Natapos ang dalawang subject at dinis-miss ang klase para sa break. halos one hour ang break time namin ngayon kase three subjects lang ngayon. So after this, may last subject pa kami mamaya tapos uwian na.
"Carprien" palabas na sana ko ng room ng bigla ako tawagin ni Candace. "Pwede bang sabay nalang ulit tayo kumain ngayon? wala kase akong kasabay e" malungkot pero nakangiti parin niyang sabi. Wala namang masama kung araw araw kameng magkasabay.
"Sure why not! kahit araw araw pa tayong magkasabay okay na okay lang" masaya ko ring sambit.
"Talaga? Thankyou" parang bata at ani moy maiiyak pa niyang sabi. Inaro niya ang kamay niya, "Friends?" at ngiting ngiti na nakatingin saken.
Inabot ko yung kamay niya "Friends" at walang ano kong binalik ang magandang ngiti sa kanya.
Masaya kaming bumaba at nag tungo sa Canteen para pumila para bumili ng makakain. Malaki ang canteen pero sa dami ng tao ngayon dito ay halos magtulakan na sa siksikan.
Halos ilang minuto kaming tumagal sa pila dahil sa sobrang tao. Nang kami na ang nasaunahan ni Candace, pumili na kami ng pagkain at mukang masarap tong bagong lutong adobong pusit. yuuummm!!! mapapasarap tong kain ko hehe. Parehas kami ng inorder ni Candace dahil natatakan din daw siya sa adobong pusit.
Natanaw ko sa di kalayuan sila Nazam kasama na niya si Kyle.
Sa sobrang sabik na sa pagkain si Candace e nangunguna na siya sa pagpunga sa table na tinuro ko sa kanya. Maingat kong hinawakan ang dala kong tray kase medyo pasikip ng pasikip yung daan pero ilang saglit pa biglang blugg!!
Biglang natapon yung dalang tray ni Candace na puno ng pagkain dun sa babae. Palibhasa hindi nakatingin sa daan at nakikipag halakhakan sa mga kasama niya.
"Whaaa-Whaaattttt theee fvck are you doing idot!" sobrang lakas na sigaw niya kay Candace at grabeng muka siyang halimaw sa sobrang laki ng mata niya. Dahil sa lakas ng boses niya ay nakuha niya ang atensyon ng mga estudyanteng nasa loob ng canteen. "Look what you done to me!! Look at my dress! ang dumi na kasing dumi mo! And no? amoy pusit na koooo!!!!!" maarte niyang sigaw.
"Sorry sorry, di ko naman sinasadya e." malungkot at nagmamakaawa niyang sabi. kumuha ng tissue si Candace at sinubukang punasan yung damit ng bruha.
"What? di mo sinasadya? o tatanga tanga ka lang? ang laki laki na nga niyang salamin mo pero di mo pa makita yung daan! what a stupid you are?" malakas parin niyang boses. At doon na nagtawanan ang mga mukang sisiw niya pwends.
Sampolan ko nga bruha na to. Masyado na siyang namamahiya sa harap ng maraming tao. Ramdam ko kung gaano kabigat na kahihiyan to para kay Candace at kitang kita mo sa mga mata niya anytime papatak na luha niya. lumapit ako at itinayo mula sa pagkakaupo si Candace. Tinulungan niya kong limutin yung tray at lakas loob kong tiningnan mula sa mata ang bruhang to.
Ayoko sa lahat yung may inaapi at pinapahiya e. Lumalabas pagkademonyo ko. Well? palaban din akong tao malas lang at etong bruha na to masasampolan ko.
"Di naman niya sinasadya yung nangyare. bakit kelangan mo siyang ipahiya sa maraming tao?" seryoso at di ko inaalis yung tingin ko sa kanya. Tinaasan niya ko ng kilay at sinimulan na niya kong ismiran, yung dalawang sisiw naman na nasa likod niya parang engot na di makapaniwala na nakatayo ako sa harap ng lider nila.
"Oooohhh look? may isa pang dumagdag na mukang pusit. HAHAHAHAHA" nagsimulang magtawanan ang mga tao sa paligid pero nangingibabaw ang tatlong to. Medyo nakaramdam din ako ng pagkapahiya kingina? sinong mukang pusit saten e halos singhaba ng ng galamay ng pusit binti nito? "Look at you, nagmamatapang ka? di mo ba ko kilala ha?" hinead to toe niya ko at taas kilay niya ulet akong tiningnan. "Sabagay, bago ka lang kaya di mo ko kilala." pinagcross nya ang kamay niya at maarteng tumingin sakin.
Pakealam ko naman sayo kung sino ka? Kahit anak ka pa ng presidente ng pilipinas wala akong pake kung pambasura ugali mo!! bruha
"Di mo ba kilala binabangga mo? pusit?" abuh abuh nag salita yung isang sisiw sa likod.
"well, siya lang naman campus queen dito since lastyear." dagdag pa nung isang sisiw.
"Look that builboard." tinuro niya yung builboard na may muka niya na nagpapatunay nga na campus queen siya. "I am the queen" maarte, mayabang at taas noo ng pinag mamalaki.
Nanatiling nasa amin parin ang paningin ng mga tao at sa gilid lumapit si Nazam na masama na rin ang tingin. Ngunit bago siya makalapit ng tuluyan e sinenyasan ko na siya na huminto sa paglapit.
"Caeprien, tara na hayaan nalang natin." bumulong si Candace saken at hinawakan yung kamay ko. di ko siya pinakinggan dahil ayaw kong palampasin ang pamamahiya ng bruha na to.
"Look the two of you, magkapatid ba kayo? muka kase kayong twin, parehas kayong mukang pusit HAHAHAHAHA" muling umugong ang tawanan at sabi ko nga kanina nangingibabaw ang boses nilang tatlo.
"Ah ikaw pala yung queen dito. Sorry pero di namin nalaman agad." sarkastiko kong sabi
"Ngayon alam nyo na! baket? sa tingin mo ba magiging queen ka rin dito ha? look at you! taas naman ng pangarap mo" maarte niyang sabi na may nakakalokong tawa.
"Wala ka na bang ibang alam na english word bukod sa favorite word mo na 'look'? Opx, ikaw nga pala yung campus queen dapat shut up lang ako?" nakakaloko at sinubukan kong hawakan ang bibig ko.
"How dare you?!!" di makapaniwala niyang narinig ang sinabi ko pati nung dalawang sisiw.
"And wait, there's more. Bago ka mag-attitude diyan siguraduhin mo munang kaya mong lumaban sa english-an! Pinagmamalaki mong kesyo Campus Queen ka e pwede ka ng manapak at katakutan ng mga tao dito." Nagsisimula ng umusok ang ilong niya. "And I have motto for you, What is beauty if your brain is useless. Oh gusto mo tagalugin ko pa para sayo?" halos mawalan na siya ng ibubuga ng usok muka sa ilong niya sa galit.
"HOW DARE YOU!!!!! pagbabayaran mo tong pamamahiya saken!!! At kayo!" galit na galit niyang tiningnan ang mga tao sa paligid na hanggang ngayon ng pipigil parin ng tawa at bulungan. "Anong tinitingin tingin nyo diyan! Mag silayas kayong lahat! layaaaaasss!!!" sigaw niya. "And you!"
"Don't me." seryoso kong sabi. "Kung inaakala mong papalitan kita diyan sa pwesto mo, nagkakamali ka. Tulad nga ng sabi mo, mas pipiliin ko na lang maging mukang pusit kung Campus Queen nga pero utak jelly fish naman, wag nalang." Nagsimulang magsigawan ang mga tao sa paligid na tila tuwang tuwa sa sinabi ko. Hinila ako ni Candace palayo at sumunod naman sila Nazam. Yung tatlong sisiw umalis na galit na galit.
evil than you b***h.