CHAPTER TEN

2008 Words
Dahil napakabilis ng araw, mondaaaayyy na naman. hays pagod pagod pagod! Naligo na ko at nagbihis. Bagong araw na naman to at yes, sana maging masaya ang araw nato. After school kailangan ko ng dumeretsyo sa Coffee Bean para sa first day ko. And huhu! Ineexpect kong hindi maging mahirap sakin ang ganitong routine. Bumaba na ko para sa almusal. "Gooddmorninggg mommy! Goodmorning kuyaaaa!" abuh kakaibang level yon. haha "Ganda yata ng gising mo ngayon nak." nakangiting sabi ko mommy. Si kuya ganon nalang din yung ngiti. "Mm. Kelangan always happy and start the day with a good smile! good vibes lang." lumapit ako at hinalikan si mommy sa pisnge at niyakap ko siya. "Ngayon start ng work mo Caepy diba?" pagtatanong ni kuya habang ngumunguya. "Yes kuya. Pag labas ko ng school kelangan ko ng dumeretsyo don." sambit ko. "Kaya mo naman ba?" seryoso at may pag aalala niyang sambit. "Sus oo naman kuya! Syempre dapat kakayanin!" Sagot ko. "Ewan ko ba dito sa kapatid mo. Ang kulit kulit sinabi ko na ngang mag aral nalang siya, nagpumilit parin sa gusto niya." sambit ni mommy. "Ma? That's life, kelangan matuto tayo sa lahat ng bagay hehehe" sagot ko. Nag start na kami kumain at maraming kwentuhan ang napag usapan namin nila mommy. Marami siyang pangaral about me, about sa bago kong work. Ganon kaalaga at pag aalala samin ni mommy samin ni kuya. Sobrang swerte namin sa kanya dahil nagawa nya kaming buhayin ng siya lang mag isa. Natapos kaming kumain at sinabi ni mommy na ihatid nalang ako ni kuya Yiro. Nakarating kami sa school, bumaba na ko ng sasakyan at kumaway na si kuya para mag paalam. Goodmorning Zillion University, be good to me. Huminga ako ng malalim at saka naglakad papalayo. "Caeprien" Bago pa man ako makalayo mula sa gate ng school ay may tumawag saken. Lumingon ako palikod at natanaw kong tumatakbo si Calix. "Oh mapa?" sambit ko. "Mapa?" puno ng tanong ang itsura niya. Ay haha. bagong pangalan mo yan gunggong. "Oo mapa. Sabi mo you're the map right?" sabi ko. Natawa siya at mukang naalala na niya yung korni niyang joke. "Left." pagbibiro niya. At pati ako natawa. "Ayan puro ka kalokohan kaya ka nasasaktan e." naging seryoso ang muka niya. "Chour! hahahaha" agad ko rin yong binawi hahahaha good Caeprien. 1 point yan. Sumabay siya saken ng paglalakad at hanep nakakaramdam ako ng kakaibang kaba. Feeling ko sasabog yung katawan ko. "Mm. May gagawin ka ba mamaya after ng klase?" sambit niya. "Meron e. Madami" sagot ko. "EHEM! ouch babe parang nilalanggam ako ouch! ouch!" muntik na kaming mapatalon sa gulat ng biglang sumulpot sa likuran namin si Nazam at Kyle. "Ah ganon ba babe! Ang sweet kase nating masyado!" ika naman ni Kyle na nakatingin yon habang sinasabi samin. Tinaasan ko ng kilay si Nazam at dun naman siya nag piece sign. "Abuh! Caepy iba na yan ha? nangangamoy pag-ibig." para siyang tangang todo yung ngiti at bumubuo ng puso gamit ang kamay niya. "Eh kung tuktukan kita ng libro?" mataray kong sabi sa kanya. "Joke lang e di mabiro." pagpapaliwanag niya. Pumunta na kami sa kani-kanila naming classroom at dahil sa iisang room lang naman kami ni mapa e sabay parin kami. Pagpasok namin ng room ay agad na bumugad sakin ang napaka gandang ngiti ni Candace habang kumakaway. Umupo na kami sa kani-kanila naming upuan at sakto naman ang pagdating ng prof namin. Nakakaantok dahil puro lang kwento about sa discussion ang prof naming to. Nilingon ko si Calix at tulad nga ng nararamdaman kong tindi ng antok, nakahalumbaba siya ngunit tulog.. Ito ang unang beses na makita ko kung gaano kaamo at kagwapo ng itsura niya. And yes, di ko maitatanggi na ganon rin naman pala kabuti yung loob niya. At ngayon, naniniwala na ko sa sinabi ni Kenji na softhearted ang mokong na to. Dahil walang pakealam ang prof namin kung buong klase niya ay natutulog e sa tagal tagal niyang nagdidiscuss ay tumunog na ang bell. Muli kong nilingon si Calix at nagulat siya ng marinig ang napakalakas na tunog ng bell. Natawa ako kase para siyang tanga. hahahahah hard "Hays grabe nakakaantok talaga magturo si Mrs. Panopio!" agad na lumapit si Candace sakin. "Sinabi mo pa." Sambit ko. Inayos ko na ang bag ko at sabay kaming lumabas ni Candace sa room, at sa corridor naman doon naghihintay si Calix. "Tara?" patanong kong aya sa kanya. tanga ko ba sa part na yon? HAHAHAHA wews. Tumango siya at sumunod samin. At palagi lagi naman na nauuna na sa canteen sila Nazam, landi e hhahaha. Lagi kaming may bakanteng upuan. At malayo palang e natanaw ko na rin si Kenji na nakaupo narin don. "Iba na talaga." makahulugang sambit ni Nazam. Ako talaga binubugnot ng demonyong kire na to e. sinaman ko nga sya ng tingin at inirapan. Nag peace sign naman siya agad. "O siya siya, iwan nyo na muna mga gamit nyo at umorder na kayo don. Nauna na kami kase maaga kaming pinalabas." sambit niya. "Lagi naman kayong nauuna." ibinaba ko yung gamit ko, inirapan ko siya at tumalikod. taray akma akong hahakbang para umalis at umorder ng bigla akong hawakan ni Calix. 0-0 literal na napahinto ako at pakiramdam ko ang kakaibang ani mo'y kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko. Nilingon ko siya direkta sa mata at pakiramdam kong hinihigop ako ng mga yon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hihilahin ko ba pabalik yung kamay ko o hayaan ko nalang yon. Sa puntong yon, tila ang lahat ay naglaho sa paligid, at-- "Eheemmm" nabasag ang katahimikan at ganon ko kabilis na bawi ang kamay ko ng biglang mag ubuhan na parang unggoy na uhaw ang mga hampas lupa sa likod namin. "A-ako na oorder." nagboluntaryo si Mapa na siya nalang ang oorder ng kakainin namin. Walang ano ano siyang umalis papunta sa pila para umorder ng pagkain namin. "Something different." makahulugang sambit ni Kenji "I smell something fishy." ganon din si Nazam. "Then I smell something flirty." sambit ko sabay tingin sa gawi ng kamay nila ni Kyle at inirapan silang dalawa. Natawa naman silang lahat. Kingina, trip ako ng mga to! like hey? inaano ko ba sila? Para sa simpleng hawak hawak ganon ganon! bibigyan ng meaning! ambabaw! Sa gitna ng pagkain namin ay namuo ang tensyon at katahimikan sa bawat subo sa pagkain namin. Walang miski isang nagsasalita at tuloy lang sa pagkain. "Wait ha, magkwento naman kayo about sa friendship nyo since now? hello?" at di na nga napigilang magtanong ni Nazam. "Ano bang masama sa pagiging okay namin ni mapa? sobra bang bigdeal sayo Nazamorah?" sambit ko sa kanya. "Tss. I told you! don't fvckin' calling me by my name!" she rolled her eyes. "mapa? ano may callsign agad?" sinamaan ko ulit siya ng tingin at dun na siya tumahimik. Nilingon ko si Calix at tahimik lang din siya. "Ang sweet naman ng tawagan nyo tol! para diego at dora lang pag nag eexplore!" sambit naman ni Kyle. Kingina! mag jowa nga kayo parehas kayong makahulugan tss. Nanatili ako sa pagsubo ng may kung ano sa isip kong gusto kong lingunin yung gawi ni Calix, masyado siyang tahimik, walang kibo at HINDI AKO SANAY! Tss pakiramdam ko kumukunot yung noo ko at nawawalan ako ng ganang kumain, mag joke ka naman please jusko! Masyado kang nageemote masyado sa babaeng di ka naman deserve! WAG KANA KASENG MAG EMOTE! "O-MY-GOD" bumalik ako sa urilat ng biglang magsalita si Nazam ng napakalas. Nilingon ko siya at WHAT THE HELL Y'ALL STARRING AT ME! na animoy kwuagong ang lalaki ng mata. Binaling ko yung paningin ko at laling gulat kong ganon nalang rin ang gulat na tingin sakin ni Mapa. "W-why are y-you looking at?" nauutal kong sambit. Nanatili parin silang titig na titig sakin at di makapaniwala sa sarili nilang nakikita. pinag-kakaisahan talaga nila ko! "Are you sick?" biglang tanong ni Kenji "Are you mad?" tanong rin ni Kyle "A-are you okay?" kasunod na tanong rin ni Candance. Anong sinasabi nyo! Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan yung mga tingin at tanong nila! "A-am I not look okay?" nauutal ko pang tanong. "Wehh??" "Y-yeah! Ano bang problema nyo? ha?" inis kong tanong. "Kame pa talaga yung tinatanong mo! Look Caepy muka kang tanga." naguguluhang sabi niya! Hindi parin naaalis yung mga tingin nila saken kaya masyado na kong nakakaramdam ng KAHIHIYAN! "Tss. Anong tanga sa ginagawa ko e kumakain lang ako?!" Inis kong sagot! Nagtinginan sila sa isat isa at biglang NAGTAWANAN! wth?????!!!! "What the hell going with you!" inis na sigaw ko. Kakainis sila! "Then what the fvck you are doing! hahahahahaha!" muli na naman silang tumawa at kingina! hindi na ko natutuwa kaya sinam-an ko na sila ng tingin dahilan para matigil sila katatawa. "A-ah e-eh Caeprien hindi ka naman kase sumasandok sa pagkain mo e." naiilang na sabi ni Candace. Tiningnan ko agad yung pagkain ko at kingina!!! Ang layo na pala nung plato ko tapos BALIKTAD yung hawak ko sa kutsara! fvcccckkkk!!! paki-sampal ako pleaseeee!!!! Nakakahiyaaaaaa!!!! "Ano bang nangyayare sayo Caepy? Wala ka sa katinuan.. sabi mo kumakain ka e baliktad naman yung hawak mo sa kutsara.. tska isa pa wala ka namang sinasandok pero deretsyo subo mo!" Masyado kang na pre-occupied Caeprien! damn you!!! "At alam mo yung mas malala don? Sumisigaw ka pa! Nakakahiya at nakakagulat kang kasama!" sambit niya na nag pipigil parin ng tawa. "Sino ba kaseng nag eemote? hahahaha" pang aasar na sabi ni Kyle. Kingiiiinnnaaaaa! yan Caeprien! wag ka ng tutulala tutulala kase nakakahiya kaaaa!!! "W-wala s-ino bang n-nag-eemote?" pag sisinungaling ko. "Eh ano yung pasigaw sigaw mo ng 'wag kana kaseng mag emote' don't tell me?" Panunukso niyang tingin ang nagtulak saking mapatingin kay mapa. At nang mag baling ang paningin ko sa gabi niya e NAKANGITI SIYA na parang hinihintay akong makasagot. bullshit! di ko alam na naisigaw ko naman yon badtrip! "Y-you're so m-mean!" inis na sabi ko. "Tara na baka malate na tayo! dami mong sat-sat e." iniba ko yung usapan at tumayo na sa kinauupuan ko. Sumunod naman sila at sure ako na kung ano ano na naman iisipin nitong bruhang to! "Hoy Asthryd! san punta mo?!" nagtatakang tanong niya malamang sa room kingina hina ng utak! "Sa room nga e diba may klase?!" inis na baling ko sa kanya. "Dito yung daan hindi diyan." sambit niya. liningon ko yung daan na tinatahak ko at kingina! papuntang Janitors area pala to bullshit! "A-alam ko!" sigaw ko sa kanila. "Alam mo pala e bakit diyan ka dadaan ano namang gagawin mo dyan?" "S-shortcut! shortcut!" pag papalusot ko. "You look so weird this time Caepy?" pag tatanong naman ni Kenji. Kingina hindi ko rin alam kung bakit >.< "Walang shortcut diyan Caeprien." natatawang sambit naman ni Calix! Wag kanang sumatsat! napahiya kana Caeprien!!!! "M-may balak akong mag janitres bakit ba!!" mataray kong sabi saka ko sila inunahan ng pag lalakad! kainis! "weird!" dinig kong sabi ni Kyle habang sumipol pa. Bumalik kami sa kani-kanila naming room para tapusin ang mga natitirang subjects. At ganon nalang din ang pag aalala ko ng muli parin siyang matahimik. At syempre hindi ko parin makalimutan yung nang yare kanina sa kahihiyang nangyare UNANG BESES sa tanang BUHAY KO. Natapos lahat ng subject buong araw at uwiaaaannn naaaa. Nauna na kong lumabas dahil nagmamadali ako dahil sa unang araw ko sa trabaho. Nagpaalam ako kay Candace at alam narin naman ni Nazam na ngayon ang start ko sa Coffee Bean. Unang araw ko sa trabaho at pinagpursigi kong ayusin at hindi maging pabigat sa mga manager kahit bago lang ako. Naging maayos naman ang trabaho ko na ikinatuwa naman ng mga kasama ko. At ito ang gustong gusto ko mangyare lalo na sa araw na to. Nakakapagod man pero kailangan sanayin ko pa ang sarili kong para sa pagod na araw araw na haharapin ko. Nakauwi ako ng bahay at tulog na ng madatnan ko si mommy sa sofa na nakahiga. Kinumutan ko siya at hinalikan ang noo niya. Tumaas na rin ako sa kwarto ko at sinimulang ihiga ang katawan ko. Hays, ramdam na ramdam ko ang pagod ngayong araw, and thanks god for this day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD