3

2374 Words
Lumipas pa ang ilang taon. Nasa kolehiyo na. Wala na ang trauma ko noong sampung taong gulang pa lamang ako. Di na ako gaanong takot sa mga lalaki. Matapang na ako at nakikisalamuha na sa mga kaedad ko o kahit mas bata o mas matanda pa. Di na ako nanabunot at naninipa. Wala na rin ang mga makukulit na boys dahil mga binata at dalaga na kami. Masyado lang talagang mahaharot ang mga batang lalaki at malilikot ang mga utak. Di ko binago ang simpleng itsura ko. Ganito na ang gusto kong ayos. Hindi makolorete at di maraming arte. Nakatulong ang pagsama ko sa mga friends ng aking pinsan at nababantayan ko pa sya. Mababait silang lahat sa akin lalo na si Drake. Para ko syang naging kuya at naging close kami. Di man sya nanliligaw ramdam kong special ako sa kanya. Una pa lang ay sinabihan ko na syang wala akong balak magpaligaw at magkaboyfriend kaya siguro hindi rin ito nagpahiwatig ng kanyang nararamdaman sa akin. “Anak ko. Cassandra, mag ayos ka naman,” dismayado pa rin si mommy sa itsura ko. “Mom, ok lang ‘to. Maganda pa rin naman ako at mas gusto kong simple lang. Ayokong maraming nilalagay sa mukha at sa buhok. Ayoko rin ng mga masisikip na damit at maiksi. Mas lalong ayokong magheels. Masakit sa paa.” “Sobrang simple mo naman kasi iha. Shirt at pants lang lagi ang suot mo. Sneakers o kaya rubber shoes. Anong porma ba yan? Ang pangit,” nakasimangot na saad ng mommy ko. “Komportableng porma. Hindi takaw pansin at pwede kahit saang lugar. Sige po. Alis na ako,” paalam ko para pumasok na sa school. “Hay pagsabihan mo naman ang anak mo,” rinig kong saad ni mommy kay daddy. “Hayaan mo sya da gustos nya. Mas gusto kong ganyan ang suot niya kesa naman naka crop top at mini skirt,” paglingon ko kay daddy ay nagthumbs up pa ito sa akin at nahampas naman sya ni mommy sa kanyang balikat. “Hay ewan ko sau,” nakasimangot na saad ni mommy at napatawa lang ako. Wala akong nagawa nang mag 18th birthday ako. Gown ang gustong ipasuot ni mommy. Magparty nang bongga at umoo na lang ako para matuwa sya. Matagal na syang dismayado sa itsura ko kaya pagbibigyan ko sya ngayon. “Ang ganda ganda mo anak,” tuwang tuwang sabi ni mommy. Halata ang saya niya at kilig ng makita ang ayos ko. Bukod sa seniors ball namin noong 4th yr high school ay ngayon lang ulit ako nag gown at make up. Mamahaling gown ang suot ko at sa kilalang couturier pinagawa. Kilala rin ang make up artist ko. Sabi ko nga si Kikay Cathy na lang para libre kaso mas kikay si mommy. Ang arte. Ang gastos. Wala ring nagawa si daddy kundi bayaran ang mga gastos ngayong birthday ko. “You’re the prettiest debutant. Pang Binibini, Miss U. Pang model o kaya artista,” di matapos ang papuri sa akin ni mommy. Maniniwala na akong isa akong dyosa. “Thanks mom. Di ako magiging ganito kaganda kung di kayo ni daddy ang parents ko,” sinasakyan ko na lang ang mga sinasabi niya. Ayaw kong kontrahin at magagalit nanaman ito sa akin. Ayoko man ng ganitong kagarbong party, inenjoy ko na lang. Invited ang ilang college friends and school mates ko, mga relatives namin, business partners ni daddy at ang mga friends namin ni Cathy. Siguro naman ay friends na rin nila ako sa tagal kong sumasabit sa grupo nila. Speaking of business partners, I saw a familiar face. Tinitigan kong mabuti ang mukha ng taong nakita ko. Kinilala ko at ayokong magkamali kung sakaling kausapin ko ito. Yung daddy ng batang mataba na nerdy ay nandito. Yung batang sinaktan ko ang damdamin at ayaw magpost sa social media. Nakilala ko sya dahil sa pagsstalk ko sa lalaki. Sya yun at di ako magkakamali. Nandito din kaya yung anak niya? Gumuwapo na kaya sya at pumayat? Nasaan kaya ang lalaking iyon? Naalala pa kaya niya ang ginawa ko? Magsosoryy na ako kung narito sya. Pero wait, maghihiganti ba sya at papahiyain ako? Not now please. It’s my special day. Nagpalinga linga ako sa buong lugar. Nakaramdam ako ng kaba sa pag-iisip kung magkita kaming muli. Anong gagawin ko? Ano kayang gagawin niya? Ngunit hindi ko nakita ang batang lalaki na ngayon siguro ay binata na. Halos kaedad ko sya. Mabuti na rin at wala sya at di sya kasama ng kanyang ama. Di pa pala ako handang makita syang muli. Kinamayan pa ako ng daddy nito at binati ngayong kaarawan ko nang lumapit ito sa akin. “Thank you po,” sagot ko sa pagbati ng lalaki. “Kamusta na po pala si Rome?” usisa ko. Di ko mapigilan ang sarili na magtanong. May atraso pa ako doon at sana ay nakalimutan nya na ang nangyari pero ako di mawala sa isip ko ang ginawa kong iyon. Paulit ulit na bumabalik sa aking ala-ala. Di na madalas pero naiisip ko pa rin paminsan minsan. “Si Rome? Kilala mo pala ang anak ko? Ok naman sya,” gulat na sabi ng lalaki. Napangiti sya ng malamang kilala ko ang anak niya. “Nakilala ko po sya noon. Mga bata pa po kami. Sayang nga po at umalis kayo agad ng Pilipinas.” “Sayang nga at di sya nakauwi agad. Sayang at di sya nakapunta dito sa birthday mo. Matutuwa talaga yun kung nakita ka. Ang ganda ganda mong bata.” “Salamat po pero di naman gaanong maganda,” nakangiting saad ko. “Nasa amerika pa rin po sya? Di na sya babalik dito?” muling usisa ko. “Oo nag-aaral pa sya doon pero pauwi sya ngayong week. Hayaan mo at sasabihin kong hinahanap mo sya.” “Naku, hwag na po. Nakakahiya. Hwag nyo na lang pong banggitin. Di ko rin po alam kung naaalala nya pa ako tsaka hindi naman po kami talaga magkakilala,” doon ako muling kinabahan. May chance kayang magkita talaga gami ng lalaking iyon? Mataranta kaya ako ulit at may gawin nanamang kung ano sa harapan ng lalaki? “Ahh ganoon ba? Hwag kang mag alala. Di naman magiisip ng kung ano ang batang iyon. Sige iha at pauwi na rin ako. Salamat sa pag imbita.” Pagkapaalam sa akin ng tatay ni Rome ay nagpaalam na rin sya sa parents ko. Masaya pa ang party ko. May sayawan pa at di mawawala ang picture taking. Ang daming foods at ang daming nagbigay ng mga regalo. Excited na nga akong buksan ang lahat ng iyon. Matapos kong makausap ang ama ng batang lalaki ay nawala na sa isip ko ang matagal na bumabagabag sa aking kunsensya. Para akong nabunutan ng tinik at nakalaya sa aking masamang nakaraan. Feeling ko ay ayos lang naman si Rome at balewala na sa kanya ang nangyari sa amin noon. Tutal mga bata pa kami noon at wala pa sa tamang pag-iisip. Sana naman ay di big deal sa kanya ang nangyaring iyon sa amin. Ilang kaklase ko rin ang nagpaparty dahil 18 na rin sila. Halos linggo linggo ay may nagdedebut. Kung saan saang event place at engrande ang mga birthday celebrations. Ang bff na pinsan ko ay magdaraos na rin ng kanyang 18th birthday. Ilang buwan ang tanda ko sa babaeng pasaway na mahal na mahal ko. Humiling sya sa akin ng mamahaling bag. Yun daw ang iregalo ko sa kanya. Grabe makahiling di naman ako ang nanay niya pero binigay ko ang gusto ng babae. Sya lang naman ang nag-iisang kaibigan ko kaya sige na at bigay ang hilig. Ang ganda ng event place na napili nila. Ang daming food at maganda ang decors. Syempre maganda rin ang babaeng may kaarawan. Halos kilala ko rin amg mga bisita niya. Same school kami at negosyante rin ang ama niya na kapatid ni daddy. Nandoon ang mga friends niya na nakilala ko at minsan ay kasama nila ako. Mini dress ang suot ko. Nagpagandala lang ako ng kaunti dahil si Catherine dapat ang pinakamaganda sa gabing ito. Masayang masaya ang bruha. Request niya sa daddy niya na bigyan siya ng kotse at um-oo naman daw agad si Tito. Budulera kasi itong anak nila. Dinadaan pa sa pagpapaawa at yung mga magulang naman ay marupok kapag anak na nila ang humiling. Isa pa, lagi silang wala at nagtatrabaho. Para saan pa ang pinagtrabahuhan nila kung di nila ibibigay ang gusto ng babaeng ito. Mag-uumpisa na ang party at halos lahat ng kasali sa program ay naroon na. I checked her invitation card at ngayon ko lang nabasa kung sino ang mga kasali sa program. May nabasa akong pangalan na pamilyar. Lahat naman pamilyar pero nagulat ako sa isang pangalan. Di ko akalain na kasama sya. Doon ko muling nakita ang batang lalaking sinungitan ko noon. Binata na sya pero mataba at nerdy pa rin dahil sa salamin niyang suot. Ganoon pa rin ang itsura niya, tumangkad nga lang. Nais ko syang lapitan pero nahihiya ako. Kausapin ko kaya sya? Pero mailap sya at laging nawawala sa aking paningin. Nagtatago yata. Wala akong sinabihan sa nangyari sa amin noon kahit si Cathy na pinsan at bff ko ay di alam ang pangyayaring iyon sa amin ni Rome. Kasali sya sa 18 roses. Ako naman ay sa 18 candles. Nauna ang part ng mga babae kaya siguradong nakita nita ako nang tumayop ako at nagbigay ng mensahe sa celebrant. Pero ni hindi sya sumulyap sa akin. Patingin tingin kasi ako sa gawi niya pero busy sya sa kanyang phone. Alam kong alam niya ang buo kong pangalan. Nakalagay iyon sa sulat na ibibigay niya sa akin noon. Pero baka nakalimutan na niya ako. Matagal na panahon na iyon. 8 years na ang nakalipas. Mag eenjoy na lang ako sa party at di na sya iisipin dahil mukhang nakamove on na rin sya sa pangyayaring iyon. Tinatawag na ang mga kasali sa 18 roses. Nakatutok lahat ng paningin sa sumasayaw sa gitna ng hall. Ang ganda ni Cathy at mga gwapo ang mga nakakasayaw niya. Nang tinawag na si Rome ay dahan dahan itong lumapit sa debutant. Mahiyain sya at nang nagsayaw sila ni Cathy ay nakatungo lang ang lalaki. Ilang ugoy-ugoy tapos umikot ayun tapos na ang pagsasayaw nila at umupo na ulit si Rome. “Tito,” nakasalubong ko ang ama ni Rome ng di sinasadya. Di ko na nga sana babatiin pero nagtagpo nanaman ang mga landas namin. “Kamusta po?” magiliw na bati ko. “Ahh mabuti. Nakita mo si Rome?” nakangiting saad nito “Opo. Kanina nung sunayaw sila ni Cathy.” “Sana magkakilala kayo. Ipapakilala ko sya sayo. Pwede ba?” “S-sige po. Pwede naman po,” nag-aalangan pa ako sa aking sagot pero baka ito na ang time para makahingi ng tawad sa binata. Para mawala na rin ang guilt ko na nasa puso ko pa rin kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon. Di ko na madalas maisip pero paminsan ay bumabagabag pa rin ito sa aking damdamin. “Teka at hahanapin ko lang ang batang iyon. Dyan ka lang.” Nakakatuwa si tito. Excited syang magkakilala kami ng anak niya pero bigla akong kinabahan at natakot. Baka galit sya? Magsosorry na rin ako sa kanya kahit galit sya. Dapat ko nang makalimutan ang ginawa kong iyon at sana ay mapatawad na niya ako. Naghintay ako sa kinatatayuan ko kung saan kami nagkita ng ama ng binata. Nakita kong kausap na ni Tito ang anak niya. Pero di pa agad sila lumapit sa akin. Nag usap pa sila at mukhang nagdidiskusyunan. I still waited. Dapat ko na talaga syang makausap. Its now or never. Ilang sandali pa ay nag ring naman ang phone ko. “Kaye, nasaan ka ba? Uwi na tayo. Ang lola mo daw. Bilisan mo at magkita tayo sa kotse.” “Opo mommy. Di ko na naintay si Rome at ang tatay niya na bumalik. Agad akong lumabas ng event hall na patakbo at tinungo ang parents kong naghihintay sa akin malapit sa sasakyan. Nagmamadali kaming umalis dahil kay lola. Inatake daw sa puso si lola. Nagtext ako kay Cathy na umalis na ako dahil sa emergency situation. Sayang at di pa tapos ang party. Naging ok naman ang lagay ni lola makalipas ang ilang oras niya sa hospital. Mabuti daw at nadala agad doon ng kanyang kasambahay at driver. Pinagbawalan lang syang magpagod at kumain ng maaalat at matataba. Pasaway kasi ito. Kung anong gustong gawin ay gagawin. Kung anong gustong kainin ay kakainin. Enjoy life daw dahil matanda na sya at ang motto nya in life ay kung mamamatay, mamamatay. Wala daw makakapigil doon. Pero sabi ni mommy, kung di ka mag-iingat, mapapaaga ka. Panakot nya iyon kay lola pero mukhang di na natatakot si lola na kunin ni Lord. Bale wala kay lola ang mga pangaral sa kanya ni mommy. Sya daw ang masusunod sa buhay nya. Pasaway talaga ang lola at wala nang magawa pa ang mga anak niya sa kanya. Ilang araw nanatili si lola sa hospital at madalas namin syang dalawin. “Ang ganda mo iha, may boyfriend ka na ba?” tanong nito sa akin. “Wala pa po. Bawal pa po, la,” sa totoo ay ayaw ko pa rin. Dahilan ko lang na bawal pa. “Naku, bawal bawal. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Live life to the fullest. Kung may iniibig ka na, magboyfriend ka na.” “Naku ma, igagaya mo pa sayo ang anak ko. Masunurin yan at di pasaway katulad mo,” saad ni mommy kay lola. “Bakit? Pasaway ka rin naman noon. Tumatakas ka pa kasama yang si Carl,” sagot ni lola at mukahang magtatalo na ang mag-ina. “Si papa kasi sobrang higpit. Twenty five na ako ayaw pa rin akong payagan.” “Kaya nga hwag mong paghigpitan itong anak ninyo at baka gayahin ka. Gusto mo bang magtanan pa yan? Gaya namin ng lolo mo dahil mahigpit din ang tatay ko noon.” “Ako nanaman. Ayaw pa rin naman ni Kaye na magboyfriend. Choice nya po yun, ma.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD