Mhina Ilang oras na ang nakalilipas matapos ang napakainit na pagniniig namin ni Daemon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Naging mailap na ang antok para sa akin kahit alas kuwatro na ng madaling araw at ilang sandali na lang ay magliliwanag na sa labas. Samantalang ang may sapi kong asawa ay kanina pa mahimbing ang tulog habang ang kalahati ng katawan niya ay nakadagan pa rin sa akin. Nakayakap ng mahigpit ang isa niyang braso sa baywang ko na para bang takot na takot siyang sa paggising niya ay wala na ako. Nakasiksik din ang mukha niya sa leeg ko at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa balat ko. Naririnig ko rin ang mahina niyang paghilik. Kaya marahil hindi na ako makatulog ay dahil sa napakalapit niyang bibig sa tainga ko. Hindi ko lang kasi lubos