6

1673 Words
Kinabukasan ay masakit ang ulo ko nang magising. Nagtataka ako dahil di naman ako gaanong nag-inom ng gabing nagdaan. Puro nachos nga ang kinain ko at sisig. Paborito ko kasi iyon. Sabi, nagkakahang-over lang kapag maraming nainom na alak pero bakit nakakaramas ako ng matinding sakit ng ulo ngayon at panglalambot ng katawa? Isang bote lang ako at juice na ang ininom ko pagkatapos maubos ang isang bote ng beer. Wala pa ako sa tamang pag-iisip nang may biglang pumasok sa aking kwarto. Nagulat ako sa dalawang lalaking mukhang goons na pumasok. Nagpalinga linga ako sa aking paligid. Teka, hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ako? Nakaramdam ako ng pagpapanic pero pilit kinakalma ang sarili. Nakatitig ako sa mga lalaki at ganoon din sila sa akin. Habang takot ang itsura ko, sila naman ay nakakasindak ang mga itsura. “Pinapatawag ka na ni boss. Bilisan mo. Lumabas ka na,” galit na saad ng isa. Nakakatakot silang dalawa. Ang papangit nila at ang lalaki ng tiyan. Parang kakainin ako ng buhay. “Ha?” naguguluhan ako. Paano ako nakapunta sa lugar na ito? Di pala ako nakauwi sa bahay kagabi at dinala ako ng mga taong ito kung saan. Nakaramdama ako ng takot at kaba. Nakidnap ako. Ang malas ko talaga. Sabi ko na nga ba at di dapat ako sumama kay Cathy at di nagtaxi mag-isa. Anong gagawin ko ngayon? Sising sisi ako sa pagsama sa babaeng iyon. Dapat ay di ito nangyari sa akin kung nagstay na lang ako sa bahay. “Bilisan mo,” yung isa naman ang sumigaw ng di ako kumilos sa pagkakaupo sa kama at natuon sa aking pag-iisip. “Aray!” hinila na ako ng isang lalaki dahil di ko maigalaw ang aking katawan. Na-estatwa ako dahil sa pagkagulo ng aking isip. Palabas kami sa kwartong iyon pagkatapos ay ipinasok ako sa kwartong may ibang mga babaeng mga nakahubad at nagbibihis na rin. Nagmasid ako sa paligid. Sexing damit ang mga isinusuot nila. Lingerie na manipis at labas na ang kaluluwa. Lace na thong naman ang suot nilang pang ibaba. Ang dibdib nila ay halata sa maninipis na damit. “Anong tinitingin tingin mo pa dyan. Magbihis ka na at baka mapagalitan ka pa,” sabi ng isang babae sa akin. Di pa rin ako makagalaw. Gulong gulo pa rin sa mga nangyayari sa aking paligid at di ko alam kung susunod ba sa inutos sa akin na ibihis din ang ganoong kasuotan. “Nasaan ba tayo? Anong gagawin nila sa atin?” usisa ko. Para akong nananaginip pero alam kong gising na gising ako. Di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. “Ibebenta sa mayaman. Ano pa ba? Di ka ba pokp*k? Swerte mo nga at napasama ka dito. One time big time ka kaya dito,” saad ng isa pang babae na parang wala lang ang pagsusuot ng sexing damit at mukhang desidido na mabenta ang sarili sa mayamang lalaki. “Hindi. Matino akong babae. Hindi ako pokp*k,” tanggi ko. “At kami, hindi matino? Sobra ka makalait. Ang sama mo. Perfect ka?” “Sorry. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Pero teka, seryoso ba kayo? Ibebenta kayo sa mayayaman?” feeling ko prank lang ito at binibiro lang nila ako. At sino naman ang gagawa nito? Si Cathy na loka-loka? Sobrang pagbibiro ito at di ko sya mapapatawad. “Oo. Kami at ikaw din ay ibebenta. Di ka exempted lalo na at maganda at sexy ka. Di ka makakawala basta-basta dito pero limpak na limpak naman na datung ang mapapasakamay mo. Choosy ka pa?” “Bilisan nyo na,” may sumigaw nanaman na lalaki at pinagmamadali kami sa pagbibihis. “Labas na,” muling sigaw ng lalaki at nagmadali akong naghubad para isuot ang ibinigay sa aking damit. May nippl# tape ako kaya di halata ang boobs ko. Nasaan na ba si Cathy? Dapat ireveal nya nang prank ito. Natatakot na kasi ako kung totoo man ito pero sa isip ko ay pilit ko pa ring hindi ito totoo. Pinalabas kami at nagtungo sa isa pang kwartong mas malaki. May mga lalaking naroon na nakaupo at naghihintay sa paglabas ng mga babaeng pipiliin nila. Matatanda, mga pangit at matataba. Nakakatakot. Kahit gwapo at matipuno ay di ko rin gugustuhing maging parausan lamang ng isang lalaki. Parang naniniwala na ako sa babaeng kausap kanina na ibebenta nga kami at di ito prank gaya ng iniisip ko. Pat@y na. Anong mangyayari sa akin? Kidnapping tapos marereyp pa. Oh, no! Nagdasal ako. Walang ibang makakatulong sa akin kundi ang Diyos sa panahong ito. I need his help and guidance. Kailangan ko kasing makaisip ng paraan paano ako makakatakas sa lugar na iyon. Labis na ang takot na nararamdaman ko. Para akong maiiyak. Nasa likuran lamang ako at di mapigilang di pumatak ang luha. Ayokong maging s#x slave. Pat@yin na lang nila ako kung gusto nila pero hindi nila makukuha ang pagk@baba# ko. Never! “Hwag kang umiyak dyan. Mapapagalitan tayong lahat,” saway sa akin ng isang babae na may inis sa tono ng kanyang pananalita na parang kasalanan ko pa ang lahat. This is human trafficking. Nagwawala ang isip ko at di matanggap na nangyayari ito sa akin. Ano bang nagawa ko para mapahamak ng ganito? I don’t deserve this. “Wala na tayong magagawa. Wala ka nang magagawa. Nandito ka na so, just go with the flow. Manahimik ka na lang kung ayaw mong mapahamak tayong lahat. May pera namang kapalit at malaking halaga yun. Gets mo,” bulong sa akin ng isang babae dahil sa patuloy na pagpatak ng luha ko. “Di pa ba kapahamakan ito?” muling sagot ko. Aanhin ko ang malaking pera kung labag sa damdamin ko ang gagawin sa akin at di ko kailangan ng pera. “Shhh. Ayoko pang m@matay. Kung ikaw gusto mo, ikaw na lang,” galit na sabi nito sa akin. Kung sila ay desidido sa gagawing ito pwes hindi ako. Tatakas ako kahit pa m@matay ako. Nagpigil na ako ng iyak para di na kami lalong mapahamak pa. Lalo na ang mga kasama kong gusto ang ganitong trabaho. Ayokong maging dahilan ng ikakapahamak naming lahat. Ngunit paano na ako? Walang nakakaalam na nawawala ako at nakidnap na. Nag paalam ako na kay Cathy sasama ng gabing iyon at sinabi ko naman kay Cathy na uuwi na ako sa bahay pagsakay ko ng taxi. Ayokong mapunta sa kamay ng lalaking narito sa kwartong ito. Di ko pinangarap na ibenta ang katawan ko sa kung sino. Lalo na kung matanda at mataba na mukhang goons. Isa isa nang napipili ang mga kasama ko. Isa isa na rin silang lumalabas kasama ang lalaking nakapili sa kanila. Wala akong maisip kung paano tatakas. Mukhang mga halang ang kaluluwa ng mga taong naroon sa kwartong iyon at gagawin ang nais nila sa mga babaeng mapipili nila. Mukha silang hayok na hayok at takam na takam sa katawan ng mga babae. I was so scared. Nakakatakot ang itsura ng mga lalaki at anong mangyayari sa akin? Pagsasawaan marahil ang aking katawan na iningatan ko at di ibinigay sa kung sino. Hanggang sa may humila na rin sa braso ko. Ayaw ko pang sumama pero pinandilatan niya ako at lalong hinila palabas ng kwartong iyon. May nakapili na rin pala sa akin. “Please po. Hwag nyo akong saktan. Di po ako bayarang babae. Nakidnap lang ako,” pakiusap ko sa lalaking may hawak sa akin. “Shut up. Ang ingay mo. Nagpapataas ka ba ng presyo? Hoy, bayad ka na at malaking halaga ang ibinigay ko para makuha kita,” ipinasok niya ako sa isang kwarto at inilock nya ang pinto. “Please pakawalan na ninyo ako. Please. Kausapin nyo po ang daddy ko. Maraming pera yun. Ipatubos nyo na lang ako please. Papalitan nya ang perang ibinayad mo. Doble o triple pa,” pagmamakaawa ko sa lalaking di ko mawari ang itsura. Nakakasuka at di ko maatim ang kapangitan niya. Mabuti nga sana kung mabait sya pero kasing sama ng mukha niya ang ugali niya. Porke, marami syang pera, akala niya ay makukuha niya ang lahat. Hindi maaari lalaban ako ng p@tayan. Sisipain ko sana ang lalaki nang may nagsalita. “Hi!” nakarinig ako ng boses mula sa likuran ko at napalingon kami ng lalaking nakakuha sa akin. “Rome? Anong ginagawa mo dito?” nabuhayan ako ng loob ng makita sya. Agad ko itong nilapitan at lumayo sa lalaking pangit. “Tulungan mo ako please. Tulungan mo akong makawala dito. Our dads are business partners. Kilala mo ba ang kumidnap sa akin? Help me please, kahit anong hilingin mo ibibigay ko.” “Kahit ano?” tanong nito sa akin. Sya ang pag-asa ko. Sya yata ang pinadala ng Diyos para tumulong sa akin. Thank God. “Oo kahit ano basta tulungan mo lang ako na makaalis dito at di gamitin ng lalaking bumili sa akin. Babayaran kita kahit magkano. Please help me Rome,” pagmamakaawa ko sa lalaki. “Oo naman tutulungan kita. Mabuti na lang at nakita kita at nasabihan agad ang tao ko na hanapin ka.” nakangiti ito sa akin at hinawi ang buhok kong magulo na nasa mukha ko na saka inipit ito sa aking tenga. “Makakaalis ka na,” sabi ni Rome sa lalaking nakakatakot na pangit. “Babayaran kita ng doble sa ginastos mo.” “Hay, malas,” walang nagawa ang lalaki at umalis na rin agad. “Thank you,” agad akong yumakap sa lalaki. Nawala ang pag-aalala ko at sobrang pasasalamat ko kay Rome. He saved me. He’s my knight in shining armor. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin ay sya pala ang sasagip sa akin sa sitwasyong ito. I was so thankful. “Ako na ang bumili sayo mula sa matandang mayaman na pumili sayo. Wala silang magagawa kapag gusto ko,” saad nito habang nakayakap ako sa kanya. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” sabay bitaw ko sa pagkakayakap sa kanya at naguluhan sa kanyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD