8

2094 Words
Kahit may sakit pa akong nararamdaman sa aking katawan ay tumuloy na agad ako sa banyo. Nagshower at nagbihis ng mabilis. Baka hindi tumupad sa usapan si Rome at ibenta pa ako sa iba. Kailangan ko nang makaalis agad sa lugar na ito. Nakita kong bukas ang pintuan ng kwarto pagkalabas ko ng banyo kaya dahan dahan akong lumabas. Naglakad sa hallway at tinungo ang palabas ng gusaling iyon. Walang pakielam sa akin ang mga makasalubong kong mga tao at tinungo ko lang ang labasan. Hanggang sa may lalaking nagsalita. “Magpapahatid ka na miss?” Natakot ako. Naalala ko ang pagsakay ko sa taxi noong galing kami sa bar. Baka kung saan nanaman ako dalhin. Hindi ako sumagot habang nakakatitig sa lalaking malapit sa kanyang sasakyang putting taxi. “Ako nang maghahatid sa kanya.” Bigla akong napalingon sa nagsalita. Si Rome. Tinapon niya ang yosing hinihithit bago lumapit sa akin. “Tara na ihahatid na kita.” anyaya nito sa akin. Kahit na may nangyari sa aming hindi dapat mangyari ay sa kanya ako sumama. Kahit papaano ay may katiting na tiwala ako sa kanya. Mukhang di naman niya ako pababayaan dahil sinunod ko ang gusto niya. “Sa may sakayan na lang ako ng bus.” sabi ko bago sumakay sa magara niyang sasakyan. “Bahala ka,” malamig na sagot ng lalaki sa akin. Ang sungit at parang ako pa ang may atraso sa kanya. Hindi nya na rin kailangan pa akong ihatid sa aming bahay. Baka magkautang pa ulit ako sa kanya at hingan nanaman niya ako ng bayad. Di naman sya nagpumilit na ihatid ako at sa sakayan nga lang ako inihatid ng lalaking ito. Nag bus na ako dahil feeling ko ay mas safe iyon kesa mag taxi. Mahirap na at baka walang hiyang taxi driver nanaman ang masakyan ko. Di nagtagal ay nakauwi rin ako sa aming bahay. Sinalubong ako ni mommy nang makapasok ako sa loob ng bahay. “How’s the party iha? Nag enjoy ka ba?” Akala nya siguro ay kasama ko pa rin si Cathy. Ayoko nang ipaalam pa sa kanila ang nangyari sa akin. Kaya ko na ‘to at para di na sila mag-alala pa. “Ok lang po mommy. Nakakapagod po pala.” sagot ko na lamang. “Kumain ka muna. Magpapahain ako ng food.” “Mamaya na lang po. Hihiga muna ako. Si Cathy po kasi ayaw akong patulugin kagabi,” dahilan ko sa aking ina. Ang totoo ay gusto kong mapag-isa at ihiga na ang pagod kong katawan. “Sige at magpahinga ka na muna. Sabihin mo lang kung gutom ka na. Maraming pagkain.” “Opo, mom. Thanks,” pilit na ngiti ang iniwan ko saka umakyat na papunta sa aking kwarto. Sa sobrang traumatic ng angyari sa akin ng gabing iyon ay di ako makatulog kahit pagod at antok na antok ako. I kept thinking about what happened to me. My first experience sa taong akala ko ay malinis ang hangarin sa akin. Napaluha ako. Mali ang pagkakakilala ko kay Rome. Akala ko noon ay magiging mabuti syang tao pero nalaman kong mapagsamantala siya. Ganti nya ba iyon sa ginawa ko sa kanya noon? Sobra namang paghihiganti iyon. Do I deserve to be treated like this? Inaamin kong nagustuhan ko ang unang ginawa niya. Ang romansahin ako pero ang makuha na niya ang virginity ko ay labag sa aking kalooban. Isa pa ang sakit nang pasukin niya ako. Parang parusa ang naramdaman ko kesa sarap at parang nararamdaman ko pa rin ang sandata niya sa loob ng aking hiyas. Ano na lang ang sasahinin ng magiging nobyo ko? Nakuha na ako ng ibang lalaki at di ko pa nobyo. Ni hindi ko nga lubos na kilala ang pagkatao ng lalaking una kong nakasiping. Ang unang umangkin sa akin at kumuha ng aking dangal. Para akong masisiraan ng bait sa labis na pag-iisip. Parang gusto ko na lang makatulog at di na magising pa. Sa labis kong pag-iisip at pag-iyak ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. JEROME Kasalukuyan akong nasa balkonahe ng aking mansyon sa Antipolo. Maganda ang tanawin at nakakarelax ang paligid. Tahimik at mapayapa dito. Nakakawala ng problema at nalilimutan ko ang mga masasamang alalala. Ngunit ang tagpo namin ni Kaye ang bumabagabag sa aking isip. Nakuha ko na sya. Gaya ng plano ko noon pa man. Ang angkinin sya at paghigantihan dahil sa pamamahiya nya sa akin noon. Labing dalawang taon na ang nakaraan. Dapat masaya na ako pero kulang pa ba ang ginawa ko? Bakit di ako kuntento? Di sya mawala sa isip ko mula kahapon na magsiping kami. Her smell, her smooth skin, at ang labi niyang masarap halikan. I want to see her at gusto ko syang angkinin muli. Sya lang ang babaeng nagpagulo sa isip ko. Sya lang ang gusto kong maangkin ng pauli-ulit. Inalis ko sa pag-iisip ko ang matinding pagnanasa. Inalala ko ang nakaraan. Other kids laugh at me that day nang punit punitin ng babaeng iyon ang sulat na binigay ko. Akala ko mabait sya at maaari kong maging kaibigan pero gaya rin sya ng iba na walang puso at masama ang ugali. Ayaw nila sa akin dahil mataba ako at pangit noon. “Iho, nagawa mo na ba ang plano natin?” biglang may nagsalita sa may likuran ko at bumalik sa realidad ang aking isip. “Dad, bakit nandito ka? You should be in Manila.” “May dinaanan akong property na binebenta at gusto ko lang ipaalala sayo ang mga plano natin. May nagawa ka na ba? Ngayon na ang oras Rome. Ang tagal na ng paghihintay natin.” “Sinisimulan ko na dad. Hwag kang mag-alala at hwag kang mainip. Mababalewala ang lahat kung magmamadali ka.” “Tandaan mo ang pangaapi sa atin ni Carlos at ng anak niya. Akala mo mabubuting tao pero mababaho pa tulad ng imburnal ang pagkatao. Gusto ko nang makita ang pagbagsak ng Carlos na yun.” “Hwag kang mag-alala, Dad. Maisasakatuparan natin ang lahat. Kukunin ko ang mga ari-arian nila at ang dangal nila. Mapapahiya sila sa lahat ng kaibigan at pamilya nila. Wala silang mukhang maihaharap at pipiliin na lang nilang magpakalayo-layo sa bansang ito.” “Dapat mapahiya sila sa lahat ng tao sa mundo, anak. Dapat sa kanila ay itapon sa gubat sa malayong bansa,” galit nanaman si Daddy. Ganyan siya kapag napag-uusapan si Carlos Santiago. Nagngangalit ang mga ngitpin at gustong pumatay. Pero pinapakalma ko sya at di nya pwedeng bahiran ng dugo ang kanyang kamay. Makukulong sya. Kami na lang ang magkatuwang dito sa mundo. “Oo dad, gagawin ko ang mga palano natin. Ako na ang bahala at hwag mo nang isipin pa ang mga iyon.” “Sige na at aalis na ako. Isipin mo palagi ang nangyari sa mama mo Rome. Kailangan niya ng hustisya.” “Opo dad. Alam ko.” Umalis na ang aking ama. Nas-stress lang kaming pareho kapag ganito ang pinag-uusapan namin. We already planned this for a long time. Twelve years ago ay nagmigrate kami sa Amerika. Kasama sina mommy, daddy at ang bunso kong kapatid na si Angel. Masama ang loob ko noon sa ginawa sa akin ni Kaye. Gusto ko lang naman syang maging kaibigan pero masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Maganda talaga syang bata. Halatang galing sa mayamang pamilya at di sya makulit gaya ng mga batang kaedad namin. Tahimik at maganda ang kanyang mga ngiti. Nabighani ako noon sa kanya pero nagkamali ako ng tingin sa batang iyon. Ayaw nya rin sa akin gaya ng ibang bata dahil pangit ako at mataba. Dahil doon ay di na ako nagpahayag pa ng damdamin sa mga babae. Nagfocus lang ako sa pag-aaral at di nagkaroon ng kaibigan kahit sa States. Ayoko na ng rejection. Masakit. Naging maayos ang buhay namin sa America kaso lang ay may pangyayaring di inaasahan. Akala ko makakalimutan ko na sya. Isinama pa kasi ako ni daddy sa paguwi sa Pilipinas noong 18 years old na ako. Noon ko muling nakita ang magandang babae na kahit masakit ang ginawa sa akin ay iba pa rin ang nararamdaman ko sa kanya pero she just rejected me again. Si daddy kasi, ipapakilala nya daw ako kay Kaye pero nakita naming tumatakbo na ito papalayo nang makita niyang papalapit na kami. Alam kong mataba ako at maraming ayaw sa itsura ko noon pero alam ko sa sarili ko na cute naman ako at malinis sa katawan. Pero akit ganoon sya? Nandidiri ba sya sa akin? Yung binuo kong self confidence ay unti unti nanamang nawala. Ewan ko ba kung bakit umasa ako nang katiting na pag-asa na gusto rin ako ng babaeng iyon. Akala ko lang pala. Ilusyon ko lang pala. Mali pala ako ng akala. Mataas nga pala sya at mababa lang ako. Nagkaproblema rin kami financially ng mga panahong iyon. Mula noon nangako akong babaguhin ang aking sarili. Sa susunod na magkikita kami ay ibang Rome na ang makikita niya. Ang pakay talaga namin sa pag-uwi ng Pinas ng mga panahong iyon ay nagkasakit kasi si mommy at balak ni daddy na humiram sa mga kaibigan nya ng pangtustos sa pagpapagamot. Lumapit kami kay Carlos. Sa ama ni Kaye. Alam ni daddy na malago ang negosyo ni Carlos Santiago. Sya ang tinitingala ng lahat. Sya ang pinakamagaling na negosyante at nakukuha niya ang pinakamalalaking investors sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa. Balewala sa kanya kung hihiram kami ng limang milyon para kay mommy. Biglaan ang pagdapo ng sakit ni mommy at comatose agad siya. Nagmamakaawa si daddy sa tapat ng bahay ni Carlos pero hindi siya pinansin ng lalaking iyon. Ilang araw kaming pabalik balik sa mansyon ni Carlos pero di nya kami kinausap kahit isang beses. Araw-araw ay lumalala ang kundisyon ni mommy hanggang sa nabalitaan namin mula sa aking tita na wala na si mommy. Bankrupt na noon si Daddy at di na rin naoperahan pa si mommy. Kung natlungan lang sana kami ni Carlos, sana ay nadugtungan pa ang buhay ng aking ina. Dahil doon matindi ang galit namin ni Daddy sa mag-ama. Pababagsakin namin sila at kukunin ang lahat ng mayroon sila. “Boss, may tumatawag po,” biglang nawala ang pagbabalik tanaw ko sa mga pangyayari sa aking buhay. “Hello, governor,” kausap ko ang isa sa mga pinakamataas na tao sa aming samahan. Leader sya sa buong bansa at ako naman ay under nya. Mataas rin naman ang posisyon ko. Ilang bayan ang hawak ko para sa mga illegal na negosyo naming to. Walang nagawa si daddy noon. Walang gustong tumulong sa kanya kaya umanib sya sa samahang ito. Nabaon kami sa utang at naibenta ang lahat ng ari-arian para lamang maipagamot si mommy. Kaya lang ay binawian rin ito ng buhay. Maaagapan pa sana kung tumulong lang si Carlos. Pero tinanggihan nyang dugtungan ang buhay ng aking ina. Para makaahon sa hirap, ang pagsanib sa samahan ang naisip ng aking ama. Ang solusyon niya sa kawalan namin ng pera. “Kamusta ang transaction diyan sa lugar mo?” tanong ng kausap ko sa kabilang linya. “Ok naman po Gov. Walang problema.” “May ipapahawak akong isang deal sayo. Wala akong problema sayo at magaling ka kaya ikaw na ang mag asikaso nito. May tiwala ako sayo, Rome.” “Ok po. Walang problema. Salamat sa tiwala Gov.” “Magkita tayo sa isang araw at sasabihin ko ang mga detalye.” “Ok po. Salamat Gov. Ingat po kayo.” Madali kaming nakaahon sa problemang pinansiyal mula nang umanib si daddy sa grupong ito. Ngayon ay isa na lamang sya sa mga adviser. Paparty-party, inom,kain at pa out of country pa ang mga may edad na kasapi. Nagpapakasaya sa buhay at paglustay ng salapi ang alam nilang gawin. Kaming mga bata ang kumikilos at ginagawa ang mga transaction. Drugs, human trafficking, kidnapping, scams at kung anu-ano pa. Mahirap. Kailangan matatag ka sa ganitong uri ng trabaho. Di dapat pairalin ang kunsensya at dapat lang isipin ay pera. Nasasanay na ako at sarili ko lamang dapat ang isipin ko. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko lalo na ang maghiganti sa mag amang yumapak sa pagkatao namin ng aking ama at naging dahilan ng pagkamatay ng aming ina. Nakuha ko na si Kaye, nakuha ko na ang gusto ko sa kanya at isusunod ko na ang negosyo ng kanyang pamilya. Maisasakatuparan ko na ang pangako ko sa aking ama at maipaghihiganti ko na sila ni mommy kay Carlos Santiago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD