Mhina Gabi na nang makauwi kami ng bahay. Tatlo sa mga tao ni Daemon ang paroo't paritong nagpapasok dito sa loob ng mga pinamili namin na isang katerba yata sa dami. Pagod na pagod ako at nananakit na ang mga paa ko, gano'n din ang likod ko. Sana naman ay nabawasan ako kahit isang guhit man lang na taba sa katawan ko dahil sa maghapon naming kalalakad sa mall! Nalibot yata namin ang buong mall at halos bilhin na ni Daemon ang lahat ng paninda doon! Haay, ano na nga kayang nangyayari sa lalaking 'to? Sigurado akong napakalaki ng perang naubos namin ngayong araw. Doon na rin kami nag-lunch at nag-dinner kaya naman ngayon ay magpapahinga na lang kami. "Bukas ko na lang aayusin 'yong mga pinamili natin. Pagod na ako," aniko kay Daemon habang ako ay halos gumapang na sa pag-akyat ng