. Nag tuloy tuloy pa yung kwentuhan, at hindi natigil ang ka weirdohan ng lalaking to. Nag desisyon muna akong maggala-gala, pumasok akong department store ginala ko yung mga mata ko sa mga teddy bears. Meron ditong malalaki na kasing sukat ng tao. Ang cucute nila pero mas nag ningning yung mga mata ko ng makita ang favorite stuffed toy koooo! Syempreeee alien siyaaa whaaaa! Ang cute cutee ng isang toooo! Kulay gray siya tumiad ako para abutin pero di ko siya maabot. "Ang hirap maging maliit no? Haha" natigilan ako ng biglang mag salita ang isang pamilyar na boses. Nasa harap ko ngayon si Calix, ang buhay na mapa. Ang ganda ng mata niya ang amo amo tingnan. Inabot niya sakin yung alien at ilang segundo kaming nagkatinginan. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Parang pinupukpok ng martilyo ang puso ko at sa bilis ng kabog nito. Bumalik ako sa realidad ng muli niya ulit akong tanungin. "Ayos ka lang ba?" Sambit niya "A-ah oo. Okay lang ako" Athaaaa! Umayos ka! "Salamat" I smiled at him. "Mahilig ka rin pala sa mga aliens?" Masaya niyang tanong habang hinahawak hawakan pa yung iba pang stuffed toy. "Ah oo hehe. May collection ako na puro alien, natutuwa kase ako sa bagay na ganan e." Sambit ko. "Parehas pala tayo haha." Sagot niya. "Talaga? Edi wow? Hahahahaha" nagkatawanan kaming dalawa. Bumili rin siya nakatulad nung saken pero hindi ganong kapareho. Parang couple ganon?. Hanuu daaaww??!!! Pumunta na kami sa counter para magbayad tska kami pumunta sa kinaroroonan nila Nazam. Nandun na daw sila sa labas kaya dun nalang kami pumunta. Malayo palang kami kitang kita ko na kung gaano siya kiligin, kitang kita mo kahit sa malayo yung pamumula ng pisnge nya. Si Nazam magandang babae siya at talaga namang hindi kaayaw ayaw. "Let's go? Kanina pa ba kayo dito?" Pag tatanong ko. "Ngayon lang din. Mm ano yan?" Tinuro niya yung paper bag na hawak naming pareho. "As always?" Sambit ko. "Oh I see. Well, tutal naman e masyado pang maaga e maggala gala muna tayo. By the way, merong fireworks display pala mamaya sa may park. Manood tayoooo!" Excited na excited nyang sabi. Oo nga pala. Opening nga pala ng bagong tack shallow dito kaya may chuchunesss mamaya. Mag didilim narin kaya pumunta na kami sa park ng mas maaga para makahanap ng magandang pwesto para manood. Marami rin kaseng dumarating na tao pag may mga gantong eksena hahaha. At exactly 7:00pm nakarating kami sa park. Medyo tago siya at ngayon ko lang nalaman yung lugar na ganito. Kahit kelan di pa ko sinabihan ni Nazam na may ganitong lugar pala. Maaliwalas, mapayapa at kalmado. Iilan ilan palang yung tao pero mas dumarami na yung nag dadatingan. Nakahanap kami ng isang kubo at dun namin muna nilagay yung mga gamit namin. Pumuwesto kami sa isang malaking puno at sobrang ganda nito pag nagsimula na. "Karamihan ng mga pumupunta dito may valid reason." Natigilan ako ng bigla nyang sambitin yon. valid reason for what? "Valid reason? Anong ibig mong sabihin?" Wala akong ideya. Naglingon lingon siya sa paligid. Parang pinag aaralan niya yung mga tao dito. "Karamihan sa mga tao dito hindi pumunta para manood lang. May valid reason sila." Tumingin siya sakin ng seryoso saka pinagpatuloy yung sasabihin niya. "Itong lugar na to? Ito yung lugar kung saan gusto mong makahanap ng sagot sa lahat ng katanungan at problema mo sa buhay. Ito yung lugar na malaya kang maglabas ng kung ano man yung nararamdaman mo." Dagdag pa nya. Bawat salita may detalye. Merong kung ano sa damdamin ko ang gustong gusto kong maramdaman. Gusto kong mag tanong at makinig ng makinig sa kanya pero parang mas lalong nadadagdagan yung pag iisip ko. "Kaya pala may napansin akong umiiyak kanina bago tayo tuluyang umupo dito." Malumanay at tila nangangamba kong sabi. "Magandang lugar to pag may magandang pangyayare sa buhay mo na gusto mong ipagpasalamat. Magandang takbuhan rin to lalo na pag may problema ka. Kalmado kase yung lugar." Nginitian niya ko tapos bigla niyang binaling yung mata niya sa paligid at muling tumingin sakin. "This is what they called, A place to remember sometimes to say goodbye" dagdag pa nya. "Meaningful. So interesting" sambit ko. Marami pa kong gustong malaman sa lugar na to, lalo na kay Calix. Parang ang dami dami niyang alam na hindi ko kayang maintindihan. Mas lumalalim yung pag iisip ko tungkol sa kanya na gustong-gusto kong mahanapan ng sagot at malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD