Nagtawanan silang lahat pwera kay David. Si Rome naman ay napangisi sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya pero narito na ako kaya lalakasan ko pa lalo ang loob ko. Hindi ko sya hahayaang ipahiya pa ako lalo. “You took my virginity.” muling sigaw ko. “At importante sa akin iyon.” matapang na saad ko habang nakasimangot at nakatitig sa mata ng lalaking kausap. “So?” sagot nito na may pang-iinis. Ang yabang ng lalaking ito na ang sama pa makatingin sa akin ng pailalim. “O gusto mong ipakulong kita?” banta ko sa lalaki. Kailangan ko syang masindak para mapagbayad siya sa ginawa niya. Aba ngumisi pa talaga ulit. Nakakaloko ang mukha niya. Halatang minamaliit niya ako. Tumayo ito at lumapit sa akin. Lalo akong tiningnan ng masama at ako naman ang sinisindak niya. “So what do you want