Mhina Naalimpungatan ako sa matinis na pagsipol na narinig ko. Medyo masakit iyon sa tainga ko. "That's a bird." "Moo... Moo..." Idinilat ko ang naniningkit ko pang mga mata. Naririnig ko ang tinig ni Daemon at Dandan mula sa kung saan. Kaagad ko silang nilingon sa tabi ko ngunit wala na sila dito. "That's not moo, baby. I think moo is a... cow or a buffalo." "Moo... Moo..." Natanaw ko sila sa balcony at nakaharap sa labas. Nasisinagan sila ngayon ng araw. Buhat ni Daemon si Dandan. Si Dandan naman ay may tila inaabot sa hangin at nagkakanda-haba ang nguso niya. Naririnig ko naman ang mga pagtawa ni Daemon na mukhang giliw na giliw din siya kay Dandan. Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan sila. Kay sarap nilang pagmasdan. Ang mag-ama ko. Bigla kong naalala ang