“Magboyfriend ka na kasi.”
“Ayoko at ayaw rin ni daddy,” sagot ko sa babaeng makulit.
“Masarap yung ano. Try mo,” nakangising saad nito at gets ko na kung anong tinutukoy niya. Yun ba talaga ang habol ng tao sa pakikipagrelasyon? Hindi ba para maramasan mahalin at magmahal?
“Tigilan mo ako. Puro ka ano dyan. Kapag nabuntis ka lagot ka,” sagot ko na may kasamang pagbabanta. Totoo namang malalagot sya kapag nabuntis siya ng maaga. Pagagalitan sya ng mga magulang nya.
“May pills at may condom. Hello.” dahilan pa nito sa akin at talagang di papaawat sa mga nais nyang gawin sa buhay. Gaano ba kasarap gawin yun at kinukumbinsi ako nitong maigi. Masakit daw yun eh.
“Hay, tigilan mo ako. Nasa tamang daan ako at hwag mo akong yayain sa liku-likong daan. Baka nagddrugs ka na din,” paratang ko sa babae. Alam kong gusto nyang subukan ang lahat kaya kailangan ko syang mapigilan habang maaga pa.
“Hoy hindi ahhh. Ganyan ang tingin mo sa akin ha? Ang sama mo. Di naman ako ganoon ka wild.” depensa nito sa sarili pero malaki ang chance na tuluyan talaga syang mapariwara kung di ko sya pupukpukin.
“Baka. Malay ko sa buahay mong puro adventures ang gusto. Tigilan mong kakasubok ng kung anu-ano. Di mo mamalayan, nasa kapahamakan ka na pala.”
“Sinasabi ko lang sayo ang mga namimiss mong gawin habang bata pa tayo at alam ko naman ang tama at mali. Drugs is no no. Ang gusto ko lang enjoy life gaya ng sabi ng lola mo.” paliwanag nito sa akin at naiintindihan ko naman iyon. Masyado akong takot na sumubok ng kung anu-ano. Ayokong magsisi sa huli at umiyak dahil sa maling desisyon. Sya naman ay gustong subukan ang lahat ng walang takot at pag-aalinlangan.
“Iba yung enjoy life sa pariwarang life. Nagyoyosi ka rin no? Cathy naman. Saan ba patungo ang buhay mo? Ang pasaway mo talaga.” inis na sabi ko sa babae.
“I just tried. Ito naman. Ang korny mo talaga. Once or twice lang yun nangyari.”
“At ikaw ang pasaway mo talaga. Tapos uulitin pa kasi nasarapan. Hahanapin na yan ng katawan mo at bisyo na.”
“Bahala ka dyan manang na matandang dalaga. Ang hirap mong kumbinsihin. Sarado ang puso at isip mo sa mga sinasabi ko sayo kaya ayan, boring at walang thrill ang buhay mo.”
“Grabe. Twenty-two pa lang po ako. Matandang dalaga agad at sinong nagsabing bored ako sa buhay?” totoo naman pero ayaw kong ipahalata sa kanya dahil gusto kong malaman niya na di lang sa mga misadventure niya sasaya ang buhay. Kailangan may magandang ganap at makabuluhan na gawin. Yung maipagmamalaki nya sa pagtanda nya at di puro kalokokan ang ginagawa.
Lumipas pang muli ang ilang taon. Graduating na kami sa college. Business course ang kinuha namin ni Cathy. Dad wants me to manage his company pero sabi nya I need more trainings. Kaya office staff muna daw ako. Wala namang problema sa akin basta hindi magpupublic transport. Hatid sundo dapat ng sasakyan ang deal na binigay ko kay daddy para sumunod sa kanya. Ang hirap kasing magcommute. Hassle at mausok pa.
Wala naman daw problema sa aking kahilingang iyon. Isasabay nya daw ako sa pagpasok at pag-uwi. Sinabi ko rin na ilang buwan muna akong magpapahinga at saka na magtatrabaho. Binigyan lang ako nito ng tatlong buwan para magenjoy at pagkatapos ay magtrabaho na raw ako dahil malaki na ang nagastos nila sa akin.
Maniningil na pala sya ng mga nagastos niya kaya pinagtatrabaho agad ako. Pagod pa kaya ako sa ilang taon na pagpasok sa eskwela. Pwede na nga rin siguro ang tatlong buwan na pahinga with allowance.
Pagkatapos magcelebrate sa bahay ay lumabas kami ni Cathy kasama ang ibang friends namin. Pinayagan naman ako ng parents ko at sa bar kami nagpunta. First time ko. Pinagbigyan ko si pasaway dahil sobrang kulit.
Thight fitting dress ang suot ko. May sleeve pero medyo mababa sa bandang dibdib. May konting make up at nakalugay ang humaba ko nang buhok.
“Ang ganda mo cous. Mag ayos ka nga palagi. Mahuhumaling sayo ang mga kalalakihan sa itsura mong iyan,” nakangiting saad ng babae. Mukhang ibubugaw pa ako.
“Ngayon lang ‘to at bukas balik sa dating anyo. Di ko balak mang-akit ng lalaki. Self-love lang ako, ok. madami pa akong gustong gawin sa buhay as a single woman.”
“Kapag naramdaman mo na ang pag-ibig, di ka na makakawala. Mababaliw ka at hahanap hanapin mo,” katulad nyang baliw sa boyfriend nya. Hwag na lang kung ganoon lang ang mangyayari sa akin.
“Kaya ayokong maging baliw. Ikaw na lang. Di ako gagaya sa kagagahan mo.”
“Ang sama mo talaga, manang na masungit. Nasaabi mo yan kasi di mo pa nararamdaman. Kapag talagang tinamaan ka ni kupido, tatawanan kita at hwag kang iiyak iyak sa akin.”
“Never. As in never. All men are cheaters. Except my dad. Lahat manloloko kaya bantayan mong boyfriend mo. Check his phone.”
“Hindi lahat. Matino kaya ang babes ko. Paranoid ka girl.”
“Di mo pa lang nahuhuli. Magaling ang mga yan magtago. Madami akong nababasang confessions. Hay, maniwala ka. Hwag kang pakampante dyan sa lalaking yan. Look at his eyes. At kapag lumilinga linga kapag may nakakasalubong na babae, yun na ang sign.”
“Tara na nga. Ayoko nang makipagtalo sayo .Ang dami mong naiisip.”
Sumakay na kami sa kotse niya at di na pinag-usapan pa ang tungkol sa mga lalaki. Ang bruha, tahimik lang at mukhang iniisip ang mga sinabi ko. Kapag nagkataon tagumpay ang nais kong maging single na lang ulit sya. Di ko gusto ang awra ng boyfriend niyang mukhang fuk boi.
Maraming tao sa bar na pinuntahan namin. Parang gusto kong magback out. Mukhang di komportable. Masikip at maingay pero napilit pa rin ako ni Cathy na pumasok na sa loob. Naroon na rin ang mga friends namin kaya ayokong sumama ang loob nila.
May mga order na foods at drinks na pagdating namin sa mesa. Kumain kami at uminom. Maya-maya ay niyaya ako ng babaeng kasama. Sumayaw at magkapareha kami lagi ni Cathy. Ayaw ko pa rin sa mga boys na nagtatake advantage. Wala pa rin akong boyfriend at madalas sungitan ang mga manliligaw ko. Ang babe ni Cathy, di makaporma at di maisayaw ang nobya. Hinayaan naman niya kami at kausap niya ang mga kaibigang lalaki.
May ilang nagpapakilala sa bar pero turn down ko agad. Tinataasan ko ng kilay sabay irap. Ang hard to get ko daw sabi nila. Iniisip ko tuloy kung tomboy ba ako dahil wala akong nararamdaman para sa lalaki pero wala rin naman akong nararamdaman para sa babae. Masyado ba akong galit sa kanila? Kababasa ko siguro ng mga break up at cheating confessions. Feeling ko, lahat ng lalaki ay manloloko. Dalangin ko talagang di masaktan at masawi sa pag-ibig.
“Wala ka bang nagugustuhan sa lahat ng lumapit sayo?” tanong ni Cathy.
“Wala. Lahat sila mukhang manyak. Tingin pa lang parang hinuhubaran na ako.”
“Ok kaya yun. Gusto agad ng aksyon at di patorpe-torpe.”
“Ewww, gagi ka talaga. Ayan ka nanaman Cathy. Puro ka kalokohan.”
Umupo na muna kami dahil nararamdaman ko ang pagbunggo ng ibang tao sa akin. Di ko alam kung masikip lang o sinasadyang mapadikit sa akin ang mga lalaking naroon.
Hanggang sa may isang lalaking bumati sa akin habang papunta ako sa comfort room.
“Hi!”
Maganda ang ngiti nito. Maganda ang mapupungay na mata at ang tangos ng ilong niya. Maliwanag naman sa bar. Napatitig ako sa kanya at kinilala ang lalaking bumati sa akin. Napatitig din ako dahil sa kagwapuhan niya. Iba ang titig niya sa akin, walang halong pag-nanasa sa aking katawan bagkus ay paghanga ang nakikita kong pinapakita niya. Nagagandahan ba sya sa akin? Parang natutuwa syang nakita niya ako.
“H-hi!” nahihiyang sabi ko pero di ko maalala kung kakilala ko ba sya o ngayon lang kami nagkita.
“Siguro di mo na ako kilala,” sabay ngiti niyang muli at napakunot naman ang noo ko habang kinikilala sya. Looks familiar kasi.
Tinitigan ko pang mabuti ang mukha niya at kinikilala ang lalaki. Ang gwapo nya at nakakatunaw ang mga mata niyang nakatitig din sa akin.
“Rome?” nag-guess lang ako at di ko alam kung sya na nga ang batang lalaking matagal nang gumulo sa isip ko. May slight hawig kasi sila o baka brother nya sya.
“Kilala mo ba talaga ako?” tanong nito sa akin. Kita nya siguro sa mukha ko na kinikilala ko sya.
“Oo. Yung.”
“Yung batang mataba na nireject mo noon,” prangkang saad nito. Di ko akalain na iyon ang sasabihin niya. Yun pa rin pala ang nararamdaman niya at mali sya doon.
“Ha? Hindi ah. Kasi-.”
“Bye see you around,” sabay alis niya.
Magpapaliwanag sana ako pero tumalikod na sya. Di ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Ang gulo nyang kausap. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Di pa ba sya nakakamove-on? May bitterness pa ba sa puso niya. Maliit na bagay lang naman yung ginawa ko sa kanya noon.
Hindi na ako naka sagot sa sinabi niya. Natulala ako sa pagbabago ng anyo niya. Nakangiti sya nang muli syang lumingon pero parang ibang ngiti. May pag mamalaki. Iba na sya. Di na sya mahiyaain at mukhang maangas na.