JEROME “Rome nabalitaan kong nakita ka ni Kaye na may kandong na babae. Ano ba? Di ka nag-iingat. Paano kung umatras ang babae?” bigla itong sumugod sa condo unit ko. Galit na galit at parang gisto na akong sakalin. “Dad, di ko na kaya. Ayoko na.” “Anong hindi mo kaya? Matagal na natin itong plano. Di ka na pwedeng umatras. Natatakot ka ba? Paano natin maipaghihiganti ang nangyari mommy mo?" "Dad, ayokong matali habang buhay sa babaeng iyon. Akala ko ba galit ka sa kanila tapos mapapalapit pa tayo lalo? Hindi ganito ang plano natin. Wala sa plano amg kasalan,” hirap na ako sa pagpapanggap at sa planong ito. Ang maangkin ang babae at ang kumpanya ang plano. Bakit biglang may kasalan na? "Mas mapapadali ang lahat kung makakasal kayo. Hwag kang mag-alala. Fake lang ang kasal ninyo. Sino