Mhina "Ganito ba?" "Gan'yan lang. Tama naman 'yan." Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon matapos kong timplahan ng gatas si Dandan sa feeding bottle niya. Itinuro sa akin ni Ana ang tamang sukat ng gatas at ng tubig. Si Dandan naman ay nakaupo na sa playmats na nakalatag sa sahig, na mayroong iba't ibang color, letters and numbers. At ngayon ay tuwang-tuwa na siya sa paglalaro ng mga nagkalat na toys niya dito sa silid niya. Gabi na at natapos na kaming kumain kanina sa ibaba. Tinuruan ako ni Ana at ni nanay Rosing kung ano ang mga dapat na ipakain pa lang sa kanya sa edad niyang mag-iisang taon. Itinuro niya rin sa akin kung paano ang tamang paglilinis sa kanya, pagsusuot ng diaper, damit, tamang paglalagay ng pulbos sa kanya at kung ano-ano pa. Medyo mahirap dahil malaki na siya