Tanghali na ako nagising. Si Cathy ay tulog pa sa aking tabi at sa ibang room naman natulog ang ibang girls. “Aray.” Ang sakit ng ulo ko dahil sa dami kong nainom. I check my phone kung anong oras na. Nakita ko itong nasa sahig at agad kong dinampot. Sa pag bukas nito ay nakita ko ang isang mahabang mensahe. Binasa ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Mensahe para sa lalaking mapapangasawa ko. I can’t believe I typed it. Matapos ang lahat ng nakita ko ay yun pa talaga ang mga naisulat ko. I deleted it right away. Mabuting di pa nasesend at nasa write message lang ito. Kinabahan ako ng matindi pero agad nakahinga ng maluwag. Isang kagagahan nanaman ang ginawa ko kung nagkataon. Pasalamat talaga akong di ko yun nasend. Kung hindi ay masasabunutan ko na talaga ang aking sarili. Nagst