CASSANDRA
Pagkagising ko ay agad kong naalala ang masamang pangyayari. Ang pag-angkin sa akin ni Rome. Di ako makapaniwalang wala na ang iniingatan kong bagay na para lamang sana sa lalaking pakakasalan ko. Wala na. Iniisip kong baka wala nang iibig pa sa akin. Magugustuhan pa ba ng isang lalaki ang babaeng katulad ko na nakuha na ng iba?
Inis na inis ako. Gusto ko na lang sanang matulog ulit ngunit kinatok na ni mommy ang pinto ko nang di pa ako lumalabas ng aking kwarto. Magtatanghali na kasi at di pa ako bumababa.
“Anak, masama ba ang pakiramdam mo?” malumanay na saad ng aking ina.
“Nasobrahan lang po yata sa party mommy. Ok lang po ako.”
“Ipapahatid kong breakfast mo.”
“Sige po mommy. Thank you,” di naman nag-usisa pa ang aking ina. Ayoko ring malaman pa niya ang nangyari sa akin at paniguradong gulo lang ang mangyayari lalo kapag nalaman ni daddy.
Bigla kong naisip ang mukha ni Rome at ang iba na niyang itsura. Mula sa pagiging chubby ay pumayat na sya. Tama akong gwapo sya kapag pumayat. Ang ganda ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. Ang tangos ng ilong at ang nipis ng mga labi. Para syang modelo lalo na at maganda rin ang katawan nito.
Wait, am I liking him? Since sya naman ang nakauna sa akin, dapat panagutan niya ang ginawa sa akin.
Parang nakakaramdam din ako ng pagkamiss sa kanya. His touch and his kisses.
Ramdam ko pa ang ginawa niya sa akin. Ang aming pagniniig at pagbibigay niya ng init sa aking katawan.
Hala! Ano ba itong aking iniisip?
Pagkahatid ng pagkain sa kwarto ko ay agad akong kumain. I need energy. Agad din akong naligo at nagbihis. I need to see him.
Sa palagay ko ay naaalala ko pa ang lugar kung saan may nangyari sa amin ni Rome pero baka mapahamak lang ako doon. Nagbebenta sila ng mga babae sa matatandang mayayaman. But I need to talk to him. Pupuntahan ko sya at kailangan nyang panagutan ang ginawa niya. Hindi ako papayag na ganoon lang iyon. Ginamit nya ako at saka tinapon lamang. Di ako makakapayag.
“Mom, alis lang po ako. Si Cathy kasi nagyayaya pong mag mall,” paalam ko sa aking ina. Kailangan niya akong payagan. Kailangan kong makaalis at mapuntahan ang lalaking iyon sa lalong madaling panahon. Kung pwede lang lumipad ay gagawin ko. I’m desperate now.
“Grabe naman yang pinsan mo na yan. Kakauwi mo pa lang, magkikita nanaman kayo. Magpahatid ka sa driver.”
“Mag tataxi na po ako. Bye mom,” pag halik ko sa pisngi ng aking ina ay agad akong lumabas ng aming bahay na nagmamadali. Saktong may service shuttle palabas ng subdivision at saka ako sasakay ng bus papunta sa lugar kung saan ako galing kahapon.
Isang oras mahigit ang byahe papaunta sa terminal kung saan ako ibinaba ni Rome. From my phone ay hinanap ko ang lugar sa mapa. Nagpahatid ako sa tricycle at ilang minuto lang naman ang biyahe.
“May tao ba po dyan maam?” usisa ni Manong Driver. Nagtataka ito kung bakit doon ako bumaba sa mukhang abandonadong gusali.
Nagtataka nga rin ako kasi parang walang kahit isang tao na roon samantalang kahapon ay ang dami naming naroon.
“Kahapon po merong mga tao dito,” tanging sagot ko at ayaw ko nang magbigay pa ng ibang impormasyon.
“Parang wala na ngayon ha. Mahirap pa naman sumakay pabalik ng bayan. Hintayin ko na po kayo, maam?”
“Sige kuya. Ichecheck ko lang kasi nandito ako kahapon at may naiwan ako,” sabi ko sa lalaki.
“Ok po. Dito lang ako.” di naman ito nag-usisa pa at naghintay na lamang sa kanyang tricycle.
Ang kahapong magulong lugar at maraming tao ay mukhang tahimik na ngayon. Tama ang driver. Wala ngang tao at sayang ang effort ko. Nagpaghatid na lang ako sa tricycle pabalik sa bayan. No choice din ako at sasakay na lang ulit ng bus pauwi sa amin. Hindi siguro nagtitigil sa iisang lugar ang mga taong iyon. Illegal ang gawain nila at maingat sila sa mga kilos nila. Matatalino ang mga walang hiy@ at di papahuli ng buhay sa mga awtoridad.
Sa pag uwi ko sa amin ay inabot ako ng matinding traffic dahil sa banggaang nangyari sa daan. Halos padilim na ng makarating ako sa bayan malapit sa amin.
Naalala ko ang bar kung saan kami nagpunta ni Cathy. Kung saan naroon din si Rome ng gabing iyon bago ako makidnap at tubusin ni Rome sa matandang lalaking bumili sa akin. Madali kong tinungo ang lugar at baka sakaling naroon ang hinahanap kong tao.
“May reservation po?” tanong sa akin ng waiter sa may pintuan ng bar.
“Wala eh. Di ba pwede ang walk in?”
“Ilan po ba kayo maam? May big group po kasi na nagpareserve kaya di kami tatanggap ng madaming walk in.” paliwanag nito sa akin.
“Ako lang mag -isa. Baka pwede mo akong isingit.” pakiusap ko sa lalaki dahil kailangan ko talagang makita si Rome at makausap.
“Ahh, sige po maam. Pwede po kung kayo lang mag-isa.”
“Salamat.”
Nakapasok agad ako. Umupo ako sa mesang may 2 seater. Umorder ng juice at fries habang nagpapalinga sa paligid at hinahanap ang lalaking iyon. May utang na loob ba ako sa kanya sa pagsagip nya sa akin sa matandang pangit na yun o may atraso sya sa akin dahil sa pagsasamantala niya sa akin? May ilang lumalapit na sa akin at gustong magpakilala na mga lalaki.
“Sorry, may boyfriend na ako. Hinihintay kong dumating,” sagot ko sa ilang lalaking dumadaan sa aking gilid. Wala rin naman kasing gwapong lumapit at isa lang ang pakay ko.
Nakakabored na. Isang oras mahigit na akong nakaupo dito. Nagbabrowse lang ng aking phone at palinga linga sa mga taong naroon. Ang lakas na ng music at umiinit na rin sa loob ng bar dahil dumadami na ang tao.
Wala ang lalaking hinahanap ko. Kahit isa sa mga kaibigan niyang nakilala ko nung nakaraang araw ay wala rin doon. Di ko na kaya ang magstay pa roon na mag isa. Ilang minuto pa ay aalis na rin ako sa maingay na lugar na iyon.
Nagbayad na ako at tumayo nang di na ako makatiis sa sobrang pagkainip. Naka dalawang oras na ako at sobrang inip na sa kakahintay sa wala. Palabas na ako ng pinto nang may grupo ng kalalakihan na papasok. Ang aangas nila na akala mo ay may ari ng bar na iyon. Asikaso sila ng mga crew at halos lahat ay bumabati sa kanila.
Ang kanina ko pa hinihintay ay naroon na pero hindi ko alam kung paano sya lalapitan at kakausapin. Hanggang sa nagkatinginan kami at nagkatitigan. Di ko alam kung ngingiti ba ako o babatiin sya. Sya man ay di rin nagsasalita at mukhang nagulat na nakita ako roon. Hindi nya ako inaasahan.
“Hi Kate!” Isang lalaking nasa likuran ni Rome ang bumati sa akin at papalapit sa kinatatayuan ko.
“David, hi!” bati ko sa lalaki.
“Sinong kasama mo? Your friends? Nasaan sila?” usisa nito sa akin.
“Hindi. Wala. Ako lang. Pauwi na rin ako,” paalam ko. Parang nawala ang lakas ng loob kong kumprontahin si Rome. Ayokong gumawa ng gulo. Habang kausap ako ni David ay nagsiupuan na ang mga kasama nito sa pwesto nila.
“Ha? Mamaya na. Dito ka muna,” pigil nito sa akin. Naramdaman ko na lang na hawak na rin nito ang kamay ko. Parang gusto ko talagang magpapigil para maharap ko si Rome. Nagdadalawang isip ako kung anong dapat kong gawin.
“Eh kasi di ako nakapagpaalam sa bahay. May imi-meet lang sana ako kaso di sumipot,” pagdadahilan ko.
“Date? Sa bar? Ako na lang ang kadate mo,” nararamdaman kong lumalapit ang katawan ni Dave sa akin. He’s flirting with me at may paghimas pa lalo sa aking kamay na hinayaan ko lang.
“Ha? Naku, nakakahiya,” nag-aalangan ako sa ginagawa niya. Ayokong gamitin siya sa totoong pakay ko sa pagpunta sa bar. Dahan dahan kong binawi ang kamay ko at ikinamot sa aking ulo para di nya isiping pakipot ako.
“Ako nga ang nahihiya kasi di kita naihatid noong isang araw. Ayaw mo kasing papilit.”
“Ok lang yun. Walang problema. Sige na mauuna na ako,” hindi ko nga talaga yata kayang makausap si Rome. Uuwi na lang ako at sa ibang araw na kami mag-usap ng lalaking iyon. Mag-iipon ako ng maraming lakas ng loob sa susunod na pagkikita namin.
“Ayaw mo talagang magstay? Aalis ka na talaga?” ang kulit niya. Parang gusto ko naman kasi pero parang ayaw ko na rin mag stay. Sa bewang ko naman humawak ang lalaki. Ang touchy na niya at naasiwa ako.
“Oo. Sorry ha. Alis na talaga ako.”
Sa aking pagpapaalam sa lalaki ay sinulyapan ko muna si Rome bago ako tuluyang lumabas ng lugar na iyon. Busy syang nakikipagtawanan sa kanyang mga friends at mukhang balewala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin ng nagdaang araw.
Marami syang babaeng napapaibig panigurado at ang nangyari sa aming iyon ay pampalipas oras lang niya. Ganti na nga rin niya siguro sa ginawa ko sa kanya ilang taon na ang nakakalipas.
Siguro ay marami nang babae ang dumaan sa kanyang buhay at ang isang pagniniig na iyon ay balewala lamang. Ang bigat ng paa ko habang papalabas sa bar. Nais ko talaga syang makausap. Kanina ko pa sya hinahanap at ngayong natagpuan ko na sya ay naduwag ako at kinabahan. Sayang naman ang effort ko. Ilang oras na biyahe papunta sa unang lugar kanina at tapos dalawang oras na paghihintay sa bar.
Nasa labas na ako. Sa tapat ng bar ay nakatayo lamang ako at iniisip ang dapat na gawin. Babalik ba ako sa loob at kakausapin ang lalaki o uuwi na lang at kalimutan ang lahat?
“Miss nakaharang ka sa daan.”
“Ay sory po.” sabi ko sa babaeng papasok ng bar.
Agad akong pumila muli sa entrance. Papasok akong muli at kakausapin na talaga sya. Nilakasan ko na ang loob ko. Kung ayaw niya ng offer ko ay pipilitin ko sya hanggang sa pumayag syang maging kami. Dapat maging kami. Ang unang lalaki sa buhay ko ay dapat maging tangi at huling lalaking makakasama ko. Hindi ako papayag na ganoon lang ang nangyari sa amin. Kailangan niyang managot. Nakapasok na ako pero ang paa ko, bumibigat nanaman.
Hay, bilisan mo na at tapangan mo na. Kausapin mo na sya. Bilis! Sani ng aking utak.
Papalapit na ako sa upuan nila nang may biglang kumandong na babae kay Rome. Naghiyawan sila at nagtawanan. Walang anu ano ay humalik ang babae sa lalaki. Nakatitig lang ako malapit sa kanila hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Rome. Di siya tumigil sa paghalik sa babae at parang ako na ang nahiya at nag-iwas ng tingin.
“Alis na tayo dito, Rome. Let’s go somewhere else,” rinig kong saad ng babae kay Rome.
“Mamaya na. Maaga pa. Doon ka muna sa friends mo,” sabi ng lalaki sa babae. Paano nga niya ako papansinin kung mga babae na talaga ang lumalapit sa kanya?
“Ok. See you later my handsome prince charming,” umalis na ang babae saka muling tumingin sa akin si Rome. Maingay na sa loob ng bar kaya lumapit ako lalo para marinig niya ang sasabihin ko.
“Pwede kang makausap?”
“Bakit?” masungit nitong sagot.
“May sasabihin lang ako. Importante.”
“Sabihin mo na ngayon.” ramdam ko ang inis niya at parang ayaw naman niya akong kausapin.
“Doon tayo sa labas,” pamimilit ko. Ayoko ring mapahiya kaya mas gusto kong kami lang ang mag-usap.
“Sabihin mo na dito,” nakatingin sa akin ang iba pa niyang mga kasama. Mukhang ayaw ako nitong kausapin ng sarilinan. Napabuntong hininga ako at nawawala ng pasensya sa lalaking kausap.
“Ano, may sasabihin ka ba?” pagsusungit muli nito.
“Panagutan mong ginawa mo sa akin,” sigaw ko dahil maingay pero sumobra yata ang lakas ng boses ko at narinig pa ng ibang taong naroon ang sinabi ko.