CHAPTER NINE

1138 Words
Calix's POV "Kase hindi sila marunong makontento sa kung anong bagay ang meron ka." nanatili akong tulala. Hindi ako makapaniwala na magiging ganon kasalit ang epekto ng huling salita na sinabi niya. Naghalo-halo ang emosyong naramdaman ko sa mga nangyare. Flashback... Nagising ako sa lakas ng ring ng phone ko. Nagmulat ako at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Iyah is Calling... Mabilis akong nagbangon at sinagot ang tawag. "Hello love?" pangunguna ko. "Pwede ba tayong mag kita? Same place" sambit niya. Malamig at walang gana. "May problema ba?" Malungkot kong sabi. "Basta magkita tayo. We need to talk, bye." agad niyang binaba ang linya at ganong kaba nalang ang naramdaman ko. Iyah is my first girlfriend since highschool. We love each other, legal kame both side at this past few days naging ganon kalamig ang pakikitungo niya sakin. Kung ano yung dahilan di ko rin alam kung bakit. Nagmadali akong maligo at nagbihis para puntahan siya sa lugar na lagi naming pinupuntahan. Sa lumang park na kung saan dun kami gumawa ng maraming memories. Siya yung kasama ko sa lahat ng bagay. Nakarating ako sa tamang oras na pagkikita namin at tanaw ko na siyang nakatayo sa ilalim ng puno na lagi naming tinatambayan noon. Nilapitan ko siya at akmang hahalikan ngunit ganon nalang ang kinagulat ko ng bigla niya tong iniwasan. "May problema ba tayo Iyah?" nakakaramdam na ko ng sakit sa dibdib ko. Naging kalmado parin ako kahit ramdam ko na kung saan magtatapos ito. "Alam kong may mali na. Alam kong pareho na tayong pagod." malumanay niyang sabi. "Pagod? hindi bat ako mapapagod? bat tayo mapapagod? Okay naman tayo" pagpapaliwanag ko sa kanya. Malungkot ang itsura niya at basang basa mo na anytime aalis na siya. "Calix hindi ka ba napapagod? hindi kaba nag sasawa? h-hi" agad kong pinutol ang sasabihin niya. "Nagsasawa? baket ako magsasawa? Mahal kita Iyah, Nangako ako sayo diba? nangako tayo sa isat isa." hinawakan ko siya sa dalawa niyang kamay. Nakaramdam ako ng init sa aking mga mata. Nagsimulang manggilid ang mga luha ko pero pinigilan kong pumatak ito. "Please Iyah? ayusin nating to?" malungkot at ganon parin ang pagpipigil ng luha ko. "Hindi na Calix! hindi na natin maaayos to. Masyado lang natin nasasaktan yung isat isa kung hindi natin ihihinto tong relasyon na to." medyo tumaas ang boses niya at nagsimula ng pumatak ang mga luha niya at ganon narin yung akin. "Baket? Hindi na ba talaga natin maaayos to? Please? ayusin natin to" pinawi ko ang mga luha ko at humarap sa kanya. binitawan niya ang kamay ko at ganon nalang kalungkot ang nararamdaman ko. "Sorry Calix. Pero di na ko masaya." Walang gana at lakas ng loob niyang sinabi ang mga salitang yon. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging dahilan niya para iwan ako ng ganon ganon nalang. Ang saket, ang saket saket ng nararamdaman ko. Para kong paulit ulit na sinasaksak patalikod. "Please wag sa ganitong paraan. Edi kung di kana masaya simulan ulit natin. Mag umpisa ulit tayo. Wag lang nating tapusin please? lahat gagawin ko para bumalik ka lang, para mahalin mo ulit ako. Lahat gagawin ko" gumagaral-gal na ang tinig ko. "Ano bang dapat kong gawin para wag mo lang akong iwan? saktan mo ko, luluhod ako sa harapan mo para lang wag ka ng umalis, wag mo lang akong iwan." Sinimulan kong iluhod ang tuhod ko at nagbabakasakaling magbago pa ang isip niya. Pero sa mga pinapakita niya saken, mukang malabo na. "Kung mahal mo ko papayag ka sa desisyon ko. Pero sorry Calix, You don't deserve me." Huling salita na mas lalong naging malaki ang epekto sakin para makaramdam ng ganito kasakit. Hindi na ko na kapag salita at ganon nalang siyang tuluyang umalis. Nanatili akong nakakuhod at hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong ilabas ang emosyon ko. Sobrang sakit at hirap tanggapin na ganito nalang nasayang lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Ang saket saket, at hindi ko kayang tanggapin na wala na siya, nahindi ko manlang nagawang ayusin ang relasyon namin. Ang tanga tanga ko. "It's part of growing up. Don't be fooled" Agad kong inangat ang ulo ko sa pamilyar na boses. Caeprien. Hindi ko parin napigilan ang emosyon ko hindi ko manlang naramdaman ang pagdating niya sa harapan ko. Inaro niya ang kamay niya na may hawak na panyo, nagdalawang isip akong abutin pero sa huli kinuha ko na rin. End of Flashback... "Di naman masamang tanggapin lahat, mag move on ka. Tska jusko! makakalimutan mo rin yon." Ramdam ko ang sinsero at pagpapakalma niya sa loob ko. Hindi ko alam kung baket naging ganito siya kakalmado sakin after ng mga ginawa kong pangungulit sa kanya. "Hindi naman ganon kadaling kalimutan lahat ng yon ngayon lalo na't marami kayong pinagsamahan." tumingin ako sa malayo at sinabi yon ng seryoso sa kanya. "Sino bang nagsabing kalimutan mo yon ngayon? tss engot." humarap ako sa kanya and she rolled her eyes. "Mag move on ka step by step." pagpapaliwanag niya. step by step? "Step by step?" pagtatanong ko. "Yes!" nakakagiliw niyang sagot. "Ano ba yan? ikaw tong may lovelife at nakaranas ng magmahal di ka marunong mag move on? tska basa basa din ng libro about love! Pahiramin kita minsan" natawa ako ng konte sa sinabi niya.. Shet di naman pala siya ganon kasuplada e. "Oh yan! lakihan mo pa yung ngiti mo! tss. ngayon lang ako nakakita ng joker na umiiyak hahaha. Hina mo naman pala nag kakalalaki iyaken psh." Natawa parin ako sa mga sinabi niya. "Lahat naman ng tao umiiyak at nasasaktan." nakangiti ngunit seryoso kong sabi. "Yeah I know." she rolled her eyes again. I've never been expected na ganito siya. Na may puso rin pala to kahit suplada. "Thankyou.." nginitian ko siya at ganon nalang yung tingin na binato niya sakin. "Thankyou for what?" sambit niya. "For comporting me, for this day, and for being a shoulder for crying to lean on." seryoso kong sabi. Nagpakawala ako ng ngiti at ganon niya yon binalik sakin. "Friends?" inaro ko sa kanya ang kamay ko, tiningnan muna niya yon at saka nya inabot yon. "Friends." ito yung unang beses na nakita ko kung gaano kaganda ang ngiti niya. Ganon nalang naibsan at nabawasan ang saket na nararamdaman ko. Gumaan masyado ang pakiramdam ko dahil sa kanya. Thank to her for saving me from sadness. "Oh yan, baka makaisip kana ng bagong jokes ha. hahahhahahahah." natawa ako sa sinabi niya. And yes, di rin naging ganon kasaya ang unang linggo ko sa school dahil din dun sa nangyare. Nagtawanan kami at doon ko narealize na being a joker is not easy. Dahil pag nakilala ka nilang palangiti at masayahing tao, di nila nakikita na kaya mo ring masaktan. Tulad ng sinabi ni Caeprien. Sana ganito nalang kadali tanggalin lahat ng sakit, sana ngayon nalang. Pero ang hirap. Ang hirap hirap. Sana magawa kong kalimutan lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD