5

1782 Words
What is he trying to imply? Na gwapo na sya at pagsisisihan kong ginawa ko sa kanya noon? So childish and narrow minded. Inalis ko na lang sya sa aking isip at nagtungo na sa comfort room. Pero bago pa man ako makapasok ay napansin kong lumapit sya sa ilang kalalakihan. Mga gwapo rin. “Sino yun?” may nagsalita sa aking tabi na kinagulat ko. “Ay, pusa! Bigala bigala ka naman sumusulpot.” “Sino nga yung kausap mo?” ngiting saad nito na may halong kilig. Nagdiretso kami sa pagpasok sa cr at doon nag-usap. “Di mo natatandaan? You met him before,” tanong ko kay Cathy. “Ha? Sino nga? Di ko maalala. Kelan kami nagmeet? Kung nauna ko syang nakilala eh di sana sya ang boyfriend ko,” kilig na sabi muli ng babaeng maharot. “Si Rome. Kasali sya sa 18 roses mo noon. Nagbago lang ang itsura.” “Talaga? Sino dun? Mukhang wala namang gwapong kasali doon. Mayayaman pero kinulang sa kapogian.” “Yung matabang nerdy. Di mo naaalala. Sa bandang huli na sya natawag. He’s so mahiyain before.” “Talaga ba? I don’t remember him talaga pero ang cute nya. Lapitan natin.” “No. Ayoko. Tsaka ang babe mo, lagot ka, magagalit yun. Baliw ka talaga at ang harot mo.” tanggi ko babaeng may iniisip na kalokohan at baka kahihiyaan pa ang abutin namin. “Naku, tulog na kaya sa kalasingan ang lalaking yun. Tara na. Makipagkilala lang tayo at para matanggal naman yang pagiging mahiyain mo. Tara chikahin natin,” pilit nito sa akin. Mukhang seryoso at gagawin talaga ang binabalak. “Cathy, ayoko ha. Kung gusto mo ikaw na lang at hwag mo akong idamay sa kagagahan mo,” nagreretouch kaming pareho ng aming make up at nang matapos na kami ay pilit akong hinila nitong babae palapit sa lalaking yun at sa mga kasama nito. Wala akong magawa at ang lakas nyang humila. Hirap pa ako sa highheels ko kaya napasunod ako sa babae. “Hi! Im Cathy and this is Kaye.” pakilala agad nito sa mga lalaking naroon. Ngayon pa lang ay nakaramdam na ako ng hiya. Mukha kaming cheap sa ginagawang iyon ni Cathy. Di ko alam kung pano ko itatago ang aking mukha para di makita ng mga kalalakihang naroon pero pilit akong inihaharap ng babaeng ito sa kanila. “Hi!” sabi ng mga lalaking nilapitan namin. Hiyang hiya ako. Nanlalamig at paniguradong namumula ang pisngi kahit nakatungo na. “Sama kayo sa table namin. Maluwag pa,” anyaya ng babaeng kasama ko. Wala talaga syang kahihiyan at nag-imbita pa ang gaga. Palibhasa ay tulog na ang kanyang jowa na kanina lang ay humaling na humaling sya at panay ang lingkisan nilang dalawa. So, playgirl. “Sure tara,” anyaya ng isang lalaki sa mga kasama. Agad silang nagtayuan at pauunlakan ang anyaya ng gagang babaeng kasama ko. Pinipisil ko na ang kamay nito dahil tutol ako sa ginagawa nito pero nakikipagpisilan ito. “Huy, mag-aaya ka talaga? Nakakahiya ka. Kababae mong tao,” bulong ko kay Cathy dahil di ko gusto ang ideya nitong pag-anyya sa grupo nina Rome. “Uuwi na si babe. Ihahatid na ni Angelo. Kaya I’m free as a bird just like you. Ang popogi nila,” nagtatatalon sa kilig ito habang kasunod na namin ang mga lalaki na naglalakad patungo sa aming mesa. Nag-uwian na rin pala ang iba naming mga kasama at iilang girls na lang ang natira. Ang mga lalaking umalis ay may mga jowa at didiretso kung saan. Natira ang mga single ladies at ang isang nagpapakasingle kahit may jowa na. “Gagi ka talaga, Cathy,” inis na saad ko habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. “Anong masama? Nakikipagkilala lang naman at di ko naman sila pinilit. Hayan nga at agad silang sumunod sa atin. Para naman masaya ang gabi nating ito at di boring.” Wala na akong nagawa. Sumunod ang mga lalaki sa amin habang ang higpit ng kapit ko sa braso ng babaeng pasaway. Ang ibang friends namin na babae ay nakatingin na sa mga lalaking paparating. Mga nakangiti at mukhang gusto rin naman ang ideya ni Catherine. Upo kayo boys. Si Angel, Liza, Margeux at Alexa,” pakilala ni Cathy sa mga friends namin sa mga boys na dumating. Nagkakilanlan ang mga kasama namin at mga kasama ni Rome. Anim kaming girls at lima ang boys kaya partner partner na sila. Tahimik lang ako. Ako yung walang partner pero ayos lang. Ayoko rin naman. Niyaya ni Cathy na sumayaw sila ni Rome. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero di ko pinapahalata. Hindi ako makatingin kay Rome. We pretend na parang di kami magkakilala. Maya-maya ay niyaya rin ako ng isang kaibigan ni Rome. Nagulat ako at akala ko ay si Angel ang kapareha na niya. Napatingin ako sa kaibigan. “Ang sakit na kasi ng paa ko kaya I can’t dance anymore. Sige na Kate, pagbigyan mo na sya.” Napilitan akong pagbigyan na ang lalaki. Mahirap na at baka mapahiya. Baka maging katulad pa ni Rome na maangas. Balikan pa ako at ibully. Ang hirap mag turndown ng lalaki. Wala na ba akong choice? Dapat ba lahat ay pagbigyan? O kaya ay si Rome lang naman ang di makamove on at big deal sa kanya ang nangyari sa amin noon. Iba kasi ang ngiti nya nang lingunin ako kanina. Ngisi ang ginawa niya na may ibang kahulugan. Natakot ako at kinabahan. Over thinker pa naman ako. Ang isa ko pang iniisip ay ang babes ni Catherine. Di ko alam kung anong gagawin ng lalaki kapag nalaman na may kasayaw na iba ang girlfrinend nito habang lasing at tulog na ito sa kanyang bahay. Magkalapit lang kami ni Rome sa dance floor. Halos nagkakadikit nga ang mga braso namin dahil ang daming sumasayaw pero di kami nagpapansinan. Still pretendng na di magkakilala. Pero parang iba ang pakiramdam kapag magdidikit ang aming mga braso. Parang may kuryente akong nararamdaman. Pilit ko mang lumayo ng kaunti, sa kabilang katabi ko naman ako mapapadikit na lalong di ko kakilala. May something talaga sa lalaking ito na di ko nararamdaman sa iba. Am I attracted to him? Iba ang dating niya. I was so turn on tapos yung amoy nya, so manly. Lalong nakakagwapo. Ito ba yung sinasabi ni Cathy? Hindi pwede. At kay Rome pa talaga ako magkakaganito? Nababaliw na yata ako. Lihim akong napapasulyap sa lalaki. Ilang beses lang at walang makakahalata na kahit na sino. I want how our skin touches each other. Nagagayuma na yata ako. Hanggang sa nagyaya na si Cathy na maupo. Napagod na yata. Ako man ay nakaramdam din ng pagod at sakit sa paa pero tinitiis ko para lalaking aking katabi sa pagsasayaw. Di ko malaman ang nararamdaman ko. Inlove na ba agad? I feel something for him. Maybe its just an infatuation. Sa looks nya siguro ako humahanga and that’s all. Its not love. Sa pag-upo namin ay magkausap pa rin si Cathy at Rome. Di ako makasingit. Nais ko sanang makausap ang lalaki na katabi ko lang. Gusto kong magkalinawan na kami sa nangyari dati. Di ko naman talaga yun sinasadya at nadala lang ako ng matinding emosyon. Kaso katabi nito sa kabila si Cathy at mukhang hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan ang nakaraan. Ang daldal ng babaeng nasa kabilang side. Grabe ientertain ang lalaking bagong kakilala. Sa palagay ko ay nasisiyahan naman ang lalaki. Maganda si Catherine, charming at sexy. Walang lalaki ang aayaw sa kanya. Madaming nabibighani sa kanya. Si David na kasayaw ko kanina ang kumakausap sa akin. Nasa kabilang gilid ko sya. Mabait naman sya at may itsura din. Marami syang tanong at masarap naman syang kausap pero di mawala ang isip ko sa lalaking katabi ko lang na si Rome. Di talaga ako mapakali at di makafocus ng husto sa lalaking kumakausap sa akin. Wala ang interest ko dito at nais kong si Rome ang makausap pero walang chance. Hanggang sa may dumating pa silang kakilala at pilit na sumiksik sa couch na upuan naming apat. Napa cross legs ako para magkasya at umusog ng kaunti si David papalapit sa akin. Napaurong din ako papalapit naman kay Rome para magkasya ang isang kaibigan nila. Nagkadikit kami lalo ni Rome. Pero mas magkadikit sila ni Cathy na halos nakasandal na ang babae sa dibdib ng lalaki. Para namang nakaakbay na si Rome kay Cathy. Dahil di komportable ang pwesto namin ay umalis din ang lalaking bagong dating dahil sa sikip namin. “Papakuha na nga ako ng upuan,” sabi ng lalaking tumayo nang maramdaman ang sikip namin kung lima kami sa couch. Sa pagkkadikit nanaman namin ni Rome ay lalo akong nahuhumaling sa kanya. Di ko alam kung bakit and I can’t help it. “Ok ka lang. Naipit ka ba?” tanong ni David sa akin “Ok lang ako,” saad ko sabay ngiti. Nag-eenjoy naman ang lahat sa pagkukwentuhan habang nag-iinom. Mukhang nagkakamabutihan na ang ilan at alam na kung saan patungo ang gabing ito. Lalo pang lumalim ang gabi. Nag enjoy naman akong kausap si David. Siguro nga ay di na ako makakapagpaliwanag pa kay Rome. Sila naman ni Cathy ay mukhang nagkakasarapan na rin sa kwentuhan. Alas dos na ng madaling araw. Nagpasya na ang lahat na mag uwian. May kanya kanyang kapareha ang lahat at ako, dapat sasabay kay Cathy pero ihahatid daw sya ni Rome. Dapat sa kanila ako matutulog pero nag-iba ang plano at wala akong magawa. Naiintindihan ko naman sya at sabi ko na magtataxi na lamang ako. Di ko rin naman sya mapipigilan sa gusto niyang gawin at ang sabi niya nagkakalabuan na daw sila ng nobyo niya. Kanila lang ay cheating ang pinag-uusapan namin at heto sya, ipagpapalit na ang nobyo sa bagong kakilala. Sya pala ang dapat bantayan dahil madaling bumigay sa ibang lalaki. May huminto sa tapat ko na taxi at nagpaalam na agad ako sa kanila. Mahirap na kung maiwan ako sa bar at mauna silang mag-alisan. Nag-ooffer si david na ihatid ako pero tumanggi ako. Ilang beses akong tinanong nito pero di ako pumayag. “Ingat ka Kaye. Sorry,” tanging saad ni Cathy sa akin habang paalis na ang taxing sinasakyan ko. “Ok lang. Ingat din kayo,” nakatingin lang sa akin si Rome. Walang emosyon kahit nakangiti ako. Agad silang nagpunta na sa kanya kanya nilang mga sasakyan ng silipin ko mula sa likuran ng taxing sinasakyan ko. “Saan po ma’am?” tanong ng driver. “Lacroix subdivision po kuya.” Napapikit na ako habang umaandar ang aking sinasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD