"Isang malaking WHAT THE F! mygaddd beshy? Nilalagnat ka ba?" sambit nya habang hinahawakan ang noo at leeg ko kung nilalagnat nga ako. "We're all shock sa ginawa mo! grabe attitude ka siz! muka kang anghel na may sungay kanina!" Di pa rin makapaniwala si Nazam sa nangyare kanina. Kahit ako? nabigla ako sa sampol na yon hahhahaha.
"Sorry Caeprien nadamay ka pa sa nangyare kanina, pati tuloy ikaw napahiya ng dahil saken sorry." sambit niya sabay pout. cute
"Ano ka ba Candace, alam ko namang kasalanan niya yon e hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Tska hindi tama yung ginawa niya sayo." nagaalala kong sabi sa kanya.
Alam ko yung part na mali ako at tama ako. Mali akong lumaban sa makitid ang utak at tama akong ipaglaban kung ano yung tama. Siguro naman lesson na niya yon para di na manapak ng ibang tao.
"Kahit na Caeprien, malay mo mapahamak ka diba?" sambit naman ni Kyle.
"Tama si babe" wew may pahabol.
Bumalik na kami para tapusin ang last subject at bawaaahhh. kakastress at di ako makamove on sa nangyare kanina. Hindi ko maiwasan tingnan si Candace at pawang ngiti ang ibinabato niya sakin. Pero bakas parin sa mga mata niya ang lungkot at pagkapahiya.
Halos di ko na nga namalayan ang kagaslawan ni mapa? wait? oo nga no. bakit ngayon ko lang naalala? nilingon ko siya at WOW malaking WOW ang tahimik niyaaaa. Mukang wala sa mood ang mokong ah. Bat kaya ang tahimik neto? o baka naman nabalitaan niya yung kanina at nahiya nang kulitin ako at baka ganon den mangyare sa kanya? HAHAHAHAHA I am the winner mapa! sa una ka lang pala mayabang ha?
Tuluyan ng nadismiss ang klase at hanggang sa paglabas e mas pinili kong isabay si Candace. At sinabi ko sa kanya na for now on, lagi na siyang sasabay saken. Ayokong maulit ulit yung nangyareng pag papahiya sa kanya, masyado siyang mabait para pagtripan ng mga hampaslupa dito.
Habang naglalakad kame ni Candace palabas ng room ay namuo ang katahimikan. Di ko alam kung baket pero hinayaan ko nalang.
"Candace?" binasag niya ang katahimikan.
"Mm?" tumigil siya sa paglalakad at napatigil na rin ako.
"Thankyou for saving me to her." seryoso ngunit puno ng laman at ngiti na nagmula sa kanya. Di ko maiwasang ngitian siya katulad ng ngiting binibigay niya mula sa kanyang muka.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "No need to thanks okay? Kaibigan kita at ayokong ipahiya ka ng kahit sino, kayo? kayong mga kaibigan ko ayaw ko kayong saktan ng kahit sino." niyakap ko siya at muli siyang tiningnan direkta sa mata. "At lalo na ikaw. Parang nakababata na kitang kapatid e." muli ko siyang niyakap at hindi ko maitatanggi na naiiyak ako! nanggilid ang mga luha niya sa mata at ani moy damdam na damdam yung sinabi ko. Nagtawanan kaming nilisan ang Zillion University at nag decide umuwi.
Nauna na siya at ako naman hinihintay ko si Nazam. May ilan pa raw kase siyang ginagawa samantalang kame naman na paagang lumabas. Tiningnan ko yung phone ko kung may text si mommy pero wala. Sinilid ko sa bag ang phone ko at nabaling ang paningin ko sa di kalayuan.
I saw Calix. Seryoso yung muka, wala sa sarili at parang may sariling mundo. Sabagay alien naman siya. Pero wait? baket? baket siya ganyan katamlay? bat ganyan siya kaseryoso? Kanina pa siyang ganyan. Ako na naman kayang rason? o baka paraan lang niya yan para magpaawa pss.
Pake ko naman diba? sarili naman niya yan? syempre siya lang naman nakakaalam.
"Let's go beshy? Kanina ka pa ba dyan?" Bumalik ako sa katinuan ng dumating si Nazam. Muli kong binaling ang paningin ko sa lugar kung nasan siya pero bigla na siyang nawala.
"Ah-eh ngayon lang, ano tara na?" sambit ko pa. bago tuluyan kaming makailang hakbang ng biglang mag ring yung phone ko. "Wait wait wait, nag riring yung phone ko." Tiningnan ko kung sino at unknown number.
"hello? goodafternoon" sambit sa kabilang linya
"Yes hello?"
"Am, maam this is Ms. Caeprien Villafuerte right?"
"Agh! yes po. baket po?"
"Am, maam pwede na po kayong magreport sa saturday dito sa Coffee Bean for the contract signing thankyou."
"Talaga po? thankyou thankyouuu." binaba na niya yung linya. yeeesss!!! thankyou lorrdd!
"Sino raw yon?" pagtatanong ni beshy.
"Yung sa inapply-an kong coffee shop diba? natanggap na ko." masaya kong sabi.
"wow congrats beshy!!!" bakas sa muka niya ang saya. "Baka naman makakalibre ako dun ha? ehem!" dagdag pa niya.
b
"Tss. Ikaw pa" kinindatan ko siya at tuluyan na kaming umalis.
Pagkarating ko sa bahay agad akong umupo sa sofa at wengyaaa wala naman akong masyadong ginawa pero nakaramdam ako ng pagod hays.
"Mukang pagod ang anak ko ah." napalingon ako sa gawi ni mommy.
"Ma, andyan ka pala." lumapit siya sa kinauupuan ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hays nakakawala talaga ng pagod ang yakap ng isang ina.
"Kamusta araw mo? Kamusta school?" ayun ma. nakipag rambolan sa school. hahhahahahaah sasabihin ko ba kay mommy? hays I'm sure rarat-ratin na naman niya ko.
"Mm. Okay naman po. Nakakapagod pero masaya." muka nga talagang masaya yung nagyare kanina Caeprien. Saya saya
"Kumain kana ba? Ipagluluto kita." tatayo na sana si mommy pero pinigilan ko na siya. Di pa naman ako nakakaramdam ng gutom
"Sigurado ka ba?" pagsisigurado niya.
"Opo. nga pala ma, natanggap na ko dun sa inaapplyan kong trabaho. Dun sa may coffee shop medyo di kalayuan sa school." sambit ko.
"Nak naman? Diba sinabi ko ako nalang magtatrabaho para sa inyo ng kuya mo? Baka di mo kayanin pag sabayin ang school at work." puno ng pagaalala ang tono at itsura ni mommy. Alam kong ayaw niya na gawin ko yon pero ayoko namang maging pabigat sa kanila ni kuya. Masyado na kong malaki at kailangan kong masanay mabuhay ng sarili ko din.
Marami kaming napag kwentuhan ni mommy at pinagpahinga na rin niya ko agad.
Naligo ako at saka ko malayang inihiga ang katawan ko sa kama. Ramdam ko ang pagod, lungkot at ano lungkot? para san? hays
Alam ko at aminado akong hindi ako sanay sa presensya ni mapa kanina. Masyado siyang tahimik at kalmado mula nung break time. Ni hindi ko nga naramdaman yung presensya ng pagiging tao niya kanina. Hays. o baka naman inaamin na niya sa sarili niya na dapat tigilan na niya kong asarin at kulitin?!
Pero hindi e? ano kayang dahilan kung bakit ganon nalang ang naging asta niya kanina? tss. bwiset ka nalang mapa. Dumagdag ka pa sa isipin ko -.-
Ilang saglit pa e nakaramdam na ko ng antok. Ipinikit ko na ang mga mata ko at agad ng natulog.