Nagdaan ang maraming araw na nagpabago ng ikot ng mundo ko. Gay-on din ang kamalditahan ng tatlong bruha na sila Kaycee, Yasmine at Trina. Hindi ganong pagbabago ngunit nabawasan. Hindi parin naiiwasan ang madalas na pageengkwentro ng mga landas namin. Nagkaroon ng ilang pag kakataon na halos subsob na ko sa pagod pero kayang kaya paren para sa dreams!
At sa loob ng mahabang panahon na pagiging okay namin ni Calix, ay mayroon akong ilang bagay na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Kakaibang pakiramdam at kabog sa dibdib ang namumutawi sa bawat ugat na dumadaloy sa katawan ko. Pinipigilan kong bigyan ng kahulugan at iniiwasang pansinin nalang.
At ngayon, nagkaroon ng pagpupulong ang mga nakakataas na namamalakad sa paraaralan ng Zillion University na magkaroon ng ilang event para sa darating na Sport Fest at darating na Intramurals. Busy ang mga estudyante para sa kanikanilang panlaban upang mapaghandaan. Bawat grade level ay magkakaroon ng kani-kanilang representative upang ipakilala ang grupo. Nagkaroon ng botohan sa aking room at kingina, hindi kasama sa plano na ako ang magiging muse nila, dahil ayoko talaga!!!!
"Ayoko! wag ako iba nalang." pagmamaktol ko sa mga kaklase ko.
"Tss wag kana mag inarte Caeprien. Wala na tayong choice kundi ikaw, lalo na't ang kalaban nating section ay ang representative nila ay si Kaycee." sambit ni Chona, yung bakla naming president. "Tska ateng, ikaw lang ang kilala namin na nakakatalo sa bruhang impaktang kerengkeng na mukang ampalaya na yon kaya gora na!" dagdag pa niya.
Nagisip akong mabuti bago nagdalawang isip na pumayag. Pumayag na rin ako dahil hindi naman sa pagmamayabang e kayang kaya kong talunin ang babaeng yon.
"yes yes yes thankyou siz! at ikaw Billy" malantik na tinuro niya si Billy, isa sa may magandang itsura sa mga lalake dito sa section namin . "Ikaw ang escort ni Caeprien tommorow okay? no more no no no okay?"
Mas pinaghandaan namin ang pagpapractice para sa pag rerepresenta bukas. At ganon katindi ang nararamdaman kong kaba na feeling ko hindi ko magagawa ng tama.
Walang ginanap na klase dahil busy rin ang mga teachers para sa paghahanda bukas. Maaga kaming pinauwi para makapagpahinga daw kami ng maayos. Pero ako? hindi ko dama yon kase may work pa ko ngayon!!!! hay buhay.
Pag dating ko sa Shop ay bumungad sakin ang matamis na ngiti ng isa sa pinakamalapit na kawork ko na si Bailee. Ang bakla kong katrabaho, bibo siya, mabaet at palagi na kong tinutulungan since nung magsimula ako dito. Marami rin kaming napapagkwentuhan about sa mga costumers na dumarating at di ko ikakailang ang sarap niyang kasama at kausap.
"Ayyy ang ganda ni nene. fresh na fresh parang murang galunggong sa palengke." lumapit at sabay beso sakin.
"Sira ka talaga. Sobra naman sa galunggong" humarap ako sa kanya sabay pout!
"Syempre chourba lang ateng! eto naman! mag kasing level tayo ng beauty right!" masaya niyang sabi. "Gora na don! Bilis oh may papasok na customer." tinuro niya yung papasok na lalaki, sabay mahinang tulak papuntang counter.
"Goodafternoon sir, take ko na po yung order nyo." sambit ko at nginitian ko siya. Habang tinitingnan yung menu.
"What's the best tasted coffee Ms.?" pagtatanong niya habang tinitingnan ang nameplate ko at sinusubukang basahin ang pangalan ko. Marami ring nagkakamali sa pag pronounce ng pangalan ko kase kakaiba raw.
"Caeprien, sir" at nginitian ko ulit siya. Parang di siya makapaniwala na yun yung pangalan ko, medyo tumagal din yung pag tingin niya sakin. "Okay lang po kayo sir? ah-eh bale po sir mabenta po itong Dark Chocolate coffee namin tska ito pong Cappucino ala Vien." pagtuturo ko sa menu at dun ko ulit siya nginitian.
"Yung dark chocolate. Bigyan mo ko ng darkchocolate." Sambit nung customer at nginitian ako pabalik.
"Okay sir. Serve nalang po sa order nila pinapasarap pa po." mabibo kong sabi at agad na ginawa yung order niya. Pumunta ko sa table na inuupuan niya at inabot ang order niya.
"Ito na po yung order nyo sir. Thankyou for coming." nginitian ko siya at tuluyan ng tinalikuran para bumalik sa counter. Nag ayos ako ng ilang kagamitan habang wala pang ibang pumapasok na customer ng biglang nasa harap ko ulit yung customer kanina.
"Aggh y-yes sir? May kailangan pa po ba sila." pagtatanong. Di ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba.
"Agh no no, Oorder lang ulit sana ko ng isa pa." sambit niya.
"Ah ganon po ba sir, sure po! give me some minute thankyou." agad kong ginawa yung order niya at tuluyan na siyang umalis. Kakaiba na ngayon ang mga matatanda, mas lalong tumatakaw sa kape. hahahhahaha
Dumating ang peak hour at nagdatingan ang ilan pang customer, nakakapagod pero kering keri! At pagdating ng 10pm ay sinara na ang shop. Nag abang na ko ng masasakyan pa uwi medyo nag tagal ako ng paghihintay dahil medyo wala ng bumibyaheng sasakyan. Pero nakasakay naman din agad ako at mabilis na nakauwi.
Pagdating ko sa bahay gising pa si mommy at kausap si kuya Yiro.
"Oh anak, nandyan kana pala? Kanina ka pa ba dyan?" pagtatanong ni mommy.
"Mm. kakarating ko lang mommy." sambit ko.
"Magpahinga kana at alam kong pagod ka." lumapit sakin si mommy at niyakap ako. Si Kuya naman agad na rin tumaas sa kwarto niya. Baket ganto? may problema ba?
"Ma? Okay lang ba si kuya? Okay lang ba kayo? may problema ba?" pagtatanong ko.
"Problema? wala anak, kakarating lang din kase ng kuya mo. Baka pagod lang din sa trabaho." pagpapaliwanag niya.
Pero hinde. Iba yung pakiramdam ko na parang may problema talaga, parang may mali.
"Ah okay po." hindi ko nalang kinulit si mommy, baka nga pagod lang si kuya Yiro. Tumaas na ko sa kwarto. Inayos ko yung higaan ko at mapayapa kong binagsak ang katawan ko.
"Payt!" huminga akong malalim at sinabi ko sa sarili ko.
Pinikit ko ang mga mata ko pero maya maya pa lang e narinig kong tumunog yung phone ko.
"Still up?" nakareceive ako ng message galing kay Mapa.
"No." pagloloko ko.
"Weird. haha goodluck for tommorow, goodnight." yan yung pagiging alien niya e. bigla bigla nalang sumusulpot yung pagkamabaet, joker at tahimik.
Nireplyan ko na rin siya ng goodnight at agad na rin akong natulog para maaga akong magising bukas.