CHAPTER TWELVE

2430 Words
SPORT FEST DAY Maraming tao ang aligaga ngayon at bakas sa muka nila ang pagka-excite sa mga palaro at program mamaya. "Oh ako siz, are you ready?" Lumapit sakin si Chona na may hawak hawak na mga brush at make up. Tss. First time kong magkokolerete sa muka. "Kailangan ba talagang may ganyan ganyan pa?" sagot ko. "Aba siz! malamang sa malamang. Tinangnan mo nga yung impaktitang yon" Tinuro niya ang gawi ni Kaycee na busy'ng busy sa pag papamake up. "Muka ng clown sa kapal ng makeup! kailangang may laban yung section natin!" sambit niya. "So sinasabi mo na dapat muka rin akong clown ganon?" nakataas kilay kong sabi. "Ganon ba yung pagkakaintindi mo? hehehehe sorry naman! syempre hindi no." pagpapaliwanag niya. Nagsimulang pagtulungan nila Chona at iba ko pang kaklase ang muka ko. Hindi ako sanay sa ganitong bagay kaya naiilang at naninibago ako. Nagsimula na rin silang ilagay ang iba pang kaek-ekan at inayos na ang buhok ko. "Woooooow! perfect perfect!" sambit ni Candace. "Omg siz! kaya mo naman palang maging maganda e kulang ka lang sa ayos." sambit ni Chona. "Oo nga Caeprien. Ang ganda ganda mo." nakangiti at hangang hangang sabi ni Candace. "Oh siya magpalit kana at malapit nang mag start yung parade." Inabot ni Chona yung damit na isosoot ko. Sinamahan naman ako ni Candace para magpalit ng damit. "Shet ang iksi." sambit ko habang nakaharap sa salamin. Parang cheerleader yung dating ng soot ko, maiksi yung palda at labas yung pusod ko. tss buti na lang talaga sa katakawan ko kumain di ako tumataba masyado at meron paring kurba yung katawan ko! "Bagay na bagay nga sayo e. Talong talo mo na si Kaycee" tuwang tuwang sabi ni Candace. Bumalik na kami ng room at literal silang napanganga sa itsura ko. Lahat sila nakatulala at ang ilan naman ay napanganga pa. Nagbaling ang paningin ko sa gawi ni Calix at ganon nalang din ang ikinagulat kong ng nakatulala rin siyang nakatitig sakin. "O M G! Winner!!" sigaw habang pumapalakpak na sabi ni Chona. "Ang ganda ganda mo ateng! diba Calix?" tulala pa rin siyang nakatingin sakin. "Uy baka matunaw." muli siyang natinag sa kasunod na tawag ni Chona. "A-ah O-oo maganda." hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng init mula sa pisnge ko. Hindi ko nalang yun pinansin at umupo na muna ako. "Tss. Gussh! Chona may problema tayo. Di raw makakaattend si Billy kase may emergency daw sa kanila." ngarag na ani ni Deil. "Mygaaddd! Hindi pwede. Wala na tayong time tss." napahampas sa noo si Chona. gadd? pano na? "Calix, yes si Calix" lumapit agad siya kay Calix. "Ikaw na muna ang magiging escort ni Caeprien." bigla siyang nabuhayan at agad na itinulak si Calix para magmadali. Arggh! no, bakit si Mapa pa? shet naman! Ilang minuto pa'y lumabas na sila. At wenya! seriously? si mapa ba to? Ang gwapo nya sa soot nyang jersey. No no no! chill ka lang Caeprien! Pinagtabi niya kami ni Calix at no,no,no yung kabog ng dibdib ko ibang iba! Mas lumala pa yata! "Bagay na bagay" kinikilig na sambit ni Candace. "Almost perfect!" baklang baklang sambit ni Chona. Nagsibalikan na sila para sa kanilang paghahanda para sa kanilang laban. Wala miski isa akong sinalihan na laro kase wala naman akong talent sa sport. Kumain lang talaga kakayanan ko HAHAHAHA chour! "Guys lezgo na sa Gym. Magsisimula na ang parade." Nagsitayuan na at inayos ang mga gamit namin tapos sabay sabay kaming bumaba. Inalalayan ako ni Calix sa pagbaba sa hagdan. Padami ng padami ang mga taong nakikita ko at shet, nakakailang yung mga tingin nila! "Okay ka lang ba?" biglaang tanong sakin ni Calix. "Oo naman mapa, ako pa." sagot ko. At natawa naman siya "Kaya ayan yung gusto ko sayo e." 0.0 Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Napahinto ako sa paglalakad kinginaaaaa! mas lalong kumabog yung dibdib ko! "Hey?" muling ani niya. "Kalokohan." natawa ulit siya. Malayo palang e tanaw na tanaw ko na ang muka ni Kaycee na nakatingin sakin. Sobrang sama at anytime pwede na niya kong lamunin. Sige lang bruha, keep your eyes on me! lalo ko pa siyang inasar ng ngiti hahahahah! evil than you b***h. "Akalain mo nga naman. Ugly duckling turn into swan." nagtawanan na naman sila ng demonyo nilang tawa. "Yeah, and you, Wicked witch turn into clown" sabay sabay na nagtawan ang mga nasalikod ko pati narin yung ibang nakarinig. "HAHAHAHAHA. mirror mirror on the wall." mapang asar na sabi ni Chona. At ganon nalang ulit ang mala bulkang itsura ni Kaycee na anytime magiging active at sasabog nalang bigla. Iniwan na namin silang masama ang tingin at pumila sa side namin. Nagsimulang ganapin ang program at ilang minuto rin ang itinagal ng nagkaroon pa ng mga pagpapakilala at mga rules ng bawat kalahok at mga laro. Nagsimula na rin ang parade at nilibon namin ang buong Zillion University. Nakakapagod ngumiti kase bawat daan may mga taong nakaabang. Pagkatapos ng parade pumunta na sila sa kani-kanilang sport na sinalihan. Ako naman umupo muna ko sa gym habang pinapanood ang mga kaklase kong lumalaban. Si Candace bumibili muna ng pagkain namin kase sabi niya siya nalang daw para di na ko mahirapan. Sobrang baet niya talagang kaibigan. "Bakit di ka sumali sa mga laro?" muntik na kong atakihin sa puso gawd! Biglang sumulpot si Calix sa harap ko. "Ah-eh ayoko, di ko trip" sabi ko. "Eh ikaw? baket di ka rin sumali sa mga palaro?" pagtatanong ko. "Kase di mo trip." literal na nanlaki sa gulat yung mga mata ko ng bigla niyang sabihin ang mga salitang yon. hoy! Caeprien! gisenggggg giseeeeenggg!!! "Chour!" dagdag pa niya. Natawa ko ng sobra sa pa 'chour' niya. kingina parang bakla. "HAHAHAHAHA" gaaguuu! "Keep smiling, it makes you beautiful." napatigil ako sa pag tawa at seryosong napatingin sa kanya.. ghourl? "Nasabi ko na ba sayong ang ganda mo?" dagdag pa niya. "Nasabi ko na ba sayong ang ganda mo?" "Nasabi ko na ba sayong ang ganda mo?" "Nasabi ko na ba sayong ang ganda mo?" "Nasabi ko na ba sayong ang ganda mo?" Shet! sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko parang naririnig na niya to! noooooo!! wag pigilan mo Caepriennn!!! "K-Kanina?" seryoso at nauutal kong sabi. Hindi ko dapat sasagutin pero kinginang bibig to! basta basta na lang umiimik! "I-I mean--" "Caeprien!" naputol ang kasunod na sasabihin ko ng biglang sumulpot si Deil na sinisigaw pangalan ko. "Baket?" nag aalala kong tanong. Sa itsura ng muka niya parang may nangyareng hindi maganda. "S-si C-candace!" bigla akong nakaramdam ng kakaiba at pareho kaming mabilis na tumayo ni Calix. "B-baket? anong nangyare?"nagaalala kong sabi habang tumatakbo papuntang canteen. Laking ikinagulat ko ng bigla kong abutan na puno ng Spagetti ang ulo ni Candace. Umiiyak siya at halos di mo makita ang muka sa sobrang dami ng sauce na umaagos sa muka niya. Pinalikibutan siya ng mga tao at pinagbubulungan. Agad akong lumapit at inalis yung pasta sa ulo niya. Inabutan naman ako ng tissue ng mga kaklase ko at agad na pinunasan ang muka niya. Naiiyak at nasasaktan ako habang nakikita siyang pumapatak at naka upo sa sahig na puno ng spagetti. "Sinong may gawa nito sayo? Sila pa rin ba?" seryoso at bakas ang galit sa boses ni Calix ng tanungin niya si Candace. Nag angat ng tingin si Candace sa kanya at pilit na umiiling. "Sasabihin mo o hinde?" mas lalong nagpatindi ng tensyon sa pagitan namin ng bigla siyang magtaas ng boses. "Huling tanong Candace. Sila pa rin ba ang gumawa nito sayo?" mas lalong naging mataas ang boses niya. Ang gulo? baket bigla nalang siyang naging ganito? "Oo kuya sila. Pero kuya okay lang ako. Okay lang ako promise." nagmamakaawa at pagpapaliwanag niya. Kuya? so ibig sabihin magkapatid sila? baket di ko alam? baket walang nakakaalam? baket di ko napansin? baket di nila sinasabi? "Okay? okay lang sayo na ginaganyan ka nila? yun ba yung kahulugan sayo ng okay Candace? Palagi kana lang bang magpapaapi ha? Kailan mo ipagtatanggol yang sarili mo ha!" kingiiinaaaaa!!!! Ang gulo! ang gulo gulo? Galit na galit siya. "Kase ayaw kong lumaban! Kase ayaw ko ng gulo kuya!" at ganon narin ang ikinagulat ko ng bigla rin siyang sumigaw. "Kailan ka lalaban Candace? Pagtalong talo ka na? Pag nasaktan kana ha? Naiintindihan mo ba ko!?" seryoso pero bakas parin ang galit sa tono niya. "Calix." hindi ako makapaniwala na ganyan siya. na ganyan siya kagalit. Hinawakan ko siya sa kamay para kumalma siya. "Baket nila to ginawa sayo Candace?" mahinahon ko siyang tinanong mara mas kumalma siya. Patuloy ko parin syang pinupunasan. "Hindi ko alam Caeprien. Bumibili lang naman ako tapos bigla nalang nila kong binuhusan ng spagetti. Tapos bigla nalang silang nagtawanan tapos sabi nila di daw nila sinasadya" malungkot at gumagaralgal niyang sabi. Nakaramdam ako ng tinding galit at nagtikom ang kamao ko. Hindi talaga sila nadadala at paulit ulit nalang silang namamahiya. Talagang namimili silang nang pinagtitripan, talagang yung walang laban. "Talagang di sila nadadala." napatingin ako kung saan at tanging galit at inis ang nararamdaman ko. Muli akong nagbaling ng tingin kay Calix at muli binalik ang tingin kay Candace. "They need to pay for this messed." nanggigil kong sabi. "Anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Calix "Bagay na ginawa nila sa kapatid mo." seryoso at direkta ko sa mata niyang sinabi Bigla akong tumayo at kinuha yung spagetti na binuhos nila kay Candace. Nilagay ko yon sa paperplate at dahil tatlo sila, bumili ako ng dalawa pa. Nilagay ko sa tray at dali daling umalis. "Candace wait! hayaan na natin sila." sambit ni Candace na patakbong naglalakad habang sumusunod sakin. Hindi ko siya pinakinggang at patuloy na hinahanap ng mata ko ang tatlong impakta na yon. "Caeprien." bigla akong napatigil sa paglalakad ko ng biglang hawakan ng napakahig ni Calix ang kamay ko. Seryoso niya kong tiningnan at basang basa ko sa mga mata niya ang linyang 'wag na' but no! siya na yung nagsabi! Hindi pwedeng magpaapi na lang ng magpaapi! Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at nilabanan at mga tingin niya. "Kung hindi kaya ng kapatid mong lumaban para sa sarili niya, hayaan mo kong lumaban para sa kanya." seryoso kong binitawan ang mga salitang yon at nilingon si Candace na ikinagulat rin niya. "Let me to protect her if hindi mo kayang ipagtanggol ang kapatid mo." seryoso ko paring sabi. "Hinahayaan kong ipagtanggol niya ang sarili niya, sa paraang kaya niya." wow? e hindi nga kaya ng kapatid niya e! kingina, hahayaan nya lang na masaktan ng masaktan yung kapatid niya? gago pala siya e. "Kung natitiis mong ganyan yung kalagayan ng kapatid mo pwes ako hinde!" nag akma akong tatalikod ng bigla niya kong hilahin palapit sa kanya at wengya, ganon nalang ang ikinagulat ko ng biglang magtama ang tingin namin at kung gaano kalapit ng muka namin sa isat isa. Pinigilan ko ang pagkabog ng dibdib ko. "Ayaw kong pati ikaw saktan nila." Ayaw kong pati ikaw saktan nila. Ayaw kong pati ikaw saktan nila. Ayaw kong pati ikaw saktan nila. paulit ulit na nag sink in sa utak ko ang mga katagang yon. Bago pa man mas lalong tumibok ang puso ko ay naihiwalay ko agad ang katawan ko sa kanya. "Kaya ko ang sarili ko." tanging nasambit ko. Tinalikuran ko siya at makailang hakbang ay huli ko siyang hinarap. "Kung sa tingin mo mahina ako kagaya ng tingin mo sa kapatid mo nagkakamali ka." seryoso kong sabi at muling hinanap ng mata ko ang mga impakta. Nang makita ko sila sa gitna ng gym na nagpapapicture ay agad kong binilisan ang paglalakad. Kasunod ko parin sa paglalakad sila Candace. Maraming nagtitinginang tao pero wala na kong pakealam sa kanila. "Uy beshy! ganda nati--" hindi ko pinansin yung sinabi niya. "Hawakan mo to at sumunod ka saken. Dito ka lang sa likod ko." sambit ko. pero siya takang taka kung anong nangyayare. "Nyare?" pagtatanong niya. "May papakainin lang ako, mukang gutom e" nakakaloko kong sabi. "Ow! so exciting!" mukang gets na niya kung anong sinasabi ko. Nakarating ako sa gawi nila at sinalubong nila ko ng ngiti. "Look who's here." maarte at nakangiti paring sabi ni Kaycee. "Miss me?" sarkastiko kong sabi. "In your drea--" Pinutol ko na yung sasabihin ng impokritang to at agad na sinampal sa kanya ang isang paper plate na spaghetti. Sinunod ko yung dalawa. "WHAT THE FVCK ARE YOU DOING!!!" galit na galit na sabi niya habang inaalis sa muka niya yung spag. Yung dalawa naman umuungot na parang bilot. "Doing great." nakakaloko at feeling nagtagumpay kong sabi. Nagsimulang umugong ang bulungan ng mga tao sa paligid. Ang daming nag vivideo, kumukuha ng pictures at nagtatawanan. "Hayop kang babae ka!" akma niya kong sasampalin at mabilis ko namang nasalo yon. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya, "Aww! don't touch me!" lalapit sana saken yung dalawa pero agad naman yong nahila ni Nazam at ni Chona. Mas hinigpitan ko pa yung hawak sa kanya at tiningnan ko siya ng deretsyo sa mata. "Pati taong walang kalaban laban dinadamay mo sa katahangang taglay mo! Baket? kase yung mahihina lang kaya mong patulan kaya paulit ulit mo silang pinagtitripan?" malakas kong binitawan ang kamay niya at muli siyang hinila papalapit saken. "Papayag akong lait laitin mo ko pero ang saktan at ipahiya ang mga kaibigan ko, hindi lang yan ang aabutin mo." seryoso kong sabi. "Feeling hero ka na naman?" tinalikuran ko siya at di na siya pinakinggan ng bigla ulet siyang magsalita. "Palibhasa kulang kasa aruga ng magulang kaya ka palaban." nagpanting ang tenga ko sa huling salita na sinabi niya. Nakaramdam ako ng sakit at feeling ko pinipiga yung dibdib ko. Nagsimulang manggilid ang mga luha ko at mabilis ko siyang hinarap at malakas siyang sinampal na kinagulat ng lahat. Hindi niya inaasahan ang sampal ko at nanatili lang siyang nakatayo at hawak ang pisnge niya. "Wala kang alam." bago pa tumulo sa harap niya ang mga luha ko ay agad akong tumalikod at naglakad palayo. Ramdam ko ang pag sunod mg mga kaibigan ko at hindi ko nalang sila pinansin. Baket niya nasasabi ang mga bagay na yon e hindi naman niya alam ang istorya ng pamilya ko. Ayos lang na lait laitin niya ko pero hindi sa paraang damay pati pamilya ko. Hindi ko napigilan ang pagiging emosyonal dahil pamilya ko ang kahinaan ko. Hinayaan kong ipatak yung mga luha ko. Kinuha ko na yung mga gamit ko at dali daling naglakad palabas. Nang makarating ako sa hallway ng school ay naramdaman ko ang kamay na humawak sa mga braso ko. Calix... Hindi ko na napigilan ang sarili kong ipatak ang mga luhang pinigilan ko. Hinila niya ko at niyakap. Ang yakap na yon ay nagpabawas ng bigat na nararamdaman ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD