Ang bilis ng araw at sabado na agad. Pero alam nyo yung weird na mga nagyare this past few days? Tuluyan na ngang nagbago ang buhay na mapa. I don't even know what's happening to him. Walang kibo, hindi nangungulit at alam nyo yung malaking nag bago? walang jokes!
Yes I admit. Nakakapanibago kung baket ganon siya. Nakakasabay naman namin siya kumain pero pang normal na tao lang talaga kilos niya. While Candace, parang iisa rin sila.
Maaga akong nagising para paghandaan ang pagpunta ko mamaya sa Coffee Bean para sa contract signing at orientation. Maagang umalis din si mommy para mamalengke at si kuya naman tulog pa kase puyat siya kagabe.
Sinubukan kong yayain samahan ako ni Nazam pero mag bebeauty rest muna daw siya para sa pag kikita nila ni Kyle mamaya. Tss. masyado na siyang busy sa lovelife kaya hindi na kami masyadong nakakapag bonding.
Nakarating ako sa Coffee Bean at yun nga. 4hours yung orientation. Maraming discussion about sa product na dapat food safety at availability ng product. Pinakafirst na dapat naming gawin e keep smiling, tss pano pag bwiset smile parin? hahahahhaha. Natapos ang orientation at contract signing medyo inabot kame ng anim at kalahating oras, tinuro narin sakin yung iba pang gagawin.
At wengyaaaa!!! thankyou lord. Lumabas na ko para mag abang ng sasakyan pauwe. Pero sa kasamaang palad e sobrang traffic. Jusmiyomarya!
Nagdesisyon akong maglakad-lakad. Di kalayuan naramdaman ko ang pag kulo ng tiyan ko, shet di nga pala ko kumain ng almusal kanina. Pumunta ko sa isang malapit na fastfood dito paren medyo di kalayuan paren sa school. Pumasok ako sa Mcdonalds at umorder ng isang meal na pagkain. Medyo tumagal yung paghihintay ko kase sobrang dami ng tao. Dahil sa sobrang gutom na ko e pumwesto ako sa gilit malapit kung saan tanaw mo yung labas. Kitang kita mo kung gaano kahaba yung traffic. Tss. hindi kase sila marunong mag bigayan ng daan kaya laging traffic.
Tinapos ko na agad ang pag kain ko at wait, parang tinatamad pa ko umuwi. At ilang saglit pa, bigla kong naalala yung lugar na una naming pinuntahan nila Nazam. Naalala ko na naman yung sinabi ni Calix about sa lugar na yon. Na pwede ka raw dong pumunta para ipagpasalamat yung mga bagay na ano raw? basta. So, wala naman akong ibang gagawin ngayong araw kundi matulog e napag desisyonan kong pumunta ron. Tutal natanggap naman ako sa trabaho hindi naman sigurong masama na ipagpasalamat ko yon.
Nakarating ako sa Park at di pa masyadong maraming tao. Malaki yung lugar at maaliwalas. At hindi parin mawawala yung ibang mga taong umiiyak dito sa lugar. Naghanap ako ng magandang pwesto at napili ko tong maaliwalas na puno bandang gitna malapit sa Fountain. Hindi ka masyadong maiinitan at ramdam na ramdam mo ang sariwang hangin.
And yes, being millenial dapat picture picture din pag may time hahahha. Nakailang captures ako and wait? something caught my attention. Zinoom ko yung picture ko at ano? si Calix ba to? Liningon ko yung side na nakita ko si Calix na may kasamang babae. BABAE! ano? girlfriend niya bayon? tss syempre pano ko malalamat kung di ko lalapitan diba? engot.
Tumayo ako at dahan dahan akong naglakad papunta sa lugar na parang nagtatalo yung babae at si mapa. Lumugar ako sa isang puno na taklob sa kanila.
"Baket? Hindi na ba talaga natin maaayos to? Please? ayusin natin to" malungkot at pagmamakaawa ni Calix. Shocks! all this time ngayon ko lang nalaman na may jowabels pala tong mokong na to. And wait, theres more! kaya pala akala mo pinagtaksilan ng mundo to kase going to be broken ang peg.
"Sorry Calix. Pero di na ko masaya." wow ghourl! porke di na masaya iiwan mo na yung tao? baket saya lang ba pinunta mo sa relasyon? tss e kung saya lang pala hanap mo edi dapat pumunta ka nalang ng peryahan jusko!
"Please wag sa ganitong paraan. Edi kung di kana masaya simulan ulit natin. Mag umpisa ulit tayo. Wag lang nating tapusin please? lahat gagawin ko para bumalik ka lang, para mahalin mo ulit ako. Lahat gagawin ko" gumagaral-gal na tinig ni Calix. "Ano bang dapat kong gawin para wag mo lang akong iwan? saktan mo ko, luluhod ako sa harapan mo para lang wag ka ng umalis, wag mo lang akong iwan." Nagsimulang iluhod ni Calix yung tuhod niya sa babae. Di ko masyadong kita yung muka nung babae kase nakatalikod siya. Kinatang kita mo sa muka ni Calix kung gaano siyang nagmamakaawa.
"Kung mahal mo ko papayag ka sa desisyon ko. Pero sorry Calix, You don't deserve me." tumalikod ako sa puno at dun na tuluyang umalis yung babae. Shet, saket non.
Muli kong nilingon ang gawi ni Calix at nanatili parin siyang nakaluhod. This time dun na bumuhos ang luha na kanina pa niyang pinipigilan. Akma akong aalis pero hinihila ko papalapit ng konsensya ko. Tss I have no choice. He's on pain, ang sama naman ng ugali ko kung basta ko siya iwan ng ganyan matapos ko makichismis sa kanila ng babaeng yon.
Dahan dahan akong lumapit at kinuha ko mula sa pag ko yung panyo ko. Tumayo ako sa harap niya at mukang di niya ko napansin kase nakapikit siyang umiiyak.
"It's part of growing up. Don't be fooled" tanging nasambit ko. its part of growing up? ampota hahhahaha. Medyo nagulat siya ng maiangat niya ang ulo niya saken. nanatili parin ang pag agos ng mga luha mula sa mga mata niya. Pero nanatili parin siyang nakaluhod ngunit nakaupo sa mga binti niya. nudaw? gets nyo?
Inaro ko sa kanya ang kamay ko na inaabot ang panyo. Parang nagdadalawang isip siyang abutin pero sa huli kunuha na rin niya. Inayos niya ang upo niya at sinumulang punasan ang mga luha sa muka niya. Walang ano ano rin ang umupo sa tabi niya. Maaliwalas parin dito kase ilalim paren siya ng puno.
Namuo ang konteng katahimikan. Pinagbigyan ko siyang iiyak at hayaan ang sarili niyang ilabas lahat ng sakit. Maya maya pa man ay nagsalita na siya.
"Narinig mo ba lahat?" tanging sambit niya. malungkot at walang gana.
"Mm. di ko sure kung lahat pero may ilan." sambit ko. tss kung napaaga lang ako sana nasubaybayan ko pa.
"Sorry." sambit niya. Bat siya nagsosorry? di naman ako yung nagiwan sa kanya?
"Sorry? P-para san?" pagtatanong ko.
"Kase narinig mo lahat ng sinabi ko." ay bastusan. nagmuka naman akong chismosa dun ah mygaddd Caeprien!
"Di naman lahat oy sobra ka! Tska bat ka magsosorry aksidente lang yun di ko intensyong marinig mga usapan nyo." pagpapaliwanag ko. sinungaling ko no? bwhahahha
"Ang tanga tanga ko." tumingin siya sa malayo at binitawan ang mga salitang yon. Ramdam ko yung lungkot niya, nilingon ko siya at still, yun parin yung mga luha niya.
"Lahat naman ng tao napapagod. Lahat ng tao nagsasawa." sambit ko. Abuhhh!! kahit sigle to marami naman akong pangaral sa mga broken! yes di ako marunong kiligin ng tunay! pero pusong matulungin to! tska nababasa ko lang yan sa libro hahahahah
"Yun na ba yung dahilan para huminto? para mawalan ng gana? Para umalis?" e bat ka saken nag rereklamo hindi naman ako yung nang iwan sayo hello?! -.-
"Everything has a reason why it's happen." wooowww whahhahhaa!!!
"At sa tingin mo may dahilan siya kung baket ganon yung naging rason niya?" seryoso niyang tanong. Abuhh! oy malay ko?
"She told you right? hindi na siya masaya." sambit ko
"Lahat naman ginawa ko, lahat naman binigay ko baket kulang paren? bakit di parin naging sapat para sa kanya?" ayan na naman yung luha niya. tss lalakeng tao iyaken. Ngayon lang ako nakakita ng joker na ganito katinde umiyak.
"Kahit ibuhos mo lahat ng oras mo sa kanya, kahit ibigay mo lahat ng bagay na gusto niya, sungkitin mo man lahat ng bituin sa langit, kung hindi na siya masaya, hindi na siya masaya." seryoso kong sabi. Tiningnan ko siya direkta sa mata. "Alam mo kung bakit 'hindi na masaya' ang laging dahilan ng tao pag aalis na sila?".
"Baket?"
"Kase hindi sila marunong makontento sa kung anong bagay ang meron ka." mga salitang binitawan ko na miski ako kinagulat ako.