CHAPTER FIVE

1260 Words
Tuesday.... 4:30 pa ng umaga pero mulat na mulat na ko. Kahit anong gawin kong pagpipilit ng tulog ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit pero hanggang sa pag tulog ko e sumasagi sa isip ko ang buhay na mapa. Wag nyong bigyan ng meaning yung sinasabi ko, to make things clear hindi dahil sa iniisip ko siya hanggang sa pag tulog ko, pero kingina! yung dapat sweet dreams ko naging nightmare! Battttt ganon hanggang sa panaginip ko nambubwiset parin siya. Para siyang bangungot sa buhay ko hays. I've done preparing my things so early, thanks to mapa kase nagising ako ng maaga. That was my first time at feeling ko isa yong tagumpay. Kahit hindi ako nakatulog ng maayos hays help me lord, pakiramdam ko isa siyang sumpa na hinihigop ako papunta sa kailaliman ng luma dahil sa ka-corny-han niya. Kahit ngayon di parin ako naniniwala sa sinabi ni Kenji na softhearted ang lalakeng yon. My softhearted bang kuripot? 6am na ng umaga at bumaba na ko sa kwarto. Kumakalam na yung tyan ko sa gutom. hahahhahaha nagwawala na naman yung dragon sa tyan ko hays. "So early. What's new?" bungad sakin ni kuya at mukang namamangha. "What's new?" pabatong tanong ko rin sa kanya. "Yan." tinuro niya ko muka ulo hanggang paa, syempre maganda. "Ang aga mo naman yatang nagising. Mukang aral na aral tayo dyan ah hahahahahaha" wews. "Ano namang masamang gumising ng maaga kuya Yiro? tss." umupo na ko sa table at sinimulang kumain. "Asan pala si mommy kuya?" pag tatanong ko habang ngumunguya-nguya pa. "Maaga umalis. May importante daw siyang pupuntahan. Di ko na natanong kase nagmamadali talaga siya, di ko na nga siya naihatid." pagpapaliwanag niya. "Oh I see." Nakarating na ko sa school at ang ganda ganda ng paligid. Ang sasaya ng mga tao at bakas sa muka nila ang pananabik kung anong mangyayare ngayong araw. ini-expect ko na maganda ang araw ko. hays wag lang sanang makasalamuha ng presensya ko ang mapa na yon at kingina di ko na alam kung akong gagawin ko. Papasok ako ng hallway ng Zillion University at ang ganda, linis at sobrang bango ng paligid. "Goodmorning" mapapatalon ako sa gulat ng may biglang bumati sakin. "G-goodmorning." nauutal at nabigla kong sabi. "Nagulat ba kita?" sambit ni Kenji. Di ba obvious? -.- "Ahh-eh hindi naman masyado hehe" I said. Sinabayan nya ko sa paglalakad papasok sa hallway. And literally, maraming mga matang kumikinang na nakatitig sa kanya. "So, kamusta naman ang araw mo kahapon? Marami ka na bang nakilalang kaibigan?" pagtatanong niya. "Mm. Oo mababait naman sila, maliban dun sa isa." at alam nyo na naman siguro kung sino yon -.- "Don't tell me na yung pinsan ko yon? hahaha" abuhhh!! galenggg mang hula tumpak! bat kase di sayo nagmana ng ugali yung pinsan mo. "Hays." walang gana kong sabi sabay tango sa kanya. "Hayaan mo na. Mabait naman yon, baka mali lang kayo ng pagkakakilala sa isat isa. When the right time comes, dun mo makikita kung gaano siya kabait at mapagmahal the you'll realize, how worth it he is." his words stubbing me to realize how kind and getleman he is? what the f!? seriously?! Ang lalim masyado "So deep." nanlalaking mata kong sambit. Nagtungo na kami sa sarili naming silid. Pag pasok ko ng room, halos kokonti palang kami sobrang aga ko kase dumating tiningnan ko yung sched namin ngayong araw at 9am pa pala ang start ng klase namin e 7:45 palang. "Hiiiii" medyo nagulat ako ng konte sa biglang sumukpot mula sa likuran ko. "H-helloo" bumungad saken ang isa sa mga kaklase ko. Nakasalapid yung buhok niya, may suot na malaking salamin, at may yapos yapos na, di ko mawari kung libro or notebook ba yung hawak niya? medyo katangkaran pero mas lamang ako sa kanya. honestly, cute siya. "Mm. Kamusta?" malambing niyang tanong. "Ah-eh, okay lang naman" sambit ko at nginitian ko siya. "Ikaw ba? mukang napaaga ka rin ah? hehe" dagdag ko pa. "Oo nga e. Nalimutan ko kase kung anong oras ng klase ngayon, di ko alam na three subjects lang pala klase natin ngayon hehe." mm. muka siyang mabaet. "Mm. By the way ako nga pala si Candace. Candace Villafuerte." "Wow same lastname pala tayo. hehe." biruin mo, may kaapelyido pala ko dito sa room, sa bagay normal nga lang naman yon. "Caeprien Villafuerte" nginitian ko siya at nagkamay kaming dalawa. "Nice to meet you. I hope we will be friends" sambit niya. "Yes ofcourse not." naisip ko na medyo mahaba pa yung oras bago mag start yung klase kaya inaya ko muna sya sa canteen para kumain. Marami kaming napagkwentuhan at napuno yon ng tawanan. Nagshare siya about sa mga gusto at ayaw niya. At actually, hindi siya ganon kahirap kaibiganin kase sobrang friendly niya at honestly, masarap siyang kausap. Nagshare siya about lovelife at wengya, nagkaboyfriend na pala tong si Candace. At alam nyo yung nakakamangha don? naging first boyfriend niya yung long time boybestfriend niya. Dinaig niya pa ko hahahaha. Mas a head ako ng isang taon sa kanya. Sa bagay, kahit nerd siyang kumilos at mag ayos ang ganda ganda naman ng kalooban niya. "Ikaw Caeprien? Nagkaboyfriend kana ba?" Bigla akong natigilan sa huling tanong na lumabas sa bibig niya. Whaaaaaat? nag ka boyfriend na ba daw ako? "Mm. ah-eh ang totoo kase nan, hindi pa." seryoso kong sabe. ewan ko kung bakit pero nawalan ako ng gana. "Why? look you're pretty naman e bakit di ka magboyfriend?" sambit niya. Ako ren, di ko alam kung baket. "Mm. Maybe I'm not ready for now. Mahirap kase yung mag madali ka." sabi ko "Sabagay." tumatango tango niyang sabi. "Let's go na? malapit na mag start yung klase." Sa sobrang napasarap yung pag uusap namen ni Candace di na namin namalayan yung oras. Dumating kami sa room at nagdadatingan na halos yung mga kaklase namin. Saktong 9am dumating na ang prof namin but wait? something missing? iginala ko ang paningin ko at wala pa ang buhay na mapa? abuh abuh! tingnan mo nga naman, di pa tumatagal ang school days e umaabsent na hahhahahha. well, pakealam ko ba sa kanya? maganda nga yon e, walang bad vibes. At the middle of the class habang busy sa pagsusulat sa whiteboard si Sir Africa something caught my attention, I mean kame pala bukod kay Sir Africa. Mula sa labas ng pinto ng room ay natatanaw naming tahimik at tila invisible na pagpasok ni Mapa. hanep Humakbang siya medyo kalahati mula sa di kalayuan kay Sir Africa na hindi manlang niya nararamdaman na may hambog nang sumusulpot sa klase niya. Ilang segundo ay ipinihit niya ang kanyang katawan tapat sa pinto at tila hahakbang. Nanatiling nakataas ang kanyang kanang paa at ani mo ngay maglalakad papalayo. Maya maya pa ay biglang lumingon si Sir Africa at ibinaling ang paningin kay Mapa na hanggang ngayon e parang tanga na nakataas parin ang paa. hays. sir? ganyan ka ba talaga kamanhid? -_- Tumaas ang kanyang kilay. "Mr. Del Carpio! where you going? sitdown!!" medyo mataas na boses na sambit ni Sir Africa. Bigla akong napahampas sa table ng upuan ko at di makapaniwala sa biglaang nangyare. hanep legend. Mula sa hindi makapaniwalang muka kanina ng mga kaklase namin ay ngayon ay nagsimula silang maghiyawan. "hanep pre, galing mo don ah" "ligtas ka don pre, galing" "turuan mo rin kami minsan ng mga damoves mo na ganyan astig haha" "Shut up." pagsasaway ni sir. bulungan nila at parang timang na bilib na bilib sa gunggong na to. napabaling yung tingin ko sa kanya at para siyang tangang nakangiti at tunataas taas pa yung kilay. bwiset inirapan ko siya at patuloy na nakinig sa ngayon na discussion ni Sir Africa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD