“Ano? Di na tuloy ang kasal. Isang linggo na lang ha,” gulat na tanong ni Cathy nang magkita kami. Pinuntahan ko sya sa bahay niya at sa kwarto niya kami nag-uusap. “Ayaw nya,” tanging saad ko sa babae. Ang hirap mag-explain at ang sakit sa dibdib. “Sinabi niya sayo na ayaw nya? Tumanggi na sya? Bakit ngayon lang?” sunod sunod pang tanong nito sa akin. “Sana before pa ayusin ay tumanggi na sya. Sira ulong lalaki talaga yang Rome na yan. “Di nya direktang sinabi pero ramdam ko sa huling pag-uusap namin. Di ako sapat para sa kanya,” may pagkabitter kong saad. Ang sakit na halos isiksik ko ang sarili ko sa lalaki at itry na magkakilanlan kami pero ramdam kong ayaw talaga nito. “What exactly did he say? Paano ang wedding? Paano ka?” nag-aalalang tanong nito. Nahuli kong may nakakandong sa