Mhina "Tara na! Let's go!" Napalingon kami kay Ana na tumatakbong lumabas ng gate ng apartment at kaagad lumapit sa aming sasakyan. Bitbit niya ang isang bayong na mukhang maraming laman. "Sasama pa siya?" tanong ni Daemon na parang hindi niya gusto. "Oo naman. Marami pa siyang kailangang ituro sa atin kung paano alagaan ng tama si Dandan." Mabilis na nagtungo si Ana sa likurang bahagi ng kotse at binuksan ang pinto sa back seat. Kaagad din siyang pumasok sa loob at itinabi sa bag ang bayong na dala niya. Hindi naman na sumagot pa si Daemon. "Let's go. Sa akin na muna si Dandan. Hindi siya p'wede d'yan sa unahan." Kaagad na itinaas ni Ana ang mga kamay niya sa gilid ni Daemon. Para namang ayaw pang ibigay ni Daemon si Dandan kay Ana dahil napakatagal niyang kumilos. Pero sa huli