CHAPTER ONE

1466 Words
Caeprien's POV Nagising ako sa sinag nang araw kasabay ng sunod sunod ng napakalakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko! "Bwiset!" "Caepyyyyyy!!!!!" Matinis at napakalakas na boses na pag tatawag sakin. Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto habang kinukusot kusot pa yung mata ko. Bumungad sakin ang muka ng demonyo este ng bestfriend ko pala. Kase naman mag heheadband na nga lang may sungay pa! Kenaman na. Kung nandilim paningin ko nahambalos ko na ng bat sa muka to "Anong kailangan mo? Ang aga mo mambwiset Nazamorah" Hate nya talaga na tawagin siya sa buong pangalan nya hahahahaha! "It's annoying! Tss" singhal nya. "It's annoying mo muka mo. Oh bakit nga ba ang aga mo dito?" "Kase Caepy may goodnews ako sayoooo!" Sabi niya with pacute na itsura Tss. Yang mukang ganyan siguro binugaw na naman ako nyan -.- "Hindi ako interesado" sabi ko. Naglakad ako papuntang kusina, sumunod siya habang binibitinan yung damit ko. "Bumitaw ka nga para kang aso!" inalis ko yung kamay niya sa damit ko. Halos mahubadan na nya ko e ay grabe! "Pakinggan mo muna kase ako Caepy!" Nagmamakaawa niyang sabi Tss. Parang timang naman to e "Ano ba kase yon?" Taas kilay kong tanong sa kanya. "May nanliligaw sakin" sambit nya na akala mo e kumikinang kitang yung mga mata niya. Grabe lakas ng tama nito e, mababaliw sa kahibangan -.-! "Anong gusto mong gawin ko? Magtatalon ako dito? O ipaghipan ka ng maraming lobo?" Tiningnan niya ko ng masama at akala mo'y bata sa sobrang haba ng nguso. "Ang sama mo sakin! Gusto ko siyang ipakilala sayo kaya kung pwede samahan mo ko please?" Pag mamakaawa nya habang kukurap-kurap yung mata haha parang timang "Keri mo na yan. Nagpaligaw ka nga e tapos di mo kayang mag isa pumunta don" sambit ko Hindi sa ayaw kong samahan siya kase tinatamad ako pero parang ganon na nga. HAHAHAHA "Parang di mo ko kaibigan ah" Nakanguso parin nyang sabi. "Lilibre kita please? Samahan mo lang akoooo." "Ayoko may pera ko." Hihintayin ko muna yung magandang offer niya bago ko siya samahan. Hahahahaha "Ang damot nito e bilis na Caepyyyy!! huhu! Ibibigay ko na sayo yung alien stuffed toy ko sayo na paborito mo yon diba? Pleasee Caepy!! pleasseee?" Yaaaannnn! Magandang offer yan HAHAHAHA. Mahilig talaga ko sa mga bagay na alien. Yung kwarto ko puno siya ng alien stuffed, tapos yung mga notebook ko. Tapos karamihan sa damit ko alien head yung design. Kaya siguro iba rin takbo ng utak ko kase alien siguro ako hahahahahaha. "Okay. Sabi mo yan ha! Walang tokis" sambit ko. "Oo na tss. Papilit amp!" "Ano palang oras?" Pag tatanong ko "Before twelve siguro. Yun yung usapan namin e" sagot nya. "Mm. Okay text mo nalang ako may gagawin pa ko e" sambit ko. "Tska, hubad-hubarin mo nga yang soot mong headband, muka kang demonyong kire hahahaha" "Ang sama ng ugali mo Caeprien!" Singhal nya. Hahahahaha Di na nag tagal si Nazam kase mag papaganda muna daw siya. Grabe ha kala mo naman e artista ang kikitain. Naghanda na ko ng makakain ko, wala si mommy kase maaga siyang umaalis papuntang trabaho. Si kuya naman malamang nandun na naman siya sa girlfriend nya natulog. At ako? Eto madalas nag iisa sa bahay kaya always akong malag. Hahahahaha Sa monday na yung start ng pasok namin. Sabado palang ngayon, wala akong maisip na gawin nababagot narin ako sa bahay kaya gusto kong humanap ng part time job. May nahanap akong hiring sa isang coffee shop di kalayuan sa school na papasukan ko. Gusto kong makapasok don dahil mahilig rin naman ako sa kape hahaha. Magpapasa nalang ako ng ibang requirements at hihintayin ko nalang yung tawag nila kung kailan ako mag sisimula. Mas mabuti narin 'tong ganito kase para matulungan ko rin sila mama sa gastusin sa pag aaral ko. Before 12:00 nakarating ako sa bahay. Nag ayos agad ako para sa pag kikita namin ni Nazam tinext nya sakin yung location niya at pinuntahan ko na siya agad. Inabot ako ng kaunting traffic. May nag kasagasaan siguro malapit dito pero naging okay agad yung pag byahe ko. Nakarating ako sa lugar kung san kami mag kikita ni Nazam. Sa isang resto bar malapit sa mall kaya pag tapos nito magshoshopping nalang ako hahahaha. Di kalayuan e natanaw ko na siya nakasimangot at mukang pinapatay na niya ko sa mga mata niya. "Itsura mo!" Sambit ko "Bakit ang tagal mo naman masyado ha? Nakakainis ka lagi ka nalang hindi on time sa kitaan natin" pag sesermon nya sakin. "Buti nga dumating pa ko e. Ang reklamador mo ba! Tska natraffic ako gaga ka ba? Alangan pilitin kong dumaloy yung sasakyan engot" sabog ka ngayon. Hahaha kase naman alangan namang pilitin kong umandar yung sasakyan -.- "Asan na ba yang manliligaw mo?" Pag tatanong ko. "Wala pa nga e. Kanina pa ko dito one hour na siguro huhu" tapos grabe siya manumbat saken? -.- "Tss. Kenaman na tapos kung masumbatan mo ko dahil ang tagal tagal ko e wala pa naman pala yung jinojowa mo dito" singhal ko rin. Lumipas pa ang oras at di pa rin dumarating. Nakailan na kong drinks at kung ano ano na rin nakain ko pero wala parin yung manliligaw nya. Natatawa ako kase mas masahol pa sa bata yung itsura niya. Hahahahaha parang anytime maglulupage na to dito. "Ang tagal niya Caepy huhuhu. Nasan na bayonnn! Kanina ko pa tinetext at tinatawagan di naman sumasagot!" Pag mamaktol niya. Halos madurog na yung cellphone niya sa kapipindot dun. "Tinakbuhan kana siguro HAHAHAHA! grabe nakakatawa ka Nazam. Asan na yung pinagmamalaki mong manliligaw? Inaamag na tayo dito wala parin siya hahahaha!" Di ko mapigilan yung sarili ko sa pag tawa tapos yung muka niya inis na inis. "Anak ng tokwa! Parang di kita kaibigan! Ang sama sama ng ugali mo Caepy! Palibhasa wala kang manliligaw!" Nagmamaktol siya na parang bata. Pahampas hampas pa sakin. Hahaha "Hahaha sorry na. Bakit kase ang tagal tagal non? Nag reply naba sayo?" Naaawa na ko dito kay Nazam e. Parang pinagtataksilan ng kapalaran hahahaga. "Hindi pa nga e. Nakakainis na dalawang oras at kalahati na tayo dito! Pag nakita ko talaga yon babatukan ko yon tss gigil nya ko!" She said. Maya maya napag desisyunan naming tumayo at umalis nalang. Muka namang wala kaming mapapala sa kahihintay dito e baka mamaya tubuan pa kame ng damo dito. Bago kami tuluyang lumabas, nag yaya muna si Nazam mag cr. Sinamahan ko muna siya then umorder ulet ako ng drinks habang hinihintay siyang lumabas. Kumukulo daw tiyan niya kakahintay. "Excuse me?" Someone caught my attention. "Mm?" Tanging salita na lumabas sa bibig ko habang sinisip-sip yung juice at nakaturo sa sarili ko. "Let's go Caepy?" Natinag yung sarili ko at tumayo na ko sa kinauupuan ko. "Who's that?" Nag kibit balikat ako dahil wala rin naman aking ideya kung sino tong lalaki sa harap ko Matangkad siya, mahaba yung pilik mata, malaki yung katawan, matangos yung ilong, brown eyes at gwapo? Pwede na. "Ikaw ba si Nazam?" Tanong sakin nung lalaki. "Hinde" sambit ko. Tinuro ko si Nazam para nalamang siya yon at hindi ako. "Ako yon. Anong kailangan mo?" Mahinahon pero may kaunting inis nyang sabi. Bad trip kase siya hahahaha. "Kaibigan ako ni Kyle." Sambit niya. "Nahihiya siya magpakita sayo kaya hindi ka niya malapitan actually kanina pa rin siya dito e nandun sya sa labas" "Kenaman na. Bat hindi siya nagpapakita saken kanina pa kaming nayayamot dito. Nasan ba siya papuntahin mo nga dito!" Oooppss! Hahaha dapat chill lang. "Ampp--" naputol yung sasabihin nya ng biglang sumulpot yung isa pang lalaki. Eto na siguro yung Kyle? Gwapo rin siya maputi medyo katangkadan. May dala siyang isang bouquet of red roses. "H-hi Na-Nazam?" Nauutal na sabi ng lalaki. Inabot niya yung bulaklak kay Nazam. Tiningnan ko yung itsura nya at wengya! Yung kaninang mukang badtrip na badtrip e napalitan na ng namumula na akala mo e sinampal ng blush on. Grabe? Ang tindi talaga kiligin nito e -.- "Akala ko ba babatukan mo? Eh mukang ikaw yung binatukan e" pabulong kong sabi sa kanya. Mahina niya kong siniko habang titig na titig pa rin sa Kyle nya hayst. "Sorry kung ngayon lang ako hehe. Medyo nahihiya akong mag pakita sayo e ang ganda ganda mo kase" Yon tapete. Lalo ng naging malag tong si Nazam -.- "Ay hinde hehe okay lang yon jusko! Ayos lang!" Laking mata ko siyang tiningnan at hindi ako makapaniwala na sakabila ng lahat ng sinabi nya kanina e ganito nalang ngayon grabeeee! Bilib ako sayo Nazam! Bravoooooo!!!! "So? Let's go? We're we go now?" Singit naman nung isang lalaki. Ayy nandito pa pala yon? -,- "Tallest mountain?" sambit ko. "Ayy. Fan ka siguro ni dora no?" Duh? "Duh?" "I'm the map! I'm the map! I'm the map!" Parang timang niyang kinanta. Engot yata to? Tumatawa yung dalawa pero ako? Tiningnan ko siyang parang naeengotan ako sa ginagawa nya. Kahit sa utak ko e natatawa ako pinipigilan ko lang hahaha. Napag desisyunan nilang pumunta nalang muna kami sa mall. Sakto naman na may gusto rin akong bilhin kaya sumama nalang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD