2

1490 Words
High school na kami. Tumangkad na ako ng kaunti at si chubby boy ay tumangkad na rin. Malaki ang itinaas niya. Mana sa kanyang ama na matangkad din. Naisip kong gwapo siguro sya kung payat sya. Maganda ang mga mata niya at ang makapal niyang kilay. Gwapo naman sya kahit mataba pero mas gwapo siguro kung magpapayat siya ng kaunti. Ako, nanatili sa aking binagong anyo noong elementary na simple at di pansinin pero di maiwasan na may mga kaklase pa rin na nagkakagusto sa akin. Sinisimangutan ko na lang at tinatarayan. Ayoko na talagang maulit pa ang nangyari sa akin noon sa dati kong school. Lumalayo ako sa mga lalaki na wala namang dulot na mabuti sa mga babae. Si daddy lang ang lalaki sa buhay ko. Masungit nga daw ako sabi nila. Nagdaan ang ilang taon. Isang litrato pa ang nakita ko at pasko noon. Lalo syang tumaba. Bumilog ang mukha at lumaki ang katawa. Masarap siguro ang kinakain nila roon. Steak, salmon, malalaking hotdogs at burgers kaya pataba sya ng pataba. Maybe he’s enjoying so much in his life. Mabuti yun para makalimutan niya ang nangyari sa anim pero ako, di ko pa rin nakakalimutan ang masamang ginawa kong pagpapahiya sa kanya. Ako naman boyish look, maiksi ang buhok na hanggang balikat at nakasalamin. Dagdag pa ang pagkakalagay ng braces sa ngipin ko. Ayaw sa akin ng mga sosyal girls sa school. Ayoko rin naman sa kanila. Di naman ako sobrang talino kaya di rin ako belong sa mga nerdy students. Enjoy ko naman ang pagiging alone ko na may paminsang bumabati at kwentuhan lamang. Ayos na yun para di ako mapariwara at mayaya pang mag cut ng classes para pumunta kung saan. Minsan naiisip ko na ang boring ng buhay ko kaso wala akong choice. Wala rin akong magustuhang kaibigan. Wala akomg masyadong kaibigan dahil tahimik lang ako. Ang isang pinsan ko lang ang tangi kong kaibigan. Sya ang nakakasama ko sa pagkain at sa pag uwi minsan pero magkaiba ang section at di parehas ang schedule namin. Sya lang ang taong gusto akong kasama kahit paminsan. Adventurous talaga itong pinsan ko. Gala kung saan at marami syang friends. Totally different kami pero nagkakasundo. Kapag kaming dalawa lang, movie marathon lang sa room ko o sa room sya. Sleepover tapos kakain ng mga kung anu-ano. Minsan daw gusto nyang kami lang dalawa at ayaw nya sa mga maiingay nyang friends. Makulit ako kapag kasama ko sya. Sa kanya ko lang nailalabas ang nararamdaman ko at ang totoong ako. I’m thankful na may nakakaunawa sa akin at sya lang yon. Pinsan ko na bestfriend ko. Kung di ko kasama ang pinsan ko, ini-stalk ko nanaman si chubby boy. Ilang taon na ang nakalipas, yung nag-iisang picture niya nang highschool, yun na ang huling litratong nakita ko sa lalaking iyon. Wala nang post o update pa. Nanatiling ganoon na lamang ang kanyang account at kahit ang kanyang mga kapamilya ay wala na ring update pa. Nagsawa na ako kaka-check ng account niya. Wala namang bago sa kanya. 4th year high school na kami. I suddenly thought of having an adventure. Sobrang bored na ako sa pagiging alone ko. Isinama ako ng pinsan ko sa isang beach resort with her friends. Masaya. Nakakatuwa at felling ko belong naman ako sa grupo nila.masaya silang kasama at mababait naman. “Enjoy ka?” “Ok lang. Sakto lang,” sagot ko sa tanong ng aking pinsan. “Tawang tawa ka nga kay Drake. Ikaw ha.” “Funny naman sya eh. Lahat naman tayo tumatawa. Ako lang ba? Ang malisyoso mo,” pagtatanggol ko sa aking sarili dahil nang iissue ang babaeng ito. “Paano kung sabihin nyang gusto ka nya?” “Gusto na agad? Ngayon lang kami nagkakilala.tumawa lang sa mga jokes nya, nagkagusto na agad sya?” natatawang saad ko. Di ko naman akalain na may ganitong scenes. Nagtatawanan lang naman kaming lahat. “Eh anong magagawa? Nagustuhan ka eh. Ganda mo kasi.” “Di pwede. Ayoko kamo. Strict ang parents,” agad na tanggi ko. 16 pa lang kami. No no sa pagboboyfriend na yan. “Try mo lang. Sige na” “Ang alin?” takang tanong ko. “Mag boyfriend.” “At 16? No way. Ang bata pa namin. Bakit may boyfriend ka na no? Sino? Ikaw ha. Isususmbong kita kay Tito,” banta ko sa babaeng anu-ano ang binubuyo sa akin. “Try lang naman. Walang masama. For experience. Habang maaga magboyfriend ka nang mag boyfriend. Pagtanda natin limit na yang ganyang ganap.” “Sira ka talaga. Ano yan? Parang mag aaply ng work. Kailangan maraming experience. Baliw ka.” “Masaya kaya. May hugs and kisses,” pang-iinggit pa nito pero pandidiri ang nararamdaman ko. “Ewww. Sharing of laway with boys. Gagi ka talaga.” sagot ko sa babaeng kausap. “Pwede namang sa girls din,” panunukso nito. “Ano? Tibo ka? You’ve kissed a girl. Ano ba yan?” “Hindi ahhh. Hindi ako tibo. Tinry ko lang sa girl. Isang kiss lang naman at wala namang nawala. Curiosity lang.” “Ano ba yan? Gusto mo bang itry lahat ng bagay dito sa mundo? So wild.” “Why not,” sabay tawa pa ng babaeng ito na di ko maintindihan ang mga plano sa buhay. “Masaya kaya. Anong sasabihin ko kay drake? Go ka? Like mo ba sya?” “No way!! Uuwi ako kapag sinabi mo yan. Tatawagan ko si daddy at si tito para dalawa tayong uuwi. Ano?” banta ko sa babae na idadamay pa ako sa pagiging wild niya. “Ito naman di mabiro. No kung no. Di na pipilitin. Pero try mo ang mas wild na adventure. Mas masaya,” tukso nanaman nito sabay ngiti pa. Nababaliw na talaga. “Kapag ikaw napahamak sa mga pinaggagagawa mo, lagot ka sa akin. Sasabunutan talaga kita at kukurutin sa singit.” inis na sabi ko. Nakakainis na talaga ang pagkawild niya. “Kapag ako namatay, papatayin mo ako? Ganoon ba?” “Oo. Double o triple kill pa. May pitik pa sa noo,” padampi na ang daliri ko sa kanya para pitikin sya ay nakatakbo agad ang babaeng wild. Yaya lang kasi ang nag-aalaga sa kanya dahil busy ang parents niya sa mga negosyo. Totally different kami. Wild sya at timid ako. Pero marami pa rin kaming pinagkakasunduan. Kahit di sya magkwento alam kong malungkot syang di nakakasama ang parents nya kaya madalas sya sa friends niya. Mababait naman ang friends nya. Di lang maiiwasan ang curiosity at pagtuklas ng mga bagay bagay. Ako, parang guardian angel niya. Her guide and her conscience. “Hi Cassandra! Hetong barbeque,” alok sa akin ni Drake. “Kate na lang. Masyadong mahaba ang Cassandra. Salamat pala dito,” ngumiti naman ako at inabot ang pagkaing dala niya. Di ko pwedng sungitan ang mga kasama namin dahil sabit lang naman ako. Isinama lang ni Cathy sa outing na ito. Nakakahiya naman kung mag aatittude ako. “Swimming tayo mamaya pagkakain. Marunong ka bang lumangoy?” tanong ng lalaki sa akin. Mukhang may gusto nga sa akin ang isang ito. “Konti lang. Di gaano.” “Magbanana boat din tayo o kaya jet ski kung gusto mo.” anyaya pa ulit ng lalaki. “Naku, di ako mahilig sa mga ganyan. Matatakutin ako eh.” “Kasama naman ako kaya hwag kang matakot. Di kita pababayaan.” “Pag-iisipan ko. O kaya manonood na lang ako sa inyo ng mga friends mo. “Sige na masaya yun.” “S-sige na nga. Mapilit ka.” “Ayos. Sure na mag-eenjoy ka.” Nilakasan ko ang aking loob at nagtry ng mga water activities. Nakakatakot na may saya din naman pero pangakong di ko na ito uulitin pa. Buwis buhay at baka di na ako makauwi pa sa amin. Di ganoon kalakas ang loob ko sa mga ganitong bagay kaya once is enough at di na ako susubok ulit. “Masaya di ba?” tanong sa akin ng lalaking nagyaya ng mga activities na ito. “Nakakatakot nga eh.” “Ulitin natin para mawala ang takot mo.” “No way. Ayoko na, ok. Sobrang kaba ko nga eh.” “Ok. Kumain na lang tayo ulit,” anyaya nito. Ang kulit ng Drake na ito. Tuwang tuwa dahil napa-oo ako sa mga gusto niyang water activities pero last na yun. Kinabukasan pa kami mag-uuwian at doon na matutulog sa resort. Pinayagan naman ako nila mommy at daddy dahil kasama ko ang pinsan kong si Catherine. Mag-iihaw daw ulit at iinom. Cocktail drinks lang dahil di pumayag ang hotel na mag-inuman kami dahil mga menor de edad pa lamang. Masaya ang buong magdamag na kasama ko ang mga friends ni Cathy. First time kong makasama ang isang grupo na tulad nito. Sana isama pa ulit nila ako sa mga lakad at gala nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD