MONDAY!
This is itttt!! First day of school at ayoko ma-late! Maaga akong nagising at nakapaghanda sa unang araw ng pasukan. At hindi mawala sa isip ko kung gaano ako kasaya ngayon at konting konting panahon na lang makaka-graduate na kooooo!!! I'm so excited to have a better job in the future and to makes my mother proud.
Wala na kong hihilingin pa sa bagay na yon kundi masuklian ang paghihirap ni mommy kahit diploma lang muna sa ngayon. Araw araw akong pinapangaralan ni mommy na, study first before anything else gaaaddd!! Di pa naman ako mag aasawa pag ka-graduate no hahaha.
Bumaba na ko dahil na aamoy ko na ang mabangong luto ni mommy sa baba and literally, nagwawala na naman ang dragon ko sa tyan. Bumungad naman sakin ang napaka gwapo kong kuya.
"Gwapo natin ah san kasal?" Sambit ko.
Binato niya ko ng mapait na tingin. "Kahit kelan di ka nagkaroon ng magandang joke Caeprien" bulalas niya. HAHAHAHAHA ganyan talaga siya pag napipikon. Porket muka siyang joke mabully niya ko wagas kung wagas.
Edi ikaw na may jowaaaaa!!! -.-
"Woy kuya Yiro! Hindi ka kase marunong makaappreciate ng tunay na joke!" Tinabihan ko siya sa upuan habang si mommy hinahanda yung breakfast namin.
"Sus, di mo pa kase alam kase wala ka pang karanasan sa pakikipag relasyon, kaya di mo alam yung mga bagay na nakakatawa at hinde hahahaha" edi ikaw na -.-
"Tama na yan. Anong relasyon relasyon yan, Ikaw Yiro hindi porket pwede ka ng pumasok sa isang relasyon e dapat maranasan na rin ng kapatid mo. Hindi pa siya handa at hindi pa niya kailangan pumasok sa mga ganyang bagay. Masyado pang maaga, hindi siya mauubusan ng lalaki." Nagbaling ng tingin sakin si mommy. "And you Caeprien, I told you right? Sana lagi mong tinatandaan ang mga sinasabi ko sayo, na---" pinutol ko na ang sasabihin ni mommy kase alam na alam ko na naman lahat.
"Study first before anything else. No diploma, no lovelife." Ginaya ko kung paano bigkasin ang salita ni mommy sa part na yan. Ewan ko pero nakatatak na sa isip ko lahat. "Ma? Di pa naman ako mag aasawa. I have no time to that serious things na makukuha ko rin naman at the right time okay? Kaya wala kayong dapat ipag-alala dahil di ko kayo bibiguin okay?" Nginitian ko si mommy at nasa mga mata parin ang ang pag aalala.
"Oo nga Asthryd! bawal ka rin mag kacrush kase dun nag uumpisa yung love." ngumunguya nguyang sabi ni Kuya. Nag lagay siya ng tubig sa baso at saka yon ininom. "Pigilan mong mag ka-crush o maattract sa isang tao, kase once na tumibok yang puso mo na parang pinupukpok ng martilyo, hindi mo na madidiktahan yung puso mo na itigil ito." pabiro pero andun yung sinseridad!
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Pigilan mong mag ka-crush o maattract sa isang tao, kase once na tumibok yang puso mo na parang pinupukpok ng martilyo, hindi mo na madidiktahan yung puso mo na itigil ito."
"Pigilan mong mag ka-crush o maattract sa isang tao, kase once na tumibok yang puso mo na parang pinupukpok ng martilyo, hindi mo na madidiktahan yung puso mo na itigil ito."
"Pigilan mong mag ka-crush o maattract sa isang tao, kase once na tumibok yang puso mo na parang pinupukpok ng martilyo, hindi mo na madidiktahan yung puso mo na itigil ito."
"Pigilan mong mag ka-crush o maattract sa isang tao, kase once na tumibok yang puso mo na parang pinupukpok ng martilyo, hindi mo na madidiktahan yung puso mo na itigil ito."
Nagpaulit-ulit sa aking tenga ang mga katagang 'yon, wengyaaa! yun yung una kong naramdaman nung kasama ko si Calix shockeddd!! hell no!
"Diba nag mamadali ka tapusin mo na yang kinakain mo!" piningot ni mommy si kuya sa tenga at tawang tawang itinuloy ang pag kain. "Umupo kana at kumain kana Caeprien, baka malate ka unang araw nang klase mo."
Masyado siyang over protective sakin about sa mga ganyang bagay. Alam ko naman na sa ikabubuti ko yon pero kahit kelan di yata siya mapapagod pangaralan ako. Alam ko naman kung gaano niya ko kamahal, kami ni kuya Yiro kaya ganyan siya mag alaga at ganon niya kami protektahan.
Tinapos na namin ang pag kain ng breakfast tapos nagdesisyon si mommy na ihatid nalang ako ni kuya sa school. May kotse naman kami kahit papano, hahahaha. Marunong din ako mag drive pero pagkasama ko si kuya siya na yung nag mamaneho. Alam kase ni kuya kung gaano ako kahambog magmaneho. Naaalala ko tuloy yung muntik na kaming tumilapon ni Nazam sa motor HAHAHAHAHA at ampanget ng itsura niya don! Mukang unggoy na kabado HAHAHAHAHA.
Nakarating kami sa Zillion University ang school namiiinnn!! Labas palang ambongga bongga na sa sobrang linis at gandaaaa!!! Gaaadddd!! Mapapasipag ako sa pagpasok neto hahaha. Kamusta naman kaya yung ugali nang mga estudyante dito? Malinis din kaya? Grr HAHAHAHA
"Hanggang dito nalang ako ha? Di na kita maihahatid sa loob. Mag iingat ka, if you want me to take you home just call me okay?" Sambit ni kuya Yiro at lumabas siya para pag buksan ako ng pinto.
"Okay kuya ingat ka rin. Pero thankyou nalang kuya alam kong susunduin mo pa mamaya si ate Zab e mas kailangan ka niya." Si kuya Yiro nag tatrabaho siya sa isang kilalang company while ate Zab naman sa isang bookshop malapit sa company ni kuya.
"Okay basta tumawag ka lang pag may problema" sumenyas si kuya na aalis na siya at kinawayan ko rin siya.
Bumungad sakin ang napakagandang loob ng Zillion University at di mo aakalain na ganito pala to kalawak at kalinis. Maraming mga estudyante at mukang nanggaling sila sa may kayang pamilya. Sa loob ng school makikita mo agad ang napakalawak na gym pagliko mo galing main gate. Dun sa gym mas maraming nakatambay, may mga couples, bunch of niggas at may mga loner na rin.
Since mahaba pa naman yung oras ko bago mag klase e libutin ko muna 'tong school. Gusto ko ring makita kung gaano kaganda ang paligid at tanawin dito. Grabeee!! Ang lilinis ng paligid at mga tao dito, sana yung ugali rin HAHAHAHAHA. Hays, sino kaya unang magiging kaaway ko sa school na 'to.
Naiimagine ko tuloy na may hawak akong drinks tapos matapon ko sa isa sa mga estudyante dito tapos mag sasabunutan kame tapos tatadyakan ko siya hanggang sa manghina siya, tapos magaguidance kame tapos malilintikan ako kay mommy! Pataayyy sira na pangarap ko HAAHAHAHAHA.
"Hey?" Bumalik ako sa katinuan at nahinto ako sa pag iimagine ng biglang may bastos na pumutol ng kwento sa utak ko!
Nilingon ko mula sa likuran kung saan nag mula ang boses na yon. Then, gaaadd!!! Ang pogiii nang nasa haraaapppp koooo!!!!
Matangkad, maputi, maganda yung kilay, mapula yung labi attttt!!! Ang bangooo niyaaaa!! Kahit malayo siya ng konte amoy na amoy ko yung pabango niyaaaa shetttt!
"H-hey hehe" speechless ang lola nyo!
"Newbie here?" Pagtatanong niya. Whoaaa!! Ganda ng boses!
"Mm. Yeah??" Sambit ko. Ngii parang natatameme ako aaahhh!!!
"Same us!" He said. "By the way I'm Kenji" nilahad niya sakin ang kamay nya, nakailang segundo ko rin yong tiningnan bago ko abutin. "Kenjinaro Mendez. But you can call me Kenji in short" sabay ngiti.
Hangkyuttt!!
"Caeprien, Caeprien Asthryd Villafuerte, you can call me Caepy also." pagpapakilala ko sabay bato ng ngiti sa kanya.
Whhhooooaaaaa!!!! Di ko alam na bukod pala sa maganda yung paligid may gwapo rin palaaaa ditoooo. Pag bigyan nyo na ko okay? Minsan lang ako magwapuhan sa lalake hekhekhek!!
"So, saan kana ngayon?" Pagtatanong niya habang taas baba yung kilay, yay ang cute
"Hahanapin ko na sana yung room ko e" sambit ko
"Oh I see, then if you want hanapin nalang nating pareho tutal hahanapin ko na rin naman yung room ko e okay lang ba sayo?" Tumango nalang ako sa kanya.
"Waaaaaaaaa!!!"
"Shokkksss ang gwapo niyaaaa!!!"
"Girlfriend na ba yung kasama niya?!"
"Hindi naman maganda maputi lang!!!"
"Yeah!" tinding bulungan at inirapan pa ko nung isa. Kaya pinandilatan ko ng mata at tinaasan ng kilay!
"Wtf?!"
"Wuy ghorl palaban!" bulong niya pa dun sa isa.
Natawa nalang ako sa isip ko at nilampasan sila wengyaaa! iwelcome nyo naman ako sa magandang paraan! hindi pa ko tumatagal ng ilang minuto dito may bashers na ko! peste
Sabay kaming nag lakad sa hallway palampas na kami ng gym. Habang naglalakad, may ilan rin kaming napag kwentuhan ni Kenji at di ko makakaila na ang sarap niyang kasama at kausap! Grabeeee!!! Ang dami niyang kwento at talaga namang nakakatuwa.
Yung pakiramdam na kakakilala palang namin pero parang ang gaan gaan na ng pakiramdam namin sa isat isa. May ilang mga estudyante ang nag titinginan samin, what I mean is kay Kenji lang siguro! Kase napaka gwapo niya at sobra namang attractive yung ngiti niya.
magandang bungad sa umaga ang unang pag bungad sayo Kenji hahaha.
Samalamang na habang nagtatagal marami babaeng magkakandarapa dito, shettt! Baka mamaya isa na ko don HAHAHAHAHAHA kingina wag munaaaaaa di pa ko marunong kiligin ng maayos HAHAHAHA!!!
Nakarating na kami sa unang building ng Zillion University na kung saan itong building na ito at yung dalawa pang building na may second floor hanggang fourth floor ay mga college student lang. Which is himalay ang area ng college sa mga juniors.
Mula sa unang palapag, umakyat na kami ng second floor at wenyaaaaa! Nakakashock kase bumungad sakin ang lalaking to
Mapa!
Mygaadd! Ibig sabihin dito rin siya mag aaral hays, wag lang niya kong badtripin sa kawirdohan niya at talaga naman -.-!
Binato niya ko ng nagtatakang tingin at nakakalokong ngiti! aga mo ha? -.-
"Calix?" Natinag ako sa biglaang pag sasalita ni Kenji.
Whatt? Kilala niya pala si Mapa! "Hey bro! Long time no see!" Masayang bati nya kay Calix sabay fist bomb
"Oo nga, sobrang tagal na rin nung huli tayong nag kita. Di ko manlang nalaman na nakauwi kana pala. Kelan ka pa dito?" Tanong ni Calix.
"Last week bro. Before enrollment dito sa school. Sabi ni mommy na dito ka nga rin daw papasok so, naisipan ko na dito narin para di ako mahirapan ng pakikipag kilala dito. Then so blessed to have one kind of friend" bumaling ng may roong magandang ngiti saakin si Kenji, yung ngiti na ang gaan sa pakiramdam.
Don't look at me like that Kenji. I feel something that I can't explain through words. Naaahhh! You're so mean :<
O ako lang talaga yung OA?
Ang saklap lang malaman na sa iisang room ay magkasama kami ni Calix, habang sa third floor naman napapunta si Kenji.
Nagsimula ang klase syempre as always 'introduce yourself' nag pakilala isa isa at tinanong rin ni Sir Vic Africa ang prof namin sa IntroPhilo kung ano ang mga hidden talent namin.
Ang ilan sa mga classmate namin ay nag tagisan sa pagkanta, sayaw at mag drawing.
"And you ms.?" Okaayy!! It's my turn. Nakatingin na silang lahat saken at hinihintay na ko tumayo.
"Mm. Good morning everyone, my n-name is Caeprien Asthryd Villafuerte. 19years old." Nakangiti kong pagpapakilala. Medyo nakakahiya kase lahat sila nakatingin sayo pero shett okay naman hahahaha
"So, what's your hidden talent Ms. Villafuerte?" Pagtatanong ni sir Africa.
"Amp. Writing poetries. Mahilig po akong magsulat." yeah. Mahal na mahal ko ang pagsusulat. Ewan ko pero nasasayahan ako. Since 14 years old natuklasan kong ang sarap pala sa pakiramdam na magbasa, makinig at sumulat ng tula.
"Wow, Interesting." Kinampay na niya ang kanyang kamay upang maupo ako. At kasunod non ay ang pagtingin niya mula sa likuran ko.. Alam ko na kung sino yon kase siya nalang yung hindi pa natatawag.
"And you mr.?"
"Calix. My name is Calix Aelous Del Carpio" pagpapakilala niya.
"So mr. Del Carpio what's your talent?"
"Talento ko pong lumaban kahit sobra na kong nasasaktan." 0.0 fvck? seriously?
Nagkaroon ng konting katahimikan at kasunod non ay ang sunod-sunod naring tawanan ng mga kaklase namin.
ako? korning korni ako sa katauhan ng mapa na 'to. ewan ko yung joke pa ba yon o seryoso? mygaaaddd mapaaaa!!!!
"Wow! hahaha dauntless" natawa rin si sir Vic
Natapos ang unang subject ng puno ng pagtatawanan dahil kay mapa. Syempre may parte pa rin don na hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pagtawa dahil sa ka-kornihan niya.
Natapos na rin ang tatlo pang subject tapos nag dismiss na ang klase para sa break time.
Nagkita kami ni Nazam sa canteen na mismo kase mas nauna siyang lumabas kesa sakin. Natanaw ko siya mula sa di kalayuan.
Kumakaway siya mula sa kinaroroonan niya at dahil lumalablayp siya, ngiting ngiti ang bruha!
Papalapit ako ng papalapit at nasagap na agad ng radar ko ang presensya ni mapa -.- nakaupo sya katabi ni Kyle at kingina, mala-engkanto rin pala to. Ambilis niya ah nakarating agad siya dito.
"Nahiya pa talaga kayong magsabay. hahahahaha" sambit ni Nazam.
"Duh?" -.-!
"Here, binili na kita ng pagkain." Inabot sakin ni Calix ang isang tray ng pagkain.
luh? wag niyang sabihing sinusuhulan niya ko para tawanan ko lang mga jokes niya tss hahahahaha
"Kaya ko naman bumili ng sakin e. Sayang yang pera mo kaya ikaw nalang kumain niyan." sabi ko. Masyado siyang mabaett kung ganon hahahahaha!
"Meron din naman akong sakin e." sambit niya. "Dinamay na kita kase baka mahirapan kang pumila, kaya sakin ka nalang magbayad." Wtf? napataas nalang yung kilay ko sa inis, bwiset, at whoa! kingina di ko alam! Kinginang to akala ko libre tong pag kain na to!
"Opx!" sabay na sambit nina Nazam at Kyle na nagpipigil ng tawa. kingina, parang napahiya ako don ah. kingina mapa may araw ka rin saken!!!!
Kumuha ako ng pera sa bag ko at binato yon sa kanya. kingina sapol ka saken ng barya -.-
"Oh saksak mo sa baga mo" oh sapol nga HAHAHAHA
"Aray!" inirapan ko na siya at tinuloy na ang pagkain ko.
"sukleee! akina sukle!!!" inabot niya agad sakin yung sukli ko. Gago 'to ah kala ko libre kingina.
"Waaaa how so sweet?" singit ni Nazam habang nakahalum-baba at parang tangang kumukurap ng kumukurap na ani mo'y kumikinang.
Pinandilatan ko siya at agad naman niyang inalis ang tingin at itinuloy ang pag kain.
"By the way, hindi mo manlang ba ipapakilala saken yang kasama mo Caeprien Asthryd?" sarkastiko niyang sabi habang nakaturo kay Kenji.
Nawala sa isip kong kasama ko siya. I mean 'namin'
"A-hh y-yeah, his name is Kenji."
"Hi Kenjiii!" galak na galak at nakipag kamay si Nazam sa kanya. "Nazam."
Tinuloy na namin ang pagkain at mukang enjoy na enjoy naman sila sa joke ng Mapa na 'to. Kala mo matatawa ako sa joke mo? manigas ka.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
30 MINUTES BREAK!
Hindi na ko lumabas at nagbasa nalang ako ng libro sobrang ikli ng oras para bumaba pa ko nakakatamad din mag pabalik balik ng hagdan. tamad ako lampake!
Natapos ang dalawa pang mga subject kasunod non ay ang pag dismiss ng klase. At dahil nga may lovelife na ang bruha kong bespren! syempre may mag hahatid na sa kanya pauwi! at ako? eto nag hihintay ng masasakyan!!!
At hindi pa nagtatapos ang pagkasira ng araw ko!! wengyaaaaa umulaaaannn paaa!! bwiset wala na nga akong masakyan!
pipp piiipppp!!! (busina talaga yan, parang bobo lang diba HAHAHAHA)
Pag baba nang bintana ng sasakyan ay natanaw ko mula sa loob ang muka ni Kenji. owemjii!! my hero! I feel thousands butterflies!
"Go inside" nakangiti niyang sabi
"Thankyou! hays wala kaseng dumaan na jeep tapos bigla pa kong inabutan ng ulan." sambit ko
"Oh I see." sagot niya. "Here, magpatuyo ka baka magkasakit ka niyan e basang basa ka." kinuha niya mula sa likuran yung towel at inabot sakit.
uggghhh!!! sana all ganito kabaittt!
"Thankyou talaga! bawi nalang ako next time hehe"
"Nako wala yun. Dapat ako yung mag thankyou kase di mo ko tinanggihan kanina nung nag kasalubong tayo hehehe." sagot niya.
"Yun ba? jusko! maliit na bagay." sagot ko naman at nginitian siya.
Medyo tumagal kami sa daan traffic kase umuulan. Hays! wala akong maisip mainong kase pati siya tamihik na rin ngayon!
"So, mag pinsan pala kayo ni Calix" wala na kong maisip na maitanong kaya yun talaga sumagi sa isip ko hahahha. syempre nacucurious naman ako kung bakit naging mag pinsan pa sila ng bakulaw na yon.
"Yeah. yung mommy niya at daddy ko magkapatid." sambit niya.
"Ah. buti nalang di mo katulad ng ugali yon" walang gana kong sabi.
"h-ha? what do you mean?" walang ideya niyang tanong.
"What I mean is, corny kase yung pinsan mo. Tapos, basta can't explain." pati ako naguguluhan hahahhaha.
"Ow hahaha. mabait yon. Siguro di lang naging maganda yung pag kakakilala nyo ng umpisa. Pero softhearted person yon, madaling maattract, pero mahirap makalimot." simple pero makahulugan niyang paliwanag.
softhearted? mygaadd muka bang may puso yon? e kingina pinabayaran pa saken yung inorder nya -.-
"muka siyang walang puso" -.- ako talaga yan
"Durog na kase." seryoso niyang sabi
"hahahhaha" luh gago tapos biglang tumawa. may topak din ata to. joke hahhahah
"Ano yun baso. hahaha?" so weird. nakita ko naman na malapit na ko sa bahay kase nagpababa na ko.
"Thankyou Kenji! thankyou thankyou!" binigyan ko siya ng masayang ngiti at umalis narin siya.
Pumasok na ko sa bahay at kingina, kelangan kong ihiga agad to dahil nakakapagod ang araw na 'to.
Sleeptight self! mahal kita sobra sobra! mwuaaa...