"I DON'T LIKE YOU!"
Sigaw ko at pagkatapos ay pinagpunit punit ko ang papel na inabot niya sa akin. Nakakairita sya. Ang lakas ng loob na bigyan ako ng love letter. Ang lakas ng loob niyang ligawan ako. Ang kapal ng mukha. Inis na saad ko sa aking sarili.
Ten years old pa lang kami. Anong akala nya? Mga dalaga at binata na kami? At kahit na nasa tanang edad na kami di ako magpapaligaw sa kanya. Ang pangit nya kaya at ang taba-taba nya pa.
Masama kong tiningnan ang batang nag-abot sa akin ng sulat matapos kung ihagis sa mukha niya ang pirapirasong papel.
Nakita ko ang gulat sa mga mata nya at pagkatapos ay lungkot. Alam kong mapapahiya rin sya sa mga taong nakapaligid sa amin. Bigla akong nahimasmasan at narealize ang mali kong ginawa.
Ngayon ay di ko na alam ang aking gagawin. Nasaktan yata ang damdamin niya dahil sa ginawa ko. Tumakbo ako palayo dahil nakaramdam ako ng pagkakunsensya ng oras na iyon. Ang inis ko sa batang kaharap kanina ay napalita ng awa at pagsisisi sa ginagawa sa batang lalaki pero wala akong lakas ng loob para humingi ng sorry sa kanya. Natakot ako. Huli na rin ang lahat. Nasaktan ko na sya at di ko na mababawi pa ang ginawa ko. Di ko na maibabalik pa ang oras. Nagpadalos dalos ako at nadala ng aking emosyon.
Parang ako ang napahiya dahil sa ginawa ko. Ang sama nga siguro ng ginawa ko. Di ako pinalaki para mangbully. Mabait naman ako kaso lang, takot akong masamantala ng ibang tao. Kasi naman, ang mga boys, ang babata pa nanliligaw na. Sa school namin ay marami na rin akong naexperience na ganitong tagpo at nauuwi lang sa di magandang pangyayari. I had traumas with boys. I hate them.
Napasalampak na lang ako sa sahig ng banyong pinasukan ko. I felt so stupid. Tinanggap ko na lang sana ng maayos ang binigay niyang sulat. Huli na ang pagsisisi ko. Kawawa naman sya at nakita kong may ibang batang pinagtawanan sya.
Agad rin akong napatayo mula sa pagkakaupo sa sahig ng maisip kong lumabas na lang muli ng banyo. Nasa isang party kasi kami. Magkakakilala ang mga daddy namin na mga negosyante. Ilang beses na kaming nagkita ng batang iyon pero di kami lubos na magkakilala.
Hinanap ko ang batang lalaki na halos kaedaran ko. Sa ilang beses naming pagkikita sa mga party at madalas ko syang nakikitang nakatingin sa akin. Noon pa alam kong may gusto na siya sa akin at ngayon ay naglakas loob sya para bigyan ako ng sulat.
I don’t like boys sa totoo lang. Kung di sila magaling mang asar, heto naman at nagpapakita ng motibo ng pag ibig. Di ko sila maintindihan. Dapat pagkakaibigan lang ang iniisip ng mga batang tulad namin. Dahil nga naguilty ako sa ginawa ko tapos nakita ko pa kung paano naging kawawa ang mukha ng batang iyon ay nais kong humingi ng tawad sa kanya.
Hihingi ako ng sorry. Ayokong sumama ang tingin niya sa akin. Mabait naman kasi talaga ako. Lagi nga lang nabubully ng mga boys sa schoolat nakakatikim sila ng sabunot sa akin. Ayoko ring makunsensya dahil ayoko ng may taong nasasaktan ng dahil sa akin. Agad akong lumabas ng cr para hanapin ang batang lalaki na yun.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Madaming bisita sa party. Maraming bata na nagtatakbuhan. Matagal ko syang hinanap ngunit di ko na sya makita pa.
Nasaan na kaya sya? Umiiyak at nagtatago kaya?
Nalungko ako at nag-alala. Nasaktan ko sya. Pero ano pang magagawa ko? Wala na sya sa party. Umalis na siguro dahil sa ginawa ko sa kanya. Nagsumbong kaya sya sa magulang niya? Nakita kaya kami ng magulang niya? Nakita ba ang ginawa ko? Paano kung malaman ni mommy at daddy? Mapapagalitan ba ako?
Alam kong maiintindihan nila ako.
“Cassandra my pretty daughter. What happen to you?” tanong sa akin ni mommy ng makitang balisa ako.
Kung noon ay pretty girl ako na laging maganda ang pagkakaipit ng maganda kong buhok ay iba na ngayon. I cut my hair short.
“I dont want to be pretty anymore mom. Stop calling me pretty. They don’t like me when I’m pretty,” saad ko kay mommy.
“Ha? Bakit? Dahil ba sa nangyari sa dati mong school? Tapos na yun. Bago na ang school mo.”
“Ayoko na pong napapansin lagi ng mga boys. Nakakairita sila at ayoko na rin na mabully ng ibang girls dahil ang mga crushes nila ay sa akin nagkakacrush.”
“Pero iha. Look at yourself. Mukha kang batang anak lang ng kung sino. Walang ayos. Boyish na nerd,” dismayadong saad ni mommy.
She wants me to be like her. Sopistikada, maganda manamit, naka make up at nakaayos palagi. Pero ayoko. Napkakapagod mag ayos. Suklay at pulbos lang sa mukha ay ayos na sa akin. Sya lang ang mahilig na ayusan ako at ngayon, di nya na ako mapipilit pa.
“Hayaan mo na honey. Yan ang gusto nya. Isa pa. Natrauma yan sa nangyari sa kanya,” saad ni daddy na lumapit na rin sa amin ni mommy. “Mas mabuting ganyan yan para di maligawan. Bata pa ang dami nang manliligaw.”
“. syempre di naman natin paliligawan agad. Ang gusto ko lang ay presentable sya palagi. Nag iisa natin syang anak Carl,” kita ko sa mukha ni mommy ang pagkadismaya sa bago kong look. Nagbeach pa kaming magpipinsan kaya umitim ang kulay ko. She wants me to be a beauty queen like her pero ang masamang nangyari sa akin sa dati kong school ang nagpabago sa akin. Di na ako yung batang maganda na mahinhin at laging nakangiti. Lagi na akong nakaismid kapag inaasar ng mga boys at minsan naninipa kapag napikon na talaga ako. Kung wala namang magulo sa aking paligid ay tahimik lang ako.
Nagkatrauma ako sa dati kong school at ayoko nang maulit yon.
Pagkagaling sa party ay hinanap ko sa social media ang batang lalaki na nakasalamuha ko sa party. Yung batang nag abot ng sulat sa akin na agad kong pinunit. Yung nalungkot sa ginawa ko at ngayon ay guilty pa rin ako.
Nakita ko naman agad sya. Dahil na rin sa mga post ni daddy sa social media at nakatag ang ama ng batang lalaki. Wala namang mga post at puro anime pictures lang.
Isang araw na kauuwi ko lang sa school ay sumubok akong tingnan ang profile ng batang lalaki. Laking gulat ko na papauntang Amerika na pala sila at ang pamilya niya. Nakita ko ang picture nila at may caption na Bye Philippines, families and friends. We will miss you and see you soon. Nalungkot ako lalo. Masamang alala pa ang binaon nya sa pag alis ng bansa.
Hay, bakit naman kasi ang mean ko ng araw na yun? Saad ko sa aking sarili. Inisip ko sanang ibang bata sya at di ang kaschool mate kong pasaway.
Pero naisip kong wala na rin akong dapat pang alalahanin dahil di na kami magkikita at mas maraming mas magandang babae pa sya na makikilala sa ibang bansa. Makakalimutan nya na rin ako makalipas ang ilang buwan. Di nya na siguro maaalala pa ang nangyari sa amin ng nagdaang araw. Mabura na sana sa ala-ala niya at bumuo sya ng bagong ala-ala doon sa America.
Please sana makalimutan nya na ang araw na yun at ako man ay gusto ko na ring kalimutan ang pangyayaring iyon.
Mula noon, naging hobby ko na I-stalk ang social media ng batang lalaki na iyon kapag wala akong ginagawa kaso lang, madalang syang magpost ng pictures. Kahit ang parents at kapatid nya ay di rin madalas maglagay ng litrato sa facebuk account nila. Hanggang sa tumigil na rin ako kasi wala naman akong nakikitang bago.
Ilang buwan ang lumipas. Isang araw ay nagulat akong may post ang lalaki. Ganoon pa rin sya. Mataba, nakasalamin at nanalo yata sya sa isang quizz bee. Binasa ko ang certificate na hawak niya at may congratulation na caption ang post na iyon. Matalino rin pala sya. Halata naman sa itsura niyang di ngumingiti sa picture at nerdy ang look.
“Ang galing nya pala,” napangiti ako. Sana nga ay naging friends kami. Sayang.
Di sinasadyang natitigan ko ang mukha ng batang lalaki sa picture. May pagkacute naman pala sya. Matangos din pala ang ilong niya at pumuti na ang kanyang balat. Iniisip ko kung hindi ko ginawa ang ginawa ko noon, magiging magkaibigan kaya kami? Hindi siguro itinadhana at mas mabuting di na kami nagkakilala ng lubos. Pero nakakahinayang. Mukha pa naman syang mabait tapos matalino pa.