CHAPTER THREE

767 Words
At exactly 8:30pm nagsimulang magliwanag ang kalangitan. Napuno ito ng ibat ibang kulay ng mga nag gagandahang ilaw ng fireworks. Nagsimulang magsigawan yung mga tao at ang iba naman ay nag sisimulang ilabas ang kanilang mga emosyon. May mga nakapikit at tila umiiyak at ang iba naman ay masayang kasama ang kanilang kapareha. Kitang kita mo yung sinseridad sa emosyon ng mga tanong nandito ngayon. May naririnig rin kaming mga nagbabasag ng bagay na nag mula sa tack shallow. Kami naman eto, masayang nanonood ng fireworks display. Ang ganda ganda nya kasabay ng napakaraming nagnining-ning na bituin at saktong kabilugan ng buwan. "Wow ang ganda ganda!" Namamangha kong sabi. "Oo nga, napaka-gandang pagmasdan" napatingin ako kay Calix na nakatingin rin sakin habang sinasabi yung mga katagang yon. Ilang segundo ang nakalipas bago niya alisin ang paningin sakin. "Nung langit. Ang gandang pag masdan nung langit hehe" sambit nya. "Oo nga e hehehe" sagot ko. Nakailang minuto rin ang tinagal ng matapos ang fireworks display. Bumalik kami sa kubo at nag pahinga ng konti. Nilapag ang ibat ibang pag kain na binili namin bago kami pumunta dito. "Whooaaa!!! Ang ganda ng fireworks Caepyyy!!" Masayang sabi ni Nazam "Oo nga e." Sagot ko. "Babalik balikan namin to ni Kyle." Sambit niya saka dinako ang mata sa nobyo. "Diba Kyle? Hihihi" kumekerengkeng niyang sabi. "Aba syempre naman. Basta ikaw yung kasama ko e" matukso at pacute na sagot ni Kyle. "Oo naman! kahit dito pa tayo ikasal e" sambit niya habang pinupulupot pa yung kamay niya kay Kyle. Ang cheesy -.-! Tinuloy na namin ang pag kain. Hayyyyyssstt! Grabee yung dragon ko sa tiyan nag wawala na namannnn! Nag papasexy nga ako tapos lagi nalang akong inaakit ng mga pagkain huhu! "Mm. Ikaw? Anong plano mo?" Natigilan ako bigla ng mag salita si Calix "Plano ko? Anong plano?" Pag tatanong ko. "Kung babalik ka ba ulit dito hahaha" "Wala namang masama kung oo?" Sambit ko. "Magandang ideya yan" nakangisi nyang sabi. Matapos naming kumain, pumunta na kami sa parking lot na pinagparking-an nila Kyle ng kotse nila. "Ang saya sayaaa grabeee!" Hindi parin sya makamove on -.- Pinagbuksan ni Kyle ng pinto ng sasakyan si Nazam, sasakay na sana ko ng biglang... "Opx! San ka?" Nakakaloko niyang tanong. Malamang sasakay ako diba? Alangan namang magpaiwan ako dito engot -.- "Sasakay ano pa?" Sambit ko. "Hmm. Caepy hehe pwede bang magsolo kami ni Kyle? Tutal naman may dala ring kotse si Calix sa kanya ka nalang muna. Babushh!" Walang pakundangang iniwan niya kong nakamalag dito. Putrages talaga siya-.- "Let's go? Hatid na kita" pag-aaya niya. Habang nasa kahabaan ng byahe, walang kibo lang ako habang pinapanood ang mga dumaraang sasakyan. "Tagal niyong naghintay kanina no? Haha" sambit niya. "Oo nga e. Kung hindi ba naman kayo engot." Sagot ko. "Sa f*******: lang sila nagkakilala no? Hehe ang astig na ngayon." Masyado rin siyang madaldal hahahaha "Mm. Hahaha" tanging nasambit ko na lamang. Nakarating na kami sa bahay. At nakangiti niya kong pinagbuksan ng pinto. "Salamat" tugon ko. "Walang anuman!" Nagpaalam na siya umuwi. Pumasok na ko ng bahay at hindi pa ko nakakailang hakbang nakita ko na agad ang pag aalala sa muka ni mommy. "Bakit ngayon ka lang?" Bakas sa pananalita niya ang pagaalala. "Ahm mommy, kasama ko kanina si Nazam. Nagpasama siya sakin tapos nagbonding narin kami kase may pasok narin bukas". Paliwanag ko. "Sino yun?" "Si Nazam mommy? bestfriend ko. Can't remember?" "Hindi yun. Sino yung naghatid sayo. Boyfriend mo ba yon?" Direkta niyang tanong sakin na may halong inis. "No mom! He's just a friend of mine okay? Relax. Wala akong interesado sa mga bagay na ganyan. Tapos diba mommy? Nag usap na tayo about dyan? Hehe" ayaaann. Yan yung ugaling meron si mommy pag may nakita siyang may kasama kong lalaki. Boyfriend boyfriend boyfriend! "Basta yung mga bilin ko Caeprien, no boyfriend hanggat hindi ka pa nakakapag tapos at hanggang hindi mo pa naaabot mga pangarap mo. Sana maging malinaw usapan natin. Ayokong maging hadlang sa pag aaral mo ang pakikipag relasyon." May bahid ng pangangaral at seryoso ang punto niya. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko yung sakit na na nararamdaman niya because of man. "Mommy? Hindi ko naman nakakalimutan yon. Hindi naman masamang makipag kilala diba? and besides, hindi pa naman ako interesadong ma-inlove! hindi ko nga alam kung paano kiligin ng tunay e" "Ayoko lang na sa murang edad e masaktan ka ng hindi dapat." ramdam ko sa mga salita ni mommy ang pag alala. Nagpaalam na ko para matulog dahil ayoko rin malate sa school. Naligo lang ako para mas mahimbing tulog ko Pero kinginaaaa!!! hindi ako dapuan ng antok, nag imagine na ko ng nag imagine waleeyy! tss Bumangon ako at uminom ng gatas baka makatulong haha. Bumalik ako sa pag kakahiga at hinayaan ko nalang ang sarili kong pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD