Mhina
NAKALIKOM ako ng one hundred three thousand pesos sa mga ibinenta kong mga alahas ko. Malaking pera din ito at may magagamit na ako sa mga kailangan kong gawin sa buhay ko.
Nagtungo ako sa padalahan ng pera at ipinadala ko na lang muna kay Ana ang halagang thirty thousand pesos. Siya na muna ang bahalang mag-badget niyon sa loob ng ilang buwan hangga't wala pa akong nahahanap na trabaho.
At kung magkatrabaho man ako, hindi naman ako kaagad-agad makakasahod. Kailangan ko ding gumastos para sa mga requirements ko at sa pag-a-apply. Kailangan ko din ng advance deposit para sa kukunin kong apartment at badget ko sa pang-araw-araw na gastusin ko.
Ang alam ko, mostly ay dalawang buwan ang ibinibigay na down sa mga owner ng apartment. Kung minsan pa ay kinukuhanan din nila ng advance deposit ang mga ilaw at tubig.
Pumasok ako sa loob ng grocery store sa isang Mall na nadaanan ko. Mamimili ako ng kahit kaunti para sa ipangluluto ko mamayang hapunan kahit wala namang ibinigay sa akin na pera si Daemon.
Bukas na ako mag-uumpisang maghanap ng trabaho, kahit anong trabaho na lang siguro ang kukunin ko. Basta meron at madali akong matatanggap. Saka ko naman isusunod ang paghahanap ng apartment.
Pagpasok ko sa loob ng grocery store ay kumuha lang ako ng maliit na trolley cart na may isang basket. Nagtungo ako sa area ng mga de lata at noodles.
Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa mga mamahaling canned goods na paborito ni Daemon.
Hindi ako bibili ng mga 'yan dahil kailangan kong magtipid.
Dumampot ako ng ilang piraso ng sardinas at corned beef. Bahala na kung paanong luto ang gagawin ko sa kanila.
Kumuha ako ng mga mumurahing noodles at inilapag din sa basket ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo naman sa area ng mga kape. Ngunit isang lalaki ang biglang nakatabig sa kaliwa kong braso na siyang ikinalingon ko sa kanya.
"Hey, s-sorry. What the--"
Maging ako ay napamulagat din sa lalaking ngayon ay nakatitig din sa akin na tila gulat na gulat.
"Oh, i-ikaw." Bigla akong napaturo sa kanya.
Kaagad naman siyang ngumiti sa akin. "You too. Is it a coincidence or is it... meant for us to meet again?"
Kaagad naman akong napailing sa kanya na may ngiti sa mga labi ko.
"Siguro malapit ka lang dito kaya hindi malabong mangyari 'to."
"Hmm, it's only a few miles away."
Natawa naman ako sa sinabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kaniya.
"So, kumusta? Nakauwi ba kayo ng maayos kagabi?"
Napalingon akong muli sa kanya nang sabayan niya ako sa paglalakad. May tinutulak din siyang trolley na may lamang isang piraso ng nutella.
"Ahm, yeah." Sinulayapan ko lang siya ng bahagya bago muling nagpatuloy.
Bigla kong naalala ang mga nangyari sa nakalipas na gabi at nakaramdam ako ng hiya dahil sa nagawa sa kanya ni Daemon.
"That's good."
Muli ko siyang nilingon at sinuri ang mukha niya. Natatandaan ko kasi na dumugo ang ilong niya matapos siyang suntukin ni Daemon kagabi.
At napansin ko nga ang maliit niyang pasa sa pisngi. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya nang mapansin ko ang kakaiba niyang pagtitig sa akin habang hindi maalis-alis ang mga ngiti sa mga labi niya.
"Ahm, I'm so sorry nga pala sa nagawa ng asawa ko sa iyo kagabi. Pasensiya na," nakayuko kong sabi sa kanya dahil sa hiya.
"Your husband?"
Kaagad akong napalingon sa kanya sa isinagot niyang 'yon. Tila ba may laman ang tono niya.
"I didn't mean anything. But... akala ko lang hindi." Natawa siya ng bahagya na may kasamang pag-iling.
Natahimik ako at hindi nakasagot.
Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Kung nakita niya si Daemon sa buong gabi na 'yon na ibang babae ang kasama, malamang ay 'yon talaga ang iisipin niya. At siguro ay nakakapagtaka rin kung paano naging asawa ng isang Daemon Johnson Delavega ang isang tulad kong malapit na yatang maging obese dahil sa sobrang katabaan.
Napakarami nga namang sexy na mga babae, katulad na lang no'ng babaeng kalandian ni Daemon kagabi sa event.
Bigla akong napahinto at napalingon muli sa kanya.
"Ano nga pala ang ginagawa mo sa event na 'yon kagabi? Isa ka ba sa mga bisita o may connection ka rin sa mga Delavega?"
"Nakakapagtaka ba kung sino ako?"
Ilang sandali akong napatitig sa kanya.
Hindi kasi siya familiar sa akin. Palagi naman akong present sa bawat event ng mga Delavega at ngayon ko lang siya nakita doon. Hindi kaya bagong investor o kasosyo ng mga Delavega? Pero bakit parang hindi siya nakilala ni Daemon noong magkaharap sila kagabi?
"Actually, naisama lang ako ng isa sa mga business partners ng mga Delavega." Kumamot siya sa tungki ng ilong niya kasabay nang pag-alis ng mga mata niya sa akin.
"So, wala ka talagang connection sa kanila?"
"Hmm... abandoned."
"Ha?"
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil masyadong mahina.
"Nevermind. By the way, can I get your name? Hindi kasi tayo nagkakilanlan ng maayos kagabi dahil sa mga nangyari."
"Oh, yeah. My name is Mhina, Mhina Said Delavega."
"Oooh, there's a little pride in the last name. By the way, I'm Dave, Dave Vargas D."
Kaagad niyang inilahad sa harapan ko ang kamay niya. Ilang sandali ko naman itong tinitigan bago tinanggap. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko kaya't kaagad ko rin itong hinila.
"Ano ang kahulugan ng D?" naitanong ko sa kanya.
"My father's last name."
"Oh, I see."
Napatango-tango ako habang nakatitig sa kanya.
Lihim na napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang may napapansin akong kakaiba sa kanya. Sa bawat gestures o movements ng mga mata niya, kilay, ilong, mga labi, ang bawat pagngiti niya... Para bang may kapareho siya.
Oh, baka namamalik-mata lang ako. Kaagad kong ipinilig ang ulo ko.
"Why are you staring at me like that? Am I too handsome?" aniya na siyang ikinataas bigla ng isa kong kilay.
May pagkamayabang din pala 'to, eh.
"Wala naman. Parang nakita na kita dati pa. Kung hindi ka related sa negosyo ng mga Delavega, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
Ipinagpatuloy ko nang muli ang pagtulak sa trolley cart ko at muling nagtingin-tingin sa iba pang mga bilihin.
"I guess you're familiar with Dave Man in Black?"
Muli akong napalingon sa kanya.
"Men's perfume?"
"Aha."
"Huwag mong sabihing ikaw ang sole proprietorship niyon?"
"You're not wrong about that."
"Oh!" Nagulat ako at napanganga habang nakatitig sa kanya. "I-Ikaw?"
Ang Dave Man in Black ay isa sa mga sikat na men's perfume brand sa buong bansa. Isa ito sa mga ginagamit ni Daemon at napakabango naman talaga. Kaya nga maraming linta ang dumidikit-dikit sa kanya. Tsk.
"I'm serious."
Napatango-tango ako sa kanya lalo't nakita ko rin ang kaseryosohan sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Oh, so ikaw pala. Nagagalak akong makilala ang isang sikat na perfumer na tulad mo. You're probably the shadow man in your print ads. Bakit hindi mo ipinapakita ang hitsura mo sa lahat? Marami na bang nakakaalam bukod sa akin na ikaw talaga ang may-ari ng negosyong 'yan?"
"Hmm, ikaw pa lang."
Muli akong napatitig sa kanya.
"I don't trust anyone. That's all."
"Pero bakit ako? Bakit sinabi mo sa akin?"
"There's something unique about you that I can't find in anyone else."
"Tsk. Mataba ako, baka 'yon ang ibig mong sabihin."
Bigla siyang tumawa sa naging sagot ko.
"Masaya ka naman pala talagang kasama pero bakit binuburo mo ang sarili mo sa isang makasariling tao? I'm sorry for my word. I just really don't like insulting any woman, especially since you're not just any woman. You are his wife, aren't you?"
Bigla akong natahimik sa sinabi niyang 'yon.
Gusto ko sanang ipagtanggol si Daemon laban sa mga sinasabi niya pero... dapat pa ba? 'Yon naman talaga siya. Nakakasawa na rin ang ipagmalaki siya lalo't hindi niya naman na-a-appreciate 'yon, lahat nang mga ginagawa ko sa kanya.
"Anyway, I have to go. I hope this isn't the last time we meet. If you need someone to talk to, you can call me." Humugot siya ng wallet mula sa bulsa niya at inilabas mula doon ang isang calling card.
Kaagad niya itong iniabot sa akin.
"If you need help, you can come to me. Ahm, do you have a job besides being his wife?"
Ilang sandali akong napatitig sa kanya at sa hawak niyang calling card. Hindi ko malaman kung tatanggapin ko ba ito o hindi.
"Ahm, w-wala pero naghahanap ako ng trabaho." Muli akong napayuko at hindi magawang salubungin ang mga mata niya.
"Exactly! I have many vacant positions that will suit you. Kung gusto mo lang, wala nang kailangan pang kapritsuhan para matanggap ka. Just be yourself, that's okay with me."
Muli akong napatingala sa kanya sa sinabi niyang 'yon at hindi ako makapaniwala.
Binigyan niya ako ng isang kindat habang nakangiting nakatitig sa akin.
Hindi ko naman malaman ang isasagot ko.
"Sige na." Siya na ang kumuha sa kamay ko at inilapag doon ang calling card niya. "I won't force you. I just want to help."
Nagsimula na siyang humakbang paatras habang nakangiti pa rin sa akin.
"Be careful. I'll wait for your call," aniya bago siya tuluyan nang tumalikod at naglakad patungo sa pinakamalapit na counter.
Napababa ang paningin ko sa hawak kong calling card niya.
Trabaho. Inaalok niya akong magtrabaho sa kanya?
Hindi na ako mahihirapan pang mag-apply.
Tatanggapin ko kaya? Paano kapag nalaman ni Daemon? Siguradong malaking gulo ito.